Hinihilot niya ang sentido habang nakasandal sa matigas na katawan ng puno. Nakaupo siya sa damuhan. 'Di pa rin bumabalik si Ismael. Mataas na parte ng bundok ang kinaroroonan nila. Mula roon, tanaw niya ang mga punong animo'y damo lang sa sobrang layo. He felt like jumping off. Minsan, pakiramdam niya’y unti-unti nang nawawala sa ayos ang kanyang pag-iisip. They were walking in an endless maze with no exit. Putol-putol ang tulog niya nitong mga nakaraang araw. Pagod na ang kanyang utak. He hated himself for thinking joining a syndicate was the way out. Iniwan niya ang trabaho noon at piniling daanin sa karahasan ang paghahanap ng pera. Pinagsisihan niya kung bakit hinintay pa niya ang tamang oras para sabihin kay Raquel ang totoo tungkol sa kapatid nito. Hindi madali ang amining nahih

