"Alam mo ang sitwasyon namin, Gael! If she saw me, would she be happy? I bet she'll be disappointed if I come back home after a long time." Doon pumasok sa kanya ang huli nilang pag-uusap ng binata sa gitna ng gubat, na ilang kilometro ang layo mula sa mansyon, isang taon na ang nakakaraan. Malayo pa lang ay dinig na niya ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa shooting range. Hinayaan niya ang motor na natumba sa putikan. 'Di pa gaanong lumiliwanag sa lugar. Sinilip niya ang relo sa kaliwang palapulsuhan. Alas kwatro singkwenta pa pala. Sumandal siya sa basang puno. It rained so hard the night before, that's why the ground and trees are all wet. Suot niya ang puting V-neck shirt na may logo ng organisasyon. Pinatungan niya iyon ng itim na leather jacket. Pinanood niya ang nakatali

