Nagbalik ang kanyang diwa nang may sumakit sa kanyang binti. Pinagmasdan niya ang katawan ng lamok na unti-unting lumulobo. Hindi niya ito tinampal. Hinayaan niya lang itong sipsipin ang kanyang dugo. Hindi pa man lumulubog ang araw ay madilim na ang gubat na kinaroroonan nila dahil sa mga naglalakihang puno at makakapal na dahon. Nasa taas sila ng puno at nagpapahinga. Kanina pa nila nais na bumaba ngunit naroon sa lupa ang mga nilalang at nakatingin sa kanila. Si Gideon at Rosalie ay nasa iisang sanga. Magkahawak ang kamay ng mga ito. Si Ismael ay nasa kabilang sanga ng punong inakyat niya. Hindi pa sila kumakain. Maski ang pag-inom ng tubig ay hindi nila nagawa. Umaasa na lamang sila na maaawa ang Diyos at magpapaulan sa lugar. Walang natulog sa kanila. Kahit humupa na ang kanya

