NAKAPAGDESISYON NA si Dimitri. Mabigat na desisyon ang kanyang gagawin. Pero kung para sa ikabubuti naman ng kanyang anak ay handa siyang gawin. Balak niyang kausapin ng masinsinan si Maxine. Gusto niyang ipaalam dito na handa siyang papasukin ito sa buhay nila ng magiging anak nila. Hahayaan niya itong maging ina ng kanyang anak. Naisip niyang mas mabuti pa rin na may kagisnan itong ina, ngunit sa kondisyong aalagaan nito ang anak at hindi iiwan. Ayaw niyang maging option lang ang kanyang anak. Ayaw niya ng temporary mother. Gusto niya 'yung gagabayan nito ang kanyang anak at naroroon ito palagi. Mahirap para sa kanyang parte na gawin 'yon lalo na't kakaiba ang history nila ni Maxine. Pero handa na siyang lunukin ang kanyang pride para sa ikabubuti ng kanilang anak. Handa niyang bigyan

