Chapter 1
Mayumi's POV
"Kuya! Bili na po kayo."
Pag-aalok ko sa bawat taong mga dumadaan kasabay ng pag-aabot ko sa kanila ng mga fliers na kinakailangan kong maubos ngayong araw.
Alam kong medyo mahihirapan akong maubos lahat ng mga ito ngayon. Nauubos lang naman kasi yung mga fliers namin kaagad kapag may kasamang freebies.
"Ate, bili po kayo samin."
Pag-abot ko sa babaeng dumaan.
Umupo muna ako sa upuan at tinanggal yung custome ko sa ulo para naman makahinga hinga rin ako ng maayos. Kinuha ko yung juice na pinatong ko kanina sa bench at ininom.
I'm wearing a mascot kahit na sobrang init sa Pilipinas.
Ewan ko ba sa may-ari nitong business. It's an old fashion marketing and cause more effort.
Panay ang pagpaypay ko ng kamay ko sa sarili ko nang may padaang lalake.
He looks creepy. He is wearing a face mask and an all-black outfit.
Tinitingnan ko palang siya ay naiinitan na ako lalo.
Nang malapit na siya sa akin ay nagmamadali akong lumapit sa kaniya para magbigay ng fliers nang bigla akong matisod dahil sa suot ko at matapon ang juice na hawak ko sa suot niya.
"Oh my gosh. Sorry po."
Natataranta kong sabi habang nililibot ang paningin ko para makahanap ng pamunas nang makita ko ang hawak niyang panyo.
"Pahawak po muna"
Binigay ko sa kanya yung mga fliers at hawak kong juice at kinuha yung panyong hawak nya at pinunasan yung damit nya.
"Ayan na po sir. Black naman po yung damit nyo kaya hindi halata. Sorry po ulit."
Inabot ko pagbalik sa kaniya yung panyo niya sabay kuha naman ng mga gamit kong pinahawak ko kanina sa kaniya.
The guy removed his shades, and I saw his eyes na halatang galit na galit.
Panay ang kabog ng puso ko sa kaba at takot.
"Seriously? Panyo ko pa talaga yung pinangpunas mo?"
"Pasensya na po. Babayaran ko nalang."
Nakayuko kong sabi.
Napapabilang ako kaagad sa mababawas sa sasahurin ko ngayong araw.
Kasunod niyang inialis ang itim a face mask na suot niya at bago ko lang nasilayan ang napakaganda niyang mukha.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko sabay hila sakin papunta sa likod ng restaurant kung saan walang tao.
Sunod niyang inalis ang pantalin, este yung cap na suot niya at muli akong hinarap.
"Don't you know me?"
"Po?"
Hindi ko alam.
Magkaklase ba kami dati? Magkapitbahay? O baka magkalaro nung mga bata?
Wala naman akong naalalang kakilala na kasing gwapo niya.
"Everyone knows me."
"May kaso ka?"
Kunot noo kong tanong.
"Tao ka ba?"
"Nang-iinsulto ka ba?"
Pag-susungit ko rin sa kaniya.
"Pasensya na pero kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko."
"Sandali. Hoy!"
Pagtawag niya sa akin pero hindi ko pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makabalik ako sa bench ay nakarinig ako ng isang babaeng sumigaw habang tumuturo sa direksyon kung saan ako galing kanina.
"Charles!"
Sigaw niya na nakapag-agaw ng atensyon ng iba at sabay-sabay silang nagsitakbuhan.
Muling napakunot ang noo ko nang ang makita kong hinahabol nila ay yung masungit na lalakeng kausap ko kanina.
I want to be curious, but I don't have time.
Kung sikat man siya edi sikat siya. Kailangan ko ng pera.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko muling hinawakan ang ulo ng mascot at susuotin na sana nang may tumawag sa akin.
"Yumi?"
"Oh, Ren. I mean, boss Renz."
Kabata ko si Renz.
Malayo yung estado namin sa buhay pero malapit pa rin kami sa isa't isa.
Siya nga yung pumasok sa akin sa part time job na 'to.
Buti nalang nandyaan siya at baka wala akong kakainin mamayang gabi.
"Ren nalang. Ang kulit naman nito."
"Salamat ulit."
"Wala yun. Ito nga pala yung sweldo mo."
"Ang bilis naman."
Dapat mmaya ko pa makukuha kapag naubos ko nang mapamigay yung napakadaming fliers dahil doon mababase kung magkano ang kikitain ko.
Mas madaming napamigay ay mas malaking kikitain.
"Tapos na ang trabaho mo. Balik ka nalang ulit bukas."
Sagot niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at tiningnan siya ng masama.
"What?"
"Kinakaawaan mo nanaman ba ako?"
Mahinang paghampas ko sa kaniya.
"Hey, just say thank you."
"Thank you."
Pagyakap ko sa kaniya bilang pasasalamat.
"Good. "
Pag-ngiti niya.
"Do you want to eat dinner together later?"
"Sana kaso may tatapusin pa ako."
"Ah."
May isa pa akong trabaho mamayang gabi. Gusto ko man sumama ay wala akong oras. Panigurado ring gagastuhan nanaman niya ako. Ilang beses niya na akong nalilibre at nahihiya na ako kaya hindi nalang muna.
"Salamat ulit. Kailangan ko nang umalis."
"To where?"
"Secret. Sige na. Bye muna."
"Mag-iingat ka."
"Thank you. Ikaw din."
Sigaw ko habang kumakaway at tumatakbo palayo.
Nagdesisyon muna akong umuwi ng bahay.
Sa pagbukas ko ng pinto ay tumambad nanaman sa akin ang nakakabasag na katahimikan.
"Ma, Pa, anditi na po ako."
Pag-ngiti ko.
Hinubad ko yung jacket na suot ko at binuksan yung refrigerator.
Kinuha ko yung nag-iisang maliit na karne at inilabas para patunawain.
Ngayon nalang ulit ako makakakain ng karne.
"Kamusta na ang araw mo?"
Pagkausap ko sa sarili ko bilang pagkukunwaring kinakausap ako ng mga magulang ko.
"Okay lang po. Sobrang init lang sa labas."
"Uminom ka lagi ng tubig."
"Opo. Palagi naman po akong may inumin."
Mapait akong napangiti sa kalungkutan.
Muli akong napabuntong hininga.
Kung pwede lang ibalik yung oras.
Gagawin ko ang lahat umingay lang ulit dito sa bahay.