CHAPTER 1
KAAGAD na pinaarangkada ni Seven ang kanyang itim na Harley Davidson nang marinig ang gun shot, at kahit bahagyang madulas ang kalsada dahil katatapos lang ng ulan ay maingat pa rin siyang nagmamaniobra.
Kabisado na niya ang pasikot-sikot ng race track. Ilang beses na ba s’yang nakipagkarera sa lugar na iyon? Actually, 'di na niya mabilang pa. Ang alam lang ni Seven, siya ang laging panalo kapag street race ang pinag-uusapan.
Limang laps ang kailangang tapusin ng mga racers ng gabing ‘yon para mapasakamay ang cash prize na twenty thousand. At madali lang para 'yon sa kan'ya. Siya pa ba? Siya ang rank one street racers sa Kawashima Racing Club at hindi pa siya natatalo ninuman. Ang Kawashima Racing Club ay isang club na nag-oorganisa ng mga street racing sa iba' t ibang lugar. Ang may-ari nito ay isang Filipino-Japanese at isa ring street racer na si Seiichi Kawashima.
At ang maganda pa, lima lang ang mga kalahok na racer ng gabing ‘yon— na ang dalawa ay pawang mga kaibigan pa n’ya. Kaya para kay Seven, mas mainam kapag kakaunti ang kalaban, hindi masyadong hassle sa kalsada.
Kahit hating-gabi na at tanging poste lang ng ilaw ang nagsisilbing liwanag ng kalsada, 'di ramdam ni Seven ang kaba habang pinaaarangkada ang kanyang motorsiklo. Gamay na niya ang ganoong scenario sa loob nang halos three years na niyang pakikipagkarera.
Com'on, baby! Kaya mo 'yan! bulong niya sa kanyang motorsiklo habang hawak nang mahigpit ang manibela. Mas binilisan pa n'ya ang pagpapatakbo ng kanyang motorsiklo nang may ungas na humarang sa kanyang harapan. Lalo pa siyang nabuwisit nang hindi n'ya maungusan ang lintek na racer na ito.
Three laps na ang natatapos pero nanatiling second place lang si Seven, kaya mas lalo niya itong ikinabuwisit. Nakaharang pa rin kasi ang ungas na racer sa kanyang harapan at hindi siya binibigyan ng pagkakataong makasingit.
Ngayon lang n'ya nakalaban ang racer na ‘yon. Lahat kasi ng miyembro ng Kawashima Racing Club ay kilala niya at nakalaban na, subalit ang isang ito ay ngayon lang. Hindi rin niya malaman kung babae o lalaki ang racer dahil bukod sa pangalan na nakasulat sa overall gear nito, nakasuot din ito ng full helmet.
Napatiimbagang si Seven nang makita n’yang sinasadya ng gagong racer na ‘yon na harangan ang kanyang dinaraanan. Kung saan kasi siya pumupuwesto ay naroon din ito, bagay na sobrang niyang ikinabubuwisit.
Alam niyang street racing lang iyon at ‘di bawal sa rules ang ginagawa nito. Ang totoo ay gawain rin n'ya iyon, pero iba pala kapag sa iyo na ginawa. Pakiramdam niya ay ginagago siya.
Mamaya ka lang sa'kin, ungas! tiim-bagang niyang turan sa isipan nang makitang last lap na lang ang natitira at wala na siyang pag-asang maungusan pa ang racer na nasa harapan niya. Alam niyang hindi ito baguhan sa pakikipagpakarera. Magaling kasi itong magmaneho at kontrolado nito ang motorsiklo maging ang kalsada.
Sa huli, natalo si Seven na sa loob ng tatlong taon niyang pakikipagkarera ay ngayon lang nangyari. Hindi na kasi siya nagkaroon pa ng chance na makalusot sa ang red Ducati na pagmamay-ari ng gagong racer na sumira sa gabi niya.
Tiyak na katakot-takot na pang-aasar ang aabutin niya sa mga ungas niyang kaibigan. Alaskador pa naman ang mga ‘yon. Isa pa, may pustahan sila at ang masaklap ang motorsiklo niya ang nakapusta.
Pahablot na tinanggal ni Seven ang helmet, maging ang gloves na suot nang maiparada ang motorsiklo sa gilid ng kalsada. At tama siya sa hinala, hayun na ang dalawa niyang kaibigan at abot-tenga ang ngisi.
"Oh, gago! Talo ka, Sev! Sa'kin na 'yang Harley mo!" ngiting-ngiti na bungad ng kaibigan niyang si Zyair nang maihinto ang sariling motorsiklo at maghubad ng helmet.
"Ano? Pusta pa more! Akala mo, henyo ka 'no?" segunda naman ni Claude, isa rin sa mga kaibigan niya. Sinadya pa nitong pumarada sa tapat n'ya at bigyan siya ng pang-asar na ngiti.
Sagad sa gums kung makangisi ang mga gago kaya lalong sumama ang mukha niya. "Oo na! Tangina n'yo!" Humalakhak naman ang dalawang ungas sa sinabi niyang ‘yon kaya naman lalo siyang naasar.
Sa halip na mainis pang lalo sa dalawa, minabuti na lang n’yang bumaba sa motorsiklo at puntahan ang girlfriend n'yang si Lexi. Sumama kasi ito sa kanya para manood ng race. Narinig naman niyang nakasunod sa likuran niya ang dalawang ungas habang panay ang tawanan. Mga ungas!
"Baby, it's okay. Don't be sad,” kaagad na bungad ni Lexi nang makalapit siya. “May next time pa naman.” Kaagad siya nitong inabutan ng bottled water kaya bahagyang nawala ang inis n'ya sa nangyari. Habang umiinom ay pinupunasan pa nito ng towel ang pawis na pawis niyang mukha.
"Paano 'yan, Lex? Mag-taxi muna kayo ni Sev. Ako na ang bagong owner ng Harley, n'ya, eh!" nakangising ani ni Zyair. Nakasunod na rin pala ang dalawa niyang ungas na kaibigan.
"Oh my god!" bulalas ni Lexi sabay tingin sa nobyo na noon ay wala sa kanila ang atensyon. Hinahanap kasi ni Seven sa paligid ang racer na tumalo sa kan'ya ng gabing ‘yon. Pero sa kamalas-malasan, hindi niya makita ang ungas. Mukhang sumibat na ito.
"Salbahe talaga kayo, guys! Pati ba naman 'yon, pinagpustahan n'yo pa?” nakanguso namang ani Lexi sa dalawa.
"'Yong boyfriend mo kasi, eh. Napakayabang! Ipupusta raw ang Harley n'ya kapag natalo s'ya!" tatawa-tawa namang sagot ni Claude. "Ayan, kinarma."
"Oh, ano? Happy na kayo?" inis pa rin niyang asik sa dalawang kaibigan. Kung hindi lang n'ya itinuturing na kaibigan ang mga ito, baka binigyan na niya ito ng mga the moves sa Aikido na natutunan niya sa training.
"Sobra, kups. Wala nang bawian, ha?" nang-aasar pang hirit ni Zyair na sinabayan naman ng wagas na pagtawa ni Claude.
"f**k you, assholes!" mariing mura ni Seven sa mga ito pagkatapos ay binalingan na lamang ang girlfriend at umakbay. "Let's go baby, I still have work tomorrow. You too, right?"
"Yes, baby. May presentation pa 'ko tomorrow, ” sagot naman ni Lexi na agad ipinulupot ang mga braso sa kanyang baywang.
Two years na silang mag-on ni Lexi, and so far, maayos naman ang takbo ng relationship nila. But they have no intention of settling down yet, although they love each other. Pareho pa kasi silang busy sa kanilang mga career. Siya, bilang isang undercover agent, at ito bilang fashion designer. Ang pakikipag-race ay libangan lang nilang magkakaibigan.
Iniwan na nila ang dalawang kaibigan at saka tinungo ang motorsiklo niyang naka-park sa hindi kalayuan, pero napahinto si Seven sa paglalakad nang dumaan sa kanyang harapan ang pulang Ducati na kanina pa niya hinahanap. Ito ang may-ari ng motorsiklong tumalo sa kanya kanina lang. Isa pa'y ang pangalan sa likuran ng overall suit nito ang kanyang palatandaan.
Hindi na sana niya papansinin pa at lalampasan na lang ang racer na ito nang bigla itong humito malapit sa kinaroroonan niya at maghubad ng helmet. So babae pala ang Kin Wong na 'to huh? She's good for a female racer,
aniya sa isipan habang pinagmamasdan ito. Pero ganoon na lang ang pagsama ng kanyang mukha ng tumingin ito sa gawi niya at sukat ay ngisihan siya ng babae na tila ba nag-aasar. Pagkatapos niyon ay pinaandar na nito ang sariling motorsiklo at pinaharurot palayo.
What the f**k? he said to himself in exasperation.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"WHERE have you been, Ms. Kinette? Kanina ka pa hinahanap ni Sir Kennedy," bungad kay Kinette ng kanyang butler na si Mrs. Li pagpasok n'ya sa mansyon.
"Why? May kailangan ba ang matandang 'yon? Sa dinami-dami ng alipores niya, ako pa talaga ang hinahanap?" tanong niya. Lalo ring naningkit ang kanyang mga mata sa inis habang hinuhubad ang black leather gloves at knee pads na suot niya.
Nagtuloy-tuloy siya nang upo sa three-seater sofa at saka isinampay ang magkabilang braso sa sandalan niyon. Pinagkrus din niya ang mga binti na tila isang lalaki habang nakatingin sa kanyang butler na naupo sa katapat niyang sofa.
"Nag-aalala lang sa'yo ang Daddy mo, Ms. Kinette. Tinakasan mo na naman kasi ang mga bodyguards mo," mahinahong sabi naman ni Mrs. Li sa kanya.
Nalukot ang mukha ni Kinette What the f**k, Mama? Twenty-one years old na 'ko! Ba't kailangan ko pa ng bodyguard?" frustrated na tanong niya sa kanyang butler.
Nakasayan na niya itong tawaging Mama dahil malapit siya rito. Mula pagkabata kasi ay ito na ang nag-alaga sa kan'ya na hindi niya naranasan sa kanyang mga magulang.
Isa itong Chinese-Filipino na matagal nang naninilbihan sa kanyang pamilya since she was five. Wala itong asawa, at iginugol na lang ang buhay sa pag-aalaga sa kan'ya.
"Alam mo namang para iyon sa safety mo, hija," giit pa nito sa kan'ya, himig nagpapaintindi. “Sanay nauunawaan mo...”
Bumuntong-hininga si Kinette saka tumayo at naka pamulsang hinarap ang matanda. "Safety? For what? Para sa mga kaaway n'ya business?" pinagkadiinan pa niya ang huling kataga bago walang sabing iniwan ang kanyang butler.
Nasusuklam si Kinette sa klase ng pamilya na mayroon siya. Nasusuklam siya sa karangyaan na alam naman niyang bunga ng ilegal na gawain ng kanyang ama. At kinasusuklaman niyang isinilang siya bilang isang anak ng sindikatong Mafia.