CHAPTER 2

1853 Words
"Who live the pineapple under the sea?" "SpongeBob SquarePants!" "Absorbent and yellow and porous is he!" "SpongeBob SquarePants!" TUTOK ang atensyon ni Kin sa panonood ng favorite cartoon movie niya sa kanyang laptop habang umiinom ng Yakult, nang makarinig siya nang malakas at sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Oh, f**k! Istorbo! "Come in!" she shouted habang ang paningin ay hindi inaalis sa pinanonood. She really loves Spongebob since she was five. At kahit ngayong twenty-one na siya, wala siyang pakialam kung sa tingin ng iba ay pambata lang ‘yon. Who cares? Buhay n'ya iyon at may karapatan siyang gawin ang gusto niya. And of course, kaya niya favorite si Spongebob dahil tuwang-tuwa siya sa pagiging naïve at goofy ng yellow sponge na ‘yon. Somehow, nakakalimutan niya ang problema sa buhay sa t'wing pinanonood n'ya ito. Sa sobrang pagka-addict pa nga niya kay Spongebob, nagkaroon siya ng collection items nito gaya ng stuff toys, action figures, t-shirts, pillows, at kung anu-ano pa na may kinalaman dito. Pati na rin ang ibang characters sa movie na 'yon 'tulad nina Patrick Star, Squidward, Mr. Krab, at Gary ay mayro'n din siyang collection items. Mapa-rare o limited edition man ay kinokolekta niya, at naka-display ang lahat ng 'yon sa life size cabinet na yari sa salamin. Mayamaya pa'y sumama ang mukha ni Kinette nang biglang mamatay ang laptop niya, kaya pinukol niya ng matalim na tingin ang taong may gawa niyon. "Why are you here?" asik niya sa kanyang daddy. "What do you want this time?" Nagtiim-bagang ang kanyang daddy sa tanong niyang 'yon. "You're watching that stupid movie again, Kinette!" Sabi na nga ba n'ya. Ang panonood na naman niya kay Spongebob ang pupunahin nito. Damn you,old hag! Nang hindi siya tumugon mas lalong nalukot ang noo nito. "My god! Iyan na lang ba ang gagawin mo?!" singhal pa ng kanyang Daddy na halos umusok ang ilong sa galit. Mula sa pagkakahiga ay umayos ng upo si Kinette sa couch saka yumuko sa kuko niyang bahagyang natuklap ang itim na nail polish. "And what do you want me to do?" pabalang niyang tanong sa kanyang dadfy na hindi man lang ito tinapunan ng tingin. s**t! I need manicurist! Samantalang nagpipigil naman si Kennedy ng galit sa kaisa-isang anak. Hangga't maaari, ayaw niyang lalong sumama ang loob nito sa kan'ya. Pero hindi rin lingid sa kanyang kaalaman na mas lalong lumalala ang kawalang-modo ng kanyang anak na dalaga. Nawawalan na ito ng respeto sa kan'ya bilang ama. "Tumingin ka sa akin kapag kausap mo ako, Kinette! Huwag mo akong bastusin!" Mas baritono na ang tinig ni Kennedy pagkasabi niyon, punong-puno ng awtoridad. Gusto kasi niyang ipaalam sa anak siya ang ama nito, sa ayawan nito o gusto. At siya ang masusunod sa kanilang dalawa. Sinunod naman ni Kinette ang sinabi ng kanyang daddy. Nag-angat ito ng tingin, but her deep-set amber eyes didn't show any fear for her father. Wala rin kahit anong emosyon ang mababasa sa mukha nito kundi pagkabagot. "Sa halip na sinasayang mo ang oras mo sa panonood sa walang kwentang iyan at pakikipag-karera kay Kamatayan, bakit hindi mo ako tulungang i-manage ang business natin?" ani Kennedy sa anak. "Para naman kahit paano, may pakinabang ka!" Matatas nang magsalita ng Tagalog si Kennedy kahit pa nga may dugo itong Chinese. Sa Pilipinas na kasi ito lumaki dahil Filipina ang kanyang ina. Dito na rin siya bumuo ng pamilya at piniling manirahan. "What business, Dad?" tiim-bagang na tanong ni Kinette sa ama. "'Yong pagiging drug distributor natin?" "Para 'yon sa kinabukasan mo, anak! Ginagawa ko ito dahil sa iyo!" giit naman ni Kennedy. Pigil-pigil na rin nito ang sarili na magalit pa nang husto sa nag-iisang anak. Hangga't maaari, ayaw niyang muling mapagbuhatan ng kamay ang anak dahil sa pagsagot-sagot nito. Nagpanting naman ang tenga ni Kinette nang marinig ang walang kwentang rason ng kanyang daddy. Sa galit ay napatayo s'ya sa couch at saka pinukol ito ng matalim na tingin. "f**k! Mas gugustuhin ko pang maging magpalaboy-laboy sa kalye kaysa maging anak ng drug lord 'tulad mo!" sigaw niya. Wala na siyang pakialam pa kung masaktan siyang muli ng ama. Ano pa bang bago? Sanay na siya ro'n. "What the hell?! Wala kang utang na loob, babae ka!" Kasunod niyon ay malakas na sampal ang iginawad ni Kennedy sa anak. Dahilan para muli itong mapaupo sa couch habang hawak ang pisnging namumula. "Pinasok ko ang trabahong ito dahil sa inyo ng Mommy mo! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako nang ganyan!" hiyaw ni Kennedy habang tila nagliliyab ang mga mata sa galit. Tiim-bagang naman na tumayo si Kinette sa couch saka padabog na nilayasan ang ama. Hawak-hawak niya ang pisnging tila nangapal dahil sa pagkakasampal ng kanyang daddy. Fuck this family! mariin niyang usal habang pinapahid ang mga luha na hindi nya n'ya namalayang tumulo na pala. Dire-diretso siyang lumabas ng kanilang mansyon at nagtungo sa garahe at dali-daling sumakay sa kanyang motorsiklo. Gusto niyang mag-unwind at pansamantalang matakasan ang masalimuot na buhay na mayro'n siya. Bahala na kung saan siya makarating basta makalayas lang siya sa mala-impyernong pamamahay nila. Pero bago pa niya mapaandar ang kanyang motorsiklo, narinig na niya ang baritonong tinig ng kanyang ama. "'Wag hahayaang makalabas ang babaeng 'yan!" mariing utos nito sa mga tauhan na sa tantiya niya ay nasa sampu. Sa halip na matakot, binuhay lamang ni Kinette ang makina ng motorsiklo at itinodo ang birit nito patungo sa mga tauhan ng ama na noon ay nakaharang na sa drive way. Wala siyang pakialam kung masagasaan n'ya ang mga ito, ang importante ay makalayas siya ng gabing 'yon. Subalit bago pa siya umabot sa mga ito ay nag-unahan na ang mga itong umalis sa drive way. Asshole! isip-isip n'ya saka nagtuloy-tuloy na pinaarangkada ang motorsiklo sa nakabukas na gate. °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° DUMIRETSO ng bar sa Bonifacio Global City ang magkakaibigang Seven, Claude, at Zyair pagka-out sa trabaho. Sa iisang agency nagtatrabaho ang mga ito bilang mga undercover agent. Wala pang panibagong assignments ang mga ito kung kaya't mayro'n pa silang oras para mag-bar hopping. "Cheers, bro!" ani Seven sa dalawang kaibigan saka itinaas ang basong naglalaman ng brandy. Medyo tipsy na siya ng mga sandaling 'yon dahil nakakailang shots na rin siya ng brandy. "Cheers!" segunda naman nina Claude at Zyair. "So pa'no, Sev? Kailan ka bibili ng bagong Harley mo?" nang-aasar na tanong ni Zyair sa kan'ya. Kaagad namang sumama ang mukha niya nang marinig 'yon. "But in fairness kups, ang smooth i-drive ng bike mo! Parang chiks!" nakangising pang dagdag nito. Si Zyair ang pinakabata at pinakababaero sa kanilang tatlo. Wala itong siniseryosong babae, maliban sa first girlfriend nitong niloko naman ito. Ito rin ang joker at malakas mang-alaska sa grupo. "f**k you! Nakalimutan mo na bang dalawa ang Harley ko?" nang-aasar ring sagot niya sa kaibigan sabay lagok ng alak. Bahagya pa siyang napangiwi nang gumuhit ang mapait na alak sa kanyang lalamunan. "Alin? 