Chapter 4

1477 Words
"MALAS" J E N N A 'S POV Yaya ba kami? Mukha ba kaming taga-linis "Alam mo, Jenna, maglinis ka na lang," sabi sa akin ni Sabrina. Kami na lang kasi ang magkasama ngayon dahil pupunta na siya sa bubong para maglinis. "Oh siya! Pumunta ka na doon at maglinis ng bubong. Good luck sa'yo." Napasimangot naman siya at naglakad na paalis habang dala ang mga gamit niya. "Good luck din sa'yo." Kinuha ko naman kaagad ang mga bulaklak na nalalanta na. Habang naglilinis ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Ang ganda ng garden dito. Ang daming iba't ibang halaman at bulaklak. May mga puno rin sa gilid na nagbibigay ng lilim kaya kahit tirik ang araw, hindi gaanong mainit. Napangiti ako nang may dumapong paru-paro sa daliri ko. "I have this attitude kasi na kinakausap ko mga hayop eh. Trip ko lang, ba't ba?" mahina kong sabi sa sarili habang nakatingin sa paru-paro. Dahil wala namang tao rito, aangkinin ko muna itong garden. Pumitas ako ng isang bulaklak at inilagay sa tenga ko. Tumingin ako sa paligid at nagsimulang magpaikot-ikot na para bang isa akong prinsesa na ngayon lang nakalabas sa palasyo. "Look at me! I'm a princess!" Tumawa ako sa sarili ko. "Finally, nakalabas na rin ako sa castle!" Pero habang abala ako sa pag-iikot— "s**t!" Muntik akong matumba nang matalisod ako sa isang bato. "Bobo naman! Pa-feeling-feeling pa kasi." Napasimangot ako. Akala ko wala talagang tao. Pero nang tumingin ako sa gilid, nanlaki ang mata ko. May tao pala dito. Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin na parang may nakita siyang baliw. "Hoy! Anong ginagawa mo dito?" Tinaasan niya lang ako ng kilay at nilagpasan ako. What the— Inindian beauty ako? Hindi ko na siya nilingon at pinagpatuloy ko na lang ulit ang ginagawa ko. Kunwari wala siyang nakita. Pero dahil sa sobrang hiya ko, lalo akong nagmadali sa pag-iikot. At sa sobrang pag-iikot ko— BANG! What the! May nahalikan ba ako? Mabilis akong tumayo at napatingin sa lalaking nasa harapan ko. Siya rin yung lalaking kanina. "Ba't andito ka pa rin?" Gulat na tanong ko. "f**k!" Did we—" "La lala lala!" Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko. "Wala akong naririnig! Wala akong naririnig!" Yung first kiss ko napunta sa taong hindi ko naman kilala at pangalawang beses ko pa lang nakita! Hindi man lang romantic. Walang slow motion. Walang music. Walang flowers. Agad akong tumakbo palayo. Hindi ko na siya nilingon. Ang first kiss ko! Wala na!! At mas masakit dahil hindi ko man lang alam ang pangalan niya. Habang tumatakbo ako, paulit-ulit kong hinahawakan ang labi ko. "Jenna, ano ba 'yan!" First day pa lang. May punishment na.Tapos nawala pa ang first kiss ko. Perfect. Samantala, hindi ko alam na hindi lang ako ang nagkakaroon ng malas na araw. SABRINA'S POV "Nako naman! Ba't ba kasi sa bubong pa?" Reklamo ko habang nakatingin sa taas. Nakakainis naman, oh! Kinuha ko ang hagdan at inilagay sa gilid ng building. Nang masigurado kong maayos ito, kumuha ako ng walis at agad na umakyat. Medyo kinakabahan ako dahil first time kong umakyat ng bubong. Wag lang sana akong malasin ngayon. Baka mamaya gumulong pa ako at mamatay. "I'm feeling sexy and free!" Pakanta-kanta pa ako habang naglilinis. "Andyan ka na naman, 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag, nadarang—" Nagulat ako nang may biglang nagbato ng bato sa bubong. Dahil sa sobrang gulat ko, nadulas ang paa ko. "s**t!" Nagpagulong-gulong ako. Napapikit ako at akala ko katapusan ko na.Pero hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko sa lupa. Sa halip, may humawak sa akin. "The fuck." Inis na sabi ng lalaki bago niya ako binitawan. Bagsak ang katawan ko sa lupa. "What the hell! Magpapakamatay ka ba, Miss?" Singhal niya. Kahit masakit ang katawan ko, tumayo pa rin ako at sinamaan ng tingin ang lalaking ito. Siya ang punot dulo ng lahat kung bakit muntik na akong mamatay ngayon. "For your information, nagulat ako dahil sa pagbato mo ng bato kaya nadulas at gumulong ako!" "Ba't kasi pakanta-kanta pa? Akala ko may pusang naghihingalong kumakanta eh." Nanlaki ang mata ko. What the hell! Iniinsulto niya ba ang boses ko? "Bobo! May pusa bang kumakanta, ha?" "Tsk.. " Lumapit ako sa kanya. "Sa susunod kasi bago ka mambato sa bubong, siguraduhin mo munang walang tao!" Tumingin siya sa akin at ngumisi nang mapang-asar. "Tao ka pala?" Nagdilim ang paningin ko. Iniinis ba ako ng bwisit na lalaking 'to? "Oo! at Ikaw, hayop!" Bago pa siya makapag-react, inunahan ko na siya. Nag-walk out na ako kaagad. Noong unang kita ko sa kanya, akala ko mabait. Hindi naman pala. Sobra makapang-asar. Hindi ko alam kung bakit parang lahat ng lalaki sa school na ito ay nakakainis. ATHENA'S POV Kanina pa ako lampaso nang lampaso dito pero ayaw matanggal nung dumi sa tiles. May glue yatang nakalagay dito sa dumi. "Ano 'to? Mancha?" Humakbang ako paatras para tingnan kung malinis na ba ang parte na iyon. Pero agad na nanlaki ang mata ko nang may makita ako sa sahig. "One thousand?" Uy! Swerte yata ako ngayon ah. Pang-kain ko na rin 'to sa mga magdadaang araw. "Uy! Nakapulot." Agad-agad kong kinuha yung isang libo. Pero sa sobrang pagmamadali kong kunin iyon— Nadulas ako. Natapon ang balde. "Malas!" Kung sino man ang may-ari nitong isang libo, for sure malas 'yon. Agad akong tumayo at binalanse ang katawan ko. Pero hindi pa ako masyadong nakakatayo nang may makita akong lalaki sa harapan ko. Nasa harapan ko na pala siya. Natumba ulit ako sa sobrang gulat. "That's my money," aniya. "Oh, sa'yo na. Malas na isang libo mo." Napatingin siya sa akin. At pagkatapos ay sa legs ko. Nanlaki ang mata ko. Yung skirt ko! Tumaas! Agad kong hinila pababa ang palda ko.Kahit masakit ang katawan ko, tumayo ako at tumakbo palayo. Nakita niya yung short kong Spongebob ang design! Halatang natatawa yung lalaki. Ang malas naman ng araw na 'to. Agad akong bumalik sa garden kung saan naroon ang mga kaibigan ko. "Athena! Ang haggard ng mukha mo," ani Mina nang makita ako. "Minalas ako ngayon, eh." Tinitigan niya ako. "Teka, anyare diyan sa noo mo?" Sasagot na sana siya nang dumating rin sina Jenna at Sabrina. Teka. Ba't lutang at nakabusangot ang dalawang 'to? "Anyare sa'yo, Mina?" tanong ni Sabrina. "Yung lalaki kasi binuksan yung bintana at ang ending, tinamaan ako sa noo." Napatingin siya sa akin. "Eh kayo naman?" Nainis na naman ako. "Nakakita ako ng isang libo pero nadulas ako at yung may-ari nasa harapan ko na pala. Ang mas nakakahiya, nakita niya yung short ko na Spongebob ang design." Mabilis silang natawa. "Ang malas mo!" tawa ni Sabrina. "Jenna?" Napatingin kami sa kanya. Alam naming lutang siya pero bakit parang mas lutang siya ngayon? "Jenna, anyare sa'yo at lutang ka na naman?" Napasimangot siya. "Kingina, mga bhessy!" Napatingin kaming lahat sa kanya. "Hindi na virgin lips ko." Nanlaki ang mata ko. "Nagpaikot-ikot kasi ako doon sa garden na para bang prinsesa ako and then iyon, nabunggo ako at natumba. Lumapat yung labi ko sa tao." Napahawak siya sa labi niya. "Nakakainis!" Nagpapadyak-padyak pa siya sa sahig dahil sa inis. Napatinginan kaming tatlo. Hindi namin alam kung matatawa ba kami o maaawa. "Ang malas niyo naman," sabi ni Sabrina. "Pero mas malas ako." "Teka, bakit mukhang proud ka pa na muntik ka nang mamatay?" tanong ko. "May walanya'ng lalaki kasi na nagbato habang naglilinis ako sa bubong!" Nagsimula siyang magkuwento. "Sa sobrang gulat ko, nadulas at nagpagulong-gulong ako. Buti na lang nahawakan ako nung bwisit na lalaki!" "At inaway mo?" tanong ni Mina. "Oo naman!" "Anong sinabi niya?" "Tinawag niyang pusang naghihingalo yung boses ko!" "HAHAHAHA!" Hindi na namin napigilan ang tawa. "Hoy! Nakakatawa ba 'yon?" "Oo!" "Bwisit kayo!" Nagtawanan kaming apat. Pero habang nagtatawanan kami, bigla kaming natahimik. Napatingin kami sa isa't isa. May sugat si Mina sa noo. Nawalan ng first kiss si Jenna. Muntik nang mamatay si Sabrina. At ako naman, nakita ng isang lalaki ang Spongebob kong short. "Ang malas natin ngayong araw." "Ang alam lang natin, si Mina ang malas sa ating apat," sabi ni Jenna. "Eh bakit kami nadadamay?" dagdag ni Sabrina. Napatingin kaming lahat kay Mina. "Teka, bakit ako?" "Ikaw kasi!" "Anong kasalanan ko?" "Call a friend!" sigaw ni Sabrina. Nagtawanan kaming lahat. Siguro nga malas ang araw na iyon pero kahit gaano ka-weird, nakakahiya at kapalpakan ang nangyari sa amin, at least magkakasama pa rin kami. At sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang maging malas kasama sila kaysa maging swerte nang mag-isa. Hindi pa namin alam na ang araw na iyon ay simula pa lang ng mas marami pang kalokohan, problema at mga taong hindi namin inaasahang magiging parte ng buhay namin. Pero sa ngayon, isang bagay muna ang malinaw. Apat kaming malas. At mukhang hindi pa tapos ang malas namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD