"PRINCE"
J E N N A 'S POV
"Isang magandang pagbati ng good morning para sa mga taong magaganda. Good morning sa inyo mga beautiful ladies."
May bigla na lang sumulpot sa harapan namin at sinabi iyon kaya napakunot-noo kaming apat. Ang aga-aga pa, may panggugulo na agad.
"Isang nakaka-bad mood na umaga para sa taong mayayabang!" ani Athena.
"Zack! Wala ka pala, eh."
Sinamaan lang ng tingin ni Zack ang isa sa tropa niya. Tatlo kasi sila. Hindi ko lang kilala ang dalawa at wala naman akong balak silang kilalanin.
"Miss Sungit!" Inirapan lang ni Athena si Zack.
Naglakad na lang ulit kami papunta sa room namin. Sino ba yung Zack na iyon at ang lakas maka-FC? Parang feeling close agad sa amin kahit ngayon pa lang kami nagkakakilala.
Binuksan ko na ang pinto pero nanlaki lang ang mga mata ko sa nakita ko.
"IKAW!"
"KAYO NA NAMAN!"
Sabay-sabay naming sinabi iyon.
Anong ginagawa ng mga ito sa classroom namin? Teka lang. Agad kong iniwas ang paningin ko nang magtama ang mata namin ng lalaking nakakuha ng first kiss ko.
Nabatrip na naman ako. Kainis.
First kiss ko iyon, eh. Tapos sa kanya lang mapupunta.
Para sa first boyfriend ko sana iyon! Hindi sa lalaking hindi ko naman kilala.
"Hi, Mina." Awkward lang na ngumiti si Mina. Agad naman namin siyang tiningnan na tatlo.
Kilala niya iyon. Hindi man lang sa amin nagsasabi.
"Magkakilala kayo? Paano?"
Nagtinginan ang apat na lalaki na para bang may pinapahiwatig sa mga tinginan nila.
"So? Siya yung sinasabi mong si Clumsy Girl na nagkabukol at natapilok?"
Agad na sumama ang tingin ni Mina dahil sa sinabi nung lalaking nakasalamin. Nagsalamin pa, wala namang grado.
"Hello, Miss Nahulog sa Bubong." Napairap lang si Sabrina.
Agad namang tumawa ang isang lalaki.
"Miss Spongebob?"
Padabog na umupo si Athena at isinalpak sa tenga niya ang earphones niya.
Agad na nagtama ulit ang mata namin ng nakakuha ng first kiss ko pero umiwas ulit ako at naupo sa tabi ni Sabrina.
Ba’t ba sila nandito?
At bakit kami pa lang ang mga tao rito?
Nasagot ang tanong ko nang magsidatingan ang iba naming kaklase. Medyo maaga pa pala.
"Oh my gosh!"
"Ang gwapo talaga nila!"
"Buti naman pumasok na sila!"
"Drei!"
"Mkkkk!"
"Brixxx Jairus!"
"Kevinnnn!"
Ang iingay naman ng mga babaeng ito. Nakakainis naman.
Sikat pala yung mga iyon dito? Hindi namin nahalata.
"So sila yung mga lalaking nang-bwisit sa inyo kahapon?" tanong ni Mina.
Nagsitanguhan naman kami.
"Nag-search ako about sa Goal University. Di ba may tinatawag silang mga prince dito?"
Tumango ulit kami kay Mina.
"Well, silang apat lang naman ang prince dito. Yung nakasalamin ay si Kevin Pangilinan, pinaka-mabait sa apat sabi nila."
"Yung lalaking naka-blue backpack ay si Drei Perez, guitarist at pinaka-mapang-asar sa apat. Yung parang robot naman na iyon, na siyang nakakuha ng first kiss mo, Jenna, ay si Brix Rivero. Hindi palatawa iyon. At last ay si Mark Ken Reyes or MK, musician at pumapangalawa kay Drei sa pang-aasar. Lahat sila ay team ng basketball players dito sa Goal University."
Natahimik kaming apat.
"The prince of the school?" bulong ko.
"Ang pangit pala ng mga prince ng school na ’to."
Ay putek!
Nagtawanan kaming apat. Siraulo talaga si Sabrina. Kung iba siguro, pupurihin na nila agad ang apat.
"Gaga! Baka marinig tayo. Magkaroon pa tayo ng basher niyan," sabi ni Mina.
Nagtawanan na naman kami.
Hindi ko man gustong aminin, curious din ako sa apat. Pero mas gusto kong huwag silang pansinin. Lalo na si Brix. Ayoko nang maalala ang nangyari sa garden. Naiinis lang ako at nahihiya sa nangyari.
MK'S POV
"There's something bothering me about those girls," sabi ni Kevin kaya naman natuon ang atensyon namin sa kanya.
Tama nga naman siya.
Noong interview pa lang, parang kakaiba na sila. Hindi sila katulad ng ibang ininterview na kinakabahan at pilit ipinapakita ang pinakamagandang side nila. Sila, natural lang.
Nacu-curious tuloy kami.
