"Ah, nanay. Magkano po lahat?" tanong ko sa tindera ng mga gulay. Ginulayan kasi ang gusto ni Migs for lunch, kaya isinaglit ko na sa palengke. "Two hundred twenty pesos po, madam." iaabot ko na sana ang bayad pero may nauna nang mag-abot nito. Agad kong nilingon kung sino 'to. "On me." Si Cindy. Siguro galing siya sa Ospital dahil naka-heels pa siya ngayon. "Kaya ko namang bayaran." tinuloy ko ang pagkuha ng pera sa aking pitaka at saka ibinaling ang atensyon sa Tindera. "Nanay, pakibalik ho sa kanya. Ito ho ang bayad ko." agad kong sabi at saka inabot ang aking bayad. Aalis na sana ako ng biglang hawakan ni Cindy ang aking braso. Nagpakawala ako ng hininga bago humarap sa kanya. "Ano bang gusto mo? wala akong oras para makipag-away sa'yo." seryoso kong sabi. "I just really want t

