Kasalukuyang nakahiga si Candee sa malambot na kama kung saan siya pinatuloy ni Lyndon. Pagdating nila doon ay agad silang sinalubong ng mga nag-alalang kasamahan nito. Nagulat pa ang mga ito ng makita siya. Hindi kasi nila inakala na may kasama ang binata ng sa mga sandalling iyon a. Ngunit kahit ganoon pa man ang nangyari ay naging mainit naman ang pagtanggap ng mga ito sa kanya. Bagay na lubos niyang ipinagpasalamat dahil mukhang mababait ang mga taong kasamahan ng binata.
Katunayan ay pinaghanda siya ng mainit at masarap na makakain pagdating nila diyo. Binigyan din siya ng maayos at comfortable na higaan na kaniyang mapagpahingahan sa mga sandalling ito.
Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip kung paano humantong sa ganito ang lahat? Narito siya sa isang lugar na puro estranghero ang mga kasama. Sa dami ng nangyari sa buhay niya kahapon ay heto’t buhay at malakas pa din siya. Hindi niya alam kung paano magsisimula? Kung paano harapin ang mga tao pagbalik niya doon? Gusto niyang lumaban ngunit naunahan pa din siya ng takot at pagkapahiya dahil sa mapanghusgang mga mata ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Paano nalang kung walang maniniwala sa kaniya? Anong gagawin niya?
Bigla na namang tumulo ang mga luha niya sa mga mata ng maalala ang mga nangyari. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang sakit ng malaman niyang may iba ng minamahal ang taong pinaghandugan niya ng kaniyang puso.
Hindi niya kasi alam kung paano ito harapin gayong nasabi na niya rito ang nararamdaman niya para sa binata?
Hinayaan niya nalang malaglag ang mga luha sa kaniyang mga mata at lasapin ang sakit gawa ng sawi sa pag-ibig.
Sa ganoong ayos siya nang may biglang kumatok sa pinto ng kaniyang kwarto.
Napabalikwas siya ng bangon at nagmamadaling pinunasan ang mga luha sa pisngi at mga mata. Hindi din siya makapaniwalang nagawa niyang itago sa mga taong kasama niya ang sakit at paghihinagpis na kaniyang nararamdaman sa ngayon? Ngunit mas mainam ang ganito dahil ayaw niyang kaawaan siya ng mga ito. Saglit niyang inayos ang sarili bago binuksanang pinto ng kwarto niya.
Si Lyndon ang nakita niya pagbukas ng pinto. Medyo namumutla pa din ito ngunit hindi na masyado katulad ng kanina. Nagtama ang paningin nilang dalawa, ngunit siya ang unang nagbaba ng paningin. Nahihiya siyang makikita ng binatang namumugto na naman ang mga mata niya.
“Pasensiya ka na. Naistorbo ba kita?” Magalang naman nitong tanong. Ramdam niya ang mga titig nito sa kaniya.
Umiling siya bilang pagtugon dito.
“Anong ginawa mo dito? Akala ko ba’y nagpapahinga ka na? Baka mapano ka pa niyan!” Puno ng pag-alalang sabi niya rito, ngunit hindi pa din tumingin sa binata.
“Mukhang naisturbo ata kita, ah!” Nag-alalang pa sabi nito. Napilitan siyang tumingin sa mukha ng binata at ginawaran ng ngiti.
“Naku, hindi naman. Halika pasok ka muna.” Biglang sabi niya pa rito habang pinagbuksan ng malaki ang pinto.
Gumihit ang pagtataka at pag-alala sa mukha ng binata.
“Naku, hindi na. Baka….” Hindi matuloy ang sasabihin nito dahil nag-aalanganin itong sabihin sa kanya.
“ I know what you think! Pero huwag kang mag-alala ayos lang sa akin. Hindi naman ako ganoon ka naïve na tao. Isa pa nasanay na akong may mga lalaking pumapasok sa kwarto ko.” Paliwanag naman niya rito at nakita niya ang pagkunot ng noo nito.
“I mean yung mga kapatid ko. Sabi kasi sa akin ni daddy na ayos lang naman magpapasok ng ibang tao sa loob ng kwarto ng kayong dalawa lang as long as wala naman kayong masamang ginagawa. Isa pa iwanan naman nating nakabukas ng malaki ang pinto.” Dagdag niya pa at alanganing ngumiti sa kaniya ang binata.
Kahit nagdadalawang isip ang binata ay pumasok pa din ito sa loob, ngunit nanatili pa din ang distansiya nito mula sa kaniya.
“Maupo ka muna.” Sabay abot niya ng isang bakanting upuan na nasa loob ng kwartong iyon.
“Salamat.” Nakangiting sabi nito. Nababakas pa rin sas mukha ng binata ang hindi magandang pakiramdam nito dahil medyo namumutla pa rin ito.
Naupo siya sa gilid ng kama niya na may dalawang metro ang pagitan nilang dalawa.
“Pasensiya ka na sa abala. Nais ko lang personal na kumustahin ka rito. Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa mga katulong dito. Mababait naman ang mga iyon.” Paliwanag nito.
“Maraming salamat! Pero ayos lang naman ako. Huwag ka ng mag-abala pa. Maraming salamat din pala sa pagpatuloy mo sa akin dito. Sa kabila ng hindi magandang ugaling ipinapakita ko saiyo kanina ay tinulungan mo pa rin ako. Muntikan ka pa tuloy mapahamak dahil sa akin.” Nahihiya niyang sabi niito.
Makahulugang tumitig sa kanya ang binata.
“Don’t mention it! Kahit sinong tao naman nakakita ng sitwasyon mo kanina ay di magdadalawang isip na tutulong saiyo. Isa pa tinulungan mo din ako kanina kaya patas na tayo.” Diretsahang sabi nito.
Doon din ay bigla siyang kinabahan at namumula ang mukha niya sa labis na hiya. Naalala kaya ng binata ang ginawa niya rito? Mabuti nalang at hindi sa kaniya nakatingin ito. Doon sa cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng kama niya.
Nais niya sanang tanungin kung anong nangyari sa binata kung bakit ito nagkaroon ng astrophobia ngunit naunahan siya ng hiya.
“Mukhang nasira na yung phone mo?” Sabi pa nito habang nasa cellphone niya nakatingin. Bigla din siyang napatingin doon at pilit inalis sa isip ang nangyari sa kanila kanina.
“Parang ganoon na nga. Nabasa kasi ng ulan kanina.” Sagot niya naman dito.
Kinapa nito ang bulsa ng soot nitong jacket at may kinuha.
“Here, gamitin mo muna. Baka masyado ng nag-alala ang pamilya mo saiyo. Sira din kasi ang landline namin dito kaya hindi mo magamit. Kaya ito nalang muna.” Paliwanag nito sabay bigay sa kanya ng cellphone nito.
Nanlaki ang mga mata niyang napatitig sa cellphone na hawak ng binata.
Ngayon niya lang naalala ang pamilya niya. Nagdadalawang isip din siyang kunin ito dahil hindi niya alam kung anong sasabihin ng parents niya.
“Its okay. Sigurado akong maiintindihan naman ng pamilya mo ang ginawa mong iyon. Ang mahalaga ay malaman nilang nasa maaayos ang kalagayan mo. Natitiyak akong alalang-alala na sila ngayon at di na mapalagay sa kakaisip kung anong nangyari saiyo.” Mahinahong paliwanag nito. May bahid na katotohanan ang sinabi ng binatang ito.
Doon din ay tila nagkaroon siya ng lakas loob na kausapin ang pamilya niya. Dahan-dahan niyang inabot ang cellphone nito at nginitian siya ng binata.
"Mas mainam na sigurong makausap mo sila para masisiguro nilang ikaw talaga iyon." Dagdag na sabi pa ng binata sa kanya.
“Salamat!” Ang tanging sabi niya ng sa cellphone nakatingin.
“Sige maiwan na muna kita.” Sabay tayo ng binata upang lumabas.
“Aalis mo na ako. Babalikan ko lang iyan mamaya para makusap mo sila ng maayos.” Paalam pa nito.
Agad niya naman iyong pinigilan.
“ Hindi na. Hindi mo na kailangang umalis. Saglit lang naman ako, kaya hintayin mo na.” Pagpupumilit niya pa.
“Sige, ikaw ang bahala. Pero doon nalang muna ako sa labas.” Sagot naman nito at nagtuloy-tuloy na ito paglabas.
Tuloy nakaramdam siya ng paghanga sa binata. Napakagentleman naman nito at malaki ang pagpapahalaga sa privacy ng ibang tao.
Agad niyang idinada-dial ang numero ng mommy niya. Mabuti nalang at saulo niya ito.
Ang mommy niya ang tinatawagan dahil natitiyak niyang sasagutin siya agad. Hindi katulad ng daddy at kuya Draven niya na hindi sumasagot hanggang hindi nagpapakilala ang tumatawag. Pinili niya ring tumwag sa mga ito upang hindi ito masyodong mag-alala ng husto sa kaniya.
Nakadalawang ring palang ang cellphone at agad namang sinagot ng nasa kabilang linya. Halatang naghihintay ng tawag.
“Mommy….” Sabi niya ng pindutin ang call button ng mommy niya.
“Si Candee po ito.” Dagdag niya pa.
Narinig niyang napasinghap ang nasa kabilang linya.
“Candee, sweetheart, is that really you?” Magkahalong pananabik at pag-alala ang boses nito ng makilala ang tinig niya.Parang hindi pa ito makapaniwalang tumatawag siya.
“Yes, mom. I’m sorry at pinag-alala ko po kayo. Nasira kasi ang cellphone dahil sa lakas ng ulan but don’t worry mom, I’m fine. I am really fine.” Mabilis na paliwanag niya.
Narinig niya ang paghikbi ng mommy niya.
“ I’m so happy to hear that from you. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil nalaman kung okay ka lang. Asan ka ba ngayon? Susunduin ka namin. Hindi naman kami galit saiyo. Nagwoworied lang talaga kami. Nakakain ka ba ng maayos diyan? What happen to you?” Sunod-sunod na tanong ng mommy niya. Ramdam sa boses nito ang matinding pag-alala sa kanya. Tuloy nakaramdam siya ng guilt.
“Huwag po kayong mag-alala sa akin mom. Nasa mabuting kalagayan po ako ngayon. May kunting problema lang po sa sasakyan ko kaya hindi ako nakauwi ngayon. “ Paliwanag niya pa dito.
“Bakit ba kasi ang motor mong iyan ang lage mong ginagamit? Sinabi na sa iyong napakadelikadong magmotor lalo na sa katulad mong babae. Sabihin mo kung nasaan ka ngayon para masundo ka naming. Please sweetheart. Hindi ako matatahimik dito ng hindi ko mismo nakikita sa mga mata ko, kung nasa maayos ang kalagayan mo.” Umiiyak na pakiusap ng mommy niya sa kanya.
“ Mom, please don’t cry. Ayos lang talaga ako, promise. Pasensiya na po kayo at pinag-alala ko po kayo ng husto . Pero ito lang po ang masisiguro ko sa inyong maayos lang po talaga ako dito. Pag-uwi ko nalang diyan sasabihin ang lahat. By the way nasira nga pala ang cellphone ko at nakihiram lang po ako ng ibang cellphone.” Magkahalong pakiusap ang paliwanag niyang iyon.
Sunod-sunod na paghikbi ang narinig niya sa kabilang linya.
“Please mom, stop crying okay?” Dagdag niya pa.
“Okay. Pero promise mong mag-update ka sa akin palagi, ha?” Pakiusap pa ng mommy niya.
“Yes mom. I promise.” Pangako niya naman.
“Sige na mom at masyado ng nakakahiya sa may-ari ng cellphone na ito.” Agad na putol niya sa maaring mga tanong nito.
“ One favor pa po mom. Maaring bang huwag niyo na pong tawagan o magtext sa numerong ito? Nakakahiya kasi sa may-ari ng cellphone na ito. Don’t worry at uuwi na din po ako diyan kapag tumigil na ang malakas na ulan. Medyo delikado kasing magbyahe ng motor sa ganitong panahon, eh.” Pakiusap niya pa dito.
“Sige. Basta uuwi ka agad ha.” Sagot naman ng mommy niya.
“Huwag kang mag-alala dahil hindi naman galit saiyo ang daddy mo. Ito ang lage mong tatandaan na kahit anong mangyari ay nandito lamang kami para saiyo. Mahal na mahal ka namin Dee. Lalo na ng daddy mo. Hindi man niya madalas na sabihin saiyo iyon pero nasisiguro ko kung gaano ka niya kamahal.” Puno ng sensiridad na sabi ng mommy niya. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kaniya sa kabila ng katotohanang hindi siya totoong nanggaling dito. Ngunit ni minsan ay di niya nararamdamang ibang tao siya dito. Pantay-pantay ang pagmamahal na ibinigay sa kanila ng mommy niya at itinuring siyang totoong anak nito.
Bigla na naman siyang napaluha sa narinig niyang iyon.
“Thank you mom. Kahit hindi ako totoong nanggaling sa inyo ay minahal at itinuring niyo pa rin akong totoong anak. Ni minsan ay di ko nararamdamang iba ako sa inyo.” Humihikbi niyang sabi rito.
“SSShhh don’t say that. Ni minsan ay di ko inisip na hindi kita anak. Kahit noong nasa sinapupunan ka pa lang ng mama mo ay minahal na kita ng lubos. Ipinangako ko sa sarili kong mamahalin kita ng katulad ng pagmamahal ko sa aking mga anak. Ganoon din ang mga kapatid mo at pati na ang daddy mo.Walang katumbas ang pagmamahal naming para saiyo. Kaya wala kang dapat ikatakot sa amin. Huwag mong isipin ang nangyari. Gumawa na ng paraan ang daddy mo para maayos iyon.“ May halong pakiusap na sabi ng mommy niya.
“Thank you mom. I’ll always love you. “ Puno ng pagmamahal na sabi niya rito.
“I know sweetheart. Isang araw pa lang na hindi kita nakikita ay labis na kitang namimiss.” Nakatawang sabi pa ng mommy niya.
Bahagya din siyang tumawa habang pinahiran ang mga luha sa mga mata.
“O siya, paalam na at baka biglang pumasok ang daddy mo rito.Alam mo naman ang isang iyon. Hindi iyon papayag na hindi niya malaman kung nasaan ka ngayon. Basta mag-ingat ka lage diyan. Tawagan moa gad ako kung may problema ka. Alagaan mo ang sarili mo diyan ha?" Dagdag na sabi pa nito.
“Opo mom, promise. Mag-iingat din po kayo diyan. Huwag din po ninyong pababayaan ang sarili po ninyo. I love you mom!” Sabi niya pa.
“I love you too sweetheart.” Sabi pa nito sabay patay ng cellphone sa kabilang linya.
Narinig niya pa ang pagbukas ng pinto sa kwarto ng mommy at daddy niya. Hudyat na dumating na ang daddy niya.
Siguro ay umalis iyon upang maghanap sa kanya. Tuloy mas lalo siyang nakaramdam ng guilt sa ginawa niyang ito.
Ngunit wala naman siyang magawa para pigilan ang mga pangyayari. Ang magagawa niya lang sa ngayon ay ang mag-isip ng magandang paraan kung paano niya mapatunayan sa lahat na wala siyang kasalanan.
Pero kahit naman siguro mapatunayan niyang wala siyang kasalanan ay wala na siyang pag-asa pa kay Alex. May iba na kasi itong minamahal. Hindi din niya lubos maisip paano napunta sa katulad ni Jessica si Alex. Masyadong mabait si Alex gayong ang sama-sama naman ng ugali ng Jessicang iyon. Kunsabagay ay napakaganda ni Jessica. Para itong isang diyosa at napakayaman pa nito. Kung tutuusin ay wala talaga siyang laban dito. Ang magagawa niya lang sa ngayon ay ang maturuan ang pusong tanggapin ang lahat. Kailangan niyang magmove-on na at kalimutan ang nararamdaman sa binata kahit alam niyang napakahirap nitong gawin.
Nakaramdam siya ng panghihina sa isiping iyon ngunit kailangan niyang maging malakas at matatag upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito.
Bago paman siya malunod sa kaiisip ni Alex ay agad niyang pinuntahan si Lyndon na naghihintay sa labas ng kwarto niya. Nakakahiya naman kasi sa binata kung patagalin niya pang maibalik ang cellphone nito.
Wala na ang binata ng puntahan niya ito sa labas ng kwarto niya. Siguro ay napagud na ito sa kahihintay sa kanya kaya umalis na doon. Wala din siyang idea kung saang banda ang kwarto nito kasi medyo may kalakihan ang bahay nito. Di hamak na triple ang laki ng bahay na ito kaysa kanilang bahay. May second floor ang bahay nila at may basement. Lima ang kwarto sa itaas. Ang master bedroom ay sa mga magulang niya at ang tatlo ay para sa kanila ng mga kapatid niya. Samantalang may isang guestroom sa itaas para sa mga importanting bisita ng pamilya. May quarters din para sa mga katulong na nakalagay sa baba. Ngunit kung ihahambing ay di hamak na mas Malaki ang bahay ni Lyndon kaysa kanila.
May second at third floor ito, base sa nakita niya sa labas. Nasa second floor naman siya nagstay ngayon. Parang may sampong kwarto ata dito sa second floor.
May tigdalawang kwartong magkaharap sa sulok nito. Habang nasa gitna ang kwartong tinutuluyan niya ngayon. Nakaharap sa main stairway. Nakakalulang tingnan. Parang isang hotel ang design ng bahay ngunit open ang harapan ng second floor at makikita nito ang sala sa baba. Nakita niyang hindi basta-basta ang pamilya ni Lyndon.
Parang magkasing laki ng bahay na ito at ang mansiyon ng mga Hernandez. May second floor at malawak na harden ang mga Hernandez ngunit di niya pa nakikita ang kabuuan ng bahay nina Lyndon. Old style ang mansion na ito na parang sa kapanahunan pa ng mga Kastila samantalang bagong desenyo naman ang mga Hernandez.
Nang hindi talaga makita si Lyndon ay napagdisisyunan niyang pumasok na uli sa kwartong tinutuuyan niya upang magpahinga. Masyado pa kasing maaga para mamasyal at baka ano pang isipin ng mga tao roon sa kanya. Baka mapagkamalan pa siyang masamang loob na gumagala sa loob ng bahay.
Pagpasok niya ay lumapit siya sa bintana. Bahagya niya iyong binuksan upang makita ang labas. May mahinang ambon pa at medyo malakas ang hangin. Isinara niya iyon pabalik at saka naupo sa kama niya. Parang doble ang laki ng kwartong kinalagyan niya ngayon kaysa kwarto niya sa bahay. Magkaiba ang CR at bathroom. May maliit na terrace din ito sa likod ng kwarto.
Bago paman lalong lumikot pang tuluyan ang pag-iisip niya ay pabagsak niyang inihiga ang sarili sa malambot na kama. Pinikit niya ang mga mata at umasang makakatulog siya kahit papano.