"Pre! Dahil siguro nakita mo yung short ni Miss Spongebob," biro ko.
Binato niya lang ako ng eraser.
"Aray! Grabe ka."
"Look!" sabi ni Brix.
Napatingin kaming lahat sa laptop niya. Ang bilis talaga nito.
"Yung sinasabi mo, Drei, na si Miss Clumsy ay si Mina Guertez—dating member ng volleyball team sa dating eskwelahan nila at English ang pinaka-magaling sa kanya."
"Si Spongebob Girl naman ay si Athena Velasquez, Top 1 simula pagkabata, in short, matalino. Yung nahulog naman na sinasabi mo ay si Sabrina Alcantara—sa Math naman siya magaling at guitarist sa school nila dati. At ang last ay si Jenna Villafuerte—lutang minsan pero best in Science."
Napatango kaming apat.
Napatingin kami sa apat na babae na nagtatawanan lang sa kabilang bahagi ng room. Parang wala silang pakialam sa paligid.
"I think mas kailangan natin silang pagtuunan ng pansin," ani Kevin. "Scholar sila at kailangan nating malaman kung deserving ba sila roon."
Napatango naman kaming tatlo.
May dahilan kung bakit sila napili.
At gusto naming malaman kung ano iyon.
Break time....
"Una na muna ako, ah," paalam ko sa tatlo.
"Saan punta, tol?" tanong ni Kevin.
Naks!
Nagpapaalam pa lang ako, miss na kaagad nila ako.
"Pre! Wag ka namang pahalata sa akin. Mamimiss ko kaagad ako. Diyaan lang ako sa garden. Matutulog."
Binato ako ni Kevin ng papel sabay taas ng gitnang daliri niya.
Aba, gago.
Finuck you pa ako.
Agad akong pumunta sa garden at umupo, pasandal sa nag-iisang puno roon. Tahimik ang lugar at sakto para makapagpahinga.
Magseselfie sana ako nang makita ko si Hulog Girl.
"Miss! Hulog!"
Agad na kumunot ang noo niya.
Tinarayan niya ako.
Aba-aba!
Wala pang nantataray sa akin nang ganoon. Siya lang.
"For your information, may pangalan ako. Wag bobo!"
Napangisi ako.
"For your information, wala pang nangangahas na kausapin ako nang ganyan. Bukod-tangi ikaw lang. Baka gusto mong mapalabas kita dito sa eskwelahan na ’to."
"Teka lang, ha! Hindi porket isa ka sa mga prinsipe dito e ganyan ka na. Gwapo nga, demonyo naman. Anong silbi ng pagka-gwapo mo kung yung ugali mo demonyo?"
Halatang sobrang inis na siya. Aba, kung siya sobrang inis na, ako sobra pa sa sobra.
"Wala kang karapatan para sabihan akong demonyo."
"At wala ka ring karapatan na asar-asarin ako hangga’t kailan mo gusto," naiinit niyang sabi.
"Pakialam mo ba kung nakukyutan ako sa’yo kapag naiinis ka?"
Natatawa kong sabi.
Pero totoo iyon.
Ang cute niya kapag naiinis.
Para siyang si Angry Bird HAHAHA.
"Ako cute? Gago."
Siya na nga ang sinabihang cute, siya pa ang galit.
"Hindi ako cute! Kainis."
"Cute ka na nga, ayaw mo pa? Buti nga sinabihan kitang cute kahit hindi naman talaga." Natatawa kong sabi.
Tumaray naman siya.
"Ang pangit mo, gunggong!"
"Pangit na pala yung ganitong mukha? Wow! Nakakahanga naman."
"Ang yabang mo naman! Anong akala mo sa’yo, gwapo? Wow, kapal ng mukha nito. Nung nagpasabog siguro ng kayabangan, lahat sinalo mo, no? Grabe na yung kalevelan ng kayabangan mo. Di ko ma-take."
Ngumisi naman ako sa kanya.
"Hahahaha. Alam mo? Nakakatawa ka."
Napaikot niya ang mata niya.
"You made my day, Miss Sabrina Alcantara."
Sandali siyang natahimik.
At sa unang pagkakataon, hindi siya agad nakasagot.
Napangiti ako.
Hindi ko alam kung bakit ang dali niyang asarin. Siguro dahil bawat reaction niya ay nakakatawa. Kapag naiinis siya, lalong lumalaki ang mata niya at kumukunot ang noo niya. Kapag naman wala siyang masabi, mabilis siyang tumitingin sa ibang direksyon. Nakakatuwa.
Pero hindi ko rin dapat kalimutan ang dahilan kung bakit ako nandito. Scholar sila, at kailangan naming siguraduhing kaya nilang panindigan ang oportunidad na ibinigay sa kanila. Hindi sapat na matalino lang sila. Kailangan din nilang maging determinado.
"Hindi pa tayo tapos!" Halatang inis ang boses niya, binato nya pa ako ng papel.
Sinamaan niya pa ako ng tingin bago umalis
Napailing ako habang natatawa.
Mukhang magiging interesting ang school year na ito para sa amin.