CHAPTER 1
Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ni Candee Bustamante, sapagkat ito ang ika-eightenth birthday niya ngayon. Ngunit di niya pa nakikita ang lalaking pinakaasam-asam niyang makita sa okasyong ito. Walang iba kundi ang mayamang si Alexander Hernandez na bestfriend ng kapatid niyang si Draven.
Ngunit umaasa pa rin siyang darating ang binata sa karawan niyang ito.
Maya-maya pa ay napako ang tingin niya sa bagong dating na lalaki. Parang tumalon ang puso niya sa subrang saya ng makilala ang bagong dating na bisita.
Mataman niya itong tinitigan. Grabi parang walang kapantay ang napakagwapo nitong mukha. Hugis heart shape ang mukha nito, na may singkit na mga mata at makakapal ang labi pati na ang eyebrows na nagpadagdag ng s*x appeal.
Mapupungay rin ang singkit na mga mata at animoy sing-dilim din ng gabi ang kulay ng mga nito. Napakalungkot tingnan ang mga mata na tila ba nasa ilalim siya ng kadiliman. Hindi niya maiintindihan kung bakit ganoon kalungkot tingnan ang mga mata ng binata, pero nakapagpadagdag naman ito ng pagiging mysteryoso nito.
Hindi na niya sinayang ang panahon pa at agad na nilapitan ang binata.
“Hi,” Agad na bati niya sa binata ng makalapit siya rito.
“ Mabuti naman at nakarating ka sa birthday party ko.” Malambing niya ring sabi rito. Agad namang nakuha niya ang pansin ng binata at saka napatingin sa kanya na may paghanga sa mga mata nito habang nakatitig sa maganda niyang mukha.
“Patapos na ang party ko ngunit ngayon ka lang dumating. Pero ayos lang naman sa akin iyon. Ang mahalaga ay nagpunta ka parin ngayon.” Nakangiti niyang dagdag dito.
Saglit itong napatitig sa kanya at nababakas sa mukha nito ang matinding paghanga sa nakita nito sa kanya. Sabay abot ng isang bouquet na red roces.
“ Happy birthday nga pala saiyo Dee. I hope na maligaya ka sa kaarawan mong ito.” Masayang bati nito sa kanya. Kaya mas lumapad ang pagkakangiti niya sa simpleng pag-greet ng binata sa kanya.
“Pasensiya ka na, masyado lang akong busy. Nasaan na nga ba sina tito at tita?” Nakangiting paring sabi nito. Ang parents niya ang tinutukoy nito.
“Andon…may mga kausap na mga bisita.” Sagot niya naman sabay turo sa kabilang banda at tumango-tango lamang ang binata bilang pagtugon sa sinabi niya.
“Sinundo ka ba ni kuya Draven para magpunta rito?” May pagdaramdam sa puso niya ng itanong niya ito.
“OO. Alam mo namang natatakot akong magdrive mag-isa ng sasakyan. Mabuti na lang at naisipan akong sunduin ni Ven.” Walang halong kasinungalingan ang sagot nito sa kanya. Naiintindihan niya naman ang binata.
“Tara, sayaw tayo.” Yaya niya rito at mukhang nag-aalangan itong makipagsayaw sa kanya.
“Bakit? Ayaw mo bang makipagsayaw sa akin?” May lungkot sa tinig niya.
“Hindi ka pa ba napapagod? Parang kanina ka pa sumasayaw ah!” May halong pag-alala sa tono ng pananalita nito.
Mabuti nalang at agad na nilinaw ng binata ang ibig ipakahulugan ng sinabing iyon at baka masaktan siya kung sinabi nitong ayaw nitong makipagsayaw sa kanya.
Tuloy mas lalong tumalon-talon sa tuwa ang kaniyang puso sa narinig niyang iyon mula sa binata.
“Ayos lang basta ikaw ang kasayaw ko.” Diretso at walang paligoy-ligoy niyang sabi at alanganing napangiti naman sa kanya ang binata.
“Huwag kang mag-alala, sandali lang naman tayo at magpapahinga na rin ako pagkatapos nito.Promise!” Pangungulit niya pa dito at walang nagawa ang binata kundi ang pagbigyan ang hiling niya rito.
Agad silang nagtungo sa gitna kung saan may iilan pa ring kapareha ang nagsasayaw doon. Nabaling ang pansin ng lahat ng makita nila si Alex na kasama niya at paupunta sa gitna upang magsayaw.Humihiyaw ang iilan sa kilig ng masilayan nila ang gwapong mukha ni Alex. Lumakas ang bulong-bulungan ng buong paligid ng maisayaw na siya ni Alex at isang sweet music ang umalingaw-ngaw sa buong paligid.
Napakagentleman ng binata at lagging nakaalalay sa kanya hanggang sa matapos na silang magsayaw. Siya na rin ang unang nagyayang maupo na sila.
“Tara, hatid mo na ako sa upuan. Medyo nangawit na din ang paa ko sa kakasayaw.” Malambing niya pang sabi kahit parang ayaw pa niyang makawala sa mga bisig ng binata. Ngunit nag-alala siya na baka sabihin nitong masyado siyang demanding dito.
“Naku pasensiya kana muntikan ko ng makalimutang kanina ka pa pala walang pahinga. Alam kung pagud na pagud ka na ngayon. Baka gusto mong buhatin kita papuntang upuan mo para di kana masyadong mapagod” Nabakas ang sensiridad at pag-alalang sabi sa kanya ng binata.
Tuloy lihim na nagdiwang ang kanyang puso.
“Sige subukan mo at natitiyak kong susugod agad ang mga kuya ko.” Nakatawa niyang sabi rito at tumawa naman ito.
Buong ingat na inalalayan siya ng binata palabas ng dancing area. Nakasunod pa din sa kanila ang mga mata ng iilan.
“Saang banda ang upuan mo? Doon na kita ihahatid.” Tanong nito habang naglalakad sila palayo ng dance floor.
“Hindi na kailangan. Bumalik ka nalang doon at nais kong magpahangin muna sa labas. Para kasi akong nahihilo sa dami ng tao sa loob. “ Paalam niya rito ngunit di sumagot ang binata.
“Nais ko na lang munang magpahangin saglit sa labas .Babalik rin ako kaagad. Kumain ka nalang muna doon. Ang sarap ng mga foods dito.” Sabi pa niya at saka nagpatiunang maglakad. Hindi na niya hinintay ang sagot ng binata at nagmamadaling tinahak ang daan palabas ng session hall na iyon.
Nasa El Ventura Paradice Beach Resort ang venue kung saan ipinagdiriwang ang kaniyang kaarawan . Maganda ang lugar na ito at katamtaman ang laki nito para pagkasyahin ang lahat ng mga bisitang invited niya. Pagkalabas niya ay nagtutuloy siya sa dalampasigan. Di alintanang naka gown at heels siya. Hindi rin naman gaanong madilim ang palid dahil may mga ilaw sa poste ng resort at full moon rin ang buwan.
Pagdating niya ng dalampasigan ay agad niyang ibinukas ang mga kamay na bahagyang nakataas sa kalangitan sabay parang batang paikot-ikot habang nakapikit ang mga mata. Magkahalong pagod at saya ang nararamdaman niya. Masaya siya dahil nakasama at naisayaw niya pa ang lalaking hinahangaan niya ng husto at pinaglalaan ng kaniyang puso. Nang mapagod ay parang batang sumalampak at nahiga sa buhanginan. Low tide ngayon kaya di inabot ng tubig dagat ang pwestong kinatayuan niya. Isa pa medyo tuyo din ang paligid na iyon na di masyadong naabutan ng tubig sa dagat. Hindi alintana na madumihan ang down na soot niya.
“Mukhang pagod ka na nga!” Biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Napabangon siyang bigla ngunit nakaupo parin sa buhanginan.
Lumapit pa ito sa kanya at saka naupo sa tabi niya.
“Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba?” Nag-alala niyang tanong sa binata. Baka anong isipin nito sa pinagagawa niya kanina.
“Hindi naman ako umalis sa tabi mo.” Seryosong sabi pa nito habang bahagyang nakataas ang ulo sa kalangitan.
Tuloy nakaramdam siya ng kunting pagkapahiya sa binata. Saglit itong lumingon sa kanya at ngumiti ng matamis saka agad na rin ibinalik sa kalangitan ang pansin.
Para namang mahuhulog ang puso niya sa ngiting iyon. Parang kasi siyang yelong natutunaw sa labis na kilig sa inasal ng binata. Agad din niyang sinaway ang sarili at tumingala sa kalangitan.
“Ang ganda ano?” Sabi niya pa rito.
Dahang-dahang lumingon sa kaniya ang binata at diretsong sinalubong ang mga tingin niya.
“Mas maganda ka pa kaysa diyan.” Puno ng kaseryusuhan ang boses nito at walang halong pagbibiro.
Buong tapang naman niyang sinalubong ang mga titig ng binata na parang may nais na malaman mula sa mga mata nito.
“I’ve heard that wala ka pa ring nagiging girlfriend hanggang ngayon?” Medyo pumipiyok pa niyang sabi rito at ngumiti naman ito sa kanya bilang pagsang-ayon. Iniwas niya agad ang tingin dahil parang matutunaw na talaga siya sa kilig habang nakatitig sa mga mata ng binata.
“Nagtataka lang ako kung bakit ang tulad ni Alexander Hernandez na hinahangaan at hinahabol ng maraming kababaihan ay wala pang ipinakilalang girlfriend? Hindi ka naman siguro bading di ba?” Lakas loob na sabi niya pa sa binata at agad namang tumawa si Alex sa narinig nito sa kaniya.
“Iyon ba ang sabi nila?” Nakatawang tanong naman ni Alex at napatango nalang siya bilang pagtugon dito. Ibinalik ng binata ang pansin nito sa kalangitan.
“Don’t worry hindi naman ako naniniwala sa sinasabi nilang bading ka eh. Malakas ang pakiramdam ko na straight ka.” Seryoso niyang sabi habang hindi parin maalis ang tingin sa binata. Hindi parin tumingin sa kanya ang binata at tahimik itong nakatitig sa kalangitan. Tuloy parang nagsisisi siya kung bakit niya sinabi iyon.
“ Dahil iyon rin ang sinasabi ng puso ko. ” Diritsahan niyang sabi rito at biglang napatingin sa kanya ang binata. Napakaseryoso ng mukha nito at blangko ang emosyon sa gwapo nitong mukha.
Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at diritsahang sinabi ang nilalaman ng kaniyang puso.
“I know maraming magaganda at mayayamang babaeng nagkakagusto saiyo at alam kung sila rin mismo ay di maiwasang magpapakita at magpapahayag ng kanilang totoong nararamdaman para saiyo. Siguro masasabi mong napakabata ko pa ngayon kaya nasabi ko ito. Ngunit inaamin kong may gusto rin ako saiyo Alex. Simula ng masilayan ko ang mukha mo ay di ka na nawawala sa isipan ko at sa murang edad ko hanggang ngayon ay pinagyaman na ng panahon ang nararamdaman kong ito.” Mahabang paliwanag niya rito. Walang reaksiyon si Alex kundi ang blangko mukha.
Magsasalita pa sana siya ng bigla siyang tinawag ni Draven mula sa likuran nila.
“Candee…” Nababakas ang itinatagong galit sa boses nito.
Bigla siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa dalampasigan at di malaman ang gagawin ng harapin ang kapatid.
“Kanina ka pang hinahanap nina Mommy at Daddy sa loob ah. Andito ka lang pala. Puntahan mo na sila at baka nag-alala na ang mga iyon. Mag-uusap lamang kami ni Alex.” Walang gatol na sabi sa kaniya ni Draven, ngunit na kay Alex ang pansin nito.
May kakaiba siyang nararamdaman sa inasal ng kapatid at batid niyang nararamdaman din iyon ni Alex. Hindi siya umimik sa sinabi ng kapatid at mataman niya itong tinitigan ngunit iniwas naman ang tingin palayo sa kanya.
“Sige na Dee, puntahan mo muna sila. Susunod na lamang kami ni Ven sa loob.” Kalmado at mahinahong sabi pa ni Alex sa kaniya.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa utos ng kapatid at agad na nagpunta sa loob.
Pagdating niya doon ay agad siyang sinalubong ng mommy niya.
“Andiyan ka lang pala, iha. Kanina pa kita hinahanap.” Nag-aalalang sabi sa kanya ng mom niya.
“Nasa beach po ako mom, nagpapahangin lang.” Agad niyang sagot rito.
“Magkasama ba kayo? Ni Alex?” Tanong uli ng mom niya at tumango siya bilang pagtugon.
“Bakit po mom?” Naguguluhan niyang tanong rito.
“Kasi kanina pa hinahanap ng kapatid mo si Alex, iwan ko kung bakit?” Sagot naman ng mommy niya at doon ay parang kakaiba ang kaniyang nararamdaman.
Bigla siyang kinabahan na di niya maipaliwanag. Hanggang sa parang nagkagulo sa labas kung saan naroon ang kuya Draven niya at kaibigan nitong si Alex.
May isang crew ng resort ang nagmamadaling lumapit sa kanila.
“Missis Bustamante, nakikipag-away po ang anak niyong si Draven kay MR. Hernandez.” Humahangos na sabi nito sa kanila.
“Anong, sabi mo? Saan?” Naguguluhang tanong ng mom niya sa crew.
“Nag-aaway po sin Mr. Draven at Mr. Alex Hernandez, doon po sa may beach banda.” Pag-uulit pa nito.
Hindi na niya hinintay pa na sasagot ang mommy niya at agad siyang tumakbo papunta doon.
“Saan ka pupunta Dee?” Nag-alalang tawag sa kanya ng mom niya.
“Titingnan ko po sila. Sumunod nalang po kayo mommy.” Pasigaw niyang sagot dito ng di lumilingon sa mommy niya.
Madali siyang nakarating sa lugar kung saan sinasabing nag-aaway ang dalawa. May mga iilang tao na ring nakikiusyoso doon. Nakita niyang inaawat si Draven ng kapatid nilang si Draco habang nakaupo sa buhanginan si Alex at putok ang dalawang labi nito.
“What are you doing to him, kuya Draven?” Galit niyang sabi sa kapatid at doon ay tela nahimasmasan ang mukha ng kapatid ng makita siya. Biglang naibsan ng kunti ang galit sa mukha nito at kumalma.
Agad niyang nilapitan si Alex habang hinihipo nito ang duguang mga labi.
“Alex, are you okay?” Nag-aalalang tanong niya rito at tumango naman ito bilang pagtugon.
“I’m fine Dee.” Sabi pa nito sabay tayo at inalalayan niya naman itong makatayo.
Pagkatapos ay muling hinarap ang kapatid.
“Tingnan mo ang ginawa mo sa kaniya? Ano bang kasalanan niya saiyo para saktan mo siya ng ganito?” Galit niyang Singhal sa kapatid. Napatungo sa baba ang kapatid niya at di siya matingnan ng diritso sa mga mata.
Saka naman dumating ang parents nila. Agad na nilapitan ng mom niya si Alex at nag-alalang tinanong ito.
“ Naku, ano bang ginawa saiyo ng anak ko. We need to treat your wounds iho at baka mainfected pa iyan.” Puno ng pag-alalang sabi sa mom niya. Nagulat din ito sa nangyari sa dalawa, dahil ni minsan ay di pa nag-aaway ng ganito ang dalawa.
“Its okay tita. I’m fine. “ Seryosong sagot naman ni Alex at nababakas sa mukha ang labis na pag-alala at takot sa ginawa sa kaniya ni Draven. Ngunit nakapagtatakang walang nakikitang galit sa mukha ni Alex sa kabila ng binugbog ito ni Draven.
“Pero, baka mapano ka riyan iho.” Dagdag pa ng mom niya.
Nginitian lamang siya nito.
“Don’t worry tita, Everythings fine. Nasa labas na pala ang sundo ko at mauna na ako sa inyo. Salamat nga pala sapag-invite Dee, pasensiya kana at nasira ko ang birthday party mo. Happy birthday uli. Mauna na ako.” Diri-diritsong sabi nito na kay Candee ang pansin.
Hindi na nagawang pigilan pa nila si Alex dahil nagtuloy-tuloy na ito paghakbang palayo sa kanila. Agad na sinabihan ang mga bisitang tapos na ang party kaya nagsiuwian na rin ang mga ito.
Tahimik ang buong mag-anak ng magbyahi pauwi ng bahay nila. Wala ni isa man ang may gustong magsalita tungkol sa nangyaring gulo.
Pagdating nila sa bahay ay muli niyang hinarap ang kapatid niya. Nakatayo si Draven at akmang papanhik paitaas habang ang parents at kapatid niya ay napupo lang sa sala. Parang naghihintay na magpapaliwanag sa kanila si Draven. Ngunit malabong mangyari iyon.
“Ano bang nangyari sa inyo ni Alex? Bakit mo siya sinaktan? Anong kasalanan niya saiyo? Di ba ikaw naman ang sumundo sa kaniya para magpunta siya sa birthday party ko. Ngunit bakit mo siya ginanon?” Sunod-sunod na tanong niya sa kapatid. Magkahalong galit at pagdaramdam ang nararamdaman niya sa ginawa nito kay Alex.
Hindi sumagot sa kaniya si Draven at di rin tuwirang makatingin sa kanya.
“Ano ba kuya Draven? Nagagalit ka ba sa kaniya dahil sa narinig mo na inamin ko sa kaniyang may gusto ako sa kaniya?” Hindi niya maiwasang hindi aminin sa harap ng pamilya niya ang sinabi niya kay Alex.
Agad namang napatingin sa kaniya ang lahat na parang hindi makapaniwala sa sinabi niyang iyon.
“Seriously Dee, ginawa mo iyon kay Alex?” Hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Draco ang kambal ni Draven.
Tumango-tango lamang siya bilang pagsagot dito at bigla naman itong napatawa. Mula sa mahinang tawa hanggang sa palakas ng palakas. Animoy tinutukso siya nito.
“Bakit ka natawa? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko doon? Hindi porket siya ang lalaki at ako naman ang babae ay di ko na maaring sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman? “ Inis niyang sumbat kay Draco at parang hindi maipinta ang mukha nito sa pagpigil ng tawa.
“Hindi naman sa ganoon. Akala ko lang nagbibiro ka lang. Hindi ko akalaing totoo pala ang sinabi mong iyon.” Dagdag pa ni Draco.
Magsasalita pa san siya ng bigla silang inawat ng mommy nila.
“Enough Dree. Huwag mong pagtawanan ang kapatid mo sa ginawa niya. You must be happy dahil ganoon ka brave ang kapatid mo at buong tapang niyang sinabi iyon kay Alex. Hindi kaya birong aamin na may gusto ka sa isang tao. Kaya tigilan mo na ang kapatid mo.” Seryosong saway ng mommy niya at napangiti naman siya ng marinig ang sinabing iyon ng mommy nila.
“Eh, ikaw Draven, hindi ka ba magpapaliwanag sa amin tungkol sa ginawa mo?” Biglang sabi ng dad nila kay Draven.
Kalmado ang tono ng pananalita nito ngunit di mo malaman kung galit ba ito o hindi. Simula kanina ng matkita ang ginawa ni Draven kay Alex ay hindi ito nagsasalita at ngayon lang ito umimik.
“Nagagalit ka ba dahil nagtapat ang kapatid mo ng pagtingin sa kaibigan mo?” Biglang sabi parin ng dad nila at doon natuon ang pansin ng lahat.
“Come on, ayos lang naman na magalit ka pero masyado naman atang sumubra? Nagawa mo pa siyang saktan ng ganoon but I do believe na hindi iyon ang dahilan. Kaya hanggat maaga pa ay kailangan naming marinig ang paliwanag mo upang magkaroon naman ng katahimikan ang isipan naming lahat.” Mahinahon pang dagdgag na sabi ng daddy nila.
Napatango pa si Candee bilang pagsang-ayon sa sinabi ng dad nila.
Pero patuloy sa pagiging tahimik ang kapatid niya at akmang hahakbang papunta sa itaas.
“Please dad, huwag niyo na pong itanong sa akin. Wala rin akong maisasagot sa inyo. Mas Mabuti na rin ang wala kayong nalalaman upang hindi na lumaki ang gulo.” Biglang sabi ni Draven at nagulat ang lahat.
“Eh, paano natin maayos ang gulo ninyong iyon gayong ayaw ninyong ipaalam sa amin ang pinag-awayan ninyong dalawa?” Paghihikayat pa ng dad nila.
“Naiiayos na naming dalawa ni Alex ang gulo naming iyon at nangangako kaming hindi na mauulit pa ang ganoong pangyayari. Mahigpit din naming pangako na wala ni sinuman ang dapat na makaalam sa kung ano ang pinag-usapan naming iyon. Sana po ay irerespito po ninyong lahat iyon. Dahil iyon po ang nakakabuti sa lahat ang wala kayong alam. Wala naman ding magbabago sa amin ni Alex. Magiging magkakaibigan pa rin po kami.” Mahabang paliwanag nito ng di humaharap sa kanila.
Pagkatapos ng sinabing iyon ay mabilis na pumanhik sa itaas at nagtuloy-tuloy sa kaniyang kwarto.
Hahabulin pa sana ito ng dad niya ngunit agad na pinigilan ng mommy nila.
“Hayaan muna natin siya. Natitiyak akong magsasabi rin iyon paghumupa na ang tensiyon. Huwag na nating ipilit ang gusto natin at baka mas lalo pang magkagulo.” Mahinahong sabi ng mommy nila sa dad nila.
Napapailing nalang sinundan ng dad nila ang papalayong si Draven.
“Kayong dalawa, matulog na kayo at masyado ng gabi. Huwag ng mag-uusap at dumiritso na kayo sa kwarto ninyo.” Mahigpit na utos ng mommy nila sa kanilang dalawa ni Draco.
Agad na tumayo si Draco mula sa pagkakaupo nito sa sofa at saka humalik sa mommy at daddy nila.
“Good night mom, good night dad.” Nakangiting sabi nito habang humahalik sa mga magulang nila.
“Good night din saiyo. Have a sweet dreams iho.”Malambing na sabi ng mommy nila kay Draco.
“Have a good night son” Sagot naman ng dad nila. Agad na pumanhik si Draco sa hagdan at nagtuloy-tuloy sa paghakbang papunta sa kwarto nito.
Napatingin ang parents niya ng makitang hindi siya umimik matapos magpaalam ang kapatid nito.
“I’m sorry sweet heart kung nasira ang party mo. But I hope nag-ienjoy ka parin. “ Sabi ng kaniyang mom at napapailing nalang siya.
“Its okay mom. Naienjoy ko naman ang party ko. Pero mas lalo akong nagiging masaya kung hindi lang sana umiksina ang isang iyon.” May halong pagmamaktol sa boses niya.
Agad naman siyang niyakap ng mommy niya.
“Sana ay huwag kang magalit sa kapatid mong iyon ni magdaramdam man lang sa kaniya. Nababatid kong may mabigat itong dahilan kaya ginawa niya iyon. Intindihin nalang muna natin siya at parang ang bigat ng pinagdaanan niya ngayon, okay?” Malambing na sabi ng mommy niya. Punong-puno ng pagmamahal at pag-uunawa.
“Naiintindihan ko po mom. Thank you po sa inyong dalawa at nagiging maganda po ang birthday party ko po ngayon. Natutuwa po talaga ako ng husto.” Walang halong pagkukunwaring sabi niya sa mom niya habang gumanti din siya ng yakap dito.
“O, siya sige na at matulog ka na. Good night sweetheart and again Happy-happy birthday!” Buong pagmamahal na sabi ng mom niya sabay halik sa noo nito. Hinalikan niya din ito sa pisngi saka matamis na nginitian.
Pagkatapos niyang magpaalam sa mommy niya ay ang daddy niya naman ang nilapitan niya. Buong higpit niya ito niyakap at ganoon din ito sa kaniya habang hinahalikan siya nito sa noo.
“Huwag na po sana kayong magalit kay Kuya Draven. Ayos lang naman ako hindi naman ako galit sa kaniya. Ang inalala ko lang ay si Alex. Pero mukhang maayos din naman ang isang iyon.” Nakangiti niyang sabi sa dad niya. Nilalambing niya ito upang mawala ang galit nito dahilan sa pangyayaring iyon.
“I’m happy to know na hindi ka galit sa kapatid mo sa kabila ng ginawa nito sa party mo. Huwag kang mag-alala at hindi naman ako galit sa isang iyon. Labis lang akong nagtaka kung bakit ginawa iyon ng kapatid mo. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang ganoon kagalit sa isang tao na umabot pa sa physical na pananakit. Siguro ay tama ang mommy mo may mabigat na pinagdaanan ang dalawa. Kaya siguro ay hayaan mo na natin sila.” Buong pagmamahal na sinabi ng dad niya at naiintindihan niya naman ito.
“I’m happy at nagugustuhan mo ang surprise naming saiyo.” Nakangiti ng sabi ng daddy niya at ngumiti naman siya rito. Hindi pa din siya kumalas mula sa pagkakayakap ng daddy niya at ganoon din ito sa kanya.
“Sige na matulog ka na doon at magpapahinga na rin kami ng mommy mo. Alam kong pagud din siya dahil siya ang nag-aasikaso ng dahat ng iyon.” Dagdag pa ng daddy at tumango-tango naman siya bilang pagsagot rito.
“Good night dad! I love you so much.” Nakangiti niyang sabi at ngumiti ng ubod ng tamis ang dad niya sa kaniya.
“I love you more iha.” Buong pagmamahal na sagot ng dad niya sa kaniya.
Binalingan niya din ang mommy niya.
“I love you mom.” Nakangiti niyang sabi rito at makikita sa mukha ng mommy niya ang labis-labis na pagmamahal sa kaniya.
“I love you too iha.” Buong pagmamahal na sagot ng mommy niya.
Pagkatapos magpaalam sa mga magulang ay nagtuloy-tuloy na siya paakyat ng kwarto niya. Doon niya lang naalala na nababalot pala ng buhangin ang likuran at ibabang bahagi ng damit niya. Kaya agad niya itong hinubad at nagmamadaling pumasok sa shower room.
Mabilisan siyang naligo at pagkatapos ay nagbihis.
Pabagsak niyang inihiga ang pagud na katawan sa malambot na kamang iyon.
Napapangiti siya at nag-uumapaw sa tuwa ang kaniyang nararamdaman noong maisayaw siya ni Alex. Iyon kasi ang wini-wish niya sa gabing iyon. Ang makasama niyang sumayaw sa gitna ng maraming tao ang binata. Kahit medyo late na itong dumating ay natupad din naman ang wish niyang iyon at naipagtapat pa din niya ang nararamdaman niya para sa binata. Nakakainis lang isipin na biglang dumating si Draven at ang masaklap pa ay binugbog pa din nito ang sariling kaibigan. Hindi malubos maisip kung paano nagawa iyon ni Draven. Ni minsan ay wala siyang maalalang bagay na hindi nila napagkasunduang dalawa. Ngayon ay biglaan nalang magkaganon. Ang bilis naman ata ng pangyayari.
Kahit anong isipin ni Candee ay di parin niya mahagilap ang kasagutan ng kaniyang mga katangungan. Sa isiping iyon ay di niya namalayang nakatulog na pala siya sa kaiisip ng mga iyon.
Kinabukasan ay agad siyang nagpunta sa bahay nina Alex. Nais niya itong makausap kaya niya ito pinuntahan. Pagdating niya doon ay agad naman siyang sinalubong ng katulong nito.
“Good morning Mis Candee. Hali ka at pumasok ka sa loob.” Nakangiting bungad sa kaniya ng katulong ni Alex. Kilala na siya ng lahat na narito sapagkat minsanan na siyang isinama ng kapatid niya sa bahay na ito lalo kapag may okasyon.
“Good morning din. Si Alex po? Nandiyan po ba siya? Gusto ko kasi siyang makausap.” Magalang na tanong niya rito.
“Naku, kaaalis lang ni sir Alex eh.” Magalang ring sagot ng katulong.
Tuloy nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil hindi niya naabutan at nakausap ang binata.
“Ay ganoon po ba. Nais ko lang ding kumustahin siya. “ Puno ng paghihinayan na sabi nito.
“Hindi rin po kasi sumasagot kapag tawagan ko. Pero ayos lang babalik nalang po uli ako.” Magalang pa rin niyang dagdag dito sabay nagpaalam .
“Oh sige Miss Candee at baka sa susunod ay maabutan mo na siya.” Nakangiti paring sabi ng katulong sa kaniya.
Magpapaalam na sana siya ng biglang lumabas mula sa loob ang daddy ni Alex.
Agad itong lumapit sa kaniya ng makita siya nito.
“Good morning po sir.” Magalang niyang bati rito at nginitian naman siya nito.
“Good morning din. You must be Candee right?” Nakangiting sabi pa nito .
“ Opo sir. Kukumustahin ko lang po sana si Alex kaso nakaalis na eh.” Magalang niyang paliwanag dito at tumango-tango naman ito.
“Why don’t you join me having coffee in the garden? “ Biglang sabi pa nito sa kanya at nagulat pa siya sa narinig na iyon.
“Huwag ka ng mahiya. Sandali lang naman tayo.” Biglang sumeryoso ang mukha nito na parang may ibig ipahiwatig sa kaniya.
Wala siyang nagawa kundi ang sumama roon.
Maganda at malaki ang harden nina Alex. Alagang-alaga ito ng mga hardenero.
Naupo sila sa maliit na mesa sa gitna ng harden habang may tatlong maid na nagsiserve sa kanila.
“Have a sit iha.” Yaya pa nito ng makarating sila sa harden. Sariwa ang hangin doon at mabango ang halimuyak ng mamahaling bulaklak na nakatanim doon.
“Ang ganda talaga dito.” Mahinang usal niya dito saka inilibot ang buong paningin sa paligid.
“Thank you po.” Magalang niyang sabi sa isang maid na nag-abot sa kaniya ng isang tasang coffee.
Habang dahan-dahan namang uminom ng kape ang daddy ni Alex. Doon ay napagmasdan niya ng malapitan ang daddy ni Alex. Halos magkasing edad lamang ito ng daddy niya. Nasa limampot-limang taong gulang na ito ngunit makisig at maganda parin ang pangangatawan nito katulad ng daddy niya. Kamukhang-kamukha nito si Alex maliban nalang sa mapupungay na mga mata ng binata na namana sa mommy niya.
“Sinadya ko talagang ipagawa ang harden na ito. Regalo ko ito sa kaniya sa kasal namin. Mahilig kasi siya sa mga halaman at bulaklak. Kaya naisipan kong maglagay ng harden sa likod ng bahay namin.” Pagsisimula ng kwento nito habang humihigop ng kape.
“Walang mapagsidlan ng tuwa sa aking puso ng makita ko ang labis na katuwaan ng asawa ko ng makita niya ang lugar na ito. Halos araw-araw ay nagpupunta siya dito at siya mismo ang nag-aalalaga ng mga halamang iyon. Akala ko kasi ay matagal pa kaming magkakasama. Bigla naman siyang kinuha sa akin at ipinalit niya si Alex. Akala ko hindi ko kakayaning mawala siya ngunit habang tinitingnan ko ang batang si Alex ay nagkakaroon ako ng lakas para magpatuloy sa buhay. Kahit sinong babaeng dumating at dumaan sa aking buhay ay hindi ko parin mararamdaman sa kanila ang nararamdaman ko tulad ng nararamdaman ko sa asawa ko iyon.” Malungkot na pagkukwento nito sa kanya.
“Ganoon po siguro kung totoong nagmamahal. Kahit malayo na kayo sa isat isa ay di niyo parin makalimutan ang damdamin niyo para sa isat-isa. Pero kung nasaan man po ngayon ang mommy ni Alex natitiyak kong matutuwa siya. Naitayod niyong maayos na buhaying mag-isa si Alex at makikita mo ang sunod-sunod na tagumpay ni Alex sa profesiyong pinili nito. “ Seryosa at puno ng paghangangang sabi niya rito.
Dahan-dahang inilagay sa mesa ang tasa ng kapeng hawak nito at di maalis sa kaniya ang tingin nito.
“Napakabait mong bata at napakaganda pa. Ngunit alam kung hindi kayo nababagay sa isat -isa ng anak kong iyon.” Diretsong sabi nito sa kaniya at biglang nawala ang ngiti niya sa mga labi habang matamang tinitigan ang kaharap.
“Ano po bang ibig ninyong sabihin?” Nagmaang-maangan niyang tanong rito kahit kinakabahan.
“I know hindi mo pa maiintindihan sa ngayon ngunit umaasa ako na maiitindihan mo rin ang ibig kong sabihin pagdating ng araw. Ngunit ang mas mainam na gawin mo ay layuan mo ang anak ko. Kalimutan mo kung anumang damdaming sumibol diyan sa puso mo iha. Masyado ka pang bata para sa kaniya at diretsahin nakita. Ayaw ko saiyong makatuluyan para sa anak kong si Alex. Mas malayo pa ang mararating ng isang iyon lalo na kung wala ka na laging nakabuntot sa tabi niya.” Walang prenong sabi nito. Nababakas sa mukha ang labis na kaseryusuhan at walang halong pagbibiro ang sinabi niyang iyon.
Hindi namalayan ni Candee na bigla na palang pumapatak ang luha niya sa mga mata habang nasa harapan ng dady ni Alex. Hindi niya alam kung anong gagawin sa narinig niyang iyon. Pakiramdam niya ay nawasak ang puso niya. Iba pala ang mararamdaman mo kapag sa mismong bibig ng magulang ng taong nagugustuhan mo ang magsasabing hindi ka karapat-dapat para anak nito.