KABANATA 15
Tahimik ang gabi. Ang hangin, malamig at tila nagbabadya ng unos. Sa veranda ng guesthouse, nakatayo si Seven, nakasandal sa poste, at malalim ang iniisip. Sa loob ng ilang minuto mula nang iwan siya ni Kinette sa harap ng guesthouse, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi nito.
"Then maybe, agent, you need my help. May proposal ako. Gusto mo ng access sa pamilya ko? Pakasalan mo ako."
Napalunok siya. Pakasalan? Seryoso ba ang babaeng iyon? O isa lang na desperadong paraan para makaganti sa ama niya? At bakit ba naman niya papasukan ang isang kasunduang alam niyang magpapahamak sa damdamin niya?
Narinig niya ang marahang yabag sa veranda. Lumingon siya at nakita si Kinette—naka-robe lang, ang buhok ay magulo, pero sa mga mata nito, nagniningas ang determinasyon.
"Seven," mahina pero mariing sambit nito. "Mag-usap tayo."
Hindi siya umimik. Tinitigan lang niya ito. Hanggang sa naupo si Kinette sa upuang kahoy, ilang dangkal lang ang layo sa kanya.
"Alam kong iniisip mo pa rin kung sineseryoso ko ang alok ko kanina." Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko ‘yun sinabi para lang takutin ka. O para lang makaganti sa daddy ko."
"Eh bakit nga?" sa wakas, nagsalita si Seven, ang boses niya’y malamig pa rin pero may halong pagdududa. "Bakit mo gustong pabagsakin ang sariling ama mo?"
Nanahimik si Kinette. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Parang hirap na hirap siyang sabihin ang totoo. Pero sa wakas, iniangat niya ang ulo at nagtagpo ang kanilang mga mata.
"Dahil sawa na akong mabuhay sa kasinungalingan, Seven." Nanginginig ang boses niya, pero pinilit niyang maging matatag. "Alam mo ba kung ilang beses akong nagbingi-bingihan? Nagbulag-bulagan sa mga ginagawa niya? Noong bata pa ako, iniisip ko na siguro normal lang... na business lang ang lahat. But when I saw his documents, his transactions… when I overheard what he and his men were talking about behind closed doors…
Napapikit siya at humugot ng malalim na hininga. “Our money’s stained with blood, Seven. And I know more innocent people will keep getting hurt if I don’t stop him.”
Natigilan si Seven. Sa unang pagkakataon, nakita niya si Kinette hindi bilang Tigress na palaban at mapang-asar, kundi isang anak na pagod na sa bigat ng mga sikreto ng pamilya niya.
"Kung gano’n..." mahina niyang tugon, "...bakit ngayon lang?"
Napangiti si Kinette—isang mapait na ngiti. "Because I’ve never really had anyone on my side until now. Even if you’re just an agent on a mission, you feel more real to me than everyone else around here.”
Tahimik muli. Hanggang sa tumayo si Seven at humarap sa kanya.
"Alam mo ba kung gaano kalaking panganib ang sinasabi mo? Sa akin. Sa’yo. Sa lahat."
Tumango si Kinette. "Alam ko. Pero mas pipiliin ko ‘yun kesa mabuhay sa takot at kasinungalingan."
He stared at Kinette, and in her eyes, he saw the truth. Determination. A serious purpose. There was no more reason for him to doubt.
Mabigat ang buntong-hininga ni Seven. "Fine." Umiling siya, parang hindi pa rin makapaniwala sa sarili. "Fine. Kung yan ang gusto mo... tatanggapin ko ang alok mo."
Napangiti si Kinette—sa wakas, isang ngiting may pag-asa. Pero, syempre, hindi mawawala ang asaran.
"Wow. At first I thought you’d chicken out, agent. Pero mukhang may tapang ka rin pala."
Napairap si Seven. "Don’t push it, Tigress."
Nagkatawanan silang dalawa, pero sa ilalim ng tawa ay ang kabang pareho nilang nararamdaman. Ngayon, simula na ito ng laban na hindi na nila maaaring umatrasan.
---
Kinabukasan
Sa private study ni Kinette, magkasamang nakaupo ang dalawa sa harap ng lamesang puno ng papel, tablet, at laptop. May blueprint ng mansion, listahan ng mga kilalang associate ni Kennedy Wong, at ilang lumang file.
"Okay, first move natin..." sambit ni Seven, nakapamulsa habang nag-iisip. "Kailangan kong mapalapit kay Kennedy. Pero hindi bilang bodyguard. Baka may magtanong o may magduda."
"Exactly why we need to change your label." Sumandal si Kinette at ngumiti nang may kapilyuhan. "Introducing... my boyfriend."
"Boyfriend?" halos mabulunan si Seven. "As in—boyfriend-boyfriend?"
Nagkibit-balikat si Kinette. "Anong gusto mo? Sabihin ko sa daddy ko na fiancé agad? That would raise eyebrows. Boyfriend is safer."
Umiling si Seven. "Hindi ba parang... ang bilis? Kahapon lang, asar-talo tayo sa isa’t isa. Tapos ngayon, boyfriend na?"
Napangisi si Kinette. "Hindi ka ba marunong umarte, agent? Kaya mo na ‘yan. O natatakot kang mahulog sa charms ko?"
"Tigress," kunwa’y warning ni Seven, pero hindi maikaila ang bahagyang pamumula ng tenga niya. "Let’s stick to the plan."
"Relax, boyfriend," tukso niya, sabay irap. "Walang mahuhulog kahit sino dito."
————
KINAGABIHAN, sa dining hall ng mansion, naka-upo si Kennedy Wong sa head ng table, may hawak na brandy at nagbabasa ng report. Katabi niya sina Mr. Chua at Mr. Liem, mga loyal niyang tao.
Pagpasok nina Kinette at Seven, tumingin si Kennedy. Agad sumeryoso ang mukha niya.
“Oh? Anong meron at magkasama kayong bumaba?” tanong nito, kita ang pagtataka.
“Daddy,” sabi ni Kinette, diretso ang tingin. “May gusto akong aminin.”
Napalingon si Kennedy kay Seven, then balik kay Kinette. “What is it?”
“Seven's my boyfriend now.”
Halos mabitawan ni Kennedy ang baso niya. Nanlaki ang mata, at napatingin kay Seven. “Ano?! Boyfriend?! Akala ko ba parang aso’t pusa kayong dalawa? Ang alam ko, halos magpatayan kayo araw-araw!”
Ngumiti si Kinette, kunwari sweet. “Minsan, ganun talaga, daddy. The more na nag-aaway, the more na may spark.”
Tahimik si Kennedy. Tinitigan niya si Seven nang matagal. “Seven, bodyguard ka. Kailan pa naging part ng job description ang makipagrelasyon sa alaga mo?”
Nagpakita ng respeto si Seven, pero steady ang tono niya. “Sir, hindi ko rin in-expect. Pero... nagkataon. At totoo ‘yung nararamdaman ko kay Kinette.”
Napakagat ng labi si Kennedy, parang nag-iisip kung magagalit ba o tatawa. Sa huli, umiling na lang ito, pero may konting ngiti sa gilid ng labi. “Kung yan ang gusto nyo, bahala kayo. Pero tandaan mo, Seven, boyfriend ka man o hindi, bantay-sarado ka pa rin sa akin.”
“Of course, sir,” sagot ni Seven, kalmado lang.
PAGLABAS NILA, sabay na napahinga nang malalim sina Kinette at Seven.
“That went better than I expected,” bulong ni Seven.
“Don’t relax too much. Alam mo naman si daddy. Mapagmatyag yan,” sagot ni Kinette sabay irap.
———
TAHIMIK na nakaupo ang dalawa sa veranda ng guesthouse. May blueprint ng mansion sa table sa harap nila, pati listahan ng mga tao ni Kennedy.
“Kailangan natin simulan i-map out kung sino ang pinaka-loyal sa kanya at kung sino ang puwedeng gamitan ng weakness,” sabi ni Seven habang tumuturo sa listahan.
“At ako ang magbibigay sa’yo ng info. Alam ko kung sino ang pwedeng i-approach, sino ang dangerous,” sagot ni Kinette.
Napatingin si Seven sa dalaga. “Alam mo bang sa ginagawa natin, may chance na ikaw ang unang tamaan nito?”
Ngumiti si Kinette, pero seryoso ang mga mata. “Alam ko. Pero mas kaya ko ‘yun kesa mabuhay na parang bulag. Seven... promise mo sa akin. Kung mangyari man na mapahamak ako, huwag mong sayangin ang misyon mo. Tapusin mo. Huwag mo akong unahin.”
Hindi agad sumagot si Seven. Tinitigan lang niya si Kinette, tapos marahan siyang umiling.
“Hindi ko ipapangako ‘yan. Kasi hindi ko kayang pabayaan ka. Kung anuman ang mangyari, magkasama tayong lalaban dito.”
Tahimik na nagtagpo ang mga mata nila. Parehong seryoso, parehong determined.
“Game na ba tayo?” tanong ni Kinette, pilit binabawi ang bigat ng moment.
“Game na, Peeping Tigress,” balik ni Seven, sabay ngiti.
Sumama ang tingin ni Kinette pero matapos niyon ay bahagya din siyang napangiti.