Kabanata 20

1448 Words
Pabalik-balik siya sa paglalakad sa harap ng punong mangga sa parke. Kagabi niya pa inisip kung paano sasabihin sa dalawa niyang kaibigan na huling araw na niya sa lugar na iyon dahil lilipat na sila sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina. Napalapit na siya sa dalawang babae na kanyang kalaro. Ito lang ang tumanggap sa kanya kahit nangungutya rin ang mga ito sa kanyang itsura. Nalulungkot siya at ayaw niyang lisanin ang lugar. "Ikaw ba 'yung tinatawag nilang bunbun?" Natigil siya sa paglalakad. Nilingon niya ang maangas na nagsalita sa kanyang likuran. It’s a kid with thick eyebrows who looks like he could punch someone anytime, anywhere. Lumapit ito sa kanya at sinipa ang kanyang binti. Napatalon siya sa sakit at inambahan ito ng suntok. "You're fat. You're the fattest kid I've ever seen in my whole life." Sinamaan niya ito ng tingin. Kahit may katabaan siya ay alam niya naman kung pano ipagtanggol ang sarili. "Gusto mong masaktan?!" Napipikon niyang tanong sa bata. "Ikaw ang sasaktan ko kapag lumapit ka pa sa kapatid ko. Akala mo ba hindi ko alam? Kung anu-ano ang binibigay mo sa kanya. Do you honestly think she’ll like you? You’re fat!" Kinuwelyuhan niya ito at pinitik ang noo ngunit nagpumiglas ito at nawalan siya ng balanse. "My sister would never like someone with a body like yours." Dahil sa sinabi nito ay pinilit niyang binago ang sarili. Nasasaktan siya sa masasakit na salitang naririnig dahil totoo ang mga iyon at may mga pagkakataong ayaw na niyang lumabas ng bahay. Hindi na siya nakapagpaalam sa mga kaibigan dahil madali siyang umuwi at umiyak sa kanyang silid. Lumipas ang mga taon at unti-unti na niyang nakikita ang resulta ng disiplina niya sa katawan. Sumali siya sa iba't-ibang palakasan at naging popyular sa pinasukang paaralan. Nang tumuntong siya ng kolehiyo ay nagkasakit ang kanyang amain. Walang hanap-buhay ang kanyang ina dahilan kaya natigil siya sa pag-aaral ng isang taon at nasabak sa paghahanap-buhay. Namasukan siya sa isang fast food chain at naging cashier sa isang convenient store. Halos mawalan na siya ng pag-asa sa hirap ng kanilang sitwasyon ngunit isang araw ay kinausap siya ng kaklase. May trabaho itong ibibigay at malaki ang matatanggap na sahod. May sarili na itong bahay at sasakyan kaya naniwala siya na maganda ang trabahong inaalok nito. Nang mga panahon ding iyon ay naging komplikado ang sakit ng kanyang amain. Maaga siyang nagising kinaumagahan. Hindi siya pumasok sa trabaho at nag-ayos na upang makipagkita sa kaibigan. Sakay ng mamahaling sasakyan ay huminto ito sa waiting shed kung saan siya naghintay. Malaki ang tiwala niya sa matalik na kaibigan ngunit nang dalhin siya nito sa isang malaking mansiyon ay naisip na niya kung anong klaseng trabaho iyon. Logistic and Transport Coordinator. Iyon ang naging trabaho niya sa isang malaking drug syndicate at kalaunan ay naging manager siya sa departamentong iyon. Sa una, hindi niya lubos akalaing tatanggapin niya ang alok. Pero noong ipakita sa kanya kung gaano kalaki ang kikitain sa loob lang ng isang linggo at mas malaki pa sa buwanang sahod niya sa dating trabaho ay parang lumabo ang tama at mali. Isang beses lang, pangakong 'trial job' lang, pero pagkatapos noon, sunod-sunod na. Ang trabaho niya ay siguraduhin na ligtas, mabilis, at hindi mabubuking ang paglipat ng mga kontrabando sa bawat checkpoint at lungsod. Marunong siyang magplano, magbasa ng kilos ng tao, at makipag-ugnayan gamit ang encrypted messages. Hindi siya basta-basta tagabuhat. Isa siya sa pinagkakatiwalaan. Ngunit hindi madali ang lahat. Bawat gabing umuuwi siya sa bahay, tulala siya. Kapag niyayaya siyang kumain ng kanyang ina, palagi siyang may dahilan. Madalas siyang tahimik, laging nakatingin sa kanyang cellphone, palaging may iniisip. Ni hindi alam ng kanyang ina at ng kanyang stepdad ang totoo niyang trabaho. Sa kanila, isa pa rin siyang cashier sa conveniet store at sinabi niya ring na promote siya sa fast food chain. Hindi naman na ito nagtanong o nagtaka. Minsan, halos gusto na niyang umamin, pero natatakot siyang mawala ang lahat. Lalo na’t ang kinikita niya ngayon ang bumubuhay sa gastusin ng pamilya. Malaking tulong din ito bilang pambayad ng utang, pambili ng gamot ng kanyang amain, at pangmatrikula niya sa susunod na pasukan. Kapalit ng katahimikan niya, napupunan naman ang pangangailangan nila. Pero kapalit rin nito ay takot. Takot sa araw na baka masangkot ang pamilya niya. Takot na baka may humuli sa kanya. At ang pinakamasakit ay takot na baka hindi siya mapatawad ng kanyang ina kapag nalaman ang totoo. Tahimik ang mansiyon nang gabing iyon. Nasa bulsa ang kanyang mga kamay at tuwid ang tayo habang nilalakad ang mahabang pasilyo. Nais niyang puntahan ang mga tauhan at bilinan ito sa schedules ng mga delivery sa susunod na mga linggo. Napadaan siya sa silid ng Money Launderer. Sinilip niya ang siwang ng pinto at nakita ang dalawang taong nag-uusap. "Just make sure that you will keep this money safe and clean or you’ll be the next one we bury in silence. Also make sure that the books match our dummy sales. We can’t afford another audit scare like last time." Nakita niyang yumuko ang lalaki sa harap ng accounting head. Kita sa postura nito ang kaba, tila hindi pa rin sanay sa bigat ng trabahong pinasok. Nanlaki ang mga mata niya at agad na naglakad nang makita ang boss na nakaupo sa sofa na gawa sa itim na leather. Ito ay isang congressman na mistulang puting tupa sa harap ng maraming tao ngunit sa likod ng maskarang iyon ay ang pangunahing tagapuslit ng droga sa bansa. Ngunit hindi iyon ang nagpakunot ng kanyang noo. Dahil ang bagong recruit ay ang batang nangutya sa kanya noon. Ang kapatid ni Raquel. _______________________________ Ilang araw na niya itong nakikita sa mansiyon, ngunit ni minsan ay hindi siya tiningnan nito. Isang beses ay nagpakilala siya, ngunit mura lang ang naging tugon nito. Gusto sana niyang tanungin kung kamusta na ang kapatid nito. Matagal na niyang hindi nakikita ang dating kalaro at sa totoo lang ay curious na rin siya kung ano na ang itsura nito ngayon. Parang kahit anong lakas ng loob niya, hindi pa rin siya makahanap ng tamang tiyempo para makipag-usap kay Ren. Isang gabi, habang tahimik ang buong paligid, nakita niyang nakatayo ito sa terasa ng ikatlong palapag, nag-iisa at nagpapahangin. Nakahawak ito sa malamig na bakal at parang malalim ang iniisip. Nilapitan niya ito, bitbit ang sariling kaha ng yosi at lighter. Tahimik niyang iniabot ang sigarilyo. Kita sa mukha nito ang pagkairita sa kanyang presensya, ngunit kahit pa ganoon, attubili itong kinuha ang kaha at lighter. “Nag-yoyosi ka na pala ngayon?" Tanong niya at humawak na rin sa malamig na bakal. Hindi ito tumugon agad. Sinindihan lang ang sigarilyo at ibinuga ang unang usok diretso sa kanyang mukha. Natawa na lang siya sa inakto nito. “Is there a problem in your home?" Tanong niya gamit ang mas seryosong tono. Tahimik lang ito. Nakatingala sa langit, sa bilog na buwan, tila malayo ang iniisip. “You could’ve just looked for me, called me, kung may kailangan ka. Kung pera ang problema, I could’ve helped." Aniya. “This is not a place for you, kid. You’re a minor for f**k’s sake.” Dahan-dahang itong lumingon sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “Shut the f**k up. You don’t know me. I have my reasons.” “Yeah? And those reasons are?” Napabuntong-hininga ito, parang napilitan na lang sagutin. “I need money to get my father’s land back. They prioritized my sister’s education, and I was left behind. Now we’ve run out of everything. No land, no school, nothing. I don’t want to work in this organization anymore… but what can I do?" Napatahimik siya. Parang hinampas siya ng sarili niyang kuwento. Pareho sila. “I didn’t want this either." Sabi niya, halos pabulong. “I just needed a big amount of money...fast. Akala ko temporary lang. Pero alam natin pareho, once you sign the oath… you're in. There’s no getting out.” Tahimik ulit ang paligid. Ang usok ng sigarilyo ay unti-unting nawawala sa malamig na hangin ng gabi. Kung may pinagsisisihan man siya, iyon ay ang hindi niya agad tinanong ang mga patakaran. Akala niya noon, kaya niyang kontrolin ang sarili niya. Akala niya, madali lang umalis kapag ayaw na. Pero tulad ni Ren, gusto na rin niyang makalabas. Ang problema lang ay kapalit ng kanilang kalayaan ay ang kaligtasan ng mga mahal nila sa buhay. Bigla nitong itinapon ang sigarilyo kahit may sindi pa. Wala man lang paalam, tumalikod ito at naglakad palayo mula sa terasa, habang siya naman ay naiwan, nakatingin sa likod nito, sa mga paang dahan-dahang nilalamon ng dilim ng pasilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD