Muli akong tinanong ng pari nang hindi ako nakasagot sa una n'yang tanong, "Patricia, do you take Nickolas as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" mahinahong pag-uulit ng Pari. Nag-simulang umingay ang loob ng simbahan kasabay no'n ang bahagyang pag-hawak ni Nick sa aking braso. "Patricia?" mahinahon nitong tanong na akala mo'y walang ideya kung bakit hindi ko magawang sumagot. Nangangatog ang aking mga kamay, tanging mabigat na hininga ko lang ang nasasagap ng mikropono. "Pat?" "I d-" hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang may biglang humigit ng aking mga kamay, kasabay n'on ang pagpatak ng mikropono sa sahig. Mas lumakas pa an

