"MALL" B R I X 'S POV Sunday na kaya kaming dalawa lang ni Kevin ang naiwan dito sa dorm. "Uy, pre. Saan ba tayo pupunta mamaya pagkatapos mong mag-f*******: diyan? Naiinip na ako. Uso naman kasing magsalita." Napatingin ako kay Kevin. Nakangalumbaba lang siya habang nakatingin sa akin na parang naghihintay ng matinong sagot. "Ano? Sa mall na lang." Napapalakpak naman ito. "Tamang-tama! May bibilhin ako." Tinignan ko lang siya bago ibinalik ang tingin sa laptop ko. "Pre, uso umusap." Napabuntong-hininga ako. Sa tagal naming magkaibigan, hindi pa ba sya sanay sa 'kin. Ano bang gusto niyang marinig? "Alam mo ikaw, kunin mo na lang 'yung cellphone ko at doon ka mag-online. Naboboringan ka lang kasi nasira 'yang cellphone mo. Kunin mo na para hindi mo ako istorbohin sa ginagawa ko

