"LET go of me..."
Pinukol ng masamang tingin ni Kinette ang lalaking sumaklolo sa kan'ya. Namumukhaan n'ya ito. Alam n'yang ito ang ungas na lalaking inilampaso n'ya sa race no'ng isang linggo. Well, mukhang namukhan din naman siya ng hudas dahil kitang-kita n'ya ang pagkagulat sa mukha nito.
Sinunod naman ng kaharap ang sinabi niya. Kaagad siya nitong binitiwan at saka tumayo. "Are you okay? Dumudugo 'yong ilong mo." Itinuro pa nito ang mukha niya.
Dali-dali namang sinapo ni Kinette ang ilong na noon ay dumugo na pala. s**t! Nabali 'ata ang ilong ko!
"Tulungan na kita," prisinta pa ng lalaki nang umasta siyang tatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Inilahad pa nito ang palad sa harapan niya at bahagyang nakangiti.
But instead of accepting it, she just gave him a sarcastic smile. "I don't need your help, okay?" Tinapik n'ya ang kamay ng ungas saka tumayo nang mag-isa. Kitang-kita naman niya kung paanong sumama ang mukha nito nang gawin n'ya 'yon.
Bwisit talaga! Kapag minamalas nga naman! nakangiwing usal ni Kinette nang bahagyang maramdaman ang hapdi dulot ng pumutok niyang ilong. Kaagad niyang kinuha ang panyo sa bulsa ng kanyang jeans at pinunasan iyon.
"Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa ang galit. Hanep din!" masama ang mukha na sabi nito na halatang napipikon. "Don't you know how to be grateful, huh?"
Sa sinabi nito ay muling ngumisi si Kinette na lalong namang ikinasama ng mukha ng hudas. Lihim tuloy siyang natawa sa reaksyon nito. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto n'yang nakikita na naaasar ito sa kanya. Obvious naman kasi pikunin ito kaya tuloy gusto niyang lalo itong asarin.
"I don't need a help, lalo na sa talunang 'gaya mo," aniya sabay bira ng layas at nagtutuloy-tuloy ng labas sa bar. Hindi niya kailangan ng tulong ng kahit na sinong Poncio Pilato ng oras na 'yon.
Lumayas pa naman siya ng gabing iyon para mag-unwind, after nilang mag-away ng evil dad niya. Pero hindi niya akalain na mapapaaway pa pala siya sa letseng bar na 'yon. Well, nagsimula iyon nang aksidenteng natabig niya ang wine glass ng isang babae. Nag-sorry naman siya rito pero sinampal siya ng bruha.
Sa galit, gumanti rin siya ng sampal sa bruha dahilan para ang boyfriend naman ng babae ang gumanti at malakas siyang itinulak. Tumama tuloy ang mukha niya sa kanto ng mesa at napasubsob pa siya sa sahig.
Nang marating ang parking lot kung saan nakagarahe ang motorsiklo, mabilis na sumakay si Kinette at sumibat. Alas-tres na kasi iyon ng madaling-araw at inaantok na rin siya. At isa pa, sigurado siyang sa mga oras na iyon ay umuusok na ang ilong ng matandang hukluban dahil sa ginawa niyang eksena kanina.
But she didn't care at all. She will do what she wants, at wala s'yang pakialam kung magalit pa ito. Gagawin niya ang kanyang gusto, at walang makapipigil doon maski ang daddy niya.
Pagdating sa mansyon, kaagad siyang sinalubong ng kanyang butler, hindi pa man niya naipa-park nang maayos ang kanyang motorsiklo. Bakas ang pag-aalala sa mukha mg matanda habang nakatingin sa kan'ya kaya naman lihim siyang napangiti.
"Ms. Kinette, what happen to your nose? Sino ang may gawa niyan?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Li pagbaba niya sa motorsiklo.
She let out a deep sigh. Pinagmasdan niya ang kanyang matandang butler. Mabuti pa ito, nararamdaman niyang totoong may concern sa kanya. Samantalang ang daddy niya, walang ginawa kundi palaguin ang illegal business nito. Ni minsan mga ay hindi siya kinumusta nito. Kakausapin lang siya ng matandang iyon kapag may gusto itong sabihin. Not once did her father ask her how hee day was, if she was sick, or if she had eaten. Never.
