Chapter thirty-five Kausap ko ngayon si Cali. Nagpapatulong ako kung anong pwede kong suotin para lang makapunta kay Miguel ng hindi man lang nakikilala. [Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo nalang 'yan?] tanong nito mula sa kabilang linya. "May aasikasuhin ako bukas.] pagpapaliwanag ko. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Para akong sabik na sabik na makita si Miguel. At saka, hindi na 'ko natatakot sa pagtakas. Ilang beses ko na itong nagawa at hindi naman ako pumalya. At saka, sabi nga ng iba, kapag gusto may paraan kapag ayaw ay may dahilan. Gusto kong makita si Miguel ngayon kaya gagawa ako ng paraan para mangyari 'yon. [Just wear something na hindi ka nila makikilala sa ganong outfit. Suotin mo yung mga style mo simula ng makilala mo si Miguel.] sabi ni Cali. "Okay, fine. Thank y

