Kabanata 14

1610 Words
"Oh wow, look at the time! Maybe we should wait a little longer. Maybe ‘til we grow old? Let’s go already!" Kanina pa naiinip ang tanging lalaki sa kanilang grupo. Nasa gitna na ito ng tulay. Si Selma ay kakaapak lang sa unang baitang at si Nikki ang siyang naghihintay sa kanya. Ilang metro ang layo niya sa tulay at kahit anong pagpapalakas niya ng loob ay natatakot pa rin siya. Napakalamig ng hangin sa lugar na iyon. Pakiramdam niya'y may umiihip sa kanyang batok. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Nikki. Hinila nito ang kanyang kamay at dinala siya sa hawakan ng tulay. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng tuhod na pilit niyang tinatago sa mga kasama. Ang lumang nakabitin na tulay ay nakaunat sa ibabaw ng rumaragasang ilog, ang mga sirang kahoy na tabla nito ay halos hindi na magtagal. May mga nawawala nang tabla, nag-iiwan ng madilim na siwang kung saan makikita ang mabangis na tubig sa ibaba, bumabangga sa matatalim na bato. Ang kinakalawang na kadena ay umaangal sa bawat ihip ng hangin, pinapayugyog ang buong tulay na parang anumang sandali ay bibigay ito. "S-Sandali lang!" Wika niya sa mga kasama. Marahas na kinamot ni Teddy ang batok. Nasa gitna pa rin ito at huminto upang hintayin ang iba. "Don't tell me you're actually thinking of going into that damn forest just because you're scared of this bridge. Hell no, Raquel! This is the only way across. Use your damn brain! If you're too much of a coward to cross, then stay behind. We're not waiting for you." Dahil sa sinabi nito ay mas lalong tumindi ang takot niya. Bakit ba ganito ang kanyang mga kasama? Iniisip naman niya ang kapakanan ng mga ito ngunit bakit pagdating sa kanya ay walang pakialama ang mga kasama? Si Selma ay nakasunod na kay Teddy. Pinunasan niya ang pawis mula sa kanyang noo hanggang sa leeg. "You know what, Raquel? Sometimes we just need to move on without extra baggage. We’ve already spent enough time working with you, and I don’t need your help anymore." Ngumisi ito ng malapad matapos sabihin ang mga salitang iyon. Mabilis na humakbang ang kanyang mga paa dahil sa narinig. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa magkabilang lubid. Sa magkabilang gilid ng ilog, nakatayo ang makapal na gubat na parang pader ng kadiliman. Ang mga pilipit na puno ay mistulang mga kamay na umaabot, ang kanilang mga sanga ay hinaharangan ang liwanag ng araw sa silangan. Ang hangin ay may amoy ng basang lupa at nabubulok na dahon, at mula sa kailaliman ng gubat ay nagmumula ang mga kakaibang tunog na mistulang mga bulong, kaluskos, at paminsan-minsang paglagitik ng sanga, na para bang may kung anong nilalang na gumagalaw sa anino, nagmamatyag. Walang ligtas na pagpipilian. Ang ilog ay nakamamatay, at ang gubat ay tila may buhay na nagtatago ng mga hindi nakikitang panganib. Ang tulay, gaano man kahina at nakakakilabot, ang tanging daan patungo sa kabila. Nagpatuloy ang iba sa pagtawid. Madali niyang hinabol ang mga ito kahit sumasayaw ang tulay at lumalakas ang hangin. Yumuko siya at napahinto ilang tabla nalang bago makaapak sa lupa. Nasa isang metro ang kailangan niyang tawirin. Dalawang tabla ang nawawala roon. Ang kanyang mga kasama ay inaayos na ang mga gamit at handa ng maglakad. "Hanggang dito ka na lang ba, Raquel?" Bulong niya sa sarili. Matutulad yata sia sa kanyang kapatid. Tinatawag ni Nikki ang kanyang pangalan. Halata sa mukha ng mga kasama ang takot sa kanyang sitawasyon. Lumingon siya sa kanyang likuran. Umatras siya ng apat na baitang at huminga ng malalim. Mabilis siyang tumakbo at tinalon ang mahabang distansya. Lumusot pa ang isa niyang paa sa pagitan ng mga tabla. "I'm getting out of this place no matter what. We're all getting out of here, alive." Wika niya at saka muling tumayo. Wala siyang sinayang na oras. Agad siyang naglakad papunta sa mga kasama. Nakangiti si Nikki na lumapit sa kanya. Si Selma ay nakapirme lang sa kinatatayuan at tipid na ngumiti. Si Teddy ay tumalikod na at naunang maglakad. Hinabol niya ito at marahas na hinila ang braso. Tamad itong tumingin sa kanya nang humarap ito. "Hm?" Wika nito at ipinasok ang hintuturong daliri sa tenga na parang nililinis iyon. Hindi siya nakapagsalita. Matangkad ito na nasa anim na talampakan. Maganda rin ang hubog ng katawan nito na hindi niya ikinagulat dahil palagi niyang nakikita ang binata sa gym ng kompanya kasama sina Gael at Gideon. Iginala niya ang tingin sa mukha nito. His eyes are pitch black, empty and unreadable, like a void that swallows light. His sharp features make him almost unnervingly handsome, but there’s something off. Something unsettling in the way he stares. Nakikita niya rin ang parte ng tattoo nito sa kaliwang braso. Mabait ang pagkakakilala niya sa binata. Mahilig itong magbiro at noong nasa training room pa sila ay ito ang nagpapawala ng kanilang antok. Ngayon ay ibang-iba na ito at ang mga kilos ni Teddy ay kabaliktaran na sa una nitong ipinakita. "Are you just gonna stare at me, woman? You're wasting my time. Our time." Tinuro nito ang mga kasama sa kanyang likod. "You have no right to insult me, Teddy! I won’t stand for it! Sa oras na magsalita ka pa ng ganun sa akin ay hindi na talaga kita uurungan!" Hindi ito natinag sa kanyang pagsigaw. Parang natutuwa pa nga ito sa kanyang galit. Hinipan nito ang daliri na ipinasok sa tenga at lumapit sa kanya. "I'm really impressed with you, Raquel. This is what I like about you… but be careful. You never know when luck runs out. And for as long as we're in this mountain… I'll always be watching you." _____________________________ "I suggest you close your eyes, cover your ears, and shut everything out. Empty your mind… numb yourself to everything." Wika niya sa mga kasama. Kanina pa nila pinapanuod ang grupo ng mga lalaking hinahabol ang nakakadenang si Rosalie. Kita na ang dibdib nito na pilit tinatakpan ng dalawang kamay ng dalaga. Hindi ito makalakad ng maayos dahil sa malalaking kadena sa paa nito. Hindi niya alam kung nasaan na sila at kung ano ang kanilang nakikita. Nasa itaas sila ng malaking bato at nakadapa. Kanina pa tahimik na nagwawala si Gideon na nasa kanyang tabi. Kanina pa rin niya sinasabi na hindi sila pweding lumapit at makialam na walang plano. Nang lisanin nila ang kweba ay naghanap sila ng pwedeng mapahingahan. Salitan silang natulog sa ilalim ng dalawang puno na magkasalubong ang mga sanga, may kalayuan sa kweba. Nang mag-umaga ay nagpatuloy sila sa paghahanap sa dalaga. Nakita nila ang maliit na komunidad. May mga kubo roon at may mga taong bahag lamang ang suot. Ang mga babae ay hindi nagtatakip ng dibdib, at ang mga bata ay ganoon din. Hindi niya alam kung tao ba ang mga ito o uri ng nilalang na hindi pa nadidiskubre. "Rosalie, patawarin mo ako." Ito ang paulit-ulit na binubulong ni Gideon. Nakayuko na ito at sinusuntok ang bato. Muli niyang pinagmasdan ang dalaga sa malayo. Nasa labas ito at pinapalibutan ng mga nilalang na nagsasaya. Mahina itong gumagapang palayo sa mga nilalang. Mukhang basa ang magulo nitong buhok at puno ng sugat ang katawan. "Gael." Tawag ni Gideon at lumingon sa kanya. "W-What is it?" Ngumiti ito sa kanya. "I'm older than you, but I'm just as reckless and even weaker than you." Napangiti siya sa sinabi nito. Maging si Ismael ay natawa rin dahil ngayon lang nila nakita na mahina ito. "Well, at least you're self-aware, Gideon. That's a start!" Tugon ni Ismael na nasa kabila. "I just want to thank you... for not taking advantage of my girlfriend. I really appreciate it." Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Ilang beses pa siyang nag-ensayo at nag-isip ng magandang paliwanag sa oras na malaman nito ang nangyari pero alam na pala nito. "She told me what happened. And I knew it, too. Just by the shirt she wore that night." Dugtong nito. Narinig niya ang singhap ng katabing si Ismael. "A-Ano k-kasi." He can't gather the words in his mouth. Umiling ito at tinapik ang kanyang balikat. "This s**t happened because of me. I joined this trip to prove to her that I wasn’t into Selma. Rosalie and I were best friends first, then lovers. I f****d this up pero m-minahal ko siya." "Minahal?" Tanong ni Ismael. Tumango si Gideon at muling inulit ang sinabi. "There are things in life that no matter how much we try to hold on, they still slip away. Maybe what Rosalie and I had was never meant to last. Maybe it was forced from the start. But that doesn’t change the fact that she was once my world. I owe her more than just memories." "Ano ba ang sinasabi mo?" Sagot ni Ismael sa binata. Ngayon ay ito ang nagsasalita at siya ang tahimik. "Then Selma came into my life… and she made me realize what it means to love without obligation, without expectations. It's just love, raw and real. I love her. I won’t lie about that." Tumango siya at hinayaan itong magpatuloy. "Pero si Rosalie… nahihirapan siya dahil sa'kin. If I had let go sooner, if I had been honest, maybe she wouldn’t be in this mess. Maybe she wouldn’t be fighting for her life because of my mistakes. I can’t turn my back on her, not now. Kahit hindi ko na siya mahal gaya ng dati, ayaw kong mawala siya na sa isip niya ay inabandona ko siya. I made her a promise once. To protect her, no matter what. And I intend to keep that promise, kahit ikamatay ko pa iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD