Chapter thirty-three Ilang oras na rin ang nakalipas, ang tagal na pala naming nagkwekwentuhan ni Cali. Kinuwento ko kasi sa kanya kung ano yung nangyari kahapon at kung ano yung mga bagay na natuklasan ko. Mga bagay na hindi ko inaasahang malalaman ko. “Bakit hindi mo man lang ako sinama?” tanong ni Cali na agad kong ikinatawa. “Wow. Gusto mo pala maging saksi sa ka-dramahan namin ni Miguel.” Pagbibiro ko na mukhang nagpabago ng kanyang isipan. “Joke lang. Buti nalang pala hindi ako sumama,” pagbawi nito sa kanyang sinabi. “Oh ano, naniniwala ka na ba sa sinasabi ko? Na mabait na tao si Miguel at totoong s’ya lang ang minahal mo?” agad akong ngumiti kay Cali bago tumango. Naniniwala na ‘ko sa lahat ng sinasabi n’ya. Kung sakaling nagpaloko ako sa mga magulang ko, isang malaking kawa

