Kabanata 15

1401 Words
Nagising siya sa dahil sa amoy na hindi kaaya-aya. Nais niyang pigilan ang paghinga dahil sumasakit ang kanyang mata sa tuwing maaamoy ito. Tumagilid siya at minulat ang mga mata. "Thank goodness you woke up! I thought you were just gonna let us suffer in this stinky place all alone." Nilingon niya ang nagsalita na nasa kanyang paanan. Nakasandal ito sa sementong pader. Hinanap niya si Ismael sa paligid. Nakahiga rin ito at nadikit ang tingin sa pader dahil hindi siya tinapunan ng tingin. Itinukod niya ang siko at dahan-dahang bumangon. Napakadumi sa lugar na iyon. May ulo ng baboy sa kaliwa niya at may mga dumi rin sa kulungang iyon. Nasusuka siya sa amoy na pinaghalong dumi at patay na hayop sa lugar. Napahawak siya sa tiyan at lumapit sa tarangkahan. Hindi na niya mapigilan ang sarili at wala na siyang pakialam kung may kasama ba siya roon. Halos tubig na lang ang kanyang naisuka dahil wala naman silang nakain ngunit pinilit niyang ilabas ang lahat. "Are you done vomiting?" Natatawang tanong ni Gideon. Minura niya ito at muling humawak sa bakal. Nais na niyang kaladkarin ang mga kasama upang makauwi sa Maynila. "I'm asking if you're done vomiting." Muli nitong tanong. Hindi niya ito tinignan. Hinila niya ang laylayan ng t-shirt at pinahid sa kanyang laway na pumapatak na sa sahig. "What the f**k?!" Naibulalas niya na nagpatawa sa dalawa. Pareho niyang tinignan ang mga kamay at inilipat ang tingin sa sahig. Parehong may dumi roon ng hayop. "WHERE THE f**k ARE WE, HUH?!" "I don't know, man. I think we're in their camp. They captured us. Do you remember what happened yesterday?" Tanong ni Gideon. Sumandal siya sa pader at ipinatong ang braso sa tuhod. Kahapon ay inamin ni Gideon ang tunay na nagaganap sa puso nito. Nakayuko sila sa ibabaw ng malaking bato at iniisip kung papano tutulungan si Rosalie. Pagkatapos nitong umamin ay mabilis itong bumaba sa bato dahil nais nitong iligtas si Rosalie. Nais nitong iwan na kasama si Rosalie at hanapin ang kabilang grupo kung saan kasama si Rosalie. He didn’t know if it was his conscience that called out to his friend, but he sure thought Gideon’s plan was ridiculous. Nagtalo silang tatlo sa likod ng bato. Yun siguro ang dahilan kung bakit sila narinig ng mga nilalang. Ang huli niyang natatandaan ay may humampas sa kanyang likod at ang pag-uusap ng mga ito gamit ang linggwahe na hindi niya pa narinig kahit kailan. "What about Rosalie? Where is she?" Tanong niya sa mga kasama. "I don't know where she is, but I know she's still alive. I can feel it." Tumango si Ismael na nakasandal na rin sa pader sa tabi ni Gideon. "I can feel it too." Segunda nito. Parang silang nasa kulungan. Maliban pa sa mga damong tinapon doon upang ipakain sa kung ano, may palanggana rin na may maruming tubig. Maliit lamang ang kulungan at hindi sila makakatayo dahil nasa isang metro lang ang taas nito. Natahimik silang tatlo. Naisip niya ang kanyang ina na paniguradong naghahanap na sa kanila. Naiisip niya ang mga katrabaho na nasa production area at nakasuot ng headset. Bago siya sumama ay tinanong niya muna ang kanyang ina. Humingi siya ng payo rito tungkol sa problema na isang taon na niyang dinadala. Nangako siya rito na uuwi siya na magkaayos na sila ni Raquel. Mukhang malabo na iyon dahil hindi nga niya alam kung nasaan ba ang mga ito. "We need to get out of here now and find Rosalie!" Wika ni Gideon. Hindi na nito kailangang sabihin ang mga katagang iyon dahil lalabas siya sa kulungang iyon kahit ano pang mangyari. Inilabas niya ang kamay at kinapa ang lock ng pinto ngunit kadena ang kanyang nakapa. He's a tall man with a quiet presence. His muscles are noticeable, but it's his calm nature that hides his true strength. People might think he's harmless, but they quickly realize he's not someone to mess with. "These assholes are really stupid." Wika niya sa mga kasama at ipinakita ang natanggal na kadena. ______________________________ "Can you still feel your legs? I can't feel mine!" Pabagsak na umupo si Nikki sa lupa. Hinubad nito ang sapatos at sinuri ang mga paa. "Can we take a rest now, Raquel?" Tanong ni Selma. Hindi nito hinintay ang kanyang sagot at naupo na rin. Pilit nilang iniwasan ang gubat ngunit dito pa rin sila dinala. "Okay, ten minutes, and then let's walk in that direction again." Tinuro niya ang maliwanag na daan. Pumapasok ang sinag ng araw sa bandang iyon at mukhang mas ligtas. Walang tugon mula sa mga kasama kaya naupo na rin siya at hinubad ang sapatos. Naubos na ang kanilang pagkain. Hindi sanay ang kanyang mga kasama sa ganitong sitwasyon. Nahimatay pa nga si Selma ilang kilometro pa lang ang kanilang nalalakad matapos tumawid sa tulay. "Raquel." Bulong ng kanyang kaibigan. "A-Ano 'yun, Selma?" Napahawak ito sa tiyan. "Gutom na ako." Nalungkot siya sa narinig. Inilinga niya ang mga mata sa paligid. Wala siyang makitang puno ng prutas mula sa kaniyang kinatatayuan. Sinuot niya ang mga sapatos at tumayo. Nanginginig na ang kaniyang mga binti dahil sa pagod. "Sandali lang. Maghahanap ako ng pagkain." Ngumiti ito sa kanya. Si Teddy ay tahimik lang na nanunuod sa kanila. Inupuan nito ang dalang bag at hinilot ang binti. Tumayo si Nikki at nais nitong sumama. Hinawakan niya ang kamay nito at inalalayan sa paglalakad kahit panay pa rin ang reklamo. Napapahawak siya sa bawat punong madaanan nila. May kakaiba sa mga ito. "Raquel." "Hm?" Tugon niya sa dalaga ngunit nasa mga puno ang kanyang tingin. "Pwede bang malaman kung ano ang nangyari sa kapatid mo?" Nagulat siya sa tanong nito. "Nais ko lang malaman kung bakit kinailangan pang magplano ni Selma na pumunta rito at para maintindihan din kita. Ano ba ang nangyari?" "Nagpunta siya sa isang bundok kasama ang mga kaibigan niya. Hinanap namin siya, ngunit nahirapan kami dahil hindi namin alam kung saang bundok sila nagpunta. Hanggang ngayon ay nakikipag-usap pa rin ang aking ama sa mga pulis pero paulit-ulit lang ang sinasabi nila." "Pero bakit ikaw ang sinisisi nila gayong hindi ka naman pala kasama?" Napayuko siya at hindi niya alam kung ano ang isasagot sa dalaga ngunit minabuti niyang magsabi ng katotohanan. Pagod na siyang magkimkim ng sakit na noon niya pa nais sabihin sa iba. "Ako ang nagmungkahi na umakyat sila ng bundok nang araw na iyon." Napaharap ito sa kanya. "B-Bakit?" "Pareho kaming nahilig sa pag-akyat sa mga bundok. Sinabi niya sa akin noon na gusto niyang magtapat sa babaeng matagal na niyang nagugustuhan at nais niya ring magsaya bago ang pasukan. Ikalawang taon na niya sa kolehiyo. Minungkahi ko na dalhin niya ang babaeng napupusuan sa lugar na paborito niyang puntahan. Hindi na sila nakauwi mula noon at idineklara ng patay." Natahimik si Nikki at hindi na muling nagtanong. Muli siyang napatingin sa mga puno at panaka-nakang tumitingala. Umaasa siyang may mahanap na prutas na pweding kainin. "Raquel, tingnan mo." Nilingon niya ang dalaga na may tinuturo sa malayo. Sinundan niya ang direksyong iyon at natulala siya. Mabilis nilang nilapitan ang dalawang tent. Kulay dilaw ang isa at ang katabi nito ay asul. Dalawang bagay lang ang kanyang naiisip. May mapagkukunan na sila ng pagkain at makakahingi rin ng tulong. Naabutan nila ang mga tent na magulo. Ang mga gamit ay nagkalat sa lupa at ang iba ay sira na. May mga gamit din na ilang metro ang layo sa mga tent. Wala ring tao na naroon at parang inabanduna ang mga tent. Hindi na sila nagsayang ng oras at pinasok ito upang maghanap ng makakain. Hindi na sila nagtanong sa isa't-isa. Pagnanakaw ang kanilang ginawa ngunit wala na siyang maisip na paraan. Inilabas niya ang mga gamit sa bag at doon ipinasok ang mga de lata at tinapay. Inamoy niya ang laman ng mga baunan at inilagay din iyon sa bag. Mabilis silang bumalik sa mga kasama. Ganoon pa rin ang pwesto ng mga ito at nang mapalingon sa kanila ay labis na gulat ang rumehistro sa mga mukha nito. "Kain na, Selma." Inabot niya sa kaibigan ang baunan at agad itong kumain. Si Teddy ay tahimik lang at hindi lumapit sa kanila. Inalok niya ito ng pagkain ngunit umiling lang ang binata. "I don't like eating that stuff. It’s... not my kind of thing." Tugon nito at bumaling sa kabilang dako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD