Kasalukuyang nasa Medical Mission ang buong mag-anak na Dr. Densel at Dra. Carolien Bustamante. Nagpipresenta silang sumama sa gawaing ito dahil nais nilang makatulong sa mga tao. Parang nasanay na din sila sa ganitong gawain. Kahit saan man sila magpunta o makarating ay lage nilang isinasama ang nag-iisa nilang anak na babae na si Natashia. Kaya sa murang edad ay namulat na ang mga mata ng bata sa pagtulong sa kapwa. Lage din nilang sinasabi sa kanilang anak na walang anumang bagay ang maitutumbas sa kahalagahan para sa gawaing pakikipag-kapwa tao o ang pagtulong sa kapwa tao lalo na yung mga taong nangangailangan ng tulong.
Ilang araw na din silang naparito sa islang ito at sa mga susunod pa sana na mga araw ang uwian ng buong team. Ngunit napagpasyahan ng mag-asawang maunang umuwi at maiwan pa ang buong team sa islang iyon.May mahalaga kasi silang gagawin pag-uwi ng bayan. Hindi naman sila pinigilan ng mga nito.
“Sigurado po ba kayo sa disisyon niyong iyan, Dra. Carolien? Baka naman maaring hintayin niyo nalang munang mag-umaga bago kayo umuwi? Medyo dilikado kasi ang daan pauwi ng bayan?” Puno ng pag-alalang sab isa kanya ni Dra. Alice Lim ang kaibigan niya.
Napapailing lamang siya bilang sagot sa kaibigan at saka ngumiti.
“Huwag kang mag-alala sa amin. Isa pa kasama ko naman ang asawa’t anak ko kaya mag-iingat kami ng husto. Isa pa ilang oras lang naman ang byahi ng bangka papunta sa kabilang isla at andoon na naghihintay ang sasakyan namin.” Nakangiti niya pang sabi rito.
Kahit papano ay nakaramdam ng kunting kaginhawaan ang kaibigan sa kabila ng labis na pag-alala sa kanila.
“Oh, siya talagang hindi ko kayo mapipigilan pa. Basta balitaan mo nalang ako kapag nakarating na kayo, ha?” Pagsang-ayon pa nito sa kaibigan.
“Huwag kang mag-alala gagawin ko iyan para sa ikatatahimik mo.” Sabi pa ni Dra. Carolien sabay yakap sa kaibigan bilang paalam at ganoon din ang kaibigan sa kaniya.
Inihatid na lamang sila ng tingin ng kaibigan niya at iba pang kasamahan sa Medical Mission na iyon. Alas-diyes pasado na ng gabi at nagpasyang umuwi ang buong mag-anak sa bayan dahil sa anniversary ng kasal ng mag-asawa kinabukasan niyon. Nakapagpa-book na rin ito ng hotel kung saan icelebrate ang anniversary ng dalawa. Hindi kasi nila akalaing matagalan silang makauwi sa sinalihang medical mission na iyon sapagkat natagalang maideliver sa kanila ang ibang kakailanganin sa medical mission na iyon, tulad ng mga gamot, pagkain at iba pa. Mabuti nalang at pinayagan silang makauwi kahit sa susunod pa na araw matapos ang medical mission na iyon.
Mahigit isang oras lang din naman ang byahi ng bangka papunta sa kabilang isla at napakaganda ng panahon ngayon. Napakaaliwalas ng langit at napakalaki ng buwan. Nagkikislapan ang mga bituin sa langit at masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hanging dagat.
Pagdating nila sa kabilang dulo ay agad silang sinalubong ng taong pinagkatiwalaan nilang mangalaga ng kanilang sasakyan. Matapos mabayaran ang taong iyon bilang kapalit ng pagbabantay ng sasakyan ay agad silang nagbabyahi papuwi ng kanilang bahay.
Sa kalagitnaan ng byahi ay biglang umungol at nagising ang anak nilang si Natashia.
“Mama, nasaan na po ba tayo? Gusto ko ng mahiga ng maayos!” Reklamo ng pitong taong gulang na bata.
Nginitian niya ito at hinaplos-haplos ang mahaba at makikintab na buhok.
“Malapit na anak. Ilang sandali nalang at makarating na tayo at makakapag-pahinga ka na ng maayos. Pero bago iyan ay matulog ka muna at paggising mo ay nasa bahay na tayo. Di ba namimiss mo na rin ang mga kuya mo?” Malambing na paliwanag niya sa bata.
Tumango-tango lamang ito bilang pagsagot at nababakas sa mukha ang labis na kasiyahan.
“Sige na matulog ka na uli para hindi ka mabagot sa paghihintay.” Dagdag pa niya at nagsimulang ipikit nito ang mga mata ng bata.
Patuloy sa matulin na pagtakbo sa masukal na daan ang kanilang sasakyan habang minamaheho ng kaniyang asawang si Dr Densel. Halos puro malalaking kahoy ang nadadaanan nila at bangin ang magkabilang gilid ng kalsada. Dahil sa madaling araw na at medyo lib-lib at tago ang lugar na iyon ay wala ng ibang sasakyan na dumadaan pa roon. Ngunit hindi dahilan upang magiging kampante sa pagmamaneho ang asawa niya. Nagpo-focuse itong masyado sa pagmamaneho upang magiging alerto sa lahat ng maaring masalubong nila sa daan.
Ngunit kahit gaano man ka-ingat ang isang tao kung magbiro na ang tadhana ay tiyak na di ka na makakatakas pa. Biglang may humarorot na sasakyan ang biglang lumitaw mula sa may di kalayuan sa kanila. Dahil sa bilis ng sasakyang iyon ay di natansiya ni Dr. Densel ang pangyayari. Sumalpok sa kabilang gilid ng sasakyan nila ang harapan ng humarorot na sasakyan. Nagawa mang maiwasan niya ang sasakyan ngunit di niya namalayang dumiritso sa bangin ang minamaneho nitong sasakyan. Nahirapang magpreno si Dr. Densel at malakas na sumalpok sa malaking punong kahoy dahilan para bumaliktad ang sasakyan na sinasakyan nila.
Hindi na namalayan pa ng buong mag-anak kung anong sumunod na nangyari dahil pareho silang nawalan ng malay.
Ilang sandali pa ang lumilipas ay may biglang tumatawag sa kanila mula sa labas ng sinasakyan nilang iyon.
“Dra. Carolein…Dr. Densel…gumising po kayo…” Biglang tawag ng isang binatilyong lalaki ngunit walang sumasagot.
Kinalampang nito ang sasakyan at sinimulang sirain upang makuha nito ang mga tao sa loob. Nagsisimula na ring tumagas ang gasolina na nagmula sa sasakyan. Anomang sandal ay maaring sumabog iyon. Kaya kailangang magmadaling mailabas ang mga taong sakay sa loob ng sasakyang iyon.
Sa kalagitnaan ng ginawa ng binatilyong iyon ay biglang nagising si Natashia.
Malamig ang buo niyang katawan at napakasakit ng ulo niya. Nanginginig siya sa labis na nararamdamang lamig at di niya maigalaw ang kahit na anong parte ng katawan niya pati na ang pagbukas ng mga mata niya.
“M-mama, p-papa…ano pong nangyari? Giniginaw na po ako ng husto.” Mahinang usal niya di niya alam kung naisatinig nga ba ito ng bibig niya. Dahil parang walang lumalabas na salita sa bibig nito. Umiiyak na siya sa labis na takot at di malaman ang gagawin.
Ilang sandali pa ay umungol ang mama niya at bumalik ang ulirat nito. Hilakbot itong nakikitang tumaob ang sinaskyan nilang kotse. Walang malay ang asawa nitong nasa driver seat at naliligo pa ng sariling dugo. Habang ang anak naman nito ay umiiyak sa takot.
“Natashia….anak ko.” Nahihirapang tawag sa kaniyang anak.
“Mama, ang sakit-sakit po. Natatakot na po ako . Gusto na pong umuwi...” Umiiyak na sabi ng bata.
“Shhh…its okay. Huwag kang matakot andito ang mama. Please hold on a little bit. Everything will be alright.” Pilit na pinapatatag niyang sabi rito.
Hindi na muling kumibo o nagsalita ang bata.
“Please save my daughter first..” Umiiyak at natatarantang sabi ni Dra. Carolien sa taong nakatayo sa labas ng tumaob na sasakyan. Mas lalo itong nakaramdam ng takot ng di na muling magsalita ang bata.
“Hoy, sleeping beauty. Gumising ka muna andito na ang prinsepe mo.. Huwag ka munang matulog. Just give me your hands bilisan mo.” Sumisigaw n autos ng binatilyo ngunit di na muling nagsalita pa ang bata.
Nataranda ito ng di na rin gumagalaw ang batang iyon.
“Don’t die, papakasalan pa kita…” Seryosong sabi pa nito ngunit wala na talagang sumasagot .
Kaya minabuti na nitong bilisan sapagkat nagspa-spark na ang kabilang dulo ng sasakyang iyon. Unti-unti na ring pumapatak ang ulan ngunit di pa rin nito nagawang pigilin ang pagsabog ng sasakyan. Ilang sandali pa ang lumilipas ay isang malakas na pagsabog ang umalingaw-ngaw sa buong paligid. Sumabog ang sasakyang sumalpok sa malaking punong kahoy. Kasamang natupok ang malaking kahoy na kinasalpukan ng sasakyang iyon.
Pagkatapos ng malakas na pagsabog na iyon ay ang katahimikan ng buong paligid. Tanging ang mga maiingay na kulisap lamang ang buhay na saksi sa pangyayaring iyon.