"Sino ba ang tinutukoy mo?" Natahimik ang dalaga sa kanyang likod. Tila natauhan ito sa mga pinagsasabi at ginawang pipi ang sarili. "You're not going to tell me who help you do the s**t you did to our group?" "A-Ayokong magkagulo pa lalo." Bulong nito. Muli ay naramdaman niya ang pagsipa ng inis sa dalaga at nais niya itong itapon sa kung saan. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi na ulit ito nagsalita. Binilisan niya ang lakad at pilit na humabol sa dalawang lalaki. Umaasa siyang sa dulo ng daan ay naroon ang kanilang mga kasama. Hindi niya naramdaman ang presenya ng mga nilalang. Napakatahimik ng dinadaanan nila at ang kapaligiran. Ang kanilang mga hakbang at pagputol sa mga harang lang ang maririnig. Maya-maya ay muling nagsalita si Rosalie. "Gael." "Can you just shut up

