bc

Goal University

book_age16+
12
FOLLOW
1K
READ
family
HE
opposites attract
bxg
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

Ang Goal University ay isang sikat na paaralan para sa mga taong may mga pangarap na nais matupad sa buhay.

Ngunit hindi lamang talino at galing ang sinusukat sa paaralang ito.

Dito nasusubok kung gaano ka kadeterminado na abutin ang iyong mga pangarap—kung hanggang saan ang kaya mong gawin at kung ano ang handa mong isakripisyo para makamit ang mga ito.

Apat na babae, mag kakaibigan. May iisang hangarin. Ang makapasok sa Goal University at matupad ang kani-kanilang mga pangarap.

Sa kanilang paglalakbay, matututunan nilang hindi sapat ang sipag, talino, at determinasyon upang makamit ang lahat ng kanilang nais.

Dahil paano kung sa mismong daan patungo sa kanilang mga pangarap ay subukin sila ng Tadhana?

Paano kung ang kanilang pagkakaibigan ang unang kailangang isakripisyo?

Mananatili kaya silang magkakasama sa kabila ng mga pagsubok?

At sa huli...

Matutupad kaya nila ang kanilang mga Goal sa buhay ng magkakasama?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"MEET THE CHARACTER" S A B R I N A ' S POV "Sister!" Parang batang sigaw naming apat ng makita namin siya. Matawa matawa pa kami dahil nagulat siya. Si Sister Dhina, ang madre na nag-alaga samin dito sa bahay ampunan. Agad niya naman kaming sinaway ngunit palihim lang kaming tumatawa sa kaloob looban namin. Andito kami ngayun sa Maria Helen Church kung saan kasama pa namin ang ibang kasama namin sa bahay ampunan, tama kayo? Inampon lang kami. Ang sabi ni Sister Dhina, si Athena raw ay iniwan sa simbahan. Si Mina naman ay sa sementeryo at si Jenna naman ay sa truck ng basura habang ako naman ay nakita nalang sa daan malapit sa may basurahan. Palihim kaming nagsisitawanan dahil baka mapagalitan kami, masama pa naman magalit si Sister Dhina. "Shhh! Tama na nga'tong tawanan nato!" Saway ni Athena ngunit natawa rin sya kaya naman hindi na namin napigilan pang tumawa ng mahina. Napatingin samin ang lahat kaya sabay sabay kaming nag piece na apat kay Father na ngumiti lang samin. Hindi naman sa bastos kami dahil ganto kami sa church sadyang pasaway lang talaga kami. Pagkatapos ng misa ay hindi sinasadyang magkatulakan kaming apat sa dami ng taong lumabas. "Mina! ikaw na magsabi kay Sister," sambit ko. Umiling naman sya at itinuro si Jenna at ngumisi ng kakaiba. "Si Jenna nalang, makapal naman mukha nyan eh." Natawa naman kami dahil totoo naman yun, natawa nalang rin si Jenna at agad na tumakbo palapit kay Sister Dhina. "Wait! Sister...." "Oh Jenna? Anong kailangan mo?" tanong ni Sister at napatingin sa relo nya. "Magpapaalam po sana kami sa inyo ngayun kung pwedeng mag enroll kami sa paaralan. Yung Goal University bilang scholar." Matagal na tumingin samin si Sister bago ngumiti kaya naman nagtatalon kami na parang bata. "Pumapayag ako basta ba pagbutihan nyong apat." Sabay sabay naman kaming tumangong apat at nag apir-apir. Ang tagal naming hiniling na pumasa kami kaya naman pinagbutihan naming apat yung pag-aaral namin. Sa wakas!! Nakatingin lang kaming apat sa may building ng Goal University , nandito na kami sa gate. "Ang sarap sumigaw," bulong ni Jenna. "Natikman mo naba?" Pangbabara ko kaya naman inirapan nya ako. "Pakisampal nga ako! Parang nananaginip ako eh." Akmang sasampalin ako ni Jenna ng umiwas ako. Siraulo talaga, gagawin nga. Hindi mabiro. "Oh bakit? Sabi mo e." Depensa nya ng makita ang matalim kong tingin. Tama nga yung sabi sabi na makita mo palang tong University na ito ay magugustuhan mo na kaagad. Kahit hindi pa namin nakikita loob parang gusto ko ng mag titili eh. "Pumasok na kaya tayo," aya ni Mina kaya naman pumasok na kami sa loob. Entrance exam kasi ngayon at kapag nakapasa kami need pang interview-in daw. Maraming tao kaya naman nakipagsiksikan kami para lang makapunta sa may bench ng makaupo na kami. Nalaman namin tong eskwelahan nato dahil bali balita to dun sa school namin dati, sobrang sikat nitong school nato pero kaunti lang ang nakaka graduate, mahigpit raw kasi yung mga prince kuno dito sa university nato. Ewan koba kung sino yung mga yun dahil wala naman kaming paki at wow huh? Talagang may prince pa, na para bang nasa isang w*****d kami at may Prince pang nalalaman. "May gwapo oh!" Turo ni Jenna sa lalaking may nakabunggong babae. "Gwapo nga di naman marunong mag sorry." May kasamang pag-iling pa si Mina. "Paalala lang, Yung 7B's ha? Wag kakalimutan." Napatango lang kami kay Athena. Nang tawagin na ang pangalan namin sa speaker eh agad kaming pumunta sa isang room