"Kailan ang uwi ng prinsesa natin?" bahagya kong tanong sa aking asawa. I used his arm to be my pillow and hug him like there is no tomorrow.
"Gusto mo bang kaunin na natin s'ya bukas?" tanong sa'kin ni Miguel. Bahagya ko s'yang tiningnan bago muling ibalik ang aking ulo sa dating pwesto. Napaisip ako ron ah. Ilang taon din naming hindi na- solo ang isa't isa. Simula nang magka-baby kami, naka-focus na kami sa kanya. Busy si Miguel sa trabaho, ako naman sa anak namin. Tagal din naming hindi naranasan ang bagay na 'to. 'Yun bang kami lang? Yung solo lang namin ang isa't isa. Naging iba kasi ang takbo ng buhay namin ni Miguel noong dumating samin ang prinsesa namin.
Nung una, hindi ko ineexpect na magtatagal kami ni Miguel. Ang akala ko ay magtatagal lang kami ng ilang buwan, pero ano pa nga ba? Tumagal kami ng ilang taon. Kung sino-sino lang ang pinapakilala sa'kin ng mga magulang ko noon, mga mayayamang tao na nakikilala nila dahil sa kumpanyang meron kami. Ang akala ko pa noon ay materyal na bagay ang basehan ng pag-ibig pero nang makilala ko si Miguel ay naramdaman ko ang tunay na pagmamahal. Palagi kong sinasabi sa sarili ko noon na kailangan mayaman ang mapangasawa ko, kahit hindi ako mahal ay ayos na. Pero nag-iba ang prinsipyo ko nang makilala ko si Miguel, nagsimula rin naman s'ya sa wala pero minahal ko pa rin s'ya at piniling pakasalan. Sabay kaming umunlad pareho, nagtayo ng mga negosyo at kung ano-ano pa hanggang sa maging isang magaling na doktor si Miguel at nakilala sa kagalingang meron s'ya.
Hindi naman namin sinasabing nakakapag-sisi na may anak kami. We are just surprised na matagal na pala naming hindi nagagawa ang mga ganitong bagay. "Kaunin na natin si Via?" sabi ko. Pero wala akong narinig na sagot mula kay Miguel. Narinig ko nalang bigla ang malakas na hilik ng aking asawa. I touched his nose down to his mouth, "Thank you for today. I love you." sabi ko.
Ito nalang yung araw na pahinga niya pero mas pinili n'yang i- surprise ako. Kahit mag-isa nalang siya tinuloy niya pa rin yung plano n'ya. Hindi ko akalaing tutuparin niya ang pangako n'ya sa'kin, "Araw-araw kitang liligawan." Kahit kailan hindi s'ya pumalya. Kahit kailan hindi niya nagawang biguin kami ni Via. He's the best Dad in the world. Best.
"Araw-araw kitang sasagutin, Hon." Bulong ko.
MIGUEL'S P.O.V.
Kararating lang namin sa bahay nina Mama. Hindi kasi mapakali si Pat na hindi namin kakaunin si Via kaya pinagbigyan ko na. Nakakahiya rin kay Mama, ilang araw niya pa lang nakakasama si Via. Saka sapat na naman sa'kin ang isang araw na na-solo ko ang asawa ko. "Hon, nandito na tayo." gising ko kay Pat.
Malayo-layo rin kasi ang byahe papunta rito kayna Mama kaya napagod ang asawa ko. Ang yabang pa niya kanina, sabi niya mag-halinhinan daw kami sa pagmamaneho pero tinulugan niya 'ko. Bahagya nitong kinusot ang kanyang mata bago ako ngitian. Alam n'yang nakatulog siya, e. Saka hindi siya sumunod sa usapan. "Where's Via?" she asked.
"Nasa loob pa."
"Tara na sa loob," sabi niya bago tumayo. Inalalayan ko na rin siyang maka-baba dahil bagong gising siya. Tinahak na namin ang daan papasok sa bahay. "Sarap ng tulog ko, Hon." she added.
"Hindi naman kita napuyat kagabi, ah?" pagbibiro ko. Mabilis niya akong hinampas sa balikat bago ako irapan.
"Oo nga, baduy mo."
"Ah ganoon? O siya, wag na muna nating kaunin si Via." bahagyang nanlaki ang mga mata niya bago itaas baba ang kanyang mga kilay. "Oh ano?" Nagbago ang ekspresyon nito at saka ako inirapan,
"Magtigil ka nga, Miguel. Ikaw kasi, ang aga mo natulog!" sabi nito na parang ako pa ang may kasalanan. Maaga ba akong nakatulog? Napakamot nalang ako sa aking ulo bago umiling-iling.
"Mommy! Daddy!" tawag samin ni Via bago pa kami makarating sa pintuan ng bahay nina Mama. Malaki rin ang lupaing nabili namin dito. Mas pinili kasi nina Mama tumira dito sa probinsya kaysa sa syudad. Sabagay, mas payapa nga naman dito. Dito na rin sila nagpagawa ng bahay. Sapat naman ang laki ng lupa, maraming alagang hayop ang nailagay ni Papa. Katulad ng pangarap niya noong bata pa 'ko. Nag-mukha na nga itong hacienda, e. Sa ganitong lugar din ako lumaki, napunta lang ako sa siyudad noong nag-kolehiyo ako. Kung saan ko nakilala ang aking reyna.
"Pumasok muna kayo." sabi sa amin ni Papa.
"Anak Patricia, tulungan mo 'kong mag-hayin." nakangiting sabi ni Mama kay Pat.
"Sige po, Ma." tugon ni Pat. Susunod na sana ako kay Patricia nang hawakan ni Via ang kamay ko.
"Up." she said kaya agad ko siyang binuhat.
"Na-miss mo ang daddy, ano?"
"Daddy, can we go there?" bahagya niyang tinuro ang mga kulungan ng kabayo bago ako muling tingnan.
"Sure, Baby." pumunta kami ron as fast as I can dahil sobrang sakit ng init sa balat. Bahagya kaming sumilong sa bbq area dahil sobrang init talaga. "We can't ride the horse right now, baby. Masyadong mainit." inunahan ko na siya dahil alam kong 'yon ang gusto niya.
"Daddy, I have a question." bahagya ko siyang tiningnan at nag-iintay sa kanyang sunod na sasabihin. "Are you happy that I came to your life?" she asked. I'm slightly shocked because this is the first time she asked me about that.
"We do." sagot ko sa kanya bago siya bigyan ng matamis na ngiti. She stares at me for a second and quickly hugged me. Her embrace was warm and exciting. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na 'yon. "Me and your Mom is not complete without you. We can't call us a family without you, Baby. Ikaw ang puso ng tahanan natin."
"I love you, Daddy!"
"I love you too, Via." bahagya siyang kumalas at binigyan na naman ako ng matamis na ngiti. Iba talaga naidudulot sa'kin ng ngiti ng mag-ina ko. I'm motivated because of that smile. Kung nandito lang si Pat, umiiyak na 'yon. Makita niya nga lang na naglalaro kami ni Via, napapaluha na. She's just overwhelmed kasi mayroon na siyang pamilya na pinapangarap niya lang noon. "Bakit naman bigla mong natanong 'yon, baby?"
"Yung classmate ko po kasi, sabi niya palagi daw po siyang pinapagalitan ng Mommy and Daddy n'ya. She said na baka raw po hindi siya love ng parents n'ya."
"Okay. Listen to Daddy, hindi porket pinapagalitan ng parents yung mga anak nila doesn't mean na hindi na namin kayo mahal. Look for the good side, Anak. Ginagawa namin 'yon kasi nag-aalala kami sainyo." tumango-tango ito sa'kin bilang sagot. "Look, kung hindi ba namin kayo papagalitan–"
"Matututo ba kayo?" napatawa nalang ako ng bigla niyang agawin ang dapat kong sasabihin.
"Aba! Paano mo nalaman 'yon?" I asked.
"Mommy. Palagi niya pong sinasabi 'yon sa'kin." sagot niya kaya tumango naman ako.
"I heard my name, ano 'yon? Bina-backstab n'yo ba 'ko?" napalingon kami ni Via ng marinig namin ang boses ni Pat.
"Hindi naman, slight lang."
"Kayo talaga!" bahagya n'yang binuhat si Via mula sa'kin. "Totoo bang slight lang, baby?" tanong niya kay Via. Bahagya akong tiningnan ni Via bago ngumiti sa Mommy niya. "Nako! Oh siya, tara na at lumalamig ang pagkain." tumayo na ako para sundan ang dalawa, napatigil naman ako nang tingnan ako ni Pat. "Oh? Sinabi ko bang kasama ka?" pang-aasar n'ya pa sa'kin.
"Hon, naman!"
"Joke! Let's go, backstabbers."