Biglang nakaramdam ng labis na kaba si Candee ng biglang may kumatok sa pinto ng opisina ni Dr. Draven. Nababatid ng dalaga na ang kapatid niya iyon. Si Nurse Abby ang nagpresentang magbukas niyon. Hindi siya mapakali ng marinig niya ang bawat hakbang nito papunta sa kaniya. Hindi niya kasi alam kung paano ipapaliwanag sa kapatid ang nangyari kanina. Ngunit lihim siyang nagdasal na sana ay magkaroon siya ng lakas ng loob upang ipaliwanag dito ang lahat at sana naman ay maniniwala ito sa kaniya. Dahil nababatid niya sa isip at puso niyang wala siyang ginawang kasalanan sa mga iyon. Kung nakita man nilang akma niyang sasampalin si Jessica ay upang ipagtanggol ang sarili niya dito.
Saglit na napahinto sa likod niya ang kapatid bago tuluyan itong makalapit sa kanya at pagkatapos ay agad namang tinungo nito ang harapang bahagi. Pinihit nito ang isang upuan at iniharap sa kaniya habang dahan-dahan itong naupo.
Nakakatakot ang labis na kaseryusuhan sa mukha nito habang mataman siya nitong tinitigan.
Agad niya namang iniiwas ang bahagi ng mukha niyang namumula dahil sa malakas na sampal sa kaniya ni Jessica.
“Look, kung kakausapin mo ako dahil nais mong mag-apologize ako sa babaeng iyon ay nagkakamali ka. Hinding-hindi ko iyon gagawin kahit na anong mangyari.” Matapang niyang sabi rito at nanatili pa rin itong nakatitig sa kaniya.
“What happen Dee?”Maya-maya ay tanong nito. Malumanay ang tono ng pananalita nito.
Mas lalo tuloy siyang nag-alala sa ginawang iyon ng kapatid niya dahil nababatid niyang may itinatago itong galit.
“Come on tell me?” Mawtoridad na utos nito sa kaniya.
Agad niyang iniwas ang tingin sa kapatid.
“Come on Dee you can tell me. Ano nga bang nangyari doon kanina at nagawa mo iyon?” Parang nakikiusap na tanong pati nito.
“Kung sasabihin ko ba sa iyo ang toto ay maniniwala ka sa akin? ” May bahid na lungkot na tanong niya rito.
“Bakit naman hindi? I know everything about you more than them. What ever happens ay mananatili akong kapatid mo.” Sensirong sabi nito . Kahit papano ay nararamdaman niya ang sensiridad ng sinabi ng kapatid niyang iyon.
Matapos kasi ang nangyari sa birthday party niya ay hindi na sila gaanong nag-uusap. Parang nag-iwasan na lamang sila sa isat-isa upang maitago ang totoong nararamdaman.
Hindi naman sa galit o nagtampo siya rito ngunit hinihintay lang naman niyang kusang lalapit ang kapati at magkusang magpapaliwanag sa kaniya.
“Batid mong hindi ko nagustuhan ang nadatnan ko kanina. Ngunit batid kong may maganda kang dahilan kaya mo iyon ginawa kay Miss Jessica. Ngunit nababatid ko rin na may mabigat kang dahilan. And I want to know from you.” Diretsahang sabi pa nito.
“I know Miss Jessica because she’s a good friend of mine, pero mas nakikilala kita kaysa kaniya. Nakausap ko na mismo si Jessica but I’ll still want to hear your side. Kaya please sabihin mo na sa akin? Paano kita matutulungan kung mananatili kang tahimik?” Puno ng pag-alalang sabi nito.
Tuloy ay biglang na namang tumulo ang luha niya sa mga mata dahil sa nararamdaman niya pa rin ang pagiging understanding at mapagmahal na kapatid na si Draven.
“Eh, di alam mo na pala ang lahat at bakit mo pa ako tinatanong?” Sarkastiko niyang sabi rito sa kabila ng mga pakiusap ng kapatid. Nais niyang maitago ang totoo niyang nararamdaman dito. Sinabayan rin niya ng pahid ng mga luhang nalaglag sa mga mata.
“Look, sweetheart. I don’t know what to say, pero kailangan ko pa ring malaman ang side mo. Kahit anong sabihin nila ay ikaw pa din ang paniniwalaan ko.” Puno ng sensiridad na sabi nito at agad siyang napatintig sa mga mat anito.
“Talaga, naniniwala kang wala akong kasalanan?” Parang nabuhayan siya ng pag-asa sa narinig niyang iyon. Tumango ang kapatid niya bilang pagtugon dito.
“Malaki ang tiwala ko saiyo at alam mo iyon. Dahil naniniwala akong hindi mo sisirain ang anumang pagtitiwalang meron kami ngayon.” Dagdag niya dito.
“Iyan ba ang dahilan kaya mo ginawa kay Jessica iyon?” Sabay itong napatayo at idinukwang ang mukha nito malapit sa mukaha niya. Napansin kasi nito ang namumulang pisngi niya.
Agad siyang napaatras sa ginawa ng kapatid niyang iyon ngunit agad siyang nahawakan nito kaya hindi niya nagwa ang balak niya.
Dahan-dahan pa nitong hinaplos ang namumulang bahagi ng pisngi niya.
“Array, please be gentle naman.” Inis niyang sabi pa rito saka agad na inalis ang kamay nito mula sa mukha niya sa takot na masaktan siya uli.
“Gagamutin ko muna iyan.” Agad nitong sabi.
“Hindi na. Ginamot na ito ni Nurse Abby kanina bago ka dumating.” Tugon niya naman dito at medyo umaliwalas ang mukha nito ngunit hindi parin mawawala ang galit dito.
Bumalik ito sa pagkakaupo habang hindi maalis ang tingin nito sa mukha niya.
“Nakilala ko si Jessica noong elementary pa kami ngunit umalis siya noong high school. Hindi man kami close noon ngunit masasabi kong napakabait niyang bata. Ni hindi ito gumanti sa mga umaaway sa kaniya. Minsan kasi ay nabubully ito dahil sa ginawa ng daddy nito ngunit hindi ito gumanti. Para talaga siyang hindi makabasag ng pinggan ngunit hindi ko akalaing ginawa niya iyon saiyo. Sa mismong kapatid ko pa. ” May halong galit at panghihinayang sa boses nito.
“Siguro ganoon ang tao. Lahat ay nagbabago pati na ang ugali. Ang akala natin na hindi makagagawa sa ating ng mga bagay na di natin inaasahan ay siya pang unang gagagwa nito para sa atin. Sabi mo nga ay hindi mo na siya nakita simula noong high school. Baka binago na siya ng panahon?” Wala sa loob na sabi niya dito.
“Parang ganoon na nga siguro.” Pagsang-ayon pa nito.
“But are you referring to Alex? Ako rin man ay nabigla sa inasal ni Alex kanina.” Biglang balik tanong pa nito.
“Ayaw kong pag-usapan si siya. Kung maari lang sana ay iwasan mo na siya ng tuluyan. Nakita mo naman ang ginawa niya di ba? Kaya mas lalo niiya lang napatunayang hindi siya karapat-dapat saiyo. “ Seryosong sabi pa nito. Hindi siya makapaniwalang nasabi iyon ng kapatid niya
“Paano mo nasabi iyan? Dahil lang ba sa minsang pagkakamali ng isang tao ay huhukuman mo na siya agad na masama? Hindi ba unfair iyon sa kanila? Hindi niya kasi alam ang totoo kaya nagkaganoon siya.” Pagtatanggol niya pa dito.
Napahilamos nalang ng sariling kamay si Draven sa sinabi niyang iyon.
Namayani sa kanila ang maikling katahimikan, bago muling nagsalita si Draven.
“Hindi mo ba talaga nakikilala si Jessica?” Paniniguradong tanong nito sa kaniya at napapailing siya bilang pagtugon.
“Sinabi na niya sa akin noong hinawakan ko na siya. Sumusubra na kasi siya. Kung ano-ano pang masakit na salita ang tinatawag niya sa akin.Pinagtutulungan nila akong dalawa. Kinaladkad palabas habang hila ng matandang babae ang buhok ko. Sinampal naman ako ni Jessica at dinuraan pa sa mukha.” Nanggigil sa inis na paliwanag niya dito.
Tuloy ay pinagsisihan niyang sinabi niyang iyon dahil lnababakas sa mukha nito ang labis na galit.
“Naku pasensiya ka na hindi ko sinasadyang sabihin lahat iyon. Huwag ka na sanang dumagdag pa sa problema ko. Akin nalang iyon,” May halong pakiusap sa tinig niyang iyon.
Hindi na ito muli pang nagsalita at nakakuyom ang dalawang kamao nito.
Ilang saglit pa ay biglang may kumatok sa pinto, si Nurse Abby iyon.
Hindi na ito hinintay na pagbuksan pa siya at agad nitong binuksan ang nakasarang pinto saka nagtuloy-tuloy papasok sa loob.
“I’m sorry to disturb you two. Pero kailangan niyo tong malaman.” Humahangos na sabi ni Nurse Abby.
May hawak itoong kapirasong papel.
“Nagpalabas ng immediate dismissal ang taas. Pinapadismiss nila si Nurse Candee as soon as possible.” Puno ng pag-alalang sabi ni Nurse Abby sa kanila.
Para itong bomba na sumasabog sa pandinig ni Candee.
Agad namang kinuha ni Draven ang papel na hawak ng dalaga at masusing binasa.
“Nakasaad dito ang immediate dismissal ni Candee Bustamante dahil sa ginawang pananakit nito sa apo ng may-ari na si Miss Jessica Vergara.” Kunot noong sabi ni Draven. Hindi na maipinta ang mukha nito.
“How dare them to do this things to my sister?” Mababakas sa boses ng kapatid niya ang matinding galit.
“Paano nangyari iyon? Hindi paman nila iniimbestigahan? Hindi pa nga nila tinatanong kung anong totoong nangyari. Tapos ganito ang gagawin nila sa akin? Hindi naman ata ito makatarungan?” Puno ng hinanakit at kawalang hustisyang sabi niya pa. Hindi niya alam kung bakit biglaan ang kamalasang dumating sa kaniya sa araw na ito.
“Huminahon kayong dalawa. Doc Draven at Nurse Candee. Gagawa ako ng paraan para mapawalang bisa ang memo na iyan.” Nag-aalalang sabi naman ni Nurse Abby at pilit na pinapakalma ang dalawa.
“And how you do that? Eh anak nga ng Director ginanyan nila, eh paano ka nalang na isang ordinaryong empleyado lamang? Anong magagawa mo?” Singhal nito kay Abby. Hindi na mapipigilan ang pag-aalsa ng kaluoban.
Ngunit buong pusong iniintindi pa din ito ng dalaga.Pero di maitago ang damdaming nasasaktan dahil sa sinabing iyon ng kapatid niya.
‘Stop it Ven. Huwag mo namang ganyanin si Nurse Abby. Nais niya lang makatulong.” Saway niya pa sa kapatid at tila naman ito natuhan sa maling ginawa nito.
“Im sorry.” Pagpapaumahin nito.
“Pero ito lang ang masasabi ko. Will you stay away from this issues Nurse Abby. Baka madamay ka pa.” Dagdag pa nito.
Nagulat pa sila ng biglang pumasok doon ang superior nilang si Dr.Gomez.
“What the hell are do you Nurse Candee? Ang lakas naman ng loob mong manakit ng apo ng may-ari? Hindi mo ba alam na si Miss Jessica ang nag-iisang apo ng may-ari ng hospital na pinagtatrabahooan mo at siyang nag-iisang tagapagmana pagdating ng araw? Pero nagawa mo pa ring manakit sa kaniya.” Galit nag alit na sumabt nito ksa kaniya.
“Hindi ko po ginawa ang bagay na iyon. Nagkakamali po kayo.” Maniyak-iyak niyang sagot dito.
“Aba, ang lakas din talaga ng loob mong ideny iyon. Marami ang nakakita saiyo at ngayon ay pinapalabas mo pang sinungaling si Miss Jessica? Ang kapal naman talaga ng mukha mo.”
“Magdahan-dahan ka naman sa pananalita mo Dr. Gomez.” Mahinahon ngunit nagbabanta ng panganib na saway ni Dr. draven dito.
“Kaya naman pala lumaki ang ulo ng isang iyan dahil kinakampihan mo lage kahit mali na ang ginagawa niyan.. Hindi porket anak ng director ay kaya ng gawin ang lahat ng naisin.” Pang-iinis pa nito.
“Bawiin mo ang sinabi mong iyan. Alam mong hindi totoo iyan,” Galit na sumbat niya ng akma niya itong sugurin ay agad naman siyang pinigilan ng kapatid niya.
“Hidi ko babawiin ang sinabi ko dahil ito ang totoo. Isa pa ano pang ginagawa mo dito? Sisanti ka na diba. Umalis ka na dito akin na yang ID mo.” Sabay pahablot na kinuha ang ID na soot niya. Ngunit bago paman niya ito nakuha ay agad na pinigilan ni Dr. Draven. HInawakan niya ito ng napakahigpit hanggang dumaing sa labis na sakit ang isang iyon.
“Don’t you dare lay a finger on my sister dahil makikita mo talaga ang hinahanap mo. “ Nakaktakot na banta nito ng hindi pa rin binitiwan ang kamay kahit labis na itong nasaktan.
Patulak nitong binitawan ang hawak na kamay ni Dr. Draven kaya medyo muntikan na itong matumba.
“Umalis ka sa harapan ko habang nakapagtimpi pa ako saiyo.” Mahigpit na utos niya.
“Are you alright?” Nag-alalang tanong nito sa kaniya.
“Don’t worry we will fixed everything. I’ll explain to dad.”
“Huwag ka ng mag-abala pa. Alm mo namang may-ari ang kalaban natin habang empleyado lang tayo kahit sabihin pang isa sa mga share holder ang daddy natin ay hindi pa din natin kayang tapatan sila. Kay ang mabuti pay tumahimik ka nalang. Hyaan niyo na ako.” Mahabang paliwang niya sabay alis.
“Saan ka pupunta Dee?” Nag-alalang tawag sa kaniya ng kapatid niya.
“I have to do something..” Sabi niya pa rito at nagtuloy-tuloy sa paglakad.
Agad niyang tinungo ang silid kung saan naroon si Jessica.
Pagdating niya doon ay huminga muna siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili niya saka binuksan ang pinto.
Kasalukuyang nagtatawanan ang dalawang kontrabida ng maabutan niya sa loob.
Bigla itong napatigil ng makita siya.
Tumayo at lumapit husto sa kaniya ang matabang babae.
“Well…well..well. Nandito ka ba upang humingi ng tawad sa ginagawa mo sa alaga ko? Pwes bumalik ka nalang sa ibang araw dahil ayaw ka pa niyang makita o makausap man lang.” Maarting sabi nito. Nababakas sa mukha ang panlalait nito.
“Hindi ako narito upang humingi ng tawad. Alam ninyong dalawa na wala akong kasalanan. Paano niyo nagawang baliktarin ang nangyari? Hindi ba kayo natatakot sa ginawa ninyong iyon?” Malumanay ngunit nagbabanta ng panganib angpagkasabing iyon.
Nagkatinginan ang dalawa sabay nagtatawanan. Nakakaluko ang tawanan ng mga iyon na siyang mas lalo pang nakakapagpairita sa pandinig. Pinilit niya pa ring magpakahinahon.
“Hindi mo parin ba naiintindihan ang lahat Mis Bustamante? ” Sabi sa kaniya ni Jessica.
“Paano kasi Miss Jessica ang hina ng utak ehh.. Hindi namana ang katalinuhan ng pamilya niya.” Biglang sabad naman ng matabang babae at nagtawanan uli ang dalawa.
“Alam niyo kahit mahina ang utak ko, ay di naman masama ang ugali ko! Hindi ko kayang ipagkanlulu ang isang taong wala namang kasalanan. Hindi tulad ninyo na mga maitim ang budhi at mga kampon ni Lucifer.” Malakas na sumbat niya dito.
Napatigil sila sa pagtatawanan.
“Bawiin mo ang sinabi mong iyan?” Galit na sabi sa kaniya ni Jessica.
“Hindi ko babawiin ang sinabi ko dahil iyon ang totoo.” Matapang niya pang sabi rito.
Malakas na tinapon sa kaniya ang hawak nitong unan. Mabuti nalang at agad siyang nakaiwas.
“Hindi mo parin ba nakukuha ang lahat Miss Bustamante? Kahit anong gagawin mo ay ako pa din ang paniniwalaan ng lahat. Kaya ang mabuti mong gawin ay umalis nalang dito ng tahimik, dahil kahit kailan ay walang makikinig saiyo.Ayaw kitang makita kaya kung ako saiyo ay umalis ka na sa harapan ko. Dahil mas pinalala mo lang ang lahat, ikaw din ang kawawa.” Naiinis pang sabi sa kanya ni Jessica. Hindi niya maiintindihan kung saan ito kumuha ng pinaghuhugutan ng galit para sa kanya.
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinabi sa lahat ang katutuhanan. Bawiin mo ang sinabi mong sinaktan kita. Dahil ikaw naman ang nanakit sa akin.” Sumbat niya pa dito.
“Wala akong babawiin dahil nasabi ko na iyon. Magdusa ka sa buhay mo at wala akong pakialam sa iyo.” Mapangmatang sumbat pa rin ni Jessica sa kaniya.
“Ano bang nagawa ko saiyo at ganyan nalang ang galit mo sa akin?” Naguguluhan niyang tanong rito.
Saglit naman napatahimik si Jessica.
“Umalis ka na…alis…” Nagsisigaw na sa galit si Jessica.
Saka naman dumating si Draven.
“Deee..” Biglang tawag nito sa kaniya.
Bigla na namang umiyak si Jessica.
“Hindi ko alam kung bakit mo ako ginanito ? Wala naman akong nagawang kasalanan saiyo..” Umiiyak na sabi pa ni Jessica.
Akma niya itong susugurin ngunit agad siyang pinigilan ng kapatid niya.
“ Napakasinungaling mo talaga. Bawiin mo ang mga kasinungalingan mo.” Sigaw niya pa rito .
Hindi niya namalayang biglang pumasok sa loob si Alex at naabutan siya nitong sinisigawan si Jessica.
“Tumigil ka na Candee…Ano ba talaga ang problema mo kay Jessica? Bakit mo siya ginaganyan? Hindi ka ba nahiya sa sarili mo? Sinasaktan mo yung tao tapos sabihin mo pang nagsisinungaling siya? Ang lakas naman ng loob mong isumbat sa kaniya iyon gayong ako mismo ang nakakakita sa ginawa mo sa kaniya.” Galit na sab isa kaniya ni Alex. Nababakas na mukha ng binata ang labis na pagkairita sa kaniya. Nang biigla itong pumagitna sa kanilang dalawa ni Jessica.
“Alam mong hindi ako sinungaling Alex. Nagsasabi ako ng totoo. Bakit ayaw mong maniwala sa akin? Kilala mo ako di ba at alam mong hinding-hindi ko magagawa ang ibinibintang niya sa akin. Bakit di mo ako bigyan ng pagkakataong magpaliwanag bago mo ako husgahan? ” Nasasaktan niyang sabi rito.
Nakita niya ang biglang pagdilim ng mukha nito.
“Paano kita paniniwalaan sa inasal mong iyan? Ako mismo ang nakasaksi sa ginawa mo sa kanyang iyon. Ngayon sabihin mo sa akin kung dapat pa ba akong maniniwala saiyo? . Isa pa girlfriend ko ang sinasaktan mo. Pinilit ko paring intindihin kita, sa kabila ng ginawa mo sa girlfriend ko. Ngunit ngayon napagtanto kong hindi ko na rin alam kung talagang kilala pa ba kita Dee. “ Dissappointed na sabi pa ni Alex sa kaniya.
“Anong sabi mo? G-Girlfriend mo siya?” Nagulat na tanong niya rito at tumango naman ito bilang pagtugon.
“Oo girlfriend ko siya. Kaya kung maari lang ay tumigil ka na habang nakapagtimpi pa ako.” Puno ng pagtitimping sabi sa kaniya ni Alex.
Biglang nanghina ang mga tuhod niya at parang tumigil din ang pagtibok ng puso niya sa narinig niyang iyon Hindi siya makapaniwalang girlfriend ni Alex si Jessica. Kaya pala ganoon niya ito ipagtanggol. Bakit di niya naisip iyon?
Hindi niya mapigilan ang luhang tumulo sa mga mata niya habang diretsong nakatingin sa binata. Agad namang nagbaba ng tingin ang binata ng makitang tumulo ang luha niya.
“Lets go Dee.” Malumanay na sabi sa kaniya ng kapatid niya.
Wala siyang nagawa kundi sumunod sa sinabi nito habang nakaalay ito ng todo sa kaniya. Mabuti nalang at dumating si Draven at kung hindi ay baka mabuwal siyang bigla sa sahig dahil hindi niya matanggap ang sinabing iyon ni Alex.
Parang huminto sa pag-ikot ang kaniyang mundo at hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Inakay siya ng kapatid papunta kung saan nakapark ang kotse nito upang ihatid pauwi.
Ngunit sa kalagitnaan pa lang ng paglalakad nila ay tila siya nagising sa isang panaginip.
“Bitawan mo ako.” Utos niya sa kapatid niya. Puno ng pag-alala sa mukha ng kapatid niya.
“Dee, hayaan mong iuwi kita sa bahay at doon nalang tayo mag-uusap.” Malumanay na sabi pa nito.
“Sinabi ng bitawan mo ako.” Pahablot na kinuha ang kamay niya na hawak nito.
“Kaya ko ang sarili ko. Hayaan mo nalang muna akong makapag-isa .” Umiiyak pa rin niyang sabi rito.
“Please don’t do this..” Nakikiusap na sabi pa nito sa kaniya at akmang hahawakan siya uli.
Pinagtitinginan sila ng iilang taong naroon sa paligid nila. May mga bulong-bulungan sa paligid. Siguro ay nagtaka ang mga taong ito na may doctor at nurse na nag-aaway sa harap nila. Isa pa hindi nila alam na magkapatid silang dalawa kaya mas lalong lumakas ang bulong-bulongan.
“I said leave me alone at huwag na huwag mo akong susundan kung ayaw mong magkakagulo tayo rito.” Mahigpit na bilin niya. Hindi siya nagbibiro kaya walang nagawa ang kapatid niya.
Napahawak nalang sa batok si Draven habang nakatingin sa kaniya.
Nagmamadali siyang umalis sa harap ni Draven at di naman magawa ng binatang sundan siya.
Patakbo niyang tinahak ang lugar kung saan nakapark ang motor niya. Ngunit bago paman siya nakarating doon ay bigla siyang may nakabanggang tao.
Muntikan pa siyang matumba dahil sa lakas ng impact ng pagkabanggang iyon. Ngunit naging maagap naman ang isang iyon para mapigilan siyang sumadsad sa lupa.
Mabuti nalang at naging maagap ang lalaki at agad na nahawakan ang kamay niya. Hinila siya nito upang hindi magdiriditso sa sahig.
“I’m sorry Nurse, hindi ko sinasadya.” Seryosong sabi ng lalaki sa kaniya.
Ngunit tila wala siyang pakialam dito at di niya pinansin kahit nakailang tawag na ang taong iyon sa kaniya.
Agad siyang lumapit sa motor niya at sumampa doon. Pagkabuhay ng makina ay agad naman niyang pinaharurot ng takbo.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Gusto lang niyang makapag-isa upang makapag-isip-isip na rin.
Hindi niya kasi malubos maisip na may girlfriend na ang binata gayong hindi pa sila muling nagkausap matapos siyang magtapat dito.
Sana naman ay binigyang linaw muna ng binata ang lahat sa kanila bago ito may ipakilala sa kaniyang ibang babae.
Baka sakaling magbago ang damdamin niya ngayon.