Hinihingal siya. Hindi dahil sa takot. Ilang beses na siyang nakakita ng bangkay ng tao at minsan ay siya mismo ang gumagawa ng pagpaslang magmula nang masali siya sa Silver Lions. Ang hingal na kanyang naramdaman ay dahil sa pagmamadaling masalba ang kung sino mang nakalibing sa malambot na lupang iyon. Buong lakas niyang hinila ang kamay hanggang sa lumitaw ang kalahati ng katawan nito. Nang mapagtanto kung sino iyon ay hindi na siya nagulat. Bumaba si Ismael at lumapit sa kanya. Sinabunutan nito ang sarili tumalikod. Pinagbuntunan nito ang lupa at walang humpay na pinagsisipa ito. Hindi ito tumigil kahit balot na ng putik ang binti nito. "Bakit ba nangyayari sa atin ito, Gael?!" Hindi siya nakasagot. Mariin siyang napapikit at huminga ng malalim. Wala ng nangyaring maganda sa pa

