"PROJECT"
K E V I N 'S POV
"Good morning, class. Sa ngayon, may project kayo na kailangan ninyong gawin."
Nagtaas agad ng isang kamay ang kaklase namin.
"Ano pong project 'yon, Ma'am?"
"Kailangan ninyong gumawa ng video tungkol sa mga taong iniwan vs nang-iwan. Bukod doon, kailangan n'yo ring ipaliwanag ang lahat-lahat tungkol sa topic. Kayo na ang bahala kung paano n'yo iyon gagawin, pero dapat ay may magawa na kayo sa susunod na Monday."
Pagkasabi ni Ma'am ay agad na nagbulungan ang mga kaklase namin. May iba na excited, may ibang nakasimangot.
Nagkatinginan naman kaming apat sabay ngisi sa isa't isa.
Mukhang magiging masaya 'to.
"Ma'am, paano po yung grouping?" tanong ni Mina.
"Oh, about that, Ms. Guertez, ako na ang bahalang pumili ng mga magiging kagrupo ninyo. Bente kayo lahat-lahat, so mahahati kayo sa sampung grupo. Mamaya ay babalik ako para sabihin ang mga napili kong magkakagrupo. Iyon lang."
Pagkaalis ni Ma'am Dominggo ay agad na umingay ulit ang buong classroom.
"Sana kasama natin ang Prince."
"Kahit si Mk lang, okay na ako doon."
"Oh my gosh! Maisip ko pa lang na kagrupo ko si Drei, mahihimatay na agad ako."
Kumunot noo si Drei sa narinig niya.
"Aba, kung mahihimatay lang naman siya, huwag niya akong idamay."
Nag tawanan kami. Ganoon talaga si Drei. Hindi marunong magpasalamat sa mga taong humahanga sa kanya, laging seryoso.
Agad ring napakunot noo kaming lahat nang may marinig kaming ibang grupo ng babae na nag-uusap.
"Baka naman kapag kagrupo ko si Kevin at Brix, baka ibang project ang magawa namin."
"Aba, asa naman iyon."
Naiinis na sabi ni Brix kaya nagtawanan kaming tatlo.
"Grabe ka naman, pre. Baka naman kinikilig lang sila."
"Manahimik ka, Kevin."
"Totoo naman."
"Ikaw kaya ang sabihin nila."
"Okay lang. Gwapo naman ako."
"Feeling."
Mas lalo kaming nagtawanan.
Dumating na rin ang iba naming teacher sa iba't ibang subject kaya napilitan kaming tumahimik at magpokus sa klase.
Makalipas ang ilang oras, natapos na rin ang mga subject namin.
Natahimik ulit ang lahat nang pumasok si Ma'am Dominggo habang may hawak-hawak na papel.
"So, class, dahil bente lamang kayo sa classroom na ito ay mahahati kayo sa sampung grupo—"
"Team A will be Ms. Francheska Delixx, Mr. Cyrel Bonding, Ms. Mina Guertez, Sabrina Alcantara, Jenna Villafuerte, Athena Velasquez, Mr. Drei Perez, Brix Rivero, Mark Ken Reyes, at si Mr. Kevin Pangilinan."
Napatingin agad sa amin ang apat na babae.
Ngumiti si Mina. Napanguso naman ang tatlo.
Mukhang hindi sila pabor na kami ang makagrupo nila.
"Kahit na hindi naman talaga belong dito sa class natin si Mr. Bonding at Ms. Delixx, isinama ko na sila," dagdag ni Ma'am.
Tumango na lamang kami.
Sinabi na rin ni Ma'am ang mga pangalan ng nasa Team B bago siya tuluyang umalis.
"Para sa mga kagrupo namin, pumunta na lang kayo sa Room 4 bukas. Doon natin sisimulan kung paano natin gagawin ang project." sambit ni Cyrel.
Sabado na bukas, tapos Monday na agad ang presentation.
Pagkatapos ng klase ay nag-usap muna kaming magkakaibigan tungkol sa project bago kami tuluyang umuwi.
KINABUKASAN———
"Uy, pre, 'yung camera ko?"
Agad kong iniabot kay Brix ang camera niya.
"Ang tagal naman nila."
Naiinip na ako habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa Room 4.
"Relax ka lang. Andiyan na sila, oh."
Nakisilip kami sa bintana habang binubuksan naman ni Drei ang pintuan.
Saturday ngayon. Dapat nagpapahinga lang kaming apat o kaya naman ay gumagala sa bahay ni Mk. Pero dahil may project kami, heto kami ngayon sa school.
"Yung magiging takbo ng storya natin," bungad ni Mina nang makapasok silang lahat, "may lalaking playboy."
"Playboy na agad?" tanong ni Mk.
"Oo. Playboy na lang. Tutal, mas madadalian ako doon."
"So, may isang lalaking playboy at si Mk ang gaganap."
"Teka, bakit ako?" reklamo niya. "Mukha ba akong playboy?"
"Ikaw lang ang mukhang playboy sa inyong apat."
"Yung lalaking 'yon may nakarelasyon at mahal na mahal siya nung babae," pagpapatuloy ni Mina. "Pero iniwan siya ng lalaki nang walang dahilan. So, si boy yung nang-iwan. Sinong pwedeng gumanap na girl?"
Napatingin si Mina kay Athena.
"Okay lang ba sa'yo, Athena?"
Tumango lamang si Athena bilang pagsang-ayon.
"Tapos, matapos iwanan ni Boy si Girl, may makikilala siyang babae na totoong mamahalin niya. Nagkamabutihan sila at sobrang minahal ni Boy si Girl. Pero iniwan lang rin siya ni Girl dahil siguro sa karma."
Napatingin siya kay Sabrina.
"At yung babaeng gaganap ay si Sabrina."
"What?!"
Sabay na reklamo nina Mk at Sabrina.
"Bakit siya pa?" tanong ni Mk.
"Bakit ako?" tanong naman ni Sabrina.
Napatingin ako sa kanilang dalawa.
Okay?
Mukhang hindi magkasundo ang dalawang 'to ah.
"Relax lang kayo. Acting lang naman."
"Eh bakit siya?" muling tanong ni Mk.
"Malay ko sa'yo."
"Ikaw nag-assign!"
Napailing na lang ako.
"Okay na! Basta gawin na natin para matapos na," singit ni Jenna.
"Si Cyrel yung mag-aayos ng place kung saan gaganapin lahat. Si Francheska naman ang magiging direktor. Mk, Athena, Sabrina at ikaw, Kevin, ang mga gaganap—"
"Brix at Jenna ang magvi-video habang kami naman ni Drei ang magpapaliwanag kung bakit mas masakit ang naiwan o ang nang-iwan."
Tumango kami.
Hindi na kami nag-aksaya ng oras.
Inayos namin ang lahat ng kailangan—camera, location, script, at maging ang mga eksenang kailangan naming ulitin.
Hindi naman masyadong mahaba ang ginawa naming video. Napagdesisyunan kasi namin na ngayon na lang i-video at gawin dahil bukas ay may sari-sarili kaming gagawin.
Matapos ang ilang takes ay natapos din namin ang lahat.
"Oh my gosh! Six o'clock na pala!" gulat na sabi ni Jenna matapos nilang i-edit ni Brix ang video.
"Grabe, ang bilis ng oras."
"Una na kami ni Cyrel. May tiwala naman kami sa gagawin ninyong debate or explanation," ani Francheska bago sumunod si Cyrel.
Nagpaalam na rin sa amin ang apat na babae.
"San tayo pupunta bukas?" tanong ko.
"Sorry, pre. Hindi puwede sa bahay. May bisita si Mom. Baka hindi rin ako makasama," sabi ni Mk.
"Ako rin. May gagawin pa ako," ani Drei.
Nagkatinginan na lang kami ni Brix.
"Oh, pre? Baka may gagawin ka rin bukas. Sabihin mo lang."
Ibinato niya sa akin ang throw pillow.
"Drama mo. Wala akong gagawin."
So mukhang kaming dalawa lang ang magkasama bukas.
"Kain na tayo. Gutom na gutom na ako kanina pa," ani Mk.
Aba, eh lagi naman 'yang gutom.
Oo nga pala, itong Room 4 ay exclusive lamang para sa aming apat. Andito na halos lahat ng kailangan namin, may maliit na kusina, refrigerator, dining table, mga gamit sa pagluluto at maging mga kwarto.
"Sana man lang may tumulong sa akin na mabait," pagpaparinig ko habang naghihiwa ng mga sangkap.
"May naririnig ba kayo?" tanong ni Brix sa dalawa.
"Wala nga, pre."
"Sige, punta lang muna ako sa kwarto ko."
"Mabulok ka sana sa kwarto mo, Drei!"
Tawanan lang sila.
Mga walanghiya talaga.
Nagluto lang ako ng kare-kare dahil request ni Brix. Maya-maya ay naamoy na rin nila ang niluluto ko.
"Wow, ang sarap naman niyan."
Ang kakapal ng mukha.
Nagsilabasan sa mga lungga nila matapos kong matapos itong kare-kare.
"Oh, bakit kayo kumukuha ng plato? Hindi naman kayo belong dito ah. Para sa akin lang 'to."
Agad naman silang nagsilapitan sa akin.
"Naks naman. Tampo si Pareng Kevin," sabi ni Drei.
"Sorry na, Papc Kevin. Huwag na tampo," dagdag ni Mk.
"Papakainin niya na kami," sabi ni Brix.
"Mga deputa talaga." Tumawa ako habang pinapanood silang kumuha ng pagkain.
"Mga pre, najujuding na naman kayo. Tigilan n'yo 'yan, ah."
Sabay-sabay naman nila akong binatukan bago naupo.
"Sa gwapo naming 'to, sasabihan mo lang kami ng bading? Huwag gano'n, pre," naiiling na sabi ni Drei.
"Eh kung tinulungan n'yo ako kanina, di ba? Bingi-bingihan pa kayo. Bahala kayong maghugas ng pinggan diyan."
Nagtawanan naman sila.
Mga baliw talaga.
Umupo na rin ako sa tabi nila at nagsimulang kumain.
"Pero seryoso," sabi ni Brix habang kumakain, "okay naman kaya 'yung video natin?"
"Okay naman. Maayos naman 'yung explanation natin," sagot ni Drei.
"At least tapos na."
Tumango ako.
"Tomorrow, review na lang natin bago ipasa."
"At huwag kayong malate," paalala ni Mk.
"Ikaw nga itong laging late."
"Excuse me? Hindi ako late. Sila lang ang maaga."
"Anong logic 'yon?"
Muli kaming nagtawanan.
Sa dami ng project at problema sa school, minsan talaga kailangan lang namin ng ganitong mga simpleng sandali.
Kami-kami lang.
"Pre, dagdag kanin."
Napatingin ako kay Drei.
"Ikaw talaga."
Ngumisi siya.
"Masarap eh."
Napailing na lang ako habang inaabot sa kanya ang sandok.
"Mga walang kabusugan."
At muli na naman kaming nagtawanan.