Ramdam ang bigat ng hangin sa loob ng opisina ng boss. Hindi dahil sa usok ng sigarilyong hawak nito kundi dahil sa katahimikan ng silid at ng mga tao sa loob. Katahimikang may kasunod na delubyo. Nakatayo siya sa pader, sa harap ng mesa ng boss. Pinagkrus niya ang mga braso. Sa gilid ng malaking mesa ay nakatayo ang isa sa mga hitman na matagal ng naninilbihan sa boss. Nakayuko lang ito at naghihintay ng utos. Nandoon din ang head auditor ng grupo na si Benito. Nakapatong sa hita nito ang laptop at tahimik sa kinauupuan. Bumukas ang pintuan at pumasok si Ren. Nagulat ito nang makita siya. Halata ang pagtataka nito. Maputla ito at halata ang nararamdamang takot. Hindi sanay si Ren sa ganitong mundo. Hindi nito lubos na naiintindihan ang galawan sa likod ng sindikato—ang tusong laro ng

