Chapter forty-four Dahan-dahan kong hinawi ang mga sanga ng halaman na humaharang sa aking dadaanan. Isang mataas na lugar na kapag tumungo ka, makikita mo ang ilaw ng mga matataas na gusali. At kung titingala ka naman, makikita mo naman ang mga bituin na nagsi silbing liwanag sa paligid. Hindi pamilyar ang lugar na 'to pero ngayon palang, masasabi ko ng masyado nitong na antig ang puso ko. Ang magagandang tanawin at ang masarap na simoy ng hangin ay ang maaring rason kung babalik man ako rito. Sa bawat pag-lingon ko ay binibigyan ako ng rason para manatili. Mga magagandang tanawin na ani mo'y hinehele ka sa ganda. Sa bawat pag-hawi ko ng mga sanga sa aking dinadaanan ay unti-unting bumu bungad sa'kin si Miguel. Tahimik lang s'yang naka-upo sa malaking bato habang palingon-lingon sa

