Sa kabilang dako ay naisipang puntahan ni Nurse Abby ang Chairman ng hospital na kanilang pinagtatrabahuan kasama ni Nurse Candee upang personal na kausapin itong huwag munang tanggalin nang hindi dumaan sa tamang prosesso ang kasamahan niya.
Kahit walang katiyakang pakinggan siya ng chairman ay naglakas loob parin siyang puntahan ito.
Pagdating niya sa pintuan ng sariling opisina ng Chairman ay humugot siya ng malalim na hininga dahil pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa samot-saring emosyong kanyang nararamdaman sa pagkakataong ito.
Akma niyang kakatukin ang pinto ngunit bahagya itong nakabukas at narinig niya ang malalakas na boses sa loob.
Malakas ang boses ng Chairman habang pinapagalitan ang Director ng hospital na si Dr. Densel Bustamante.
Pinagsigawan nitong talagang may kasalanan sa nangyari si Nurse Candee, kahit hindi man ito nakausap ng chairman o ni hindi inalam ang katotohanan sa pangyayaring iyon.
“Mawalang galang na po sa iyo Chairman, ngunit kawalang katarungan ang ginawa ninyo sa aking anak na si Candee.” Mahinahong paliwanag ni Dr. Densel.
Sadyang napakahinahong magsalita si Doc Densel.
Napakabait nitong tao kahit mukhang napakastrikto.
Ngunit ni minsan ay wala pa siyang narinig na nagsasabing pinagalitan o ipinahiya ni Doc Densel.
Ito ang tumatayo bilang Direktor ng hospital at isa rin itong share holder doon.
“Hindi naman makatarungang i-fire niyo siya agad ng hindi pa naiimbistigahan ng mabuti ang kasong ito.” Dagdag pa nito.
“Kinukwestiyon mo ba ang nagiging disisyon ko? Siguro ay walang ibang mas nakakilala sa akin dito kundi ikaw Dr. Densel. Ikaw na lubos kong pinagkakatiwalaan higit sa lahat. Lumabag sa alituntunin, patakaran at duties ang anak mo. Paano ko ito haharapin sa mga board kung palalampasin ko ang bagay na ito? Lalo na at ang apo ko pa ang sinasaktan niya. Mas lalong masisira ang imahi ng kumpanyang ito kung palalampasin ko ang ganitong pangyayari.” Maawtoridad na sabi ng Chairman.
Mukhang wala ng makapagbabago ng kanyang nagiging disisyon.
“Hindi naman sa ganoon Chairman, ngunit sana naman ay binigyan niyo muna ng isa pagpagkakataon ang anak ko bago niyo siya tuluyang paalisin. Ni hindi niyo nga siya kinausap muna kung bakit niya iyon nagawa?” Tila nagpipigil ng emosyon ang doctor.
Ayaw din nitong maisip ng chairman na kinampihan nito ang sariling anak.
“Naiintindahan ko ang nararamdaman mo sapagkat isa rin akong ama. Masyado mo kasing inispoiled ang batang iyon. Wala ng maibigay kundi ang sakit sa ulo. Imbes na pagtuonan mo ng pansin ang anak mo sa labas ay bakit hindi mo nalang pagtuunan ng pansin ang anak mong si Dr. Draven. Magaling siya at nakikita ko ang batang ikaw. Batid kong siya ang hahalili sa iyo pagdating ng araw. O mas sabihin mong ampon….” Tila may ibang ipinagkahulugan ang sinabing iyon ng chairman.
Sa narinig na iyon ay tila nag-aapoy ang pakiramdam ni Dr. Densel at hindi na nito mapigilan ang kinimkim na sama ng loob..
Nagulat din si Nurse Abby sa narinig na sabi ng Chairman.
Ang ibig bang sabihin ay anak sa labas ni Dr. Densel si Nurse Candee?
May bulong-bulongan dating nagsasabing, tumira sa ibang bansa ang buong mag-anak pagkatapos ng malagim na aksidenting kinasangkutan ng nag-iisa nitong kapatid na lalaki at buo nitong pamilya.
Pauwi ang mga ito galing sa medical misyon ngunit naaksidenti at wala ni isa man ang nakaligtas.
Mahal na mahal nito ang nag-iisang kapatid at kakambal kaya hindi nito matanggap ang nagyari.
Upang makalimutan ang nangyari ay nag-abroad ang buong mag-anak.
Mahigit limang taon din itong naninirahan sa States at pag-uwi ay may ipinakilala itong isa pang anak na babae.
Labis na nagtaka ang lahat sapagkat wala naman itong ibang anak na babae, maliban sa kambal nitong sina Draco at Draven.
Hinala ng iba ay nag-ampon ito doon ngunit may nagsasabi ding anak ito sa labas ni Dr Densel sapagkat hindi na maaring magkaanak ang asawa nito matapos maoperahan sa matres.
Ngunit pinili ng ilan na maniniwala sa huli sapagkat ni minsan ay hindi nito ipinaramdam kay Candee na ibang tao ito sa kanila at mahal na mahal nito ang asawa.
Hindi niya man nakita ang mukha ni Dr. Densel sapagkat nakatalikod ito mula sa kanyang kinaroroonan ay nababatid niyang nagpupuyos ito sa galit.
“Hindi ko akalaing naniniwala ka sa hersays Chairman? Paano naman napasok ang ganyan sa usapang ito? Ang sa akin lang ay dapat idaan natin sa tamang prosesso ang pagtanggal kay Nurse Candee. Hindi bilang ama niya kundi bilang isa sa mga superior niya. Ngunit nakakalungkot lang sa pagkakataong ito ay tila inalisan mo siya ng karapatang magpaliwanag at ipagtanggol ang kanyang sarili!“ Mahinahon ngunit ramdam mo ang galit sa bawat salitang bintiwan nito.
Biglang napatayo ang Chairman sa tinuran ng kausap at mas lalong sumiklab ang galit sa mukha nito.
Ang pagkakaalam niya ay matagal ng nagtatrabaho si Dr. Densel sa hospital na ito.
Simula ng magtatrabaho ito dito ay mula sa maliit at di kilalang hospital ay unti-unti itong lumago at kinilala ng bilang isa sa pinakaprestihiyosong hospital sa buong Pilipinas.
Isa rin sa mga stock holder sa kumpaning ito at top five sa pinakamalaking share holder sa buong kumpany. Ngunit nanatili itong direktor doon upang mapatuloy na masubaybayan ang buong pamamalakad ng buong establishemento.
“Ang lakas ng loob mong sabihan ako ng ganyan?! Hindi ba’t isa ang anak mo sa nakasaksi sa ginawang kawalang-hiya sa apo ko! Nakita ng lahat ng naroon ngunit ipipilit mo ang karapatan niya? Bakit di niya iyon inisip bago niya pagtaasan ng kamay at saktan pa! Ni hindi ko nga pinagtaasan ng boses ang apo kong iyon, eh saktan pa kaya ng kung sino lang. Ang ginawa ng anak mo ay nagpapakita ng kawalang galang sa akin! Kaya nararapat lang na sisantihin siya.” Malakas na singhal ng Chairman kay Dr. Densel.
Nagpupuyos sa galit at kawalang katarungan ang dibdib ng doktor ngunit hindi nito magawang lumaban sapagkat batid nitong hindi siya mananalo.
Tila ramdam din niya ang bigat ng pinagdaanan nito.
Mas lalong nagsumidhi ang kanyang damdaming ituloy ang kanyang pinaplano!
Hindi na sumagot si Doc Densel at nanatili itong tahimik habang kuyom ang dalawang kamao.
Nais sana niya itong lapitan at tulungang ipagtanggol sa chairman ngunit tila siya pinanghinaan ng loob.
Kilala niya ang chairman. Hangga’t wala kang dalang matibay na ebidensiya ay hindi nito mababale ang sariling disisyon.
Kailangan niyang magpakahinahon upang makapag-isip ng magandang paraan.
Hindi siya dapat padalos-dalos ng pagdisisyon.
Kaya ang binabalak na kausapin mismo ang chairman ay tila nalang inilipad sa hangin.
Maya-maya pa ay tumayo na si Dr. Densel at nagpaalam sa chairman.
“Mauna na po ako sa inyo chairman at may gagawin pa ako.” Magalang pa ring sabi ng doktor sa kabila ng pang-iinsulto natanggap nito mula sa chairman.
Hindi nag-aksayang sumagot ang chairman at sininyasan lang itong lumayas na mula roon.
Mabigat ang loob ng doktor na lumabas mula sa opisina ng chairman.
Natarantang bigla si Abby na kanina pa nakatayo at nakikinig sa usapan ng dalawa mula sa labas.
Nag-alala siyang makita siya roon ni Dok Densel at wala siyang magandang dahilan para magpunta sa lugar na iyon.
Agad siyang naghanap ng mapagtataguan at baka ano pang isipin ni Dr. Densel, sa oras na makita siya nito na nasa labas ng opisina ng Chairman. Baka magagalit ito dahil nankikinig siya sa pinag-usapan ng mga ito?
Wala din siyang maisip na maidadahilan kapag nagtanong ito sa kanya at baka mapagalitan pa siya nito.
Lihim niyang dalangin na hindi siya nakita o napansin ni Dr. Densel paglabas nito.
Nang tuluyang mawala niya sa tingin ang doctor ay napagdisisyunan niyang huwag ng tumuloy sa plano.
Batid niyang hindi rin makikinig ang chairman sa anumang sasabihin nito sapagkat sarado ang pag-iisip ng chairman kapag ang pinakamamahal na apo ang sangkot dito.
Ngunit nagkaroon siya ng pag-asa sa kanyang nasaksihan ngayon.
Kailangan niyang baguhin ng kunti ang plano.
Pakiramdam niya ay pumabor sa kanya ang pangyayaring ito.
Kaya kailangan niya lamang ng tamang tayming at tiyak niyang mas lalong magtatagumpay ang kanyang mga plano.
Ngunit pakiramdam niya ay may bahagi ng kanyang pagkataong tila nagsasabi ng hindi tama ang naisip niya?
Agad niya nalang isinintabi ang isiping iyon at muling nag-isip ng paraan.
Hindi niya kailangang gumamit ng ibang tao upang maisagawa ang mga balak niya.
Matagal na niya itong pinag-isipan pa.
Wala na siyang trabaho nganon dahil off duty na siya at kinabukasan ay day-off niya.
Kailangan niyang puntahan ang record room, kung saan nakalagay ang lahat ng mga CCTV sa buong facillities.
Batid niyang may di tama sa mga nangyari.
Sinasabing sira raw ang CCTV sa bandang VIP facillities at pati narin sa hallway na siyang pinakaimposibleng mangyari lalo na at sa mga VIP iyon.
Isa pa wala namang abiso na under maintenance ang lugar na iyon lalo na at mga importanting tao ang naroon.
Kaya nababatid niyang may kalukuhang ginagawa si Miss Jessica na ayaw malaman ng lahat.
Kailangan niyang puntahan ang record room kung saan nandoon ang mga CCTV upang masuri niya kung ano ang totoo.
Maghanap na lamang siya ng magandang palusot kung sakaling may makakita sa kanyang pumasok roon.
Mabuti nalang at kahit papano ay may alam siya sa computer dahil nag-aaral siya ng programming dati bago siya kumuha ng Nursing na course.
Pagdating niya doon ay sinigurado niyang walang ibang taong naroon bago siya pumunta sa lugar na iyon.
Kung mahagip man siya ng CCTV ay sasabihin niyang may nakaiwan siyang gamit sa loob nito ng magpunta siya rito kanina upang itanong kung bakit nasira ang CCTV.
Sinadya niyang iniwan ang kanyang ballpen upang kung sakaling tanungin siya ay may maidahilan siya.
Lihim nalang siyang magdasal na sanay hindi siya mahuli ng kung sinoman para wala ng problema.
Nang makapasok sa loob ay agad niyang isinagawa ang kanyang plano.
Laking pasasalamat niya at nagiging successful ang pagtransfer ng data at pagdelete ng ilang impormasyong makapagturo sa mga pinagagawa niya.
Bago paman siya makalabas ay narinig siyang masayang nag-uusap sa labas.
Patay malasya sana siyang lumabas ngunit natigilan siya sa kanyang narinig.
Kilala niya ang pinagmulan ng mga boses.
Si Damian ang may control sa room na ito at si nurse Leona. Ang pagkakaalam niya ay magkasintahan silang dalawa ngunit kailanman ay hindi umabot sa kanyang isipang magkasabwat ang mga ito sa kalukuhang naganap.
“Kung nakita mo lang sana ang mukha ni Nurse Candee kanina na parang lantang gulay ay tiyak na matatawa ka sa mukha niyang iyon darling.” Malambing na sabi sa kanyang kasintahan habang tumatawa ng nakaluluko.
“Akala mo kasi kung sino, napakataray pa, tanga naman. Kung hindi lang Direktor dito ang daddy niya ay tiyak hindi makakapasok sa lugar na ito ang isang iyon. Napakaboba talaga ng isang iyon! “ Dagdag pa nito.
Akmang susugurin na niya ito dahil nainis siya sa mga pinagsasabi gayong walang masamang ginawa sa kanila si Candee.
Oo nga’t mataray si Candee at hindi palakaibigan sa mga kasamahan nila dito dahil tahimik lang ito at madalas mag-isa ay mas madalas itong hinahanap ng mga pasyente.
Napakagaling at napakabait kasi na nurse ni Candee lalo na sa kanyang mga pasyenti. Matapang din ito at hindi hinahayaan ang sinumang maagrabyado at may mang-aagrabyado.
Hindi niya akalaing bigyan ng masamang kahulugan ang mga iyon sa mga kasamahan nilang makikitid ang mga isip.
“Ang talino kasi ni Miss Jessica. Ang galing ng naisip niyang paraan at napatalsik agad si Candee ng walang kahirap-hirap. Kahit direktor ang ama niya ay wala itong nagawa upang pigilin siyang paalisin.” Natatawang sabi pa nito.
“At ang talino mo rin darling, agad mong nagawan ng paraan ang CCTV upang walang makuhang ebidensiya.”
Hindi na nakapagpigil pa si Abby sa mga narinig niya mula sa dalawang magkasintahan.
Sabi pa nga ba, at ang lakas ng kutob niyang may hindi magandang ginawa si Jessica.
Kaya pala bago siya tinawang ng superior nila upang utusan si Nurse candee na pumunta sa VIP room gayong hindi ito ang nakatuka sa mga oras na iyon ay nakita niyang tila may ibinulong sa superior si Nurse Leona.
Ang sama ng mga ugali.
Hindi niya mapapalampas ang mga kