Hindi alam ni Draven ang kaniyang gagawin. Siya ang may gustong layuan ni Alex ang kapatid niya at ginawa naman ng kaibigan niya. Ngunit bakit ngayon ay di siya natutuwang nalamang may ibang katipan ang kaibigan niya?
Hindi rin naman niya akalaing masasaktan ng labis ang kapatid niyang iyon. Ang buong akala niya ay simpleng paghanga lang ni Candee ang nararamdaman ng kapatid pero nagkamali pala siya.
Pero para sa kaniya ay mas mainam na siguro ang ganito ang nangyari kaysa hayaan niya ang dalawa at sa huli ay masasaktan lang din naman ang kapatid niyang iyon.
“I want you to go home and talk to Dee.” Sabi niya rito matapos kinuha ang cellphone sa bulsa at may tinatawagan.
Hindi niya magawang sundan ang kapatid at baka mas lalo itong magwala kapag nalaman nitong sinusundan niya ito. Isa pa hindi pa sa maaring umalis dito dahil may nakaschedule pa siyang operation in less than one hour.
Imbes na magprepare ay heto’t nag-aalaga sa kapatid niya.
Agad na dina-dial niya ang numero ng mommy niya upang tawagan. Mabilis naman itong nakasagot.
“Mommm…” Sabi niya pa matapos sagutin ng mommy niya ang kabilang linya.
“Oh, iho napatawag ka?” Malabing na sabi naman ng mommy niya.
“Pasensiya na sa disturbo mom. Pero kailangan kong makausap dito ngayon si dad. May hindi magandang nangyari dito at involve si Dee.” Nag-aalalang sabi niya pa rito.
Narinig niya ang pagsinghap nito mula sa kabilang linya.
“Mom, are you alright?” Puno ng pag-alalang tanong niya rito.
“What happen to Dee?” Puno rin ng pag-aalalang tanong ng mom niya.
“Shes broken-hearted now.” Sagot niya naman.
“With who?” Nagtatakang tanong ng mom niya.
“Wala akong alam na may boyfriend ang kapatid mong iyon?” Dagdag pa nito.
“Eh, sino pa nga ba kundi si Alex.” Naiinis niyang sagot rito.
“Paano niya nalaman ang tugkol kay Alex?” Nagtatakang tanong pa rito.
“ Isinugod dito sa hospital ang girlfriend ni Alex. Kaya sila nagkikita. But please don’t ask further questions, okay? Please tell dad na kailangan ko siyang makausap dito as soon as possible. Balitaan mo na rin ako kay Candee kapag tumawag o kapag nakauwi na siya. “ May halong pakiusap pa nito.
“Oh my…where’s my daughter now?” Dagdag tanong pa nito.
“Hindi ko alam mom. Bigla nalang siyang umalis at nagbantang magkakagulo lalo kapag sinundan ko siya. Isa pa may sched pa ako sa OR with in less than an hour. I have to go. Please don’t stress yourself. I know Dee. Hindi iyon gagawa ng kalukuhan kaya huminahon ka lang diyan.” Paliwanag niya pa dito.
“Paano ako huminahon ngayon? Pero huwag mo akong alahanin kaya ko pa naman.” Seryosong sabi nito at napabuntong hininga lang siya bilang pagtugon.
“Pagkatapos ng operation ko mom ay uuwi agad ako diyan. Huwag ka nalang magpunta ng office, ha?” Dagdag niya pa dito.
Nag-alala din kasi siya sa kalagayan ng mommy niya. Medyo mahina kasi ang puso nito. Ngunit hangga’t walang masamang nangyari sa kapatid niya ay wala siyang dapat na ipag-alala.
May sarili kasi itong maliit na factory ng mga tela. Ito ang kayamanang naiwan ng mga yumao nitong mga magulang. Dahil sa nag-iisang anak ang mommy niya kaya napunta dito ang lahat ng mga naiwang kayamanan ng pamilya nito pati na ang pamamahala ng maliit na pagawaan ng tela.
“Bye mom, I love you!” Malambing niyang sabi dito.
“I love you too son.” Sagot naman nito sabay off ng cellphone niya.
‘Dr. Draven…” Bigalang tawag sa kaniya niy Nurse Abby.
Salubong ang kilay niyang hinarap ito.
“Gusto ko lang itanong ang kalagayan ni Nurse Candee. Nabalitaan kong sinugod niya si Miss Jessica sa room niya kanina. “ Paliwanag nito.
“I hope she’s fine now. Pero huwag kang mag-alala matapang at matatag ang kapatid kong iyan, kaya alam kung kakayanin niya ito.” Magalang niyang paliwanag dito at tumango naman ito.
“I have to go. Kailangan ko pang maghanda para sa next operation ko.” Paalam niya dito.
“Sige po Dr. Draven good luck!” Nakangiting sabi pa nito at tinangoan lang niya bilang pagtugon.
Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ni Nurse Abby ay naghanda na siya para sa kaniyang operasyon. Ten minutes before ang nakaschedule na oras ay nasa loob na siya. Sinisigurado niyang maayos ang lahat upang hindi magkakaproblema.
Ilang oras din ang ginugol niya sa loob ng OR, kaya paglabas niya ay nakaramdam siya ng labis na pagod. Mabuti nalang at naging maayos ang isinagawa niyang operasyon kanina sa isang pasyenting inatake sa puso. Nais na sana niyang magpahinga ngunit ng maalala ang kapatid niya ay parang nawala agad ang pagod niya.
Pagkatapos magbihis ay dumeretso siya sa opisina ng dad niya.
Pagkatapos niyang kumatok ng tatlong beses ay agad siyang pinagbuksan ng pinto ng secretary nito.
“Good afternoon Dr. Draven. Mabuti naman at dumating kana. Kanina ka pa hinihintay ni Director.” Magalang na paliwanag ni Mrs. Cruz ang secretary ng daddy niya.
Kaya pala nakaramdam siya ng labis na pagod dahil tanghali na pala ngayon at hindi pa siya kumakain.
Masyado siyang na-busy sa bilis ng mga pangyayari kaya nakalimutan niya ang pagkain sa tamang oras. Hindi rin naman siya nakaramdam ng gutom.
“Thank you, Mrs. Cruz.” Nakangiting sabi niya at nagtuloy-tuloy na siya papasok sa loob.
Nadatnan niya ang dad niya na nakaupo sa mesa. Nakabaluktot ang katawan nito habang hawak ng dalawang kamay ang ulo. Nag-alala siyang agad na nilapitan ang ama.
“Dad, are you okay?” Nag-alalang tanong niya dito.
Nagulat pa ito ng tawagin niya. Agad itong umayos ng upo ng makita siya at humarap sa kaniya.
Hindi maipinta ang mukha nito sa magkahalong galit, inis at pag-alala.
“What happen? Bakit sinasaktan ni Candee si Miss Jessica?” Kalmado ngunit nababakas ang matinding panganib sa tono ng pananalita nito.
Ni hindi ito nag-alok ng upuan sa kaniya. Nagkusa pa rin siyang maupo sa harap nito.
“Do you believe na sasaktan nalang bigla ni Candee si Miss Jessica?” Nagtakang tanong niya rito.
“Kilala kong mainitin ang ulo niya kaya ito wala masyadong kaibigan. Pero ni minsan ay di ko pa siya nakitang kusang naghanap ng gulo. Kaya masasabi kong hindi niya iyon magawa without valid reason.” Paliwanag pa ng dad niya.
“Pero, dahil nalaman niyang girlfriend ni Alex si Jessica kaya siya nanakit dito.” Wala sa loob na dagdag pa ng dad niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na sinabi ng ama niya.
“At sino namang may sabi sa iyo na ginawa iyon ni Candee dahil nalaman niyang girlfriend ito ni Alex?” Balik tanong niya rito at dumukwang naman ito sa mukha niya.
“Look Draven, kaya kita pinapunta dito upang malaman ang totoo. Sa tingin mo maniniwala ako ng basta-basta sa mga sabi-sabing iyon? Ako ang nag-alaga at nagpalaki sa batang iyon kaya alam ko ang totoong pagkatao niya.” Diretsahang sabi ng daddy niya.
“I’m sorry dad.” Pagpaumanhin niya dito.
“Now tell me the truth?” Maawtoridad na sabi pa nito.
Umayos muna siya ng upo bago muling nagsalita.
“Naabutan namin si Candee na mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Miss Jessica at akmang sasampalin ito. Mabuti nalang at dumating kami kaya hindi natuloy. Wala naman akong nakitang ibang pasa ni Miss Jessica maliban nalang sa kamay nitong mahigpit na hinahawakan ni Candee.” Paliwanag niya pa.
“Then… bakit niya naman nagawa ito?”
“Ang sabi sa akin ni Dee ay pinagtutulungan daw siya ng dalawang iyon. Hindi lang siya pinagsabihan ng kung ano-anaong masakit na salita kundi sinampal at kiladlad daw siya habang hinihila ang buhok niya. Nagtaka din siya kung bakit ginawa iyon ni Miss Jessica?” Nakita niyang mahigpit na kinuyom ng dad niya ang mga kamao nito.
“Kung pagbabasihan na si Candee ang nauna dahil nagalit siyang nalaman nitong girlfried si Miss Jessica ni Alex ay hindi naman ata magkatugma ang kwento. Dahil nandoon ako kung saan pinagsigawan ni Alex sa mukha ni Candee na girlfriend niya si Miss Jessica.” Dagdag niya pa dito.
“So, sinasabi mo bang huli na ng malaman ni Candee na maggirlfriend-boyfriend ang dalawa bago ang pangyayaring iyon?” Paninigurong tanong ng dad niya at napatango naman ito.
“Dammit…” Galit na galit na sabi ng dad niya.
“Hindi ko alam kung bakit nila ginanon si Candee at wala tayong makuhang ebidensiya dahil sira ang CCTV sa hallway malapit sa room na iyon. ” Naguguluhang sabi pa ng dad niya.
“Anong sabi niyo dad? Eh paano nangyari iyon? Wala namang sinasabing may sirang CCTV sa bandang iyon? Mahigpit na binabantayan ang lugar na iyon. Kaya impossibleng may sirang CCTV doon?” Puno ng pagtatakang tanong nito.
“Iyon din ang ipinagtataka ko. Kung talagang nasira ang CCTV ay di na dapat nila makuhanan ng video kung saan maayos na pinapasok ng kasama ni Jessica ang kapatid mo. Nakita din doon na hindi isinara ang pinto matapos na makapasok si Candee sa loob dahil agad na sumunod ang babaeng nagbukas ng pinto kay Candee. Kaya tiyak na makukuhanan din ang mga nangyari sa loob kung magkaganoon man. Iyon nalang sana ang huli nating pag-asa.” Malungkot na sabi pa ng dad niya.
“Parang hindi naman ata ako desidido sa nalaman kung nasira nalang bigla ang CCTV doon, ah!” Pagsang-ayon pa niya.
Tuloy ay may nararamdaman siyang kakaiba sa pangyayaring iyon na ayaw ipaalam ng management. Mas malakas ang duda niya na nagsasabi ng katotohanan si Candee ngunit paano maipaliwanag ang lahat? Masyado ngang magulo ang lahat.
“Kumusta nga pala ang kapatid mo? Di ba sabi mong sinaktan siya ni Miss Jessica?” Pag-iiba nito ng topic.
“Hindi naman gaanong malala ang natamo niya. Namumula lang kunti ang mukha niyang nasampal nito. Pero huwag kayong mag-alala dahil agad naman iyong nagamot.” Paliwanag niya parin dito at tumango naman ito.
“Ano nga palang sabi ni chairman?” Balik tanong niya rito.
“Mas pinaniniwalaan niya ang sinabi ng apo niy, nang hindi man lang inalam ang katutuhanan. Sarado ang isip at ayaw makinig sa mga paliwanag. Kung nais makabalik ni Candee ay kailangan niyang humingi ng tawad kay Jessica at sa chairman na mismo.” Naiinis na sabi pa nito.
“No way dad! Hindi ako papayag na gagawin iyan ni Candee…” Matatag na pagtotol niya.
Nakatitig lang sa kaniya ang daddy niya at di nagsasalita.
Kahit hindi man sabihin nito ay nababatid niyang labis rin itong nag-alala at hindi nagustuhan ang sinabi ng chairman.
Biglang pumagitna sa kanilang dalawa ang nakakabinging katahimikan. Walang nais magsalita.
Maya-maya pa ay muli niyang naisip ang kapatid kaya ipinasya niyang umalis na doon upang makauwi.
“Mauna na ako dad. I promise mom na uuwi agad ako pagkatapos ng work. Just call me if theres anything you have to know.” Paalam niya pa dito at agad naman itong tumango bilang pagsang-ayon.
Sa labas ay nakasalubong niya si Nurse Abby.
“Dr. Draven, sandali lang po. “ Tawag nito sa kaniya at parang hindi niya magawang iwasan ang isang ito.
“Batid kong hindi ka pa naglunch at hindi ka rin nagbreakfast kanina. Kung gusto mo ay samahan na kitang kumain. Alas tres na ng hapon at di ka pa rin kumakain eh.” Diretsahang sabi sa kaniya ni Abby. Puno ng pag-alala sa boses nito.
Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng loob nitong magyaya sa kaniya.Ito lang ata ang babaeng lantarang lumapit sa kaniya dito. Dahil ang iba ay takot sa kaniya. Ngunit bigla namang nakaramdam ng tuwa sa puso niya
“Sige..” Agad niya namang sagot dito.
Hindi niya alam kung bakit agad siyang napapayag dito.
“Lets go, may-inorder na ako na pagkain sa cafeteria para makakain ka agad,pagdating mo doon. Ipinapahanda ko talaga iyon dahil alam kung gutom ka na pagkatapos ng isinagawa mong operasyon .” Nakangiting sabi pa nito.
At sabay silang naglakad pappunta doon.
Pinagtitinginan pa sila ng mga taong naroon na nakakita sa kanila. Lalo na ng mga kasamahan nila sa trabaho.Puno ng pagtataka at pagkainggit sa mga mukha nito. Parang hindi sila kumbinsido na kusa siyang sumama sa dalaga. May hitsuraa naman ang dalaga kung hindi lang dahil sa makapal nitong make-up. Hindi niya alam kung sadyang kinapalan nito ang make-up dahil may itinatago ito o ganoon lang talaga ang trip nito.
“Seriously girl. Nagdi-date nga ba silang dalawa?” Sabi pa ng isang nurse na kasama ng dalaga.
“Eh, ano pa sa tingin ninyo? Bakit sila magkasama?” Sagot pa ng isa.
“Ang kapal naman ng mukha ng girl. Akala siguro niya ay siseryusuhin siya ng isang doctor na kagaya ni Dr. Draven. Haba ng hair niya. Mas maniniwala pa sana ako kung papatulan siya ng binatang cleaner dito sa hospital.” Natatawang dagdag pa ng isa.
“Ang kapal talaga ng mukha. Akalain mo kung sino, ang pangit naman ng hitsura. Napakabadoy pa magdamit, ang kakapal ng make-up pati ang kilay makapal na magkasalubong.” Nandidiri pang sabi naman ng isa.
“Kaya nga hindi siya binigyan ng pasyenting mga bata dahil labis na natatakot sa hitsura niya.” Dagdag pa nito.
Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng inis sa mga pinagsasabing iyon ng mga kasamahan ni Nurse Abby. Hindi naman kagandahan ang mga ito ngunit nagawa pang manglait ng kapwa.
Akmang susugurin niya ang mga ito ngunit mahigpit na hinawakan ng dalaga ang braso niya, habang suminyas na huwag niyang gagawin ito. Wala siyang nagawa kundi ang manahimik.
Nagulat pa siya ng makita ang ginawa ni Nurse Abby sa mga ito.
Nakita niyang buong tamis na nginitian ni Nurse Abby ang mga taong nanlilibak sa kanila. Napakacute nitong tingnan at parang hindi na maalis ang mga mata niya sa daalga.
Agad niya namang inakbayan ang dalaga at mas lalong nainggit ang mga ito.
Biglang napatingin sa kaniya ang dalaga at isang nakakalukong ngiti ang iginawad niya dito.
Pinanlakihan pa siya ng mga mata nito dahil sa ginawa niyang pag-akbay dito.
Kaya agad niyang iniwas ang tingin dito at nagkunwari siyang sa ibang banda nakatingin.
“Doon tayo Dr. Draven.” Magalang at patay malisyang sabi pa ng dalaga.
Tuloy ay mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya sa labi.
Pagdating nila sa bakanteng mesa ay agad niya itong pinaghila ng upuan.
Ngumiti ito sa kaniya sabay senyas na siya ang paupuin.
“Hindi na, busog pa ako eh. Sinamahan lang kita dito upang masiguro kung kakain ka. Dahil nag-alala ako saiyo at hindi ka pa kumakain simula kanina.” Magalang na paliwanag nito sabay patay malisyang inalis ang kamay niyang nakaakbay dito.
Hindi niya alam kung bakit tila nakaramdam siya ng tuwa sa sinabing iyon ni Nurse Abby.
“Sige mauna na ako saiyo. Hope you enjoy your meal” Nakangiti pa nitong paalam sabay akmang aalis.
Ngunit di niya maiintindihan ang sarili at agad niyang hinila ang kamay nito palapit sa kaniya. Nababakas ang labis na gulat sa mukha ng dalaga sa ginawa niyang iyon.
“Hindi naman ata magandang kumain na mag-isa.” Pabiro niyang sabi dito at nagsalubong naman ang kilay nitong nakatingin sa kaniya.
“Don’t worry Dr. Draven, madami naman kayong kuamakain. Tingnan mo sila oh, maayos naman silang nakakain kahit mag-isa lang sila.Huwag kang mahiya diyan sapagkat madami naman kayo.” May halong birong sabi nito at muli ito nakangiti sa kaniya.
“I’m serious..” Seryoso niyang sabi at biglang sumeryuso ang mukha nito.
“Okay fine. Pero make it fast at may gagawin pa ako ha.” Magalang na sabi pa nito bilang pagsuko.
Lihim siyang napangiti sa ginawang iyon ng dalaga.
Mukhang hindi talaga ito marunong magalit.
Agad itong naupo sa bangkong hinila niya para sa dalaga at naupo naman siya sa harap nito.
Agad ding isiniserve ang pagkaing ipinahanda ng dalaga para sa kaniya.
“Mukhang masarap ang pagkaing ipinahanda mo ah!” Nakangiti niyang sabi.
“Syempre naman. Nakakahiya namang magpahanda ng hindi masaarap sa taong kanina pa walang kain. Isa pa, especial talaga ang mga pagkaing ito para sa pinakamagaling na doctor sa buong St Philip Vergara Medical Hospital!” Buong pagmamalaking sabi pa nito at napapailing naman siya habang nakangiti.
“Ang galling mo talaga. Heto kumain ka.” Sabay subo niya ng pagkain rito.
Namumula ang mukha nitong umiling iling.
“Kakasabi ko pa nga eh na busog pa ako. Sige na kumain ka na diyan. Huwag mo na lang akong pansinini dito” Magalang na pagtanggi pa nito.
Ngunit parang ayaw niyang patatalo sa dalaga.
“Ano ba bilisan mo at nangangawit na ang kamay ko. Sige ka hindi ako kakain hanggat hindi mo kainin ito.” Seryoso niyang sabi at napatitig naman ng husto ang dalaga sa kaniya.
“At bakit naman? Natatakot ka bang may ipinalagay akong iba diyan?” Pinagdilatan pa siya ng mga mata habang sinasabi iyon at umiling ilang naman siya bilang hindi pagsang-ayon.
Bigla itong nagtaas ng kilay at saka kinuha ang bakanteng kutsara na kasamang isini-serve ng waiter. Isa-isa nitong tinikman ang mga pagkaing nakahain sa lamesa niya.
Napapailing nalang siya habang tinitingnan ang ginagawa ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit naaliw siyang pagmasdan ito sa ginagawa nito.
“Hayan, tapos na po. Natikman ko na lahat, kaya hindi kana mag-alala pa.” Seryosong sabi pa nito.
Alanganing ngiti ang ibinigay niya sa dalaga sabay kuha ng tissue at pinahiran ang gilid ng bibig sa dalaga.
Saglit pa itong napaatras sa ginawa niyang iyon at nagbablush na naman ito.
Nginitian niya lang ng matamis saka nagkibit balikan at nagsimulang kumain.
Hindi niya alintana ang mga taong nagbulong-bulungan sa paligid nila. Mataman naman siyang tinitigan ng dalaga habang kumakain siya. Panakaw tingin na rin ang ginawa niya sa dalaga at tela busy sa pagsubo ng pagkain.
Hanggang sa na ubos niya lahat ng pagkain na nakahain sa mesa niya.
Hindi niya alam kung bakit nakakain pa siya ng marami sa kabila ng mga alalahanaing nasa kaniyang isipan.
Matamis ang ngiting iginawad sa kaniya ng dalaga.
“Mukhang nagugustuhan mo lahat ng pagkaing ipinahanda ko ah.” Nakangiting sabi nito sa kaniya.
Tumango naman siya sabay nagpapahid ng napkin sa bibig.
“Hindi ko nga alam kung bakit ko naubos lahat. Siguro ay mas nasasarapan ako sa pagkain dahil kasama kita.” Wala sa loob na sabi niya. Bigla tuloy napawi ang ngiti ng dalaga sa sinabi niyang iyon at saka sumeryoso ang mukha.
“By the way, kumusta na pala si Candee? Anong balita na sa kaniya?” Pag-iiba ng usapan. May bahid na pag-alala sa tono ng pananalita nito.
Tuloy ay napaayos siya ng pagkakaupo ng maalala ang kapatid niya.
Kinuha niya ang cellphone ngunit hindi niya namalayang nalobat na pala ang cellphone. Tuloy mas lalo siyang nakaramdam ng pag-alala. Baka kanina pa tawag ng tawag ang mommy niya ngunit di niya namalayan hanggang sa nalobat nalang ito.
“Hindi ko pa rin alam. Lobat ang cp ko kaya hindi ako nakabalita ni mommy. Wala naman sinabi si dad tungkol kay Candee.” Seryosong sagot niya dito at nababakas sa mukha ng dalaga ang labis nap ag-alala.
“Oh siya, baka hinihintay ka na ng mommy mo sa bahay niyo. Mauna ka ng umuwi. “ Agad na sabi nito sa kaniya.
“May gagawin ka pa ba dito?” Tanong niya pa dito at umiling-iling naman ito.
“Wala na. Pauwi na ako ng makita kita kanina. Dinaanan nalang kita at baka makauwi ka na agad. Sayang naman ang ipinapahanda ko.” Seryoso nitong sabi at napangiti naman siya sa narinig niyang iyon.
“Halika, ihahatid na kita pauwi sa inyo.” Sabi pa nito at agad naman itong napatitig sa mukha niya. Parang hindi makapaniwala sa narinig niyang iyon.”
“I’m serious.” Seryoso niyang sabi pa dito at alanganing ngiti ang iginawad sa kaniya ng dalaga.
“Naku, huwag ka ng mag-abala. Alam ko naman kung paano uuwi eh. Kaya mauna ka na.” Sabi pa nito saka nagpatiunang maglakad palabas ng canteen.
Agad niya itong hinabol at sinabayan ng paglalakad.
“Saan nga ba ang bahay mo?” Tanong niya rito.
“Andiyan lang malapit dito.” Sagot niya naman.
“Nilalakad mo lang?” Takang tanong niya at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
“MInsan kung hindi naman ako gaanong nagmamadali. Almost Fiteen minutes lang naman ang lakarin. Kaya nilalakad ko nalang. Bahagi na rin ng pang-araw-araw na ehersisyo ko.” Nakangiting sabi pa nito.
“Sige ha. Ikumusta mo nalang ako kay Candee. Sana magiging okay na siya. Ingat ka pauwi.” Dagdag pa nito ng makarating sila sa bandang maghihiwalay na sila ng daan.
Nasa bandang kaliwa ang daan papuntang parking area habang sa kanan naman ang daan palabas .
Hindi na hinintay pa ng dalaga ang isasagot niya at nagpatiuna na itong maglakad papunta pauwi.
Hindi niya maiintindihan ang sarili ng bigla niya itong sundan at agad na hinawakan ang kamay.
Gulat na napalingon ang dalaga sa kaniya.
“Di ba sabi ko saiyo na ihahatid na kita.” Maawtoridad niyang sabi rito sabay hila papunta sa kung saan nakapark ang sasakyan niya.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang kusang sumunod sa kaniya.
Pagdating nila sa kotse niya ay agad niya itong pinagbuksan ng pinto ng kotse at saka inalalayang makasakay doon.
“Naku Dr. Draven, huwag ka na sanang mag-abala pa. Nakahiya naman saiyo.” Nahihiyang sabi nito habang tinahak nila ang daan pauwi ng bahay ng dalaga. Madali lang namang sundan ang direksiyong sinasabi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya nahirapang hanapin ito.
In less than ten minutes ay narrating nila ang bahay nito.
Maliit lang ang tinitirhang bahay nito na may second floor, sariling maliit na parking area na kasya ng dalawang sasakyan.
“Diyan ka nakatira? “ Tanong niya dito at tumango naman siya.
“Minana ko ang bahay at lupa sa mother ko. “Sagot naman nito.
“Ibig mong sabihin ay wala na ang mommy mo?” Tanong niya dito at malungkot itong tumango.
“How about your father?” Dagdag niya pa dito.
“My father died before I graduated elementary. Lumipat kami ng tirahan ng mother ko at sa kasawiang palad ay namatay ang mother ko pagkatapos kong grumaduate ng college.” Malungkot na sabi nito. Puno ng pangungulila ang tono ng pananalita nito.
“I’m sorry to hear that.” Sensero niyang sabi rito.
“I’ts okay. “ Tipid niyang sagot pa dito.
“Sinong kasama mo tumira diyan?” Hindi niya alam kung bakit niya iyon naitanong.
“Ako lang mag-isa. Mag-isa lang kasi akong anak at wala akong kapatid. Wala na ring kamang anak ang mother ko habang itinatakwil naman ng pamilya ang daddy ko. So ako nalang mag-isa diyan” paliwanag pa nito.
Tuloy ay mas lalo siyang nakaramdam ng pag-alala para sa dalaga.
“ Hindi ka natatakot mag-isa?” Nag-alala niyang tanong rito at umiling naman ito.
“Hindi naman. Sanay naman kasi ako mag-isa kaya ayos lang sa akin.” Nakangiting sabi pa nito.
Magsasalita pa sana siya ng mabilis itong lumabas ng kotse niya.
“Salamat sa paghatid. Pasensiya na rin sa abala.” Nakangiting sabi nito sa labas ng kotse niya.
“Ingat ka pauwi.” Kumakaway pa habang nagsasalita.
Hindi na siya nito hinintay na sumagot pa at mabilis na binuksan ang gate at pumasok doon. Hindi na rin ito muling lumingon sa kaniya. Pagkasara ng gate ay nagtulo-tuloy na ito papasok ng loob ng bahay.
Mabigat ang loob na nilisan ang lugar na iyon. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Parang ayaw pa niyang umalis sa lugar na iyon.
Pagdating niya ng bahay ay agad naman siyang sinalubong ng mom niya. Namumugto ang mga mata nito. Siguro ay nalaman na nito ang totoong nangyari kay Candee at umiiyak ito sa labis na pag-alala.
“Hi mom.” Sabay halik sa pisngi nito.
“Anong balita sa kapatid mo? Bakit hanggang ngayon ay di pa siya umuuwi?” mangiyak-iyak na sabi sa kaniya ng mommy niya.
Pinilit niyang magiging kalmado at di nagpahala sa totoong nararamdaman sa mom niya.
“Maaga pa naman mom. Baka maya-maya ay uuwi na rin ito.” Kalmado niyang sabi rito.
“Eh, paano kung hindi? Paano kung napano na yung kapatid mong iyon?” Umiiyak ng sabi nito.
Agad niya itong niyakap ng mahigpit.
“Mom, please don’t say that. Walang masamang mangyayari sa kaniya. Kilala natin si Candee kaya hindi mangyari iyon.” Pampalakas loob niyang sabi rito.
“I hope so son. Ngunit pagabi na ay wala pa din siya.” Hindi mapakaling tugon naman ng mommy niya.
“Magcharge lang muna ako ng cellphone . Saglit lang ako mom at aalis din ako pagkatapos upang hanapin si Candee.” Paliwanag niya rito at napabuntong hininga naman ang moomy niya.