"Brandon, can you repeat your account number please?" Narinig niya ang mahabang buntong-hininga ng kausap.
Pangatlong beses na niya itong tinanong dahil mali-mali ang kanyang napindot. Hindi siya makapagfocus dahil sa nangyari kay Selma. Absent ito ngayon at hindi pa niya ito kinakausap magmula ng magtalo sila sa fire exit.
Nagtatampo siya sa kaibigan ngunit nag-aalala na siya rito.
"Can I speak to your supervisor?" Natigilan siya sa sinabi nito. Mariin siyang napapikit dahil sa kapalpakan ngayong araw. Malumanay ang boses nito at nahihiya na siya.
"I'm sorry, sir. Your reception isn't very clear, which is why I couldn't get your account number properly."
Natahimik ito sa kabilang linya. Mukhang hindi ito naniniwala sa kanya. Gusto niyang murahin ang sarili nang mga oras na iyon. Parang hindi na siya seryoso sa mga plano sa buhay.
"Raquel, listen. I know when someone’s distracted. I’ve been patient, but you’re not focusing on our conversation. Something's on your mind, isn’t it?"
Siya naman ang natahimik. Nabigla siya dahil kahit hindi siya nito nakikita ay alam nito ang nangyayari sa kanya.
"...I… I’m sorry, sir. I didn't mean to be unprofessional. I just have some personal stuff going on, but that’s no excuse." Napatakip siya sa bibig dahil sa kanyang naging tugon. Sinilip niya si Becca sa dulo na nakatingin na sa kanya. Muli siyang humarap sa monitor.
"I get it. Life throws things at us sometimes. But let me give you a piece of advice, from someone who’s been there. When you're at work, try to leave your worries at the door. Not because they’re not important, but because focusing on the present moment helps you handle things better. Customers depend on you, and I bet you're really good at what you do when you're focused."
Napapikit siya dahil parang napipikon na ito. "I… I appreciate that, sir. I really do."
"I know it’s not easy, but trust me, worrying while working just makes things harder. Take it one step at a time. When your shift ends, deal with what’s bothering you. But right now? Give yourself a break from it. You might find things a little easier that way."
Tumango siya sa tugon nito. "You know, not a lot of people would have taken the time to say that. Most customers would’ve just gotten mad."
"Frustration doesn’t solve much, Raquel. People make mistakes. It happens. But when you let pressure get to you, it only makes things worse. You’re handling more than just a phone call right now, aren’t you?"
"Yeah… I guess I am." Tugon niya rito.
"Then do yourself a favor. Breathe. Focus on what’s in front of you. The rest will still be there when you’re done, but at least you’ll handle it with a clearer mind."
Ginawa niya ang sinabi nito. Ang katabi niya ay napapasilip na sa kanyang monitor. Alam niyang may sinasabi ito pero hindi niya muna ito pinansin. "You’re right. I really appreciate this, sir. More than you know."
"Good. Now, let's try this again. I’ll give you my account number and PIN, and you’ll get it right this time. No distractions." Sa tono ng boses ay masasabi niyang hindi na ito napipikon.
Napangiti siya at muling sinilip ang kanilang trainer na may nakakalokong ngiti ngunit may pagbabanta. Nasa monitor na ang tingin nito. "Got it. I’m ready."
"That’s what I like to hear. Alright, here we go…"
Mabilis niyang tinanggal ang headset at ipinatong ito sa mesa. Tanghalian na nila ngunit wala siyang maramdamang gutom.
"Nakakahiya ka, Raquel. Trabaho ang ipinunta mo rito pero dito mo pa naisipang magdrama!" Bulong niya sa sarili. Gusto niyang sampalin ang kanyang magkabilang pisngi dahil sa nagawa.
"Raquel, tara na. Baka wala ng ulam sa cefeteria." Napalingon siya sa likod at nakita si Gael na nakangiti. Muli siyang nahiya dahil mukha siyang uod sa upuan na hindi mapakali.
Inilahad nito ang kabilang kamay at mas lalong ngumisi.
"Okay lang yan."
Iniwan niya ito at mabilis na nagmartsa palabas sa production. Narinig pa niya ang mapanuksong tawa nito na parang nababasa ang kanyang isip.
Ngayon niya lang napansin na sila na lang ang naiwan sa wave nila. Pati si Becca ay wala na sa pwesto nito. Ibig bang sabihin ay hinintay siya ng lalaking iyon?
"Nakakainis!" Wika niya habang papasok ng cafeteria.
________________________
Umuwi siyang mag-isa kinaumagahan.
Naabutan niya ang kapitbahay na nagsasampay ng mga basahan sa railings. Nginitian niya ito at pumasok na. Hinalikan niya ang larawan sa sala. Saka pa lang niya napansin na maalikabok ang frame nito.
Hinila niya ang laylayan ng t-shirt at pinunasan ang frame. Pinagmasdan niya ang nakangiting kapatid at naalala ang sinabi sa kanya ng lalaking customer.
Pinatawag siya ng kanilang trainer sa station nito at masinsinang kinausap. Hindi niya alam na pinakikinggan pala ni Becca at lahat ng naging calls niya kanina. Wika ni Becca ay nakalista na ang mga trainee na kailangan nitong pagtuunan.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa kapatid. Sasama ba siya sa lakad ng kaibigan o hindi? Kung sasama ba siya, tuluyan na bang maghihilom ang kanyang sugat?
Papano kung kabaliktaran ang mangyari sa lakad na iyon?
Pumasok siya sa silid at naligo. Hinubad niya ang lahat ng suot at hinayaan itong magkalat sa sahig. Tinatamad siya ngayong araw.
Napapapikit siya sa tuwing humahagod ang malamig na tubig sa kanyang likod. Minasahe niya ang ulo at sinabon ang buong katawan.
Tinapat niya ang mukha sa shower. Nais niyang tangayin ng malakas na buhos ng tubig ang kanyang isip ngunit hindi iyon nangyari. Naiisip niya si Selma at ang mga sinabi nito.
Na para sa kanya ang ginagawa nito.
Siguro nga ay nagsasabi ito ng totoo. Kahit natatakot siya na sumama ay mayroong parte sa kanyang puso na nais magtungo roon. Kakausapin pa kaya siya ng kaibigan?
Tatlo sila noon. Naalala niyang may isa silang kalaro na lalaki na lagi nilang tinutukso. Lagi silang naglalaro sa lumang parke na malapit sa kanilang bahay. Halos araw-araw silang magkasama hanggang sa nawala ang batang lalaki na iyon.
Humingi sila ng tulong sa kanilang mga magulang na hanapin iyon ngunit umalis na raw ang pamilya sa inuupahang bahay.
Napasandal siya sa pader. "Nasaan ka na kaya Bunbun?"
Tumayo siya ng tuwid at binanlawan ang buong katawan. Piniga niya ang natitirang tubig sa buhok at hubo't-hubad na nagtungo sa salamin.
Malapit na siyang maging kalansay at kung hindi niya aayusin ang sarili ay baka ikamatay na niya ang nararamdamang kalungkutan.
Her skin is fair. Her hair is straight and as black as the night sky without the moon or stars. Her eyes are slanted, and her lips are thin.
Araw-araw niyang nakikita ang repleksyon sa salamin ngunit ngayon lang niya nakita ang katotohanan. Malayo na siya sa Raquel noon.
Lumabas siya ng banyo at isa-isang pinulot ang mga damit. Mabilis siyang nagbihis at nilibot ng tingin ang madilim na silid. Tinanggal niya ang itim na kurtina at inalis ang itim na kumot at mga punda. Ang kanyang mga gamot ay kanyang itinago. Ang sabi ng doktor na nakausap niya noon ay hindi siya dapat dumipende sa mga gamot ngunit dahil hindi siya makatulog at walang gana sa pagkain ay binili niya ang mga gamot na kailangan.
Kinuha niya ang bag at muling umalis. Nagpunta siya sa mall na malapit sa kompanya na pinagtatrabahuan niya. Bumili siya ng mga prutas at gulay at vitamins. Nang matapos ay nagtungo siya sa baggage counter na malapit at iniwan ang mga binili. Umakyat siya sa ikalawang palapag at nag hanap ng mga bagong gamit.
Bitbit ang dalawang eco-friendly bags ay naghanap siya ng salon. Ipinagupit niya ng maayos ang buhok.
Nagtaxi siya pauwi at isa-isang inakyat ang mga pinamili. Hindi pa siya naghahapunan. Sa BPO industry ay iba ang kanilang agahan at hapunan. Kaya labis na naninibago ang kanyang katawan. Naiinggit siya kay Selma na madaling nakakatulog kahit saan.
Inilagay niya ang weighing scale sa bandang bintana. Inilabas niya ang mga cup noodles at tsitsirya at ibinigay ito sa kanyang kapitbahay. Iniba niya rin ang furniture at pinalitan ang ibang bagay upang maging maliwanag at maaliwalas ang bahay.
Nang matapos ay gumawa siya ng salad na halos hindi niya nakain dahil nasusuka siya. Matagal na niya itong hindi nakakain at nasanay na sa processed food.
Muli niyang nilibot ang buong bahay at napangiti.
"Pwede pa lang magbago kung gugustuhin mo." Wika niya sa sarili.