Chapter thirty-two "Uminom ka muna ng tubig," sabi ni Miguel bago ako lagyan ng tubig sa aking harapan. Agad ko rin naman itong dinampot para inumin. Nang mabasa ko ang mga sulat at makita ang mga litratong 'yon ay naliwanagan ako. Nasaksihan ko kung paano s'ya naging mabuting ama kay Via at asawa sa'kin, kung paano n'ya ako pinanagutan. Labis din akong nabibigla sa mga naririnig ko mula sa kanya. Hindi ko aakalaing pati si Via ay idadamay nila para lang mapalayo sa'kin si Miguel. Ang pagbataan ang buhay ng mag-ama ko ay hindi ko na kaya pang palagpasin. "Salamat ha. Prinotektahan mo si Via." sabi ko bago s'ya ngitian. Agad akong tinabihan ni Miguel habang naka-upo naman si Via sa kanyang hita. Hinalkan ako nito sa noo at ganon din ang ginawa n'ya kay Via. "Salamat din kasi hindi mo

