Nakabuka ang kanilang bibig at nakatangang sinundan ang matangkad na nilalang na naglakad palayo sa kanila. Hindi nila inasahan na aalis ito pagkatapos lamang ng ilang minuto. Hindi ito nagtangkang manakit sa kanila. Ni hindi nito ginamit ang dalang sandata upang itapon man lang sa kanilang direksyon. Dahil sa ginawa nito ay nagkaroon ng pagdududa sa kanyang isip kung isa ba ito sa mga nilalang, o baka katulad nila'y naghahanap din ito ng daan palabas. Mabilis silang bumaba at kinuha ang mga matutulis na sandata na nasa lupa. Hindi maganda ang amoy ng mga ito at parang ginagamit sa pagkakatay ng hayop. Naunang maglakad ang kanyang mga kasama. Pinagmasdan niya ang mga nilalang at inilinga ang paningin sa paligid. Alerto ang kanyang isip at katawan sa posibleng mangyari sa kanila. Nili

