Chapter 6

1331 Words
"GOAL DIARY" A T H E N A 'S POV "Yung goal diary natin? Asan?" tanong ko ng maalala yung diary namin. "Nasa damitan ni Mina" sagot ni Jenna. "Okay. Kukunin ko." Tumayo ako at nagpaalam muna sa kanila para pumunta sa dorm. Kukunin ko kasi ang goal diary naming apat. Simula pa noong mga bata kami, nagsusulat na kami roon ng mga pangarap namin, mga pangyayaring hindi namin gustong makalimutan, pati mga pangakong ginawa namin sa isa't isa. Regalo samin 'yon ni Sister Dhina noong nasa bahay-ampunan pa kami, kaya sobrang halaga nito sa amin. Para na rin iyong naging alaala ng lahat ng pinagdaanan naming apat. Pagdating ko sa dorm, tahimik ang hallway. Marahil ay nasa classroom pa ang karamihan dahil hindi pa naman lunch time. Dumiretso ako sa locker ni Mina at agad na kinuha ang diary. Pamilyar na pamilyar na sa akin ang makapal nitong pabalat at ang mga sulat namin na halos hindi na mabasa dahil sa tagal. Nang maisara ko ang locker, saka ko lang napansin na may nakatayo pala sa likuran ko. Si Kevin. Napahinto rin siya nang makita ako. Ilang segundo kaming nagkatitigan na parang walang gustong magsalita. Tahimik ang paligid, kaya mas lalo kong napansin ang kakaibang tingin niya sa hawak kong notebook. "Bakit?" nagtatakang tanong ko nang mapansin kong nakatitig lang siya sa diary. "Ano 'yan?" tanong niya. Naka kunot noo pa sya at halatang interesado sa hawak ko. Napataas ang kilay ko. Pakielam nya ba? "Bakit mo naman itinatanong? Close ba tayo?" Hindi siya agad sumagot. Sa halip ay ngumiti lang nang nakakaloko. "Ms. Spongebob? Tinatanong kita." Napairap ako ng mata. Hay nako! Bumalik na naman ang kahihiyan ko. Naalala ko na naman ang pangalawa naming pagkikita. Simula nang mangyari iyon, parang ginawa na niyang hobby ang pang-aasar sa akin. "Wag ka nang magtanong dahil wala naman akong isasagot sa'yo. At saka, hindi Ms. Spongebob ang pangalan ko." Humalukipkip ako. "Mr. Epal." Napatawa naman siya. "Mr. Epal? Wow! Ang gwapo ko namang epal niyan." Napailing ako. Shit. Bakit ba ang dali kong mapangiti kapag tumatawa siya? Hindi naman puwedeng isipin niyang kinikilig ako. Ayokong lumaki ang ulo ng lalaking 'to. "Epal ka naman talaga," mahinang sabi ko. Lumapit siya ng kaunti. "Pero inaamin mong gwapo ako?" Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. "Feeling." "Hindi feeling. Fact lang yung sinasabi ko. Isang katotohanan." Napairap na lang ako. Nakakainis talaga ang confidence niya. "Una na ako." Tumalikod na siya pero bago siya tuluyang umalis ay lumingon muna siya sa akin. "Ingat, Ms. Athena Velasquez." Nanatili akong nakatulala. First time niya akong tawagin sa tunay kong pangalan. Hindi ko alam kung bakit pero parang iba ang dating ng simpleng pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi tulad ng pang-aasar niya sa akin noon. May kakaibang lambing sa boses niya na hindi ko maipaliwanag. Napailing ako. "Ano ba 'yan, Athena? Huwag kang assuming." Kahit gusto kong paulit-ulit isipin ang ngiti at boses niya, pinigilan ko ang sarili ko. Agad akong bumalik sa dorm room namin dahil break time pa naman. Umupo ako sa kama at binuksan ang goal diary. Dahan-dahan kong hinaplos ang unang pahina bago ko ito binuklat. Our Goals in Life - Makapasok sa Goal University. - Makipagkaibigan sa iba. - Huwag makipag-away. - Huwag mag-boyfriend habang nasa G.U. (7B's Rule) - Makasali sa Top/Honor. - Mahanap ang pamilya. - Huwag mag-cutting classes. - Mag-vlog. - Makatulong sa bahay-ampunan. - Makapunta sa ibang bansa. - Magkaroon ng family bonding. Napangiti ako habang isa-isang binabasa ang mga iyon. May mga check na ang iba, pero marami pa kaming kailangang abutin. Napaisip ako kung gaano na kami kalayo mula noong araw na isinulat namin ang mga pangarap na iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang mga panahong sabay-sabay naming sinusulat ang bawat pangarap. Minsan, kahit maliit lang ang pangarap, ipinagmamalaki na namin iyon dahil alam naming bawat isa ay may sariling laban. Ngayon, magkakasama pa rin kami. Habang binubuklat ko ang susunod na pahina, nakita ko ang mga lumang larawan naming apat. Maliit pa kami noon, magkakayakap habang nakangiti sa harap ng bahay-ampunan. May isa pang litrato kasama si Sister Dhina. Sa ilalim nito ay may sulat. "Hindi mahalaga kung saan kayo nagsimula. Ang mahalaga ay kung hanggang saan kayo dadalhin ng mga pangarap ninyo." Napabuntong-hininga ako. "Promise, Sister... tutuparin namin lahat ng pangarap namin." Maingat kong isinara ang diary. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang f*******:. Nanlaki ang mata ko. Kevin Flores sent you a friend request. Zack Hernandez sent you a friend request. Napakunot-noo ako. "Ano kayang trip ng dalawang 'yon?" Tinitigan ko muna ang dalawang notification. Parehas nilang pinapainit ang ulo ko. Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip, kinumpirma ko na rin ang requests nila bago agad nag-log out. DREI'S POV "Pre!" Napalingon kaming lahat nang hingal na hingal na pumasok si Kevin sa tambayan namin. "Uy, anong nangyari sa'yo?" natatawang tanong ko. "Hinabol ka ba ng sampung kabayo?" Umiling siya. "Hindi kabayo, pre. Sampung shokoy. Tili nang tili." Sabay bagsak niya sa tabi ni Brix na seryoso pa ring nakatutok sa laptop. "OA mo," natatawang sabi ni Zack. "Pagod ako, pare." "Tuloy ba ang plano?" tanong ko. Sabay-sabay naman silang tumango. Nag kibit balikat na lang ako. Okay... Napabuntong-hininga ako at kinuha ang gitara ko. "Pre, una na kami. Busy ka pa sa paggi-gitara." "Sige." Nang makaalis sila ay nagsimula akong tumugtog. Simula Grade 3 pa lang ako, gitara na ang naging takbuhan ko kapag masaya, malungkot, o magulo ang isip ko. "I'm gonna marry your princess and make her my queen..." Bigla na lang bumukas ang pinto. "Ouch!" Napahinto ako sa pagtugtog. Nakatayo roon si Mina habang hawak ang noo. "I'm sorry. Narinig ko kasi na may naggi-ggitara." Napatawa ako. "No need to explain. Mukhang hindi ko lang naisara nang maayos ang pinto." Tumango siya. "By the way... hindi ka papasok?" "Late na kasi ako. Sabi ni Ma'am bawal na." "Sayang." Tahimik kaming nagkatinginan. "Magaling ka pala talagang maggitara." "Medyo." "Pwede bang magpaturo?" Napangiti ako. "Pagpiano lang kasi ang alam ko." "Sige ba. Basta magkaibigan na tayo." Napangiti rin siya. "Okay." "Sorry nga pala ulit doon sa nangyari." "Okay lang." Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. "Kailan ba kita puwedeng turuan?" "Kapag pareho tayong free." Napangiti ako. "Bakit gusto mong matutong maggitara?" Bahagya siyang natigilan bago sumagot. "Yung kuya kuyahan ko kasi... mahilig siyang mag gitara." May lungkot akong nakita sa mga mata niya kaya hindi na ako nagtanong pa. "Sige, una na ako sa room." "Okay." Nginitian niya ako bago tuluyang umalis. Habang nakatingin ako sa pinto, hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. "Ewan ko ba," bulong ko sa sarili. Ibang klaseng tao rin talaga si Mina. Makalipas ang ilang minuto, bumalik na rin ang mga boys sa tambayan. "Oy!" sigaw ni Kevin. "Bakit nakangiti ka mag-isa?" Agad kong ibinaba ang gitara. "Wala." "Huwag kami." Lumapit si Mk at umupo sa tabi ko. "Babae yang iniisip mo no? Kaya ka nakangiti." Napailing ako. "Kaibigan lang." Nagtawanan silang lahat habang napakamot na lang ako sa ulo. "Ang lalakas ninyo mang-asar." "Pero totoo naman," dagdag ni Kevin "At least ako, may progress," sambit ko. "Anong progress?" tanong ni Brix. "Wala. Basta meron." Mas lalo silang nagtawanan. Napailing na lang ako habang nakatingin sa gitara. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko rin maalis sa isip ko ang simpleng ngiti ni Mina habang nagpapaalam siya kanina. Wala akong feelings ah. Na cute'an lang ako sa expression ng mukha nya. Mukha naman siyang mabait. "Hala sya, wala na. Nakangiti na naman ang gagi." Umiling iling pa si Kevin habang tinuturo ako. "Mukhang alam na namin bakit ka ngumingiti ah." Nag sitawanan sila sa sinabi ni Brix. Napailing na lang ako. Bahala sila kung anong gusto nilang isipin. Wala naman akong pakielam sa mga nasa isip nila. "Tara na nga, nagugutom na ako." Sambit ni Mk, sumunod na lang kami sa kanya. Iba pa naman magalit ang gutom. Hindi dapat pinag-aantay. Baka bigla na lang kaming magka black eye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD