Chapter 3

1604 Words
"PUNISHMENT/CLUMSY" M I N A ' S POV Naglakad-lakad lang kami sa loob ng G-Mall habang nagkukuwentuhan. Since wala pa naman kaming gaanong ginagawa, naisipan naming libutin muna ang mga stores at tingnan kung may mabibili kami. Busy na busy sina Jenna at Sabrina sa pagtingin ng mga accessories habang ako naman ay tahimik lang na sumusunod sa kanila. Hanggang sa may hindi inaasahang nangyari. Bumangga ako sa isang babae. "Are you okay? Sorry talaga." Agad akong yumuko at tinulungan siyang pulutin ang mga librong nahulog. Hindi ko naman ugaling hindi humingi ng tawad kung kasalanan ko. Kahit maliit na bagay lang, mas mabuting magsorry kaysa naman magkunwaring walang nangyari. "Okay lang ako. Maraming salamat... By the way, I'm Drea." "Ako naman si Mina. Mga kaibigan ko nga pala sila Jenna, Athena at Sabrina." Isa-isa kong itinuro ang mga kasama ko. "Hi!" sabay-sabay nilang bati. "Magkakaibigan na tayo, ha? Pero I need to go na talaga. Hinihintay na ako eh. Late na talaga ako sa usapan. Kita-kit's na lang sa school." Agad siyang nagpaalam at naglakad palayo. "Goal Number 2, done," ani Athena. Napangiti ako. Goal Number 2: Makipagkaibigan sa iba. Isa na namang goal ang natupad. "National Book Store," aya ko. Habang naglalakad kami sa loob ng bookstore, abala ang bawat isa sa paghahanap ng mga kailangan namin para sa school. May mga notebooks, pens at iba pang school supplies na agad nakatawag ng pansin sa amin. "Guys, tingnan niyo 'to!" sigaw ni Sabrina habang may hawak na cute na notebook. "Ang cute," komento ni Jenna. "Bilhin mo." "Libre mo?" "Pass." Maya-maya, may nakita si Athena na isang notebook at agad niya itong kinuha. Kukuhanin na sana niya nang may isa ring kamay na sabay na humawak dito. "Ako nauna," naiinit na sabi ni Athena. "Pero una kong nahawakan. So akin na 'to," pang-iinis nung lalaki. Napatingin kaming lahat sa kanya.Gwapo sana. Kaso mukhang playboy naman. Mayabang din ang ngiti. "Zack, ibigay mo na lang sa kanya. Kawawa naman si Miss Beautiful, oh," sabi ng kasama niya. Agad namang binitawan nung Zack at mapang-asar na ngumiti. "Sige! Kawawa naman eh." Agad siyang naglakad paalis kasama ang mga kaibigan niya. "Kainis! Bwisit na 'yon," ani Athena habang hawak ang notebook. "Ikaw kasi, makikipag-agawan ka pa." "Eh ako naman talaga ang nauna." "Okay na, Athena." "Gwapo sana pero nakakainis." Napatingin ako sa kanya. "Interested?" "No!" Mabilis niyang sagot. Pagkatapos naming mamili ng ilang school supplies, umuwi na rin kami sa dorm. Pagod na kaming lahat dahil halos buong araw kaming naglibot. Pagdating sa dorm, kanya-kanyang bagsak sa kama. Hindi na rin kami nagtagal sa pag-uusap dahil kinabukasan na ang official start ng klase. At hindi ko alam na magiging memorable pala ang araw na iyon. "s**t!" Nagising ako sa sigaw ni Jenna. Napabangon ako bigla. "Late na tayo!" Napatingin ako sa orasan. 7:35 AM. Nanlaki ang mga mata ko. "s**t! Late na talaga!" Agad kaming apat na nagsitakbuhan. Wala nang proper breakfast. Wala nang mahabang pag-aayos. Basta makaligo at makapag-uniform lang kami, okay na. Patay kami nito. Ngayon pa naman ang umpisa talaga ng klase. Scholar pa naman kami tapos late kami ngayong first official day. Pagdating namin sa school, halos tumatakbo na kami sa hallway. Hinihingal kami at magulo pa ang buhok ni Sabrina. "Wait!" "Late na!" "Ikaw ang nagsabing bilisan natin!" "Eh bakit kasi hindi kayo gumising!" "Kasalanan mo rin!" "Hoy, tama na!" Hindi ko na sila pinansin at agad akong tumakbo papunta sa classroom. Kumatok ako sa pinto at agad naman itong binuksan. Napayuko kami nang makita ang teacher. "Go to the punishment room. Now." Napaawang ang bibig ko. Nako naman. Agad kaming nagtungo sa punishment room. Pagpasok namin, may isang babaeng teacher na nakaupo roon. Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. "Scholar pa naman kayo tapos late kayo." Napayuko kami. Walang makasagot. "Kunin niyo yung mga walis at basahan. Maglilinis kayo." Nanlaki ang mata naming apat. "Ha?" "Mina, linisin mo yung mga bintana. Sabrina, sa bubong, walisan mo. Jenna, ikaw maglinis sa garden. At ikaw, Athena, magmo-mop." Napatingin kami sa isa't isa. Ang malas naman namin. Kainis. Kumuha kami ng mga gamit at agad na naglinis. Habang naglilinis ako, hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. First official day. Late agad. Punishment agad... Perfect. Agad kong pinunasan ang mga bintana ng laboratory room. Isa-isa kong nilinis ang mga ito habang nakatingin sa paligid. "Ba't eto lang nag-iisang sarado?" Tanong ko sa sarili ko. Lahat ng bintana ay bukas, tapos itong isa lang ang sarado. Siguro may dahilan. Pero dahil kailangan kong matapos ang trabaho ko, pinunasan ko na lang din kahit sarado. Habang pinupunasan ko iyon, bigla na lang bumukas. At ang ending— BANG! Natamaan ako sa mukha. "Pakshit!" Napahawak agad ako sa noo ko. Ang sakit! Mukhang nagkasugat pa yata. "Ouch!" Nakita ko ang isang lalaki na nasa loob ng laboratory room. Nakasilip ito sa bintana. Eto siguro yung nagbukas. Natawa siya nang makita ang naiinis kong mukha. Anak ng teteng. Eto yung isa sa mga lalaking nag-interview sa amin. "Hoy, ikaw!" Agad kong binuksan ang pintuan ng laboratory room. "What?" Kapal ng mukha. Parang walang nagawang kasalanan. "Sinugatan mo 'ko, oh! Tapos tatawa-tawa ka lang diyan!" "Anong gusto mong gawin ko? Tumawag ng ambulansya?" Napasinghap ako. Grrrr! Bwisit na lalaking 'to! "Ang kapal ng mukha mo. Hindi man lang mag-sorry. Hindi ka siguro tinuruan! Tamang pagso-sorry lang eh!" Binato ko sa kanya yung basahan at saktong tumama naman ito sa pisngi niya. Napapikit siya. Mukhang nainis. Umalis na lang ako para puntahan ang iba. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Sino ba 'yon? Hindi marunong mag-sorry. "Wait!" Napasigaw ako nang may biglang humawak sa braso ko. "Ano?" Bigla na naman akong nainis nang makita kong siya lang pala ulit. "I'm sorry, okay?" Napatingin ako sa kanya. "Ang cute mo lang kasing mainis. Halika, sasamahan kita sa clinic." "Hindi na kailangan." Pero bago pa ako makatanggi, hinila na niya ako papuntang clinic. Walang tao. "Wala si Nurse Kylie," aniya at pinaupo ako. Agad siyang kumuha ng first aid kit at naupo sa harap ko. Kumuha siya ng betadine at bulak. Tahimik lang siya habang nililinis ang sugat ko. Mas seryoso na siya ngayon kumpara kanina. "Aray." "Masakit?" "Obviously." "Sorry." Napatingin ako sa kanya. Ngayon lang siya nagsorry nang maayos. "What's your name?" seryosong tanong niya. "Mina." "Mina? Mina lang? Complete name?" Curious ba 'to sa akin? "Mina Guertez." Tumango naman siya. "I'm Drei Perez." Hindi ko naman tinatanong. Pero at least alam ko na ang pangalan niya. Tahimik siyang naglagay ng band-aid sa noo ko. "Okay na." "Thanks." Ngumiti ako nang kaunti at agad na lumabas ng clinic. Nagmamadali ako dahil baka naghihintay na ang mga kaibigan ko. Narinig ko ang pagtawag niya ngunit hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Bakit ba niya ako sinusundan? "Wait!" "Kyahhh!" Tili ko at pumikit nang bigla akong madulas. Shit! Nakakahiya! Naramdaman kong muntik na akong bumagsak pero agad niya akong nahawakan. "Sinabi na kasing wait lang eh." Tumakbo siya papunta sa akin at tinulungan akong makatayo. "Ano ba kasi 'yon?" "Yung wallet mo kasi nahulog sa pagmamadali mo." Tiningnan ko ang kamay niya. Hawak niya ang wallet ko. "Ah." Kinuha ko iyon sa kanya. "Thank you." "Bat ka ba kasi nagmamadali?" Inirapan ko lang siya. "Ganyan ka na ba talaga ka-clumsy?" Natatawang tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang galing mang-asar. Nakakagigil. "Bahala ka nga sa buhay mo! Kung mang-aasar ka lang, pwede ba—" Natawa siya. "Okay, okay! I'm sorry. Pero clumsy ka ba talaga? Remember first meet natin? Nauntog ka sa pinto." Pinaalala pa niya. Napangiwi ako. Kahapon kasi, nung sabihin nilang congrats kami, agad kaming nagtatalon na apat. At dahil excited ako, ako ang nasa unahan. Bubuksan ko na sana yung pinto nang may nagbukas din mula sa kabilang side. At dahil hindi ako nakaiwas— BAM! Nauntog ako. Isa na namang embarrassing moment. "Normal lang 'yon," depensa ko. "Weh?" "Pwede bang tumahimik ka?" Tumawa lang siya. "Itri-treat na lang kita." "Teka. Saan?" "Arat sa cafeteria." Close ba kami para ilibre niya ako? "Teka! Huwag na." Umiling siya at agad akong hinila. Puro hila na lang ang ginagawa sa akin. Kakadulas ko lang kanina, oh! Masakit pa ang balakang at puwet ko. "Umupo ka na lang muna diyan. Ako na bibili." Habang naghihintay, napansin kong may mga taong nakatingin sa akin. Problema ng mga tao ngayon? Yung iba, ang sama-sama ng tingin sa akin. May nagawa ba akong mali? "Hey." Napatingin ako. "Wag mo na lang silang intindihin." Hindi ko namalayang nakabalik na pala si Drei. Inilapag niya sa mesa ang isang box ng pizza at dalawang milk tea. "Isang box ng pizza? Mauubos mo ba 'yan?" "Sino bang nagsabing ako lang kakain?" Binuksan niya ang box. Apat na piraso. Napakunot-noo ako. "Tig-dalawa lang tayo. Wag kang masiba, uubusin mo pa pera ko." May sapak ba 'tong lalaking 'to? "Eh ba't pina-box mo pa? Apat lang naman pala." "Naka-box at naka-tali pa? Wow. May tewang nga." "Para sosyal, di ba. Wag ka nang magtanong at kumain ka na lang diyan, Miss Clumsy Girl." Clumsy Girl? Tinawag niya akong clumsy! Ang galing mang-asar. Pero habang nakatingin ako sa pizza at milk tea na binili niya, hindi ko maiwasang mapangiti nang kaunti. Hindi ko alam kung bakit niya ako nilibre. Hindi ko rin alam kung bakit parang ang dali niyang mang-asar sa akin. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit sa dami ng taong nasa Goal University, siya pa ang paulit-ulit kong nakakasalamuha. Baka malas lang talaga ako. Simula nang makilala ko si Drei Perez, parang hindi na matatapos ang pagiging clumsy ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD