"Huwag kayo magalala, madam. Mas maganda kayo sa babaeng 'yon. Sayo ang boto namin," Napangisi si Graciella sa sinabi ng mga ito. Kung kanina tingin niya ay walang kwenta ang mga ito, ngayon ay nagiba na. Pero napupuno pa rin siya ng galit. Hindi siya makapaniwalang kayang gawin 'yon ni Dimitri. Akala niya si Grace ang buhay nito. Marunong din pala itong mangbabae. Kung alam lang sana niya, hindi na siya umalis ng bansa at nagpabuntis na siya kay Dimitri! Hayop! "Saan dinalang Hospital ang babaeng 'yon?" Sinabi naman ng mga ito. "Anong balak niyo madam?" "Ano pa ba? Edi takutin ang daga. Kayo, magmanman lang kayo rito, okay? Dahil magaling kayo, may tip kayo sa akin," "Kahit isang Channel bag lang madam," Tumango siya. Marami siya 'non. "'Yon lang ba? Walang problema. Basta, sigura

