Chapter 6

3289 Words
Nakakaramdam ng pagkainip si Lyndon Galvez sa kaniyang bahay bakasyunan, kaya naisipan niyang magtungo sa paborito niyang lugar. Ang paborito niyang lugar ay sa tuktok ng burol kung saan matatanaw ang malawak na karagatan at malawak na lupain ng mama niya. Si Lyndon Galvez ay isang sikat na photographer at kasalukuyan siyang nagbabakasyon sa lugar kung saan siya ipinanganak at lumaki. Ito ang lugar at lupaing minana ng mama niya sa mga yumao nitong mga magulang. Dito rin siya ipinanganak at nagkaisip. Pagkatapos kasing mabuntis ng mama niya sa papa niya ay umuwi ang mama niya sa lugar na ito upang magtago sa papa niya. Paano kasi, hindi naman sila magkasintahan ngunit sa isang one night stand ay nabuo siya agad. Ipinaalam naman ng mama niya sa papa niya na nabuntis ito ngunit nagdalawang isip ang papa niyang panagutan ang mama niya dahil sa may iba na pala itong itinakdang pakasalan. Ngunit nangangako ang papa niya sa mama niya na magbibigay ng sustinto para sa batang dinadala nito. Ayaw ng mama niya na makasira ng pamilya kaya napagdisisyunan nitong umuwi sa probinsiya. Sa probinsiyang ito ipinanganak at lumaki ang mama niya, ngunit sa syudad ito nag-aaral. Umuwi lang ito kapag walang pasok. Masyado kasing lib-lib ang lugar na ito na parang malayo sa kabihasnan. Kaya dito niya maisipang magtago sa papa niya. Natitiyak kasi siyang hindi siya mahanap dito sapagkat walang taong magsasalita tungkol sa kaniya. Hanggat walang pahintulot sa kaniya. Nang malaman ng kapatid nitong nagdalang-tao ang mama niya ay hindi ito nagalit sa mama niya. Hindi rin ito nagdalawang isip ang nakakatanda nitong kapatid na lalaking na tanggapin ang mama niya sa kabila ng kalagayan nito. Buong puso pa din siya nitong tinanggap at pinatuloy sa kanilang dating tahanan. Bagay na ipinagpasalamat ng mama niya sa kuya nito. Maaga kasing naulila sa mga magulang ang mama niya at ang kuya na nito ang tumayong pangalawang magulang ng mama niya. Katatapos pa lang ng high school noon ang mama niya ng mamatay ang mga magulang nito dahil sa isang aksidenti. Itinaguyod ito ng kuya niya at pinapaaral sa mamahaling University sa syudad ngunit sa kasamang palad ay maaga itong nabuntis. Sa kabila ng kasalanang nagawa ng mama niya sa kuya nito ay bukas palad pa din siya nitong tinanggap pati na ang batang dinadala nito. Ni hindi raw ito nagtatanong kung sino ang ama ng dinadala niya. Ito na rin ang tumayong ama niya sa mahigit pitong taon at nagiging malapit naman sila sa isa’t-isa na parang mag-ama. Lingid sa kaalaman ng mama niya ay lihim pala siyang pinaghahanap ng papa niya. Nang malaman nitong nawawala ang mama niya at di na pumasok sa paaralang pinapasukan nila ay doon na niya narealize kung gaano ito kahalaga sa kaniya. Kusa niyang ipinatigil ang napipintong kasalan na pinagkasunduan ng mga magulang niya at namayapa nitong kaibigan ng mga magulang nito.. Sa hindi inaasahan ay agad namang pumayag ang kabilang kampo . bagay na ipinagpapasalamat niya ng husto sa itaas. Ngunit umabot pa ng limang taon bago niya sinabi sa mga magulang niya ang totoong dahilan kaya hindi niya itinuloy ang kasal. Kasalukuyan na itong nagtatrabaho sa company ng mga magulang nito. Doon din ay nalaman niyang kaya pala agad na pumayag ang kabilang kampo na hindi na matutuloy ang kasal ay dahil sa nabuntis ang mapapangasawa niya sa ibang lalaki. Ni minsan kasi ay hindi pa nito nakita ang babaeng mapapangasawa niya kahit ang pangalan man lang ay di na niya inalam. Nagulat pa siya ng sabihin ng mga ito ang totoong pangalan ng babaeng mapapangasawa niya. Sadyang mapagbiro ang tadhana dahil ang babaeng itinakda na sana niyang pakasalan at ang babaeng matagal na niyang hinahanap ay iisa lang pala. Dahil doon sa pangyayaring iyon ay nawalan ng pagkakataon ang papa niyang magigig ama sa kaniya noong nasa sinapupunan pa siya at hanggang sa maipanganak na siya. Nagulat din kasi ang mama niya dahil hindi nito alam na ipinagkasundo na pala siyang maipakasal ng mga magulang nito bago ito namatay dahil wala itong nabanggit kahit na ang kuya niya. Umabot din ng almost two years ang panliligaw ng papa niya sa mama niya bago ito pumayag na ituloy ang kasal. Matapos ang kasal ng mga ito ay lumipat na sila ng tirahan sa kung saan nakatira ang papa niya. Kaya naging bahay-bakasyunan nalang nila ang lugar na ito. Sadyang hindi mapipigilan ni Lyndon ang mapapangiti ng maalala ang kwento ng love story ng parents niya. Ito ang nagpapatunay na hinding-hindi mo talaga matatakasan ang itinadhana saiyo. Dahil tadhana na rin ang maglalapit sa inyong dalawa at gagawa ng paraan upang magkatuluyan kayo. Kaya sa edad niya tatlong pu’t dalawa ay nanatili pa din siyang single. Hindi niya pa kasi nahanap ang babaeng nakatakda ng tadhana para sa kaniya. Kapag nahanap na niya ito ay hinding hindi na niya pakakawalan pa. Hindi niya gayahin ang papa niya na nasayang ang mahabang panahon dahil lang sa kawalan ng tiwala sa sarili nitong nararamdaman. Lihim niyang dasal na kung sakaling manahanap na niya ang babaeng nakatadhana sa kanya at agad niya itong makilala upang hindi na maulit pa ang istorya ng buhay pag-ibig ng mga magulang niya. Bigla siyang napatigil sa pag-iisp ng makitang may nakapark na motor sa itaas ng burol. Ang pagkakaalam niya ay private property ang lugar na ito, ngunit paanong may nakapasok dito? Nagmamadali siyang pinuntahan ang nakapark na motor at laking gulat niya ng makita kung sino. Isang babaeng nakamotor ang naglalakas loob na pumunta sa ganitong uri ng lugar na wala ni isa mang kasama. “Paano niya nagawang umakyat dito gamit ang motor nito?” Puno ng pagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili. Pinakiramdaman niya ang buong paligid at wala siyang nakitang ibang taong naroon maliban sa kanilang dalawa. Hindi mapipogilan ni Lyndon na kuhanan ng litrato ang babaeng iyon. Bahagya itong nakatalikod sa kaniya at di niya makikita ang mukha nito. Bigla siyang napatigil sa pagkuha ng picture ng makita niyang umiiyak ang babaeng iyon. Nagulat pa siya ng makita nito ang mukha. Dahil ang babaeng ito ang nakabanggaan niya doon sa hospital kaninang umaga. “Paano siya nakarating sa ganitong lugar?” Tanong niya uli sa isip niya. Nanlaki ang mga mata niya ng maisip ang posibleng gagawin ng babaeng iyon dito. Kinikilabutan pa siya ng maisip na posibleng nagpunta ang babaeng ito dito upang magpatiwakal. Nakita niya kasi ang pag-aaway nito sa boyfriend niya. Hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki ngunit sa reactions niya kanina habang inalalayan niya ang babaeng ito ay natitiyak niyang magnobyo ang dalawa. Tuloy ay di niya alam ang gagawin. Dapat ba niyang hayaan at iwanan na lang dito ang babae, o lalapitan niya ito at kakausapin baka sakaling magbago ang isip nito? Saglit siyang nag-isip habang matamang tinitingnan ang babae. Hindi nito napansing may ibang taong nakamasid dahil sa tulala ito habang umiiyak at parang wala sa sarili. Tahimik lang itong umiiyak habang nasa karagatan ang paningin. Tuloy ay napagdisisyunan niyang lapitan at kausapin ito at baka ano pang mangyari sa babaeng ito. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa babae at di pa rin siya namalay nito. Tumigil siya isang metro ang layo sa tapat ng babae. Sabay niyang ibinigay ang dala niyang panyo sa bulsa niya. “Uhm…” Agaw atensiyon niya dito habang sa karagatan din tumingin. Doon din ay dahan-dahang lumingon sa kaniya ang babae. Nagulat pa ito ng makita siya at lalo na sa iniabot niyang panyo dito. “Heto kunin mo. Basang-basa na ng mga luha mo yung panyo mo. Huwag kang mag-alala dahil malinis naman ang panyo kong ito.” Magalang niyang sabi rito ng hindi parin tumitingin sa babaeng iyon. Hindi naman ito nagdadalawang isip na kunin ang panyong iniabot niya dito. Bahagya siyang napangiti sa ginawang pagtanggap ng babae sa panyo niya. Pagkatapos pa nitong mapahiran ang mga luha ng babae sa mukha ay tila nahihiyang iniabot nito pabalik sa kaniya ang panyo niya. “Saiyo na iyan. Alam kung kakailanganin mo pa iyan.” Magalang niyang sabi rito. “Thank you!” Tila nahihiyang sabi pa nito. Bahagya niya itong nilingon saka nginitian. Nakakunot ang noo nito at napakalungkot tingnan ang mukha ng babaeng iyon. “Ayos lang ba sa iyong kung maupo ako rito?” Magalang niya paring tanong dito. Hindi sumagot ang babae at mataman lang siyang tinitigan nito. Pagkaupo niya sa damuhan ay bigla naman itong tumayo at humakbang palayo sa kaniya. Kunot noo nalang siyang pinagmasdan ang babae habang nagtatakbo ito palapit sa kaniyang motor. Agad itong sumampa doon at nagmamadaling binuhay ang makina ng motor. Makailang ulit pa nitong ginawa ngunit hindi talaga umandar ang motor nito. Tumayo siya at nilapitan niya ito ngunit bago paman siya tuluyang makalapit dito ay agad siya nitong tinutukan ng dala nitong maliit na kutsilyo. “Diyan ka lang, huwag kang lumapit sa akin.” Matapang na banta nito sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya sa narinig. Hindi niya kasi akalaing matatakot ito sa kanya ng ganoon. Gayong kahit sinong babae ay hindi magdalawang isip na gagawin ang lahat upang makuha lang nito ang atensiyon niya. “Pasensiya ka na kung natakot kita. Hindi ko naman intensiyon na takutin kita. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako masamang tao.Naparito lang naman ko upang mamasyal. Hindi ko akalaing may madatnan pala akong ibang tao rito.” Mahinahong sabi niya pa dito habang unti-unting humakbang palapit dito. “Huwag ka sabing lalapit…” Galit na sigaw nito. “Naku, pasensiya ka na talaga. Gusto lang naman kitang tulungan. Promise hindi ho talaga ako masamang tao. Katunayan niyan ay anak ako ng may-ari ng lupaing ito. Hindi naman kami masamang tao eh. Kaya wala kang dapat na ipag-alala.” Paliwanag niya dito sabay humakbang paatras. Nang makita ng babaeng medyo dumistansiya siya ay muli niyang pinaandar ang motor nito. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa din umandar. Kaya tiningnan nito ang tangke ng gasoline. Naabakas sa mukha nito ang napakalaking problema. “Naubusan ka ng gas?” Buong pagtatakang tanong niya rito. Saglit itong tumitig sa kaniya at mukhaang kinikilatis nito ang buo niyang pagkatao. “Naku wala pa namang malapit na gas station sa lugar na ito. Kailangan mo pang maglakbay ng almost seven kilometers.” Walang halong kalukuhang paliwanag niya dito. Nababakas sa mukha ng babaeng ito ang matinding inis at takot na rin. Maya-maya pa ay unti-unting nagdidilim ang buong kapaligiran. Nagbabadya ito ng malakas na ulan. Kinuha ng babae ang dala nitong cellphone ngunit mas lalo itong nawalan ng pag-asa dahil lobat rin ito. Saglit pa nitong hinanap ang charger ngunit wala itong nakita. Tuloy mas lalo siyang nakaramdam ng awa rito. Hindi niya magawang iwanan ng basta-basta ang babaeng ito lalo na at may nagbabadyang masamang panahon. “Subra-subra naman atang kamalasan ang inabot ko sa araw na ito.” Mangiyak-iyak ng sabi pa nito. Labis na nakakawa ang babaeng ito, nababakas sa tono ng pananalita niya ang bigat na pinagdaanan nito. “May dala ka bang cellphone diyan?” Biglang tanong nito sa kaniya. “Pasensiya na, wala akong dala.” Sabi niya dito. Tuloy mas lalong nagdilim ang mukha ng babae. Parang pinagsakluban ito ng langit at lupa. Subrang nakakaawa na rin ang mukha nito. “Uhm, ganito nalang. Sumama ka nalang sa akin. Maari kang magcharge doon sa bahay. Dilikado kasi dito paggabi na. Baka may mga masasamang taong maligaw dito . Kaya sa ayaw mo at sa gusto ay kailangan mo talagang sumama sa akin.” Paliwanag niya pa dito. “Manigas ka. Paano ako sasama saiyo? Hindi kita kilala baka anong gagawin mo sa akin.” Seryosong sabi nito. “Kung natatakot ka sa ulan, pwes umalis ka dito. Umuwi ka na sa inyo. Mas magiging kampanti ang loob ko kung hindi kita makita dito.” Dagdag pa nito. Walang bahid na pagsisinungaling ang tono ng pananalita nito. “ Ikaw lang naman ang inaalala ko Miss. Pero kung yan ang gusto mo ay sige. Mag-iingat ka nalang dito.” Seryosong sabi pa niya. Biglang sumimangot ang mukha ng babae sa sinabi niyang iyon. Tuloy ay nakaramdam siya ng guilt. “Last chance na Miss. Halika na at umaambon na oh..” may halong pakiusap na sa boses niya. “Manigas ka.” Matapang na sabi nito at saka tumakbo pabalik sa malaking punong kahoy. Wala na siyang nagawa kundi ang iwan ang babaeng mataray. Takot pa naman siya sa malakas na ulan kaya kailangan na niyang makabalik kaagad sa bahay nila hanggat maari. Medyo may kalayuan pa naman doon pero hindi naman abutan ng isang oras ang paglalakad papunta doon. Nagsisimula na siyang humakbang. Unti-unti na ring lumakas ang ambon. Nakailang hakbang pa lang siya nang bigla siyang tumigil. Nakita niyang niyayakap ng babae ang sarili nito at nababakas sa mukha ang pag-alala. Tuloy ay hindi niya magawang iwan ang dalaga. Kahit pa sabihin niyang bilisan niya ang paglakad pauwi saka tatawag siya ng rescue para masundo ang babae. Ngunit natitiyak niyang walang maglalakas na rescue team ang umakyat sa bundok habang kasagsagan ng malakas na ulan. Baka ano pang mangyari sa babaeng ito dahil sa wala itong mapagkublihan dito upang hindi mabasa ng ulan. Kaya wala siyang choice kundi ang piliting sumama ang babae, sa ayaw o gusto nito. Mabigat ang hakbang na bumalik sa babae. Nagulat pa ito ng makita siyang bumalik doon. “Look Miss, nagsisimula na ang ambon. Maya-maya ay lalakas pa ito dahil sa subrang dilim ng langit. Natitiyak akong manganganib ang buhay mo kapag nanatili ka dito sa kasagsagan ng malakas na ulan. Kaya parang awa mo na sumama ka na sa akin upang kahit papano ay matatahimik ang isip ko.” Nakikiusap niyang sabi rito at tumaas naman ang isang kilay nito. “Huwag mo akong lukuhin mister. Kunwari ka pang mabait diyan ngunit anong malay ko kung anong claseng tao ka?” Seryoso ring sabi nito at napasambunot nalang siya sa sariling buhok. Biglang lumakas ang ulan. “Ano ba, tara na? Sa likuran ka lang at panatilihin nating may malaking space tayo sa isa’t isa para kung makita mong may masama akong balak ay madali kang makaiwas.” Dagdag niya pa. “Talaga lang ha?” Sarkastikong sabi nito. ‘Oo, promise.” Dagdag niya pa. “Wala ka namang dapat na ikabahala dahil may mga babae din naman akong kasama sa bahay. Mag-asawang care taker at dalawang anak na babae na halos kasing edad mo rin siguro.” Paliwanag niya dito at nakita niyang umaliiwalas ang mukha ng babae. “Siguraduhin mo lang na totoo ang mga sinabi mo dahil sinisigurado ko saiyo na kapag may masama kang gagawin sa akin, tiyak na hindi ka na bubuhayin ng pamilya ko.” Seryosong sabi pa nito. Na akala ay pamilyang gangster ang babaeng ito. ‘”Ito ang tatandaan mo na may tracking device ang cellphone kung ito. Sa oras na iyon ay sinusundan na ako ng pamilya ko kaya, huwag kang magkakamaling gawan ako ng masama.” Matapang pa na sabi nito at tumango lamang siya. Nagsimula na siyang humakbang at laking pasasalamat niya dahil sumunod naman ang babae sa kaniya habang hawak nito sa kanang kamay ang maliit na kutsilyo. Napapailing nalang siya. Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng kaartihan at kasupladahan ng babaeng ito ay di niya nagawang mainis dito. Sadyang binilisan niya ang paglakad dahil palakas na ng palakas ang ulan. Ngunit sa kasamaang palad ay biglang natisod ang babae at nabuwal sa lupa. Dumadaing ito ng labis na sakit sa paa. Nahirapan din itong tumayo at ilang ulit na bumagsak sa lupa ng subukan nitong makatayo. “Huwag ka sabing lumapit sa akin.” Galit na galit na sabi nito habang itinutok ang maliit na kutsilyo sa kaniya. Ngunit di siya natakot at buong tapang na nilapitan ito. Humakbang ito paatras dahil sa takot nito sa kaniyang paglapit. Ngunit sa kasamaang palad ay bigla itong matumba. Mabuti nalang at naging maagap siya at agad niyang nahawakan sa baywang ang babae. Mabilis niyang hinila ang katawan ng babae palapit sa kaniyang katawan. Parang may kuryenting gumagapang sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao ng magkadaiti ang basang katawan nila ng babae, Nanlaki pa ang mga mata nito sa ginawa niyang iyon. Agad naman nitong itinutok sa leeg niya ang maliit na kutsilyong hawak nito. Buong tapang niyang sinalubong ang mga titig na iyon ng babae saka inalis ang kamay na may hawak na kutsilyo na malapit sa kaniyang leeg. Agad naman itong ibinababa ng babae. Inilagay niya ang kamay ng babae sa balikat niya at saka mahigpit na hinawakan ang baywang nito upang alalayan sa paglakad. Wala naman siyang narinig na reklamo nito sa ginawang niyang iyon siguro ay sumuko na ang babae kaya siya hinayaan sa ginawa niya. “ Masyado ng malakas ang bugso ng ulan na may malakas na hangin. Dilikadong magpatuloy sa paglalakbay.” Malakas niyang sabi habang patuloy sa paglalakad sa gitna ng malakas na ulan. “Anong ibig mong sabihin?” Nag-alalang tanong nito sa kaniya. “Huwag kang mag-alala may maliit na kubo tayong madadaanan habang papunta sa bahay namin. Doon muna tayo magpapalipas ng ulan at baka ano pag mangyari sa atin kung tumuloy tayo. Dumiritso lang tayo sa daang ito at mararating na natin ang kubo. Huwag kang mag-alala dahil magpapatuloy muli tayo sa paglalakbay kapag tumigil na ang ulan.” Dagdag niya pa at tumango naman ang babae bilang pagsang-ayon. Tuloy-tuloy sila sa mabilis na paglalakbay hanggang sa nakikita na nila ang maliit na kubong iyon. Ilang hakbang na lang ay makakarating na sila sa bahay kubong iyon. Ngunit di niya inaasahan ang malakas na kulog at kidlat na siyang nagbibigay sa kaniya ng labis na takot. Sa labis na takot niya ay bigla niyang nabitiwan ang babae at agad na pinagtatakpan ang taenga niya. Para siyang batang paslit na takot na takot sa malakas na kulog at kidlat. “Hey, don’t tell me na sa edad mong iyan ay takot ka pa rin sa kulog at kidlat!” Puno ng panunuyang sabi ng babae sa kaniya. Sinabayan pa nito ng nakalukong tawa ngunit di na niya marinig pa ang boses ng babae dahil bigla na ulit na kumidlat at kumulog ng napakalakas. Biglang nanghina ang tuhod niya at unti-unti nawawalan ng lakas. Para siyang lasing na lasing habang naglalakad. Nahihirapan siyang ihakbang ang mga paa niya at nanginginig sa magkahalog takot at lamig ang buo niyang katawan. Hanggang sa nabuwal siya at bumagsak sa lupa ang katawan niya. Mabuti nalang at agad na nakaalalay sa kaniya ang babae kaya hindi masyadong malakas ang impact ng pagbagsak niyang iyon. Bigla na siyang nakaramdam ng pagkahilo at wala na siyang ibang naririnig kundi ang malakas na kulog at kidlat. Wari nasa gitna siya ng kadiliman at pinapaligiran ng nag-aapoy na kidlat habang sumasabog naman sa teynga niya ang malakas na ugong ng kulog. Parang mabibiyak na ang ulo niya at nagsisimula na siyang mairapang huminga. Wala na siyang liwanag na makikita kundi puro kadiliman. “Mama, papa. I’m sorry..” Tanging nasabi niya. Hindi niya alam kung naisatinig niya bai to. Naninikip na ang kaniyang dibdib at nagsisimula na siyang mahirapang huminga. Hindi niya alam ang gagawin. Unti-unting bumabalik sa kaniyang balintatanaw ang mga pangyayari kung saan nasa gitna siya ng kadiliman. Sugatan at di maigalaw ang katawan. Wala siyang ibang naririnig at nakikita kundi ang kadilaman. Nakakasilaw na kidlat na parang tatama sa kaniya at nakabibinging kulog na parang mababasag ang taenga niya sa lakas ng ingay na iyon. Walang mapagsidlan ng takot niya ng mga oras na iyon at pakiramdam niya ay mag-isa lang siya. Unti-unti na rin siyang kinakapos ng hininga, hanggang sa tuluyan ng magdilim ang kaniyang paningin. Pakiramdam niya ay mamatay na siya…..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD