"Found something?" Lumapit si Ismael at tinapon sa kanya ang mga santol. Nalaglag ang iba sa lupa dahil hindi niya nasalo ang lahat. Nabalot ng putik ang mga ito. "Eto lang ba?" Tumango si Ismael. "Give it to her." Wika nito at tinuro si Rosalie na nakasandal sa katawan ng puno sa likod ni Gideon. Magkatalikod ang mga ito ngunit hindi nag-uusap. "Tss. Why are you doing this to me?" Ngumiti lang si Ismael at inayos ang hawakan ng sandata. Handa na itong umalis anumang oras. Nilingon niya si Rosalie na nakatingin sa kabilang direksyon. 'Damn bitch.' Wika niya sa sarili. Nilapitan niya si Rosalie at tinapon niya sa dibdib nito ang malaking santol. Ngumiwi ang dalaga sa sakit. Napansin niya iyon ngunit hindi siya nakonsensya. Sa isip niya ay kasalanan pa rin nito kung bakit sila kumak