Bahagyang nginitian ni Kinette si Mrs. Li at saka lumapit sa matanda at umakbay. "Wala 'to, Mama. Nauntog lang ako. Swerteng tumama ang ilong ko sa mesa," pagsisinungaling niya.
"Are you sure, hija?" paniniguro pa nito na bakas ang pag-aalala sa mukha habang pinagmamasdan siya.
Ngumisi siya kay Mrs. Li. "Of course, Mama. Wala ka bang tiwala sa'kin?"
"Syempre, malaki ang tiwala ko sa'yo, Ms. Kinette," tugon ni Mrs. Li sa kanyang alaga. "Siya nga pala, nag-away na naman pala kayo ni Sir Kennedy. Tungkol na naman ba ito sa pamamahala ng negosyo niyo, hija?" usisa pa nito sa dalaga.
Bumitiw sa pagkakaakbay si Kinette sa matanda at saka marahas na bumuntong-hininga. "Kahit ano'ng gawin ng matandang 'yon, he can't force me to do what he wants!" she said emphatically as she gritted his teeth. "Hindi n'ya ako mapipilit kahit saktan n'ya pa ko nang paulit-ulit!"
Samantalang natahimik naman si Mrs. Li sa isinagot ng kanyang alaga. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng dalaga. Alam rin niya kung gaano kinamumuhian ni Kinette ang ama. Ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga ang totoong dahilan kung bakit pinasok ni Mr. Kennedy ang drug smuggling. May malalim itong dahilan na hindi nalalaman ng sino man, bukod sa kabiyak nito at sa kaniya.
"Nandito lang ako, hija. Hinding-hindi kita pababayaan," sa halip ay sagot na lamang ni Mrs. Li. Marahan namang tumango si Kinette sa kan'ya at saka ginawaran siya ng pilit na ngiti.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"DINALA na sa presinto ang lalaking 'yon, Sev. Nasaan na 'yong babae? She needs to file a case against that bastard nang magtino." Matapos kasing turuan ng leksyon ng kanyang mga kaibigan ang lalaking nag-eskandalo sa bar at nanakit sa babaeng iyon, tumawag ang mga ito ng pulis.
"Where's Zy?" sa halip ay masama ang mukhang sagot n'ya. "Let's go, uwi na tayo. May pasok pa tayo bukas." Inilibot pa niya ang tingin sa kabuohan ng bar pero 'di niya makita ang kupal na si Zyair.
"Kausap 'yong may-ari ng bar tungkol sa mga damages. Nasira kasi 'yong table at ilang upuan kanina," paliwanag ni Claude na kaagad namang napuna ang pagkawala sa mood ni Seven ng oras na 'yon.
"Sige, hintayin ko na lang kayo sa parking lot," sagot ni Seven at saka bumira ng alis. Alam niyang nahalata ni Claude ang pagiging iritado niya, pero talagang hindi maalis sa isip niya ang aroganteng babae kanina.
Siya na nga ang tinulungan, ang yabang pa? Tapos sasabihan pa akong talunan? f**k! Who the hell is she?
Padabog na tinungo ni Seven ang parking lot kung nasaan nakagarahe ang motorsiklo ng mga kaibigan. Kung may dala nga lang s'yang sariling motorbike, kanina pa sana siya umalis doon. Kaya lang, naki-angkas lang siya kay Zyair papunta sa naturang club
"Makita lang kita ulit! Hindi lang kita pakakainin ng alikabok, paliliguan pa," he murmured sabay sipa ng maliit na bato na nasa paanan n'ya.
Isang sandali pa'y nakita na ni Seven na papalapit ang mga kaibigan sa kinaroroonan niya. Bakas ang pagtataka sa mukha ng mga ito habang pinagmamasdan siya.
"What happen, Sev? Where's the girl? She needs to go to the precinct to file a case. Kasi kung hindi, pakakawalan 'yon dahil walang complainant," ani Zyair nang makalapit.
"Bakit ba bad mood ka na naman, kups? Nag-away ba kayo ni Lexi?" tanong naman ni Claude.
Si Seven ang pinaka-moody sa tatlo. Daig pa nito ang babae sa bilis magpalit ng mood. Ito rin ang tipong malakas mang-asar pero mabilis namang mapikon. Subalit sa magkakaibigan, si Seven ang masasabing loyal. Tatlo pa lang kasi ang nagiging girlfriends nito at lahat iyon ay pawang serious relationship.
"Umalis na," tipid na sagot ni Seven sa mga kaibigan saka pilit itinago ang pagsama lalo ng niyang mukha.
"Bakit? Sinabi ba niyang 'di siya magsasampa ng kaso?" kunot-noong tanong naman ni Claude sa kan'ya.
"I dunno."
Sabay na nagkatinginan sina Claude at Zyair. Kabisado nila ang kaibigan kapag ganito ito magsasasagot, tiyak wala na naman ito sa mood. Kaya naman pinili na lang ng dalawang manahimik at sumakay sa kaniya-kaniyang motorsiklo.
Hindi na rin nagtatangka ang mga itong biruin si Seven kapag 'di maganda ang timpla niya. Tiyak kasing makakatikim sila ng katakot-takot na mura sa oras na gawin nila iyon.
"Bukas mag-race tayo. Pakakainin ko lang ng alikabok ang babaeng 'yon," wala sa sariling saad ni Seven. Sumampa na siya sa likuran ng motorsiklo ni Zyair dahil doon siya naki-angkas.
"Who?" nagtataka namang usisa ni Zyair habang binubuhay ang makita ng motorsiklo nito.
"Anong sino?" balik-tanong niya sa kaibigan.
"'Yong babaeng pakakainin mo kamo alikabok."
Shit! Nailakas ko pala! "W-Wala! Wala akong sinasabing gan'on," pagsisinungaling niya. Nang silipin si Zyair sa rear view mirror, kitang-kita niyang nakangisi ito at obvious na hindi naniniwala.
"Ulol ka, Sev. Ang weird mo!"
Hindi na lang pinansin pa ni Seven ang patutsada ng kaibigan. But at the back of his mind, kating-kati na talaga siyang makalaban ulit sa karera ang arogante at mayabang na babaeng 'yon. Ilalampaso talaga n'ya ito sa karera at pagkatapos ay tatawagin ding talunan. Isang Seven Cruz pa talaga ang hinamon mo! Makikita mo, ikaw naman ang tatawagin kong talunan!
KINABUKSAN, pagpasok ni Seven sa opisina ay kaagad siyang ipinatawag ng big boss ng Dominguez Investigative and Security Group o DISG. Ito ang private agency kung saan siya nagtatrabaho nang may tatlong taon na bilang isang undercover agent.
Pagkatapos niyang makapagtapos noon sa Philippine Military Academy, kaagad siyang nag-apply sa prestigious agency na ito. At sa kabutihang palad, sinuwerte naman siyang makapasa.
Noon pa man ay pangarap na n'yang maging undercover agent kaya naman pinursige n'ya itong makamit na sinuportahan naman ng kanyang parents.
Ang DISG ay nakasentro sa pagsawata ng malalaking grupo ng mga drug smugglers, human traffickers, gun smugglers, kidnapped for ransoms, at iba pa na may kinalaman sa paglabag sa batas.
Nakikipagtulungan din ang naturang ahensya sa mga sangay ng gobyerno na 'tulad ng Philippine Drug Enforcements Agency, National Bureau of Investigation, at Philippine National Police sa pagsugpo ng krimen sa Pilipinas.
Nagtatago sa iba't ibang identities ang bawat agents ng DISG sa bawat misyon, at iyon ay para maprotektahan ang trabaho at maging ang kanilang mga pamilya. Subalit hindi naman ipinagbabawal na ipaalam sa kanilang mga mahal sa buhay ang kanilang tunay na trabaho, basta't hindi ito ipagsasabi. Dahil maaari iyong gamitin ng kanilang mga kaaway para makapaghiganti.
"Please, sit down, Agent Cruz," ani Mr. Dominguez pagdating ni Seven sa private office ng kanilang big boss.
"Thank you, Sir," saad niya at saka naupo sa swivel chair na katapat nito.
"Okay, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kaya kita ipinatawag upang ibigay ang next mission mo," kaagad na sabi nito nang maupo siya. "And by the way, this mission is confidential. Walang maaaring makaalam nito maging ang iyong pamilya. It's for you and your family's safety, Agent Cruz."
Mabilis namang tumango si Seven. "I understand, Sir."
"Okay, good," saad nito sabay abot nito sa kan'ya ng itim na folder na may logo ng ahensya. "Nariyan ang bago mong assignment sa isang grupong tinatawag na Chinese Mafia."
Kaagad na binuklat ni Seven ang hawak na folder at pinasadahan ng tingin ang mga impormasyong nakapaloob sa bago niyang assignment.
"Ang Chinese Mafia na iyan, ayon sa ating source ay pinatatakbo ni Kennedy Wong. Isang Chinese-Filipino business man na nagmamay-ari ng mga Chinese Pharmaceutical sa Pilipinas," paliwanag ni Mr. Dominguez.
"May nag-tip sa atin na hindi ordinaryong gamot ang ginagawa sa laboratory nito sa Pampangga, kung hindi pati na rin ng mga ipinagbabawal na gamot 'tulad ng ecstasy, valium at kush. Pinaghihinalaang ang Chinese Mafia ang isa sa mga distributor ng nasabing drugs sa iba't-ibang parte ng bansa."
"Ang misyon mo, pasukin at alamin kung tama ang ating nakuhang impormasyon. Kumalap ka ng mga ebidensya na makapagpapatunay na sangkot ang Kennedy Wong na iyan sa ipinaparatang sa kan'ya. Anyway, si Kennedy Wong ay pinsan ni Ricky Wong na kasalukuyang assignment naman ni Agent Ramos."
Ang Agent Ramos na tinutukoy nito ay ang kasamahan n'ya sa elite team na kung tawagin ay The Black Squad, na binubuo ng anim na miyembro kabilang siya maging sina Zyair at Claude.
Ang The Black Squad ay binubuo ng anim na mahuhusay na agent. Si Heinz Alvarez na leader at itinuturing na utak ng grupo ay siyang top agent sa DISG. Si Akihiro Tetsuya na isang sharp shooter at sniper sa grupo. Si Claude Scott ay mahusay sa bomb detonating. Samantalang sina Raiko Ramos, Zyair Villanueva, at Seven Cruz ay pawang magagaling naman sa paggamit ng baril.
"Okay, Sir. I understand. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para sa misyong ito," ani Seven na puno ng determinasyon ang tinig. Hindi basta-basta ang misyon na 'yon kaya ipinangangako niyang gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para maging successful iyon.
"Katulad nang inaasahan ko sa iyo, Agent Cruz." Tumango-tango pa ito sa kaniya. "Pero mag-iingat ka. The Mafia led by Kennedy Wong is said to be one of the most powerful in the Philippines," paalala pa ni Mr. Dominguez.
"Don't worry, Mr. Dominguez. I will do my best para hindi mapahamak sa misyong ito," may kasiguraduhang sagot ni Seven. Para ano pa't naging miyembro siya ng elite team kung ipapahamak niya ang sarili sa misyong 'yon? Nah! It will never happen.
"Good," tumatangong turan naman ni Mr. Dominguez. "Anyway, nariyan sa folder ang larawan ni Kennedy Wong at ng nag-iisang anak nitong babae. Sa tingin ko, maaari mong umpisahan ang misyon sa anak niya. Gamitin mo ang charm mo, Agent Cruz," dagdag pa ni Mr. Dominguez.
Hindi malaman ni Seven kung seryoso ba ang big boss sa huling sinabi nito, pero gayon pa man, ngumiti lang siya sa matanda bilang sagot.nMatapos niyon ay hinanap niya sa folder ang mga picture na sinasabi ni Mr. Dominguez. Nakita naman niya itong nakaipit sa pahina ng folder at kaagad na kinuha.
And he was surprised to see the picture of the cryptic woman he hated the most—Kinette Wong.