Chapter 2

1543 Words
"1ST DAY" A T H E N A ' S POV "Sisterr!" Agad kaming nagsitakbo papunta sa kinaroroonan ni Sister Dhina ng makauwi na kami. Halos magkandarapa pa kami sa pagtakbo dahil sabay-sabay kaming excited na ibalita sa kanya ang magandang nangyari. "Nakapasa kayo?" tanong niya. Nagsitanguhan kaming apat kaya naman napangiti siya. "Sister, maraming salamat po sa lahat-lahat. Kung hindi niyo kami dinala dito, edi hindi kami magkakasamang apat at magiging magkakaibigan. Marami po kayong natulong sa amin pero this time po, hihiwalay muna kami. Doon sa Goal University po kasi may mga dorm na, pero bibisita pa rin naman po kami sa inyo," paliwanag ni Mina. "Basta ba pagbutihan niyong apat. Kayo lang makakatulong sa sarili niyo," aniya. Tumango kaming lahat. Hindi man namin gustong umalis, alam naming kailangan naming gawin ito. Goal University ang unang malaking hakbang para sa mga pangarap namin. At para sa aming apat na lumaki sa bahay-ampunan, malaking bagay na ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa isang sikat na university. Agad naming inayos ang mga gamit namin at nagpaalam na sa iba. Nakaligtas na rin kami sa mga taong gustong umampon sa amin. Ayaw kasi talaga naming apat na may mag-ampon sa amin. Gusto naming magkakasama kaming apat. Hindi yata namin kakayanin kung sakaling magkakahiwalay kami. "Libreng pagkain, libreng uniform, libreng pa-dorm. Oh my gosh! Ang saya maging scholar," nasabi ko na lang habang inaayos ang mga damit ko. "Tayong apat lang daw ang scholar doon na tinanggap nung interview," mahinang sambit ni Jenna. "Talaga? Special tayo?" tanong ni Sabrina. "Oo." "Wow. Main character!" Napatingin kaming tatlo sa kanya. "Joke lang!" mabilis niyang dagdag sabay tawa. Napailing na lamang ako. Si Sabrina talaga, kahit kailan hindi nauubusan ng kalokohan. Nang malapit na kami sa gate ng Goal University pinahinto ko na kay Kuya Ester yung tricycle. Si Kuya Ester yung tagahatid namin simula una pa lang. Tricycle driver siya sa bahay-ampunan at madalas niya kaming ihatid kapag may kailangan kaming puntahan. "Good luck sa inyo, mga bata," sabi niya. "Thank you, Kuya Ester!" sabay-sabay naming sagot. Pagkababa namin, agad kaming napatingin sa malaking gate ng Goal University. Ang laki. Ang ganda. At parang hindi talaga bagay sa amin. "ID niyo?" tanong nung guard na halatang hindi makapaniwala sa amin. "Wala pa po kaming ID," sagot ni Mina. Napakunot-noo ako. Parang kakapunta lang namin kanina dito. Hindi man lang natandaan ang mga mukha namin. Hello? Yung ganitong mukha namin kinakalimutan lang? Pinapasok naman niya kami kaya agad kaming nagtungo sa G-Dorm 2. Madali lang namin nahanap dahil sa tulong ng mahiwagang mapa ni Jenna. "Uy, Dora, ang galing mo talaga," pang-aasar ko. "Ang gagaling niyong mang-asar eh, no?" aniya habang nakasimangot. Kinuha niya sa akin ang susi at agad na binuksan ang pinto. Pagkabukas pa lang— "Hala! Ang ganda!" Malinis, maaliwalas at higit sa lahat, may sarili kaming kwarto. "Ang lambot ng kama, oh! Sa taas ako, ah!" Agad na umakyat si Jenna sa double deck na parang siya ang unang nakakita ng kama sa buong buhay niya. "Hoy! Huwag mong aangkinin!" sigaw ni Sabrina. "Naunahan ko na kayo!" Napatawa ako habang napapailing. "Start na ng klase bukas," paalala ko sa kanila. Agad kong binuksan ang cabinet malapit sa pintuan ng CR. "Shocks! May uniform na kaagad na nakahanda, oh." Kinuha ko ang isa at tumapat sa salamin. Ang ganda! Maayos at bagong-bago pa. Hindi tulad ng mga lumang uniform na nakasanayan naming gamitin sa bahay-ampunan. "Sino kaya yung prince dito sa school na 'to?" tanong ni Jenna. "Baka yung apat na lalaki," sagot ko at napailing. Ayoko lang sabihin na yung apat na iyon ang prince kuno dito dahil hindi naman talaga ako sure kung sila. Baka mamaya ay taga-interview lang pala sila. Hindi ko rin naman makalimutan ang apat na lalaking iyon. Kung tutuusin, ang lakas ng dating nila. Pero hindi ako interesado. Siguro..... Kinabukasan, sa sobrang excited naming apat, alas-singko pa lang ay ready to go to the room na kami. Alas-siyete kasi ang umpisa ng klase kaya nag-agahan na lang muna kami sa cafeteria. Medyo konti lang ang mga tao dahil siguro karamihan sa mga estudyante ay sa dorm nag-aagahan. Umupo na kami matapos makuha ang pagkain. Naging tahimik kaming apat at para bang wala nang bukas. Sadyang gutom lang kami dahil hindi rin kami nakakain kagabi dahil natulog na agad kami dahil sa pagod. "Grabe, parang sampung taon tayong hindi kumain," sabi ni Sabrina habang mabilis na kinakain ang pagkain niya. "Slow down," sita ni Mina. "Eh gutom ako." "May pagkain pa naman." "Malay mo maubusan." Napailing na lang ako sa sinabi niya. Nang matapos kami, agad kaming nagtungo sa classroom. "Eto na yung room," ani Mina at agad na binuksan yung pintuan. Medyo kaunti pa ang tao dahil maaga pa. Agad kaming umupo sa second-to-the-last row. Katabi ni Mina ang bintana, nasa kaliwa naman niya si Sabrina, tapos ako at si Jenna. "Sana gwapo teacher natin. Medyo bata-bata para naman masaya," ani Jenna. "Teacher lang, gusto mo pa gwapo?" tanong ko. "Oo naman. Motivation." Napatawa ako. Isa-isa nang nagsidatingan ang mga kaklase namin kaya naman nagsiayos na kami. Marami kaming nakikita na nag-aayos ng sarili nila. May nagpu-pulbo, may nagsusuklay at may nag-aayos ng buhok. Nagpulbo muna ako at humarap sa unahan nang makitang bumukas yung pintuan. Niluwa nito ang teacher na halatang bata pa. Shocks. Ang gwapooo! "Hello, everyone. I'm your teacher in MAPEH at magiging adviser niyo rin. I'm Mr. Nike Dela Vega, 20 years old." Napatingin kaming apat sa isa't isa. Twenty? Ang bata niya pa para maging teacher! Third year high school na kaming apat at 16 years old. Ang pinaka-matanda ay si Mina, sunod ako, Jenna at si Sabrina. "Ang bata," bulong ni Sabrina. "Narinig ka," sagot ko. Bigla siyang yumuko kaya napatawa ako nang mahina. "Alam niyo naman na ang Goal University ay para sa mga taong may pangarap sa buhay. Dito, matutulungan namin kayo na matupad niyo 'yon. Marami kayong pagsubok na kailangan niyong lagpasan kaya sana kahit anong mangyari, magpakatotoo at magtiwala lang kayo," sabi ni Sir Nike. Tahimik kaming nakinig. May kakaibang dating ang mga salita niya. Parang hindi lang basta paaralan ang Goal University. Parang bawat estudyante rito ay may kailangang patunayan. "Ngayon gusto kong magpakilala kayo at i-describe ang sarili niyo," aniya. Sa last row nagsimula at nang turn na ni Mina ay agad siyang tumayo. "I'm Mina, 16 years old. Book lover." Simple. Straight to the point. "Hello everyone! I'm Athena, 16 years old. The shy type girl." Syempre, charot lang yung mahiyain dahil sa crush ko lang naman ako mahiyain. "Eyowww! I'm Jenna, 16. Makapal mukha and I thank you!" Natawa kaming lahat. "Sabrina, 16. The happy-go-lucky," aniya at ngumiti. 7:00 AM hanggang 1:00 PM ang klase. Hindi pa muna pala talaga ngayon ang official start ng klase dahil may ginagawa pa ang ibang guro. Nagpakilala lang si Sir Nike at agad na umalis. Ngayon, pwede na kaming mag-gala dito at libutin lahat-lahat. "Arat! Gala us? Sa labas ng school," aya ni Jenna. Agad naman kaming lumabas ng room. "Pwede bang lumabas?" tanong ko. "Oo naman, no. Ipapakita mo lang ID mo," sagot ni Mina. Agad niyang ipinakita yung ID niya sa guard. Nang makalabas kami ng school ay agad kaming tumawid at pumasok sa G-Mall. Katapat lang kasi ng Goal University ang mall kaya naman anytime pwede kaming pumunta doon. "Look! Iyon yung mga lalaking nag-interview sa atin, oh!" sabi ko at nginuso yung apat na lalaking nasa loob ng McDonald's. Kitang-kita sila mula sa labas. "Ang gwapo nila, no?" ani Sabrina. "The 7B's?" pagpapaalala ko. Nagsitawanan naman sila. Isa kasi sa goal namin na magkakaibigan ay tuparin ang 7B's. Hindi kami magbo-boyfriend hangga't hindi pa namin tapos ang Goal Number 6. "Well, Goal Number 1 natin?" tanong ni Jenna. "Check na," sagot ko. "Nakapasa at naging scholar tayo dito sa school na 'to. Proceed to Goal Number 2 na tayo." "Goal Number 2," sambit ni Mina. "Exciting." "Sa restroom tayo," aya ko sa kanila. Inaya ko sila para makapag-ayos kami ng mga mukha namin. Sobrang hagard na kasi namin kakalakad. Pagpasok namin sa restroom, agad kaming nagtungo sa salamin. "Ang putla mo, Mina. Uso mag-lip tint." Kinuha ko yung lip tint ko at nilagyan siya sa cheeks at labi. "Ikaw naman, Jenna." "Huwag sobra." "Arte." Nilagyan ko rin siya. Pagkatapos, humarap ulit ako sa salamin at nagkilay-kilay. Kilay is life ako eh. Ba't ba? Si Sabrina naman parang bata, pabukas-bukas ng tubig. Agad akong nagreklamo nang matalsikan niya ako ng tubig ngunit bumelat lang siya at binasa pa ang buhok niya. "Sabrina!" Tawa lang siya nang tawa habang ako naman ay nakasimangot. "Ikaw talaga!" "Relax ka lang, Athena." "Relax? Binasa mo mukha ko!" "At least fresh ka na." "Fresh ka diyan!" Nagtawanan sina Mina at Jenna habang kami naman ni Sabrina ay nagtatalo sa harap ng salamin. First day pa lang namin sa Goal University pero ramdam ko nang marami kaming pagdadaanan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin. Hindi ko rin alam kung anong mga taong makikilala namin. Pero habang nakatingin ako sa tatlo kong kaibigan na nagtatawanan sa harap ng salamin, isang bagay ang sigurado ko. Hindi ako natatakot. Dahil kahit anong mangyari, magkakasama kaming apat. At sisiguraduhin naming walang maiiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD