"PRESENTATION" M I N A 'S POV Eto na 'yon! Eto na ang araw na ipapakita namin sa buong klase ang video project namin. Habang inaayos ni Drei ang projector, hindi ko maiwasang kabahan. Kahit ilang beses na naming pinanood ang video habang ine-edit, iba pa rin pala kapag alam mong maraming taong manonood at pwedeng humusga sa pinaghirapan ninyo. Napatingin ako kina Athena at Sabrina na parehong tahimik sa kani-kanilang upuan. "Kinakabahan?" mahinang tanong ko. Bahagya lang tumango si Athena. "Konti." ngumuso sya. Nginitian ko siya sabay sabing, "Kaya natin 'to." Tumango rin siya bilang tugon. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo si Drei sa harapan. "Ready na?" Sabay-sabay kaming tumango. Agad niyang pinindot ang play. Tahimik ang buong classroom. Wala kang maririnig kundi a