'Yong bigay ng dad mo?" sabat naman ni Claude habang panay ang nguya ng pulutan nilang nachos. Si Claude naman ang itinuturing na adviser sa tatlo. Magaling magpayo pero pagdating sa sarili, hindi mai-apply. At gaya ni Zyair, wala rin itong steady relationship. Ayaw kasi nito nang may magko-control sa mga gusto nitong gawin sa buhay. "Yeah. Gagamitin ko na kaysa kalawangin sa garahe. Nami-miss ko na rin kasing pakainin kayo ng alikabok, eh!" mayabang niyang tugon sa dalawa. May one week na rin kasing hindi siya nakipag-karera dahil na kay Zyair na motorbike niya. Beside, pinag-iisipan din niya kung gagamitin n'ya ang motorbike na iniregalo pa ng kanyang Daddy. May sentimental value kasi 'yon sa kan'ya kaya as long as possible, ayaw sana niyang magasgasan 'yon. Pero anong magagawa niya? Kating-kati na ang kanyang kamay sa pakikipagkarera? Feeling din n'ya, kulang ang kanyang buhay kapag hindi n'ya 'yon nagagawa maski once a week man lang. "Ulol ka! Baka nakakalimutan mo, 'di ka na rank one. Tinalo ka na, Sev!" humahalakhak na buska ni Zyair. "Oo nga. Ano, may amnesia lang, kups?" nang-aasar namang segunda ni Claude. Awtomatikong sumama naman ang mukha ni Seven nang maalala ang taong sumira sa record niya sa racing. 'D niya akalain na sa loob ng three years, babae lang pala ang makakatalo sa kan'ya. Napakalaking insulto n'yon sa p*********i niya, at para sa kanyang racing career. Mayamaya pa, naputol ang kanilang pag-uusap nang makarinig ng tila nag-aaway mula sa kung saan. Kaagad inilibot ni Seven ang paningin sa kabuohan ng bar at napansin niyang mayroong komosyon na nangyayari sa dance floor. "May nag-aaway 'ata," ani Zyair na tumayo mula sa kinauupang stool. "Tara, lapitan natin," suhestiyon naman ni Claude na noon ay nakatayo na rin at nakatingin sa kumpulan ng mga customers. "Let's go," ani Seven. Nauna na siyang naglakad papunta sa dance floor kung saan nagmumula ang komosyon. Pagdating doon, bumungad sa kanila ang isang malaki at kalbong lalaki na tadtad ng tattoo sa katawan. Mukhang may kaaway nga ito dahil mistulang umuusok ang ilong nito sa galit. "Ano, ha? Akala mo porket babae ka, 'di kita papatulan?!" malakas na sigaw nito. "Goddammit! Get up! Nasa'n ng tapang mo, babae?" Dinuro-duro pa nito ang isang babae na noon ay nakasubsob sa sahig. Kaagad nagpanting ang tenga ni Seven nang marinig ang sinabi ng ungas. Pagkatapos ay pinukol niya ng tingin ang babaeng tinutukoy nito. Hindi n'ya makita ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng itim na hoodie na suot nito. Lumapit si Seven sa kinaroroonan ng babae at saka humarang para maprotektahan ito sa muling pagsugod ng kalbong lalaki. "Babae 'yan, pre! Bakit pinatulan mo?" sita n'ya rito. "Wala ka bang Nanay o kapatid na babae?" asik pa ni Seven. Lalo namang sumama ang mukha nito nang marinig ang sinabi niya. "At bakit? Ano'ng pakialam mo?! Gusto mong madamay, ha?!" asik nito kay Seven na punong-puno ng angas. Pumalatak siya. "Republic Act No. 9262 Section 5— Acts of Violence Against Women and Their Children. The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts—" Naputol ang sanay sasabihin pa si Seven dahil sa pagsigaw ng ungas na lalaki. "Gago! 'Di ako takot makulong! At saka sino ka ba? Syota mo ba 'yan, ha?!" Nang marinig 'yon ay tiim-bagang na tumango si Seven sa dalawang kaibigan na noon ay nanonood lang. Kaagad namang nakuha ng mga ito ang ibig niyang sabihin at tumalima. Matapos niyon ay binalingan ni Seven at dinaluhan ang babae na noon ay nakasubsob pa rin sa sahig. Marahan niya itong inalalayan paharap sa kan'ya. At kasabay nang pag-atungal ng kalbong lalaki na marahil ay nanlaban kina Zyair at Claude, ay tumambad sa kan'ya ang mukha ng babaeng putok ang ilong. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makitang titig na titig sa kan'ya ang light brown nitong mga mata, at sukat ay ngisihan siya na nang pamatay. Goddammit! It's her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD