"Just stay here. Ako nalang ang bababa." sabi ko kay Pat pero agad n'yang binawi ang paa n'ya sa'kin at agad na bumangon. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. "D'ba sabi, hinahanap tayong dalawa. So, let's go." sabi nito bago suotin ang kanyang tsinelas. Agad ko s'yang hinawakan sa kamay para pigilan s'ya. "Hindi pwede. Baka magkagulo, masaktan ka pa. Isipin mo, may bata sa tiyan mo." seryoso kong sabi, bahagya itong yumuko at hinawakan ang aking pisngi. "Don't worry, hon. I'll stay behind your back." sabi nito bago hilahin ang kamay ko dahilan para sumunod ako sa kanya. Nauna akong bumaba habang nasa likod ko si Pat. Mahigpit kong hawak ang kamay ni Pat habang naglalakad kami pababa. Bumungad sa'min si Nick at ang mga magulang n'ya. Nang makita n'ya kami ay agad na tumayo si Nic