at naupo, marami kaming mga kasamahan dito sa room na ito. Kung nagtataka kayo kung bakit alam yung name namin ay dahil nung pumasok palang kami dito eh ibinigay na namin sa guard dun sa gate yung papers na kakailanganin. About sa goal at kung ano ano pang nakalagay sa test paper at syempre unang nakatapos ay si Athena. Nang matapos na kami ay sabay sabay naming ipinasa ang test paper at agad na lumabas, sinabi nung teacher na maghintay daw kami para iannounce kung nakapasa ba or hindi. Naglibot libot muna kaming apat madali lang naman dahil may mapa kaming apat na ibinigay nung guard kanina. Sa laki ba namang ng school na'to sino ba namang hindi maliligaw. "Music room, dance room, intrument room, Wow!" Nasabi ko na lang. Ngayon lang ako nakatapak sa school na may mga bawat room para sa music at iba pa. "Gutom na ako, kain na muna tayo." Pag-aya ko sa kanila, agad naman na tinignan ni Mina ang mapa at naglakad kaya naman sinundan namin sya. Buti na lang talaga at kakaunti lang ang nandito sa Cafeteria ngayonm Naks! cafeteria, dati rati lang di canteen lang kami. "Ang mahal naman ng pagkain dito." Mahinang reklamo ni Athena. "Apat nga pong small size ng Dark chocolate cake at apat na C2." Order ni Jenna na hindi na pinansin pa ang reklamo ni Athena. Medyo mahal nga tinitinda dito kaya kailangan talaga namin maging working student. Buti nalang talaga binigyan kami ni Sister ng pera plus may pera pa kaming apat na naipon kapag may mga raket at ibang kagamitan kaming nabebenta sa labas ng bahay ampunan at doon sa dating school. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kaming bulletin board para malaman ang resulta, kakaiba talaga tong school nato ang bilis magsisikilos at na post kaagad nila ang mga nakapasa, sabagay ang dami nilang computer dito eh. "Oh my gosh! Nakapasa tayong apat!" Tuwang tuwa si Jenna, nagtatalon talon naman kami with tulakan. "Enroll na tayo bilang scholar." Nagpunta kami sa principal office at agad naman kami nitong pinapasok. "Wow, kayo palang ang kauna unahang nakapasa bilang scholar dito sa school nato. Pero wag kayong maging kampante muna, iinterview-hin pa kayo." Ngumiti na lang kaming apat. "Pumunta nalang kayo sa room 4." Lumabas na kami at nagpunta sa room 4 kung saan iinterviehin kaming apat. Pagkapasok palang namin ay narinig namin ang pag-iyak ng babae, nakasalubong namin ngunit hindi na namin natanong pa kung anong nangyari. "Pakilagay nalang sa table yung record nyo." Utos nung isang lalake na katamtaman lang yung kulay ng balat. Wow, ang gwa-gwapo naman nila. Inilapag ni Jenna yung mga papel ng makaupo na kami. Tinignan nila yung mga record about samin, nagmamasid lang ako sa kanilang apat. Sa palagay ko silang apat yung prince kuno dito sa school. "So bakit nyo naisipan na mag aral sa school na ito, bilang scholar?" Seryosong tanong nung isang lalake na nakaupo sa table. "Para matupad namin yung mga goal namin sa buhay namin, nag enroll kami bilang scholar dito dahil wala kaming pera pambayad. Iyan lang naman ang paraan namin para makapag-aral dito at iyon yung ipasa namin ang entrance exam," sagot ko. Tumango naman yung lalakeng nagtanong. "Magkaano ano kayong apat?" tanong naman ng lalakeng may hawak hawak na gitara na seryosong seryoso yung mukha. "Magkakaibigan." Si Mina na ang sumagot. Nagkatinginan yung apat na lalake, tila nagkakaintindihan sila sa paraan lang ng pagtitinginan nila. "Gaano kayo kakampante na makaka graduate kayo dito kung makapasa man kayo dito?" tanong naman ng isa na may hawak na ballpen na nilalaro at may ngisi sa labi. "Well, 100 percent na kampante kami. Were strong girls kaya kahit ano gagawin namin alang alang sa goal namin na gusto naming matupad ng magkakasama kaming apat at etong school lang nato ang nakikita naming pag-asa." Seryoso na si Athena kaya napaseryoso na rin ang mga mukha namin. "Kung papapiliin kayo, Lovelife or Friendship?" What? Bat may ganon pang tanong. Never namin naisip na mag hanap ng lovelife dito. Mayayaman sila, kami mahirap. Wala kami sa w*****d word para maisip pa yon. "Big NO sa lovelife, Kung papapiliin kami about dyan syempre Friendship," sagot ni Jenna. Nagsitunguhan naman yung apat na lalake. "Well, Congrats. Officially enrolled na kayo dito sa Goal University." Sambit nung may hawak na gitara.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.1K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
71.0K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
13.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

MY HOT DADDIES (SSPG)

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook