"KELLY PANGILINAN BIRTHDAY" S A B R I N A 'S POV "Ang tagal naman ni Drei." Reklamo ko habang nakatingin sa oras sa cellphone ko. Kanina pa kasi kami naghihintay sa labas ng dorm at nagsisimula na akong mainip. "Duh? Uso kaya ang maghintay." ani Jenna habang nakahalukipkip. Tinarayan ko lang siya. Narinig ko pa ang mahina niyang bulong. "Bipolar." Napairap na lang ako. Kanina pa talaga ako excited kaya pabago-bago ang mood ko. Isang minuto masaya, tapos biglang maiinis. Sanay na naman sila sa ugali ko kaya wala na lang silang reaksyon. "Sorry, natagalan. May pinuntahan pa kasi ako." ani Drei pagkababa niya ng sasakyan. "Buti naman at nandito ka na. Kanina pa naiinip 'yang isang babaeng bipolar diyan." Parinig na naman ni Jenna. "Aba, gusto mo bang masampal?" "Violence agad." n

