Chapter 2

4988 Words
Pagkatapos ng pag-uusap nina Candee at ang daddy ni Alexander na si Don Leonardo Hernandez ay hindi na niya muling nakita pa ang binata. Hindi na rin siya naglakas loob na makipagkita sa binata, ngunit lage niya pa rin itong sinusubay-bayan katulad ng lage siyang updated sa iba’t ibang news na may kinalaman sa binata. Hindi naging hadlang ang panlalait ng daddy ni Alex upang mapariwara ang kaniyang buhay bagkus ay mas pinagbuti pa niya ang kaniyang pag-aaral haggang sa nakapagtapos siya at nakakuha ng magandang trabaho. Kasalukuyan siya ngayong nagtatrabaho sa St. Philip Vergara Medical Hospital bilang nurse. Hindi naging madali ang magtrabaho bilang nurse. Nandoon lahat ng pressure at stress ngunit lahat ay tiniis niya dahil ito ang professiong pinasukan niya. Ang totoo ay ang daddy niya ang nagpilit sa kaniya na kumuha ng medical course. Nais nitong maging doctor siya ngunit di niya naipasa ang entrance exam. Mabuti nalang at naipasa niya ang nursing entrance exam at kahit papano ay natuwa ang daddy niya. Umaasa pa din ang daddy niya na magpatuloy siya sa pag-aaral bilang doctor pero sa ngayon ay hinahayaan nalang muna siya nito. Nagising si Candee sa ingay ng kanyang cellphone. Kahit antok na antok pa siya ay nagawa parin niyang tingnan kung sino ang tumawag . Nagulat pa siya ng makita ang numero ng superior nila sa nursing department na Dr. Gomez. Agad niya itong sinagot. “Good evening Dr. Gomez.” Namamaos pa niyang sabi rito. “Its good morning Nurse Candee. It’s already two-thirty in the morning.” Paglilinaw pa nito. Agad niyang tiningnan ang relos ng cellphone niya at nakita niyang hindi nga ito nagbibiro. “Five in the morning pa po ang work schedule ko.” Paliwanag pa nito. “I know, ngunit may emergency ngayon. Kailangan mong magreport sa work as soon as possible. I’ll be waiting in not more than thirty minutes.” Maawtoridad pang sabi nito. Sabay patay ng kabilang linya. “Hello, Dr. Gomez?” Tawag pa niya ngunit wala ng sumagot at ng tingnan niya ang cellphone ay naka-off na pala ang kabilang linya. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Wala siyang nagawa kundi ang bumangon. Mabilisang pagligo ang ginawa niya at ganoon din ang pagbihis niya. Mabuti nalang at laging nakahanda ang mga gamit niya sa work para sa ganitong pangyayari. Paglabas niya ng kwarto ay wala pa ni isa mang taong nadatnang gising doon. Dumiritso na agad siya sa parking area na nasa likod ng bahay nila. Minabuti niyang gamitin ang motor niya lalo na at nagmamadali siya ngayon. Agad naman siyang pinagbuksan ng guard na nakabantay sa gate. “Good morning ma’am Candee. Mukhang napaaga po kayo ngayon ah!” Nakangiting salubong sa kaniya ng guard. “ Good morning din saiyo, manong ! May emergency po kasi sa hospital na pinagtatrabahuan ko.” Magalang niyang sagot dito at tumango-tango lamang ito bilang pagsang-ayon. “Pakisabi nalang po sa kanila paggising nila at baka hanapin ako.” Dagdag niya pa dito. “Masusunod po ma’am Candee. Mag-iingat po kayo.” Dagdag pa ng guard. “Salamat po.” Dagdag niya pa. Medyo matagal-tagal na din ang guard na naninilbihan sa kanila. Mabait kasi ang parents niya at hindi katulad sa iba na madaling magsawa sa mga empleyado nila kaya madaling magpalit ng mga empleyado. Para kasi sa mga magulang niya hanggat walang malaking nagawang kasalanan ang isang empleyado ay di siya kailangang palitan. Sadyang mabait din naman ang mga magulang niya kaya nagging mabuting empleyado ang mga ito. Medyo makulimlim ang kalangitan. Katatapos lang kasing umulan ng malakas. Ngunit may kaunting ambon pa din. Tamang-tama lang ang pagdating niya sa hospital base sa oras na sinabi sa kaniya ng superior niya. Napaaga pa din siya ng isang minuto. Pagkapark niya ng motor ay agad siyang pumasok sa loob ng hospital. Nagulat pa siya ng makita ang medyo maraming taong nakahelera sa may entrance papasok ng hospital na iyon. Katamtaman lamang ang laki ng hospital kaya kung magkataong maraming pasyenti ay hindi sapatin para maipasok lahat sa ER o maaccomodate ng lahat ng staffs sa hospital na iyon. Palapit palang siya ngunit agad na siyang sinalubong ng iilang pasyenti na nais magpatulong sa kaniya. Tuloy pinagsisihan niya kung bakit dito pa siya dumaan, dahil mahihirapan siyang makapasok agad sa loob. Ngunit di rin kaya ng kunsensiya niyang pabayaan ang mga ito. “Nurse tulungan mo ang anak ko. Kanina pa siya dumadaing ng sakit sa kanang braso ngunit hindi parin natingnan. Parang awa niyo na kahit man lang mabigyan ng paunang lunas. Almost thirty minutes na kami dito ngunit di pa mabigyang pansin” Umiiyak na sabi ng isang babae. Ang tinutukoy nito ay ang batang lalaking kasama nito. Umaaray ito sa sakit habang ang babaeng nagsasalita sa kanya ay duguan din sa ulo nito. Mabuti nalang at di ganoon kalaki ang sugat sa ulo nito parang gasgas lang. “Bakit ba ang babagal ng mga empleyado dito? Tingnan mo ang mama ko. Matanda na siya at nahihilo pa. Bakit di niyo kami pinapansin? Kanina pa kami nag-aantay dito ah! Unahin niyo naman kami.” Galit na sabi ng matabang lalaki sa isang doctor na tumingin sa ibang pasyente doon, habang itinuturo nito ang matandang nakaupo sa gilid. Pagkatapos ay nilapitan ito ng nasabing doctor na si Dr. Alvarez. Agad niyang nilapitan ang doctor na iyon. “Good morning po Dr. Alvarez! Ano po bang nangyari? Bakit ganito karami ang pasyente.” Magalang niyang tanong dito. Agad niyang inalalayan ang doctor sa ginagawa nito. Saglit lang siyang sinulyapan ng doctor at nasa pasyente pa din ang buong pansin nito. “Thank you. “ Anas nito sa kaniya at agad na ibinalik ang pansin sa pasyenti. “Medyo tumaas ng kunti ang blood pressure ng nanay niyo. Bibigyan ko siya ng resita pangpababa ng pressure ng dugo. Ipainum niyo agad ito at after one hour ay babalikan ko siya upang matingnan uli ang kalagayan niya.” Magalang na paliwanag ng isang may edad na doctor. Saka may isinulat sa isang maliit na papel at ibinigay sa lalaking iyon. “Kailangan mong bilhin muna iyan doon sa pharmacy na nasa ibaba ng hospital at pagkabili mo ay ipainum niyo po agad.”Dagdag pa nito. “Mabuti naman at nandito ka Nurse Cande..” Nakangiting sabi nito. “May dalawang bus kasi ang nagsalpukan sa daan. Yung isa halos puno ang sakay at yung isa ay nahulog sa bangin. Mabuti nalang at hindi gaanong malalim ang bangin na kinahulugan.” Paliwanag sa kaniya sabay tayo upang puntahan ang iba pa. Nagulat pa siya sa narinig niya. “Paki-check nalang ng mga vital signs. Pupuntahan ko nalang pagkatapos ang isang iyon.” Magalang na utos nito at agad siyang tumango. “Masusunod po doc.” Magalang niyang sagot rito. “Nurse pakitulungan niyo po ang asawa ko. Kanina pa siya dumadaing ng sakit sa likod niya.” Sabi naman ng isa pa. Nakapanglulumong isipin ang ganitong scenario. Nais mo silang lahat na matulungan ngunit di mo naman kayang lahatin. Kailangan lang kasi-isa isa lang. Hindi naman kasi masyadong madami ang doctor sa hospital na ito. Agad niyang inilibot ang paningin sa buong paligid upang mahanap kung sino ang dapat unahin. Yung talagang nangangailangan ng paunang gamutan. Biglang nakuha ang atensiyon niya sa isang babaeng tahimik na nakaupo sa sahig malapit sa pintuan. Nakapikit ang mga mata nito habang hawak ang maliit na tiyan. Nababakas sa mukha nito ang labis na paghihirap kahit di man ito nagsasalita. Agad niya itong nilapitan. “Hey, are you alright?” Mahinahong sabi niya pagkalapit dito, kahit alam niyang hindi nga okay ang pakiramdam nito. Umiling-iling lamang ito bilang pagsagot sabay himas sa maliit at flat nitong tiyan. “ Titingnan ko muna ang vitals mo ha?” dagdag pa ng dalaga at tumango-tango naman ito. “ Hinga ng malalim…. Hold for a while” Pagsisimula nito. “Okay, good. Now exhales. Ano po bang nararamdaman nila?” Magalang niyang tanong rito. “Nahihilo po ako at ang sakit ng tiyan ko.” Mangiyak-iyak na sabi nito. “Ano hong pangalan nila? May kasama ba kayo rito ngayon.” Saglit na nagmulat ng mata ang babae saka agad ring ipinikit uli sabay ililing-iling bilang pagsagot. “El- Elvira Ventura po ang pangalan ko at wala akong kasama rito.” Nahihirapang sabi pa nito. Medyo namangha pa siya sa narinig niyang pangalan. Para kasing pamilyar sa kaniya ngunit agad niyang inalis sa isipan ang tanong na iyon. “Maari bang makuha ang pangalan ng guardian mo?” Tanong niya pa dito ngunit bigla itong namilipit sa sakit. “ Kailan nga pala ang huli mong dalaw? Yung regla ang ibig kung sabihin? “ Dagdag na tanong ng dalaga dito ng kapain niya ang pulso nito. Napansin niya kasing abnormal ang pagtibok ng puso nito. Nakita ni Candee na agad na nagmulat ng mga mata ang babae at nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya.Nginitian lamang ng dalaga ang babae upang palakasin ang loob nito. Kinapa ng babae ang maliit at flat nitong tiyan at saka pilit hinahabol ang hininga. “ Its okay…hey look at me!” Tawag pansin ng dalaga sa babae at tumingin naman agad ito sa kanya. “ Its okay! Everythings gonna be fine. Ang kailangan mo lang gagawin ay huminahon at sundin ang sasabihin ko saiyo. Okay?” Agad namang tumango ang babae at pilit pinapakalma ang sarili nito. “Nurse Candee, what are you doing here?” Biglang may nagsasalita sa likuran niya. Nang lingunin niya ay ang superior niya na si Dr. Gomez. “Pumasok ka muna sa loob at may marami pang dapat na aasikasuhin doon. Hindi naman masyadong nasaktan ang mga ito kaya doon na lang muna ang unahin natin.” Walang pakundangang sabi ng kanilang superior. Saglit pa siyang nagulat at di makapaniwalang sabihin ito ng superior niya. Ngunit pilit niyang pinakalma ang sarili. Sa narinig niyang iyon ay agad siyang napatayo at hinarap si Dr. Gomez. “Mawalang galang na po sir. Pero kailangan na niyang maipasok sa ER at baka mapano pa siya at ang batang dinadala nito.” Magalang niyang sabi dito at nanlaki naman ang mga mata nito sa narinig. “Pinapangunahan mo ba ako Nurse Candee?” Halata ang inis sa mukha nito. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. “Hindi naman po sa ganoon, sir.” Tugon niya pa. “Pwes sundin mo ang utos ko.” Maawtoridad na sabi pa nito. Nagulat pa siya ng hilahin ng babaeng iyon ang pantalon na soot niya. “Please nurse, tulungan mo ako. Baka mapano ang baby ko….” Umiiyak na sabi pa ng babae. Pagtingin niya uli sa babae ay may lumabas na dugo sa suot nitong pants at namilipit na ito sa labis na sakit. “What are you waiting Miss Candee?” Inis na sabi pa ng Doctor sa kaniya. “Bigyan niyo ako ng wheelchair, bilisan niyo..” Malakas na sigaw ni Candee at medyo nagulat pa ang superior niya ngunit ng makita ang duguang babae ay wala na itong magawa kundi ang madala agad sa ER ang babaeng iyon. Agad namang lumapit sa kanya si Nurse Noel na may dalang wheelchair. . “I need you to bring here immediately to ER! Sabihin mong ako ang nag-utos saiyo, okay?” Sabi ng dalaga kay Noel, tumango-tango naman ito bilang pagsagot at nagmamadaling pumasok sa loob. Nang sulyapan ang superior niya ay nababakas pa din ang inis nito sa kaniya. Agad din siyang iniwan ng di na nagsasalita pa. Mabuti nalang at halos lahat ng narito sa labas ay hindi gaanong nasaktan. Mga minor injuries lang ang natamo nito tulad ng galos at bugbog sa katawan. Nabigyan na ang halos lahat ng narito ng mga paunang lunas ng kanilang karamdaman. Unti-unti na ding humupa ang tensiyon sa buong paligid. Nakahinga na din ng maluwag ang mga doctors at nurses na tumingin dito. Pero kahit ganoon paman kaliit ang inabot ng mga ito ay inirecomend pa din ng doctors na tumingin sa kanila ang pagkuha ng mga laboratories. Upang makita ang anomang maaring complikasyon gawa ng aksidenting iyon. Nangako naman ang company ng dalawang bus na sagutin nila ang pagpapagamot ng mga nasaktan sa aksidenting iyon. Ilang sandali pa ang lumilipas ay biglang lumapit sa kaniya si Nurse Abby. “ Nurse Candee…sandali lang” Bgilang tawag sa kaniya dito upang pigilin siya saglit sa kaniyang ginagawa. “Sabi ng Supervising manager na si Doc. Gomez papuntahin ka daw muna doon sa VIP room. Ngayon mismo .” Tela kinakabahan nitong sabi pa sa kanya. Likas na kasi itong mahiyain ngunit mabait at malambing naman sa kanyang mga pasyenti. Kumunot nalang ang noo ng dalaga sa narinig nito. “Eh, bakit ako? Hindi naman ako nakadistino doon?” Nagtaka niyang tanong dito. “Hindi ko rin alam ngunit iyon ay mahigpit na ipinagbilin ni Dr. Gomez.” Paliwanag pa din ni Nurse Abby. Mukhang wala siyang choice ah! “ Please puntahan muna doon. Urgent raw kasi. Baka mapapagalitan ka pa.” May halong pakiusap sa tinig nito at pag-alala na rin para sa kaniya. Kahit hindi sila gaanong close sa isa’t-isa ay nararamdaman niyang palagi itong nag-aalala sa kanya. Paano kasi madalas siyang insultuhin at pagalitan ng Suprvising Manager nila na si Doctor Gomez. Hindi niya alam kung bakit palaging mainit ang ulo ng isang iyon sa kaniya. Dahil siguro siya ang pinakabagong empleyado rito kaya siya ang napagtripan ng matandang doctor na iyon. Walang nagawa ang dalaga kundi sundin ang pakiusap ni Nurse Abby at baka madamay pa ito sa galit ng boss nila kapag nagmamatigas pa siya. Isang sulyap ang pinakawalan ng dalaga sa lahat ng pasyenting naroon sabay alis upang puntahan ang VIP room na sinasabi ni Abby. “Sige pupuntahan ko na.” Sabi niya rito saka tinungo ang VIP room na nasa fifth floor ng building na ito. Pagdating ng dalaga sa VIP room ay narinig niya pa ang malakas nahalakhakan ng mga taong naroon na parang walang emergency. Nakaawang kasi ng kunti ang pintuaan ng room kaya maririnig mo talaga ang ingay na nagmula sa loob. Nakaramdam tuloy ng inis ang dalaga. Bakit ba kasi palaging inuuna ang mga mayayamang tao gayong ang mga mahihirap ay kailangang maghintay at sumunod sa batas. Pilit na pinapakalma ng dalaga ang sarili at mahinang kinatok ng tatlong beses ang pintuan. Nilakasan pa ng dalaga ng walang tumalima sa katok niya. Doon din ay natigil ang malakas na halakhakan na nagmula sa mga tao sa loob. Pinagbukasan siya ng isang matabang babae at tiningnan from head to foot. “Good morning ma’am! I am Nurse Candee. Ako yung pinapadala ng management dito upang mag-alaga sa pasyenti. Huwag po kayong mag-alala at papunta na po dito ang doctor na titingin po sa pasyente” Magalang na paliwanag ng dalaga ngunit pinagtaasan pa din siya ng kilay ng matabang babaeng iyon. “Nurse? At ano naman ang magagawa mo dito sa pasyenti, aber? Wala kang kasanayan sa panggamot at paano mo gamutin ang alaga ko? Isa pa doctor ang kailangan niya at hindi nurse.” Malakas na singhal sa kaniya ng matabang babaeng iyon Kahit naiinis ay pinilit pa ding pinahinahon ng dalaga ang sarili. “Pagpasensiyahan niyo na po ma’am at may emergency kasi po ngayon. Kaya po busy lahat ng mga doctors. Kahit nga po pedia ay tumulong na rin. Narito po ako upang matingan ang pasyenti at mabigyan ng paunang lunas sa karamdaman . Titingnan ko na lang muna ang mga vitals niya habang hinihintay po natin ang doctor na titingin sa kaniya” Magalang pa niyang paliwanag dito. Naramdaman niya ang lalong pagkainis ng kaharap. “Bingi ka ba o sadyang bobo ka lang talaga at di ka makintindi? Hindi ka nga kailangan ng alaga ko. Umalis ka na habang nakapagtimpi pa ako.” Galit na sabi ng matabang babae. “Pagpasinsiyahan niyo na po sana ako ma’am, ngunit sumusunod po lamang ako sa inutos sa akin na nagmumula po sa itaas. Kami po kasi ang mapapagalitan kung di namin susundin ang pinag-uutos sa amin. Huwag po kayong mag-alala dahil saglit lamang po ako doon. Titingna ko lang muna ang mga vital signs niya.” Mahinahon at puno ng pagpapakumbabang sabi niya pa rito. Kahit parang gusto na din niyang umalis pa roon. Nang masilip niya ang tao na nasa loob ay nakita niyang nakahiga ito sa kama at biglang napabalikwas ng bangon ng makita siya. Maganda at napakaeleganti ng dating nito. Halatang mayaman sa porma. Napansin niya agad ang pagdidilim sa mukha nito na halatang hindi niya nagustuhan ang pagpunta ko rito. Bigla itong tumingin sa kaniya mula sa loob. Nginitian niya ito. “Good morning ma’am! I am Nurse Candee at ako ang naatasang pansamantalang titingin at mag-aalaga saiyo. Sana po ay hahayaan niyo pong matingnan ko po kayo.” Paliwanag niya sa magandang pasyenting iyon. Mukhang artistahin ang dating nito at pati siya ay napapahanga sa kagandahan ng babaeng iyon. “Papasok po ako ma’am ha.” Paalam niya rito at sa sininyasan naman ang matabang babaeng hayaan siyang makapasok sa loob. Umatras ito ng kunti upang bigyan siya ng daan papasok. “Ano nga ho pa lang nararamdaman ninyo? “ Tanong niya rito habang inilagay sa maliit na mesa ang mga gamit niya. Hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kaniya. “Naku,huwag po kayong mag-alala at papunta na dito ang doctor na titingin sa inyo. Pero sa ngayon ay kukuhanan ko muna kayo ng mga vitals ninyo ha. Mabilis lang ako.” Mahinahon at magalang na sabi ni Candee sa kaharap. Paglapit niya sa babae ay agad siya nitong tinulak. “Ang lakas naman ng loob mong pumasok dito sa loob!” Mahina ngunit maririnig mo ang galit doon. Medyo nagtaka siya sa inasal nito at napalingon siya akala niya na may ibang tao pang sinabihan nito. “At sino naman sa tingin mo ang kinausap ko?” Dagdag pa nito at napagtanto niyang siya ang sinabihan niyon. Hindi pa rin naalis ang ngiti niya sa labi. “Pagpasensiyahan niyo na po sana. Hindi ko po ninais na ma-offend po kayo sa ginawa kong pagpasok dito. Kung hindi po kayo comfortable sa akin ay tatawag nalang ho ako ng iba.” Pagpapaumanhin niya dito. Imbes na sagutin ay agad na itinapon ng matabang babae ang gamit niya na nakapatong sa mesa. Nagulat pa siya sa ginawa nito at agad na napawi ang ngiti niya sa labi. Sunod-sunod ang paghugot niya ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarilng nagsisimula ng mag-alsa. Nakita niya ang nakakalukong ngiti ng magandang babae sa kaniya. Ngunit hindi pa rin siya natakot ng hinarap niya ang matabang babae. “Bakit mo ginawa iyon?” Mahinahon at magalang niyang tanong rito. Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito at sinabayan ng nakakalukong pagtawa. Pinilit niya paring magpakahinahon at isa-isang pinulot ang nagkalat niyang gamit sa sahig. Sinipa pa ang ilan ng matabang babae kaya medyo natagalan siyang mapulot lahat. “Hindi kasi marunong lumugar. Akala mo kung sino, isa lang namang hampas lupa na nagbabanat buto upang makaraos sa araw-araw. Basura.” Puno ng panlalait na sabi ng matabang babae. Doon ay di na niya kinaya pa at hinarap ito. “Ano ho bang problema ninyo sa akin? Magalang naman akong nagpaalam sa inyo na papasok ako at pinapasok niyo naman ako ah. Ngunit bakit ginanito niyo ako? Ano bang nagiging kasalanan ko sa inyo kaya niyo ako ginanito? Kung tutuusin ay ngayon ko lang kayo nakita at wala kayong dahilan para tratuhin ako ng ganito.” Mahabang litanya niya rito ngunit hindi parin naiwala ang pagiging mahinahon niya. “Ang lakas naman ng loob mong pagsalitaan kami ng ganyan? Sino ka ba sa akala mo?” Biglang nanggagalaiti sa galit ang magandang babae habang naninigaw sa kaniya. “Hindi ka kasi marunong lumugar sa tamang kinalagyan mo.” Dagdag pa nito. “Pardon ma’am?” Sabi niya pa rito at mas lalong nagalit ang magandang babae. “Pasensiya na po talaga kayo kung pumasok po ako dito. Pero hindi naman ata makatarungang tratuhin ninyo ako ng ganito? Kusa naman akong aalis kung gustuhin ninyo, eh.” Hindi na niya mapipigilan ang sama ng loob sa mga ito. Parang sasabog na rin ang puso niya sa pagtitimpi. Gustong-gusto na niyang sugurin ang mga ito at ibigay ang hinahanap nila. “Wala kang modo… Hindi ka ba naturuan ng magandang asal ng mga magulang mo?” Galit pa na sabi ng matabang babae. Doon ay di niya na mapigilan ang sarili at nagpakawala siya ng mahinang pagtawa. “Mawalang galang na po sa inyong dalawa. Matatanggap kung lait-laitin ninyo ang pagkatao ko, ngunit huwag na huwag ninyong idadamay ang mga magulang ko. Dahil wala naman silang kasalanan. Isa pa di ba dapat iyan ang itanong ninyo sa mga sarili ninyo? Naturingan pa naman kayong….” “Pak!” Sapul ang mukha niya ! Isang malakas na sampal ang tumama sa kaniyang mukha. Sinampal siya ng magandang babaeng iyon. Haharapin niya sana ang babaeng iyon ngunit biglang hinila ng matabang babae ang buhok niya kaya napaatras siya. Kinaladkad siya papuntang pintuan. Mas matangkad siya sa babaeng iyon ngunit di hamak na mas malaki ang katawan nito kaya talo parin siya. Ngunit di niya hinayaang magtagumpay ang mga ito. Bago paman sila tuluyang makarating sa pintuan ay mabilis siyang umikot paharap ng babaeng ito at saka malakas na sinipa sa tiyan. Sapul sa tiyan ang matabang babae. Mabuti nalang at di siya nakasuot ng high heels at baka mas malala pa ang abutin ng isang ito. Sa lakas nito ay agad siyang nabitawan at napaaray naman ito sa labis na sakit. Tiningnan niya ang mga nagkalat na gamit niya na nabitawan niya kanina ng kaladkarin siya palabas. “Hindi ko alam kung sino ka ngunit kahit sino ka man ay wala ka paring ni katiting na karapatan na manakit ng tulad kong isang ordenaryong empleyado lang. Wala akong pakialam kung mas mayaman ka man sa akin, pero ito tandan mo ni isang kusing ay di ako nanglimos saiyo para lang mabuhay. Nandito ako dahil pinaghirapan ko ito. Kaya matuto ka namang gumalang at rumespito sa kapwa lalo na sa tulad ko.” Buong pakumbabaang loob na sumbat niya rito. Kahit galit na galit siya ay nakuha niya pa ring magtimpi, ngunit di niya maiwasang duruin ang mukha ng babaeng ito. Labis ang kaniyang panghihinayang. Napakaganda pa naman ng babaeng ito na parang diyosa ngunit gaano man ito kaganda siya namang kapangit ng ugali nito. Biglang namumula na sa galit ang babae. “How dare you say that to me?” Isa na namang malakas na sampal ang pinakawalan ng magandang babaeng iyon. Ngunit naging maagap siya at di na niya hayaang masaktan pang muli ang sarili niya. Mabilis niyang naisalo ang kanang kamay niya sa kamay ng babaeng iyon. Hinigpitan niya ang pagkakahawak ng pulsuhan ng babae at nagulat ito sa ginawa niya. Unti-unting nawala ang tapang nito habang pilit na pakawakan ang kamay nito na hawak niya. “Let go of me…” Utos pa nito. “You’ll pay for this at sinisigurado ko sa iyong mawawalan ka ng trabaho dahil sa kalapastanganang ito.” Galit na banta pa nito at di siya nagpatinag. Mas hinigpitan pa niyang lalo ang pagkakahawak sa kamay nito att napapaatras naman ito hanggang sa makarating ito sa kama. Dahan-dahan itong napaupo doon. Nakaramdam siya ng katuwaan sa hitsura ng babaeng ito na parang maamong tupa kung matakot. “Ako ang apo ng may-ari ng hospital na pinagtatrabahuan mo ngayon at sinisiguro ko sa iyong mawawalan ka ng trabaho. Walang modo.” Galit nag alit pa nito at dinuraan pa siya sa mukha. Hindi na siya nakapagtimpi pa at ikinasa niya ang kamay upang sampalin ang babaeng ito. Wala siyang pakialam kung sino ang babaeng ito. Ang mahalaga sa kaniya ay maturuan niya ito ng leksiyon na nararapat sa tulad nitong mapang mata sa kapwa. Ngunit bago paman sumayad ang kamay niya sa mukha nito ay isang malakas na sigaw ang narinig niya mula sa labas. “Carolien Natashia Dee… What are you doing?” Malakas na sabi pa nito kaya agad siyang napigilan. IIlang tao lang ang nakaalam ng kaniyang pangalan at tinatawag lamang siya nito ng buo niyang pangalan kapag galit ang mga ito sa kaniya. “Bitawan mo siya.” Mawtoridad pang sabi nito na agad niya namang binitawan. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya si Dr. Draven na kapatid niya at mga kasamahan nitong nakatayo sa pintuan. “Mabuti naman at agad kayong dumating. Hindi namin alam kung anong pumasok sa isip ng isang nurse na iyan bigla nalang nagwawala dito at sinaktan ako. Masakit ang tiyan ko na pinatid niya saka nilapitan si Miss Jessica at akmang sasaktan.” Umiiyak na sabi pa ng matabang babae. Napatingin siya dito sa labis na pagkagulat sa mga pinagsasabi nito. Hindi siya makapaniwalang baliktarin nito ang kwento. “Huwag kang gumawa ng kwentong hindi naman totoo.” Inis niyang sumbat dito. At mas lalo pa itong umiyak ng malakas. Lalapitan pa sana niya ito upang kumprontahin ngunit bigla na namang may nagsasalita na pamilyar na boses. “Enough,” Malakas na sabi pa nito sa kaniya at bigla siyang kinabahan sa narinig na pamilyar na boses na iyon. “Hindi ko alam kung bakit nagawa mo ito sa kaniya. Ngunit isa lang ang alam ko, hindi ka parin nagbago. War freak ka pa rin hanggang ngayon. Why did you grow up Miss Bustamante? Sayang naman ang pinag-aralan mo kung asal kalye ka pa rin. I am so disappointed on you.” Malakas na singhal ni Alex sa kaniya. Bigla siyang napatitig sa binata sa dahil sa masasakit na sinabing iyon. Halos hindi siya makapaniwala at nagawang isumbat sa kaniya ng lalaking iyon. Nakita niya sa mukha ng binata ang galit dahil siguro sa naabutan nitong akmang gagawin niya sa babaeng iyon. “Wala akong kasalanan.” Pilit niyang isatinig iyon ngunit parang walang nakarinig sa kaniya. Biglang nagsalita si Jessica. “Anong tawag mo sa kaniya? Miss Bustamante?” Natuptop pa ng magandang babaeng iyon ang bibig niya sa sinabing iyon ng binata. “Did you mean na siya…. ang kapatid mo Dr. Draven?” Tela nagulat pang sabi nito. Tumango naman si Dr. Draven bilang pagsang-ayon sa sinabi ng babae. “I can explain…” Halos nakikiusap niyang sabi rito ngunit mas lalo lang nagdilim ang mukha ni Alex. Nakita niyang walang emosyon sa mukha ang kapatid niya ng mapako roon ang pansin siya. Mataman siya nitong tinitigan na tela may nais malaman. Ngunit di niya naman maaring gamitin ang pagiging magkapatid nila upang makakuha ng kakampi. Kaya minabuti nalang niyang manahimik. “No need, Miss Bustamante dahil kitang-kita na ng dalawa naming mata ang ginawa mo sa kaniya. How dare you do that to her? Isa siyang pasyenti at may iniindang karamdaman tapos sasaktan mo lang siya? Ganoon ba ang itinuturo saiyo dito?” Dagdag pa ni Alex. Napatango siya sa sahig at umiling-iling bilang pagtungon. Parang gusto na niyang bumuka ang lupa at kainin siya nito upang di na makita ni Alex na nasasaktan siya. Mukha namang walang pakialam si Alex sa nararamdaman niya ngayon. Paano nga ba niya maipaliwanag ang lahat gayong hindi man lang siya hinayaang ng mga itong magsalita. Napaka-unfair ng mga taong ito ngunit wala siyang magawa para maiba ang tingin nila sa kaniya. Unless nalang siguro kung aamin ang dalawang ito sa totoong nangyari. Pero malabo namang mangyari iyon sapagkat hindi ang tulad nila ang magpakumbaba at aamin ng kasalanan. “Humingi ka ng sorry sa kaniya o tatawag ako ng pulis upang ipadakip ka sa ginawa mo ?.” Galit na sabi sa kaniya ni Alex at nababakas sa mukha nito ang pagiging porsegido sa binitiwang salita. Doon din ay napatingin siya sa mukha ng binata. Wala pa rin itong ipinagbago mas lalo pa ata itong gumwapo. Ngunit nababakas dito ang matinding galit habang nakatingin sa kaniya. “Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Magsory ka na sa kaniya.” Dagdag pa nito. Napatingin siya sa babaeng iyon na umaakting na nasasaktan kaya mas lalo pang nagpupuyos sa galit ang puso niya. “Ano na Miss Bustamante? Ayaw mo talagang magsory sa kaniya.” Akmang dudukot ng cellphone si Alex ng biglang nagsalita si Draven. “Kung maari lang sana ay umalis muna kayong lahat? Mas lalo niyong pinapastress ang patient ko. Hintayin mo ako sa office at mag-uusap pa tayo.” Agaw atensiyon ni Dr. Draven. Pahakbang na siya paalis ng bigla siyang pinigilan ni Alex. “Wait…Saan ka naman pupunta? You can’t go without apologizing to them.” Biglang sabi pa nito. “Come on. Just say sorry to here. Hurry…” Naiinip na sabi nito. “No, hindi ako magsosory sa kanila dahil wala naman talaga akong kasalanan.” Matapang niyang sabi rito. Bahagya itong tumawa. “Ang lakas naman talaga ng loob mo para magdeny. Kitang-kita na namin ang ginawa mo. Hinawakan mo siya ng mahigpit at akmang sasaampalin. Kung di ka namin naabutan ay baka napano nas si Jessica at ngayon ay idi-deny mo. Ang kapal naman ng mukha mo.” Malakas nnitong sumbat sa mukha niya. Tuloy ay biglang nakaramdam siya ng init sa buong mukha niya particular na sa mga mata. Labis siyang nasaktan sa mga sinabi ng binata sa kaniya. Parang di na niya mapipigilan ang sarili at maiiyak na siya sa harap nito. “Kung maari lang sana Mr. Hernandez na unahin ko munang tinganan ang pasyenti. Isa pa makapaghintay naman ang bagay na iyan.” Mahinang saway sa kaniya ni Dr. Draven. Biglang natauhan si Alex sa narinig niyang iyon kaya hinayaan na lamang siyang makalis sa lugar na ito. Ramdam niya ang nagbabagang tingin ni Alex habang nakasunod sa kaniya. Hindi na siya lumingon pa rito at baka makita pa nito ang mga luha sa kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD