Naalimpungatan si Candee ng makarinig ng ingay mula sa labas ng kanyang kwarto.
Agad siyang bumangon at saglit na inayos ang sarili bago binuksan ang pinto. Nagulat pa siya ng makita si Draven doon.
“Pasensiya na po kayo Miss Candee ngunit may bisita po kayo.” Magalang na sabi ng babaeng halos kasing edad niya lang.
“Its’s okay.” Sagot niya naman.
Ngunit kay Draven ang buo niyang pansin. Mataman siyang tinitigan ng kapatid saka nilapitan.
“How did you know that I’m here?” Nagtataka niyang tanong. Hindi ito sumagot at lumapit pa ito ng husto sa kanya.
“Dee, are you alright? What happen?” Nag-alalang tanong nito sa kanya.
“Labis kaming nag-alala saiyo ng hindi ka umuwi kagabi lalo na si Mommy.” Dagdag pa nito.
“Please answer my question?” Sagot niya dito.
“Nakita ko ang motor mo na naiwan sa burol. Doon sa paborito mong puntahan. Labis akong nag-alala ng hindi kita makita doon at ang lakas pa ng ulan. Kilala ko ang may-ari ng lupaing iyon kaya agad akong nagtungo dito. Medyo natagalan lang akong makapunta dito dahil sa lakas ng ulang kagabi at medyo nahirapan din akong hanapin ang mansion ng mga Ventura.” Paliwanag pa nito.
Tuloy ay nakaramdam siya ng guilt sa sarili niya.
Sa kabila ng masamang panahon kagabi ay nagbuwis buhay pa din ang kapatid niyang hanapin siya.
“Did you really do that?” Halos hindi makapaniwalang tanong niya dito at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
Natup-top niya ang sariling bibig sa narinig niyang iyon mula sa kapatid niya.
“Bakit mo ginawa iyon? Paano kung may masamang nangyari saiyo sa mga oras na iyon? Alam mo bang hindi ko mapapatawad ang sarili ko sakaling may masamang nangyari saiyo?” Mangiyak-iyak niyang sabi rito.
“I’m sorry. I didn’t want you to suffer. All I want is to see you.Wala akong pakialam kung anong panganib ang aking kaharapin basta mahanap lang kita. Isa pa kahit sino namang kuya ay gagawin iyon mahanap lang ang nakabata nitong kapatid. Isapa din ay babae ka at mas lalong mapanganib saiyo sa labas. “ Nag-alala sabi pa nito.
Magkahalong inis at takot ang nadarama niya sa nalaman niyang iyon. Nagalit siya sa sarili niya dahil kung hindi siya nagpunta doon ay hindi mangyayaring susundan siya ng kapatid niya.
“I know what you think Dee. Pero hindi mangyayari iyon. Tingnan mo narito pa ako. “ Pampalubag loob na sabi pa nito.
Bigla niya itong niyakap ng mahigpit.
“I don’t want to loss another family member. “ Umiiyak niyang sabi at hinaplos naman ang likod niya ng kapatid niya.
“I know, pero hindi mangyayari iyon. Promise ko saiyo.That nightmare of you will never happen again. Please don’t do it again, okay?”
“I’m sorry Kuya Ven.” Umiiyak niya pang sabi dito.
Dahan-dahang kumalas mula sa pagkakayakap ang kapatid niya at tumingin sa mukha niya.
Pinunasan din nito ang mga luha niya sa mga mata.
“Ssshhh, its okay. Wala ka namang kasalanan. Gagawin namin ang lahat para saiyo, because you are our pprincess. Remember that always? Umuwi na tayo ha? Hinihintay ka na nina mommy at daddy. Hindi naman sila galit saiyo.” Puno ng sinsiridad na sabi pa nito.
Ngumiti ito sa kanya at tila inispection ang kabuuan ng katawan niya.
“Are you really fine?” Paninigurong tanong pa nito.
“Yes I am. Could you please stop it Kuya Ven? I’m fine.” Tila naiinis niyang saway sa kapatid sa ginawa nitong pag-inspections ng kabuuan niya.
“Yeah, your really fine.” Nakangiti pang dagdag nito. Napapailing nalang siya sa ginawang iyon ng kapatid.
Hindi nila namalayang lumapit na pala sa kanila si Lyndon.
“What happen here?” Biglang tanong ni Lyndon. Hindi nila namalayang nakalapit na pala ito sa kanila.
Nagulat pa ito ng makita si Draven. Mataman itong tinititigan na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
“You must be Leigh Dominic Ventura Galvez.” Biglang sabi nito.
Puno ng pagtatakang napatingin siya sa kapatid.
“Do you know him?” Takang tanong niya dito at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
“Yes, ang playboy heir ng mga Galvez. Nag-iisang tagapagmana ng Galvez Steel Industries and Galvez Shipping Lines .” Wala sa loob na sagot ng kapatid niya.
Nanlaki ang mga mata niya ng marinig niya iyon. Hindi siya makapaniwalang si Lyndon pala ang nag-iisang anak ng mga Galvez. Hindi niya akalaing makikilala niya ng personal ang mysteryosong tagapagmana ng Galvez Company.
Naging mysteryoso ito sa lahat dahil ni hindi ito nagpapakita o nagpapakilala sa media. Pinanatili nito ang pribadong buhay sa kabila ng kilala sa lipunan ang pamilya nito.
Sinasabi ng iba na bastardo ang tagapagmana ng kayamanang Galvez dahil sa anak ito sa labas ng mama niya bago paman ito nag-asawa sa mga Galvez.
Bagay na pinabulaan ng pamilyang Galvez na hindi totoo, ngunit di magawang ipakilala sa lahat si Leigh Dominic. Kaya napagtanto ng mga taong totoo ang mga sabi-sabi.
“Its that true?” Paninigurong tanong niya rito at tumango naman si Lyndon bilang pagtugon.
“Yes, I am. Mukhang nabanggit ko na saiyo kagabi ang pangalan ko?” Balik tanong nito sa kanya.
“I’m sorry, medyo magulo kasi ang isip ko.” Dispensa niya.
“Its okay. I’m glad your fine now.” Nakangiti pa ding sabi ni Lyndon sa kanya at bahagya lang siyang ngumiti rito.
Hinubad ni Draven ang soot nitong jacket at ibinalabal sa kanya. Kahit makapal naman ang soot niyang pantulog ay hindi pa rin kampanti ang kapatid niyang ganoon ang soot niya sa harap ng ibang tao.
“Her use this. May dala akong damit mo sa loob ng kotse ko. Doon ka nalang magbihis.” Sabi pa nito at tumango naman siya.
“Thanks.”
“You must be Dr. Draven Bustamante.” Biglang sabi nito.
“Nice to meet you, Dr. Bustamante.” Sabay lahad ng kamay at agad namang tinanggap ng kapatid niya.
“It’s my pleasure to meet you too, Mr. Galvez.” Tugon naman ng kapatid niya.
“ Just call me Lyndon nalang. Huwag naman masyadong pormaI. “ Nakangiti pa ding sabi ni Lyndon.
“By the way I didn’t know that she is your sister. The Bustamante princess.” Dagdag pa ni Lyndon.
“ Kung yan ang nais mo. I am grateful for helping my younger sister. Even if you don’t know her,but still you help her. I and my family are very thankful for this.” Puno ng sensiridad na sabi ng kapatid niya.
Umiling naman ang binata.
“Don’t mention it. Kahit sinong tao namang nandoon ay hindi magdalawang isip na tutulong sa kanya. Nagkataon lang na ako ang nandoon.” Humble na sabi pa ni Lyndon habang hindi pa din maalis ang ngiti nito sa labi.
Isang matamis na ngiti ang iginawad sa kapatid niya kay Lyndon.
“Here is my calling card. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka.” Seryosong sabi nito.
Nanlaki pa ang mga mata ni Lyndon sa ginawa ng kapatid niya. Ngunit hindi naman ito nagdalawang isip na tanggapin ang inabot na calling card.
“Thanks for this.” Nakangiting sabi pa ng binata.
Biglang lumapit sa kanila ang isang may edad na matanda.
“Excuse me ho senyorito Leigh my bisita po kayo. Kaibigan niyo raw.” Biglang sabi pa nito ng tuluyang makalapit sa kanila.
Nalukot naman ang gwapong mukha ng binata dahil wala itong inaasahang bisita ngayon.
“Hello, everyone!” Masayang bati ng bisitang kararating palang.
Nagulat silang lahat ng makita si Draco Bustamante.
Tila hindi sila makapaniwala ngunit saglit lang na nagulat si Draven na tila inaasahan na nitong darating ang kapatid.
“Mabuti naman at hindi ka naligaw?” Seryosong tanong ni Draven sa kapatid at umiling lamang si Draco bilang pagtugon.
“I know this place.” Nakangiti pa ring sagot ni Draco.
“Kuya Dree?” Hindi makapaniwalang tawag niya rito at ngumiti naman ito ng ubod ng tamis sa kanya.
“Hello my little princess!” Sagot naman nito.
Agad niya itong nilapitan at saka niyakap ng mahigpit.
“I miss this..” Nakatawang sabi nito habang binuhat siya ng kapatid niya at iniikot sa ere.
Nang mapagod ay tumigil ito sa ginagawang iyon saka bumitaw mula sa pagkakayap sa isat-isa.
“How did you know that I’m here? Bakit di mo sinabi sa amin na uuwi ka?“ Excited na tanong niya rito.
“Guess who?” Pilyo nitong sabi at napatingin siya kay Draven na blangko na ang ekspresyon sa mukha nito habang sinalubong ang mapagtanong niyang mga titig.
“Is that so, kuya Ven?” Tanong niya rito at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
“Masyado namang nakakahiya kay Kuya Draco. Naabala pa natin siya.” May pagdaramdam sa boses nito.
“What do you mean by that? So ang nais mo ay itago sa akin ang nangyari saiyo? Magkaiba lang tayo ng bahay na tinutuluyan ngunit membro pa din ako ng pamilya.” Tila nagdaramdam na sabi pa nito.
Sa dalawang kapatid niya ay kay Draco siya masyadong malapit kaysa kay Draven. Kahit madalas siya nitong pinagtitripan dati ngunit mas malaya niyang masasabi ang mga saloobin niya dito. Samantalang kay Draven naman siya humihingi ng advice.
Masyadong malapit silang tatlo sa isa’t isa. Kung hindi lang masyadong malayo ang agwat ng edad niya sa kambal ay tiyak na mapagkamalan silang trippletes.
“Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.” Paliwanag niya pa dito.
“ You don’t have to explain it. I understand. Pero sa oras na maglihim kayo sa akin ay hinding-hindi ko kayo mapapatawad.” Seryosong sabi nito.
Napatungo nalang siya at di niya kayang salubungin ang mga tingin ng kapatid.
“How are you?” Biglang tanong nito at di siya sumagot.
Nanahimik narin ang dalawa niyang kapatid at di na siya kinulit pa.
Maya-maya ay ibinaling ni Draco ang pansin sa tahimik na nakamasid na si Lyndon.
“How are you Dude?” Biglang tanong naman ni Draco kay Lyndon.
“Heto, hinahabol pa din ng mga kababaihan!” Nakatawang sagot naman ni Lyndon.
“ Hindi ka parin nagbabago.” Nakatawa ring tugon ni Draco kay Lyndon.
Nagkamay ang dalawa saka biglang nagyakap habang magkahawak ang kanang mga kamay nito.
“How about you Dude?” Tanong naman ni Lyndon kay Draco ng magbitiw mula sa pagyayakapan.
“Heto, gandang lalaki pa din.” Nakatawang sabi pa nito at nagtawanan ang dalawa.
“How did you know each other?” Biglang tanong niya sa dalawa.
“We are roomates…” Halos magkasabay pang sabi ng dalawa.
“Noong college ay iisang university ang pinapasukan namin. Ngunit magkaiba ng courses. Kasalukuyan akong kumuha ng Photography noon habang Psychology naman siya . Tila itinadhanang iisang room ang nakaasign sa amin sa dormitoryong iyon. Kaya nagiging malapit kami sa isa’t-isa.” Paliwanag naman ni Lyndon.
“OO, totoo ang sinasabi niya. Akalain mong pinarentahan niya ng parents niya ang buong room namin para wala na daw ibang tumira doon? Ganoon ka pilyo ang isang ito.” Sabi pa ni Draco at tumawa naman si Lyndon.
“Naging magkaclase din kami ng kumuha kami ng Business courses. Kaya nagiging close kami sa isa’t- isa but after we graduated business course ay hindi na kami muling nagkikita pa.” Dagdag paliwanag pa ni Lyndon.
Napatango siya sa subrang paghanga.
Hindi na siya nagulat pa sa narinig niyang iyon. Batid niya kung gaano kayaman ang pamilya nito kaya hindi malabong makayanan nito ang magrent kahit buong dormitory pa sa labas ng bansa.
“Kung sinabi mong tumira kayo sa iisang room for a long years bakit di mo ako nakikilala?” Puno ng pagtatakang tanong niya kay Lyndon.
“Eh paano kasi lagi ka ngang ikinukwento sa akin ni Dree kaso ni minsan ay di niya ipinapakita ang picture mo sa akin. Akalain mong pati social medias niya ay nakaprivate at hindi man lang nag-abalang iaccept yung friend request ko.” Natatawang paliwanag ni Lyndon.
"Paano kasi napakaplayboy mo. Baka pagtripan mo yung kapatid ko.” Seryosong sagot naman ni Draco at tumaas ang kilay niya sa sinabing iyon ng kapatid.
“Biro lang. Kahit magkaibigan kaming dalawa ay di namin pinapakiaalam ang personal na buhay sa isa’t-isa. Kaya mas lalong lumago at tumagal ang samahan namin.” Seryosong dagdag pa ni Draco at napapailing nalang siya sa tinurang iyon ng kapatid.
“Mabuti naman at natagalan mo ang ugali ng kapatid kong iyan?” Natatawa niyang sabi.
“Wala akong choice, eh!” Natatawa ring sagot ni Lyndon at nagtawanan silang lahat maliban na kay Draven.
Tahimik lang itong nakamasid at nakikinig sa usapan nilang tatlo.
Hindi na sila nagtataka pa dahil ganoon naman talaga ang ugali ng kapatid nilang iyon. Napakatahimik at napakastrikto. Ngunit hindi naman marunong mambastos ng tao. Sumasagot naman ito ng maayos kung tinatanong ng maayos.
Bahagya lang itong ngumiti ng sulyapan niya.
“By the way guys, nagpapahanda nga pala ako ng makakain natin doon sa baba. Kumain muna tayo at natitiyak kung gutom na tayong lahat.” Putol ni Lyndon sa masayang tawanan.
“Mukhang masarap ang pagkaing ipinapahanda mo ah?” Natatakam na tanong ni Draco sa kaibigan at tumango naman ito.
“Syempre espesyal para sa bestfriend ko.” Natatawa ring sagot ni Lyndon.
Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Draven.
“Come’n Kuya Ven, nakakahiya naman kay Lyndon kung tatanggihan mo siya.” Mahina niyang sabi rito.
Saglit na tumitig sa kanya ang kapatid saka ngumiti.
“Okay.” Tipid na sabi nito at napangiti siya sa tuwa.
“Oo nga pala Dee muntikan ko ng makalimutan. May pinabibili na pala akong damit na masusuot mo. Akala ko kasi ay hindi ka susunduin ng mga kuyas mo kaya pinabibilhan nalang kita sa pinakamalapit na tindahan dito. “ Biglang sabi ni Lyndon sa kanya.
“Hindi na. May mga damit akong dala doon sa sasakyan….” Biglang sabi ni Draven at agad niya itong siniko.
“Stop it Draven.” Mahinang banta niya at agad naman itong tumahimik.
Alanganing ngiti ang iginawad niya kay Lyndon.
“Thanks.” Sabi niya pa rito at ngumiti naman ito sa kanya.
“Mauna na kayo sa baba at magbihis muna ako.” Dagdag niya pa.
Agad namang sumang-ayon ang tatlo at agad siyang iniwan ng mga ito.
“Ang gagwapo naman ng mga kapatid mo Miss Candee at ang so-sweet pa nila. “ Tila kinikilig na sabi ng babaeng naghatid sa kanya ni Draven.
Nginitian niya lamang ito.
“Heto nga pala ang mga damit po ninyo. Nilabhan ko na lahat iyan pati na ang uniporme mo.” Sabay abot sa kanya ng isang plastic.
“Salamat.” Nakangiting sabi niya rito.
“Ano nga pala ang pangalan mo?”
“Paula po. Anak po ako ng katiwala dito.” Agad na sagot nito.
“You mean, anak ka ni Mang Pilo?” Medyo nagulat niyang tanong rito. Paniniguro na baka nagkamali lang siya ng pagkarinig.
“OO. Marami rin ang nagtataka kapag sinabi kong anak ako nina tatay Pilo at nanay Perla dahil sa parang lolo’'t lola ko na ang mga ito. Matagal kasing nasundan ang ate ko sa akin. Medyo may edad na ang mga magulang namin at di na inasahan na magkakaanak pang muli. “ Magalang na paliwanag pa nito.
“Kaya pala.” Pagsang-ayon niya dito at ngumiti ito.
“Alam mo, gustong-gusto ko dating magiging nurse. Nais ko kasing makakatulong sa mga kababayan namin dito.” Malungkot na sabi pa nito.
“Bakit di mo tinuloy?” Tanong niya pa dito.
“E kasi, may kalayuan ang paaralan dito. Kailangan ko pang mag-boarding sa ibang house. Ayaw kong mawalay sa mga magulang ko lalo na ngayong matatanda na sila. Nais kong palagi nila akong makakasama sa mga huling araw nila sa mundong ito. Kaya teacher nalang ang kinuha kong kurso.” May bahid na lungkot sat ono ng pananalita nito.
Bahagya niyang tinapik-tapik ang balikat nito.
“ Napakadakila ng iyong adhikain. Napakabait mong bata. Natitiyak akong proud na proud ang mga magulang mo saiyo.” Tila naiinggit niyang sabi.
“Kung nagkataong buhay pa ang totoo kong mga magulang ay baka ganoon din ang gagawin ko.” Malungkot niyang sabi.
Nanlaki ang mga mat anito sa narinig. Hindi makapaniwala sa sinabi niyang iyon.
“You mean, ulila ka na? Eh, paano nangyari gayong sa pagkakaalam ko ay buhay pa ang mga magulang ng matalik na kaibigan ni Senyorito Leigh na si Sir Draco?” Puno ng pagtatakang tanong nito.
“They are may adopted parents.” Nakangiti niyang sabi rito at nababakas sa mukha nito ang matinding pagkagulat at pagtataka na rin.
“I’m sorry for your lost.” Puno ng sensiridad na sabi pa nito at tinanguan niya lang ito.
“It’s okay. Sige maiwan na kita at baka hinihintay na ako sa baba.” Paalam pa nito.
“Sige po. Pasensiya na po kayo sa kadaldalan ko.” Pagpapaumanhin ni Paula.
“Naku, ayos lang sa akin. By the way ilang taon ka na pala?” Biglang tanong niya rito.
“Tweenty-two na po. Medyo pandak at maliit ang katawan kaya kadalasan ay napagkamalang eighteen pa ako.” Magalang namang sagot nito.
Nginitian niya ito.
“Hindi lang pala magkakalayo ang edad natin. I am tweenty-three. Candee na lang ang itawag mo sa akin.”
“Po? Naku nakakahiya po saiyo at baka pagalitan ako ni senyorito Leigh dahil bisita po kayo rito.”
“Ayos lang. Hindi naman ako ang amo mo.” Alanganing ngiti ang iginawad nito sa kanya.
“Sige po Candee.” Tila nahihiyang sabi nito at nginitian niya ito.
“Hihintayin kita dito sa labas at ng maihatid kita sa baba.” Sabi pa nito at tumango naman siya.
Nagmamadali siyang pumasok uli sa room niya at hinubad ang jacket ng kapatid. Agad siyang pumasok sa shower room at naligo. Pagkatapos maligo ay agad na nagbihis at inayos ang sarili. Wala siyang dalang kahit anumang make-up o pangpaganda. Mabuti nalang at completo ang gamit na nandito sa loob ng guest room na tinutuluyan niya kaya hindi siya nahihirapan sa personal hygiene niya. Mabuti nalang at wala rin siyang arti sa katawan kaya hindi siya mahihiyang humarap sa tao ng walang palamuti sa mukha.
Kahit wala siyang make-up at lipstick ay mapupula pa din ang lips niya. Mahaba at curve na mga pilik mata. Straight at bagsak ang makapal na buhok. Maikli lamang ito na di na kailangang itali pa. Hindi naman sa kayabangan ngunit maganda naman siya. Medyo hawig niya si Jasmin Kurdi na artista . Medyo chubby din siya, ngunit sexy at maganda ang hubog ng katawan niya. Bagay na ipinagpapasalamat niya sa taas dahil hindi na niya kailangan magpakahirap na magpunta sa gym upang gumanda ang katawan niya.
Matapos niyang magbihis ay agad siyang lumabas.
Nakita niya ang paghanga ni Paula sa soot niyang blue jeans na may mga hiwa sa hita at tuhod. Tinirnuhan ng off shoulder na bulaklaking kulay pink na blouse. Mas lalo siyang tumangkad tingnan dahil sa suot niyang two inches na sandals.
“Wow! Bagay na bagay saiyo. Mas lalo kang gumanda at nagmumkhang sexy sa soot mo kahit wala kang anumang make-up o lipstick.” Buong paghangang sabi sa kanya ni Paula. Walang bahid na pagkukunwari ang tono ng pananalita nito.
“Thanks” Tanging tugon niya dito.
Agad na nilang tinungo ang baba. Inalalayan naman siya ni Paula papunta doon.