Kabanata 34

1401 Words

Isang backpack lang ang kanyang binitbit, at halos wala itong laman. Iniwan niya ang tent at mga damit. Mahihirapan lang siyang bitbitin ang mga ito at mag-iiwan lang ng sakit sa tuwing makikita. Ganoon din ang mga kasama. "Iyan lang ba ang dadalhin mo?" Tumango siya at nilampasan si Leon. Pursigido pa rin ito, ngunit wala sa isip niya ang magkaroon ng manliligaw sa ngayon. Ni hindi nga siya sigurado kung makakauwi pa sila sa Maynila. Inipon niya ang mga basura sa isang tabi. Ang dalawang tent ay iniwan nilang nakatayo, at doon sinalampak ang mga pagkain at iba pang mapapakinabangan ng ibang taong maliligaw doon. Natalo siya sa botohan. Si Mang Lauro ay nagpumilit na umuwi. Ayaw ni Leon na iwan siya kaya pumayag siya, dala na rin ng awa sa matanda. Tama na siguro ang pagmamatigas niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD