Nagtaka ako dahil hindi kami sa presinto dumaretso nina Cali. Kundi sa ospital kung saan nagtratrabaho sina Miguel. Kahit hindi naging maganda ang ginawa sa'min ni Cindy ay labis pa rin akong nag-aalala. Hindi ko alam kung nabaril ba s'ya ng mga pulis dahil sa nanlaban s'ya o kung ano man ang rason kung bakit s'ya dinala rito. In-assist kami ng mga pulis papunta sa room kung saan nagpapahinga si Cindy. Actually I don't have any idea kung anong nangyari and I'm worried. Nang makapasok ako sa kwarto ni Cindy ay bumungad s'ya sa'king walang malay. "What happened?" tanong ko sa pulis na nasa harap ko. "Nung dumating po kami ron with the warrant, nakita po namin s'yang walang malay. At dahil po 'yun sa mga gamot na ininom n'ya." sabi nito, muli sana akong magtatanong pero agad din naman akon

