"FRIENDS" M I N A 'S POV Monday na ulit. Kung gaano kabagal ang kilos ko, siya namang kay bilis ng pag-ikot ng mga kamay ng orasan. Parang kailan lang ay Sunday pa at nakahiga ako sa kama habang nagbabasa ng w*****d. "Huy, Mina! Ano na? Male-late tayo niyan sa first subject," reklamo ni Sabrina habang nakatayo sa may pintuan. "Yan kasi! w*****d pa," tinarayan ako ni Athena. "Naki w*****d ka rin naman, e. Makapagsabi ka." Nakanguso kong sabi habang inaayos ang buhok ko. "Halika na nga." Hinila ako ni Jenna palabas ng pinto bago pa kami tuluyang ma-late. Sobrang inaantok pa talaga ako. Promise. Mga alas tres na kasi ako nakatulog kagabi dahil sa pagbabasa ko ng w*****d. Sabi ko sa sarili ko, isang chapter lang. Pero alam naman nating lahat kung paano nagsisimula ang "isang chapter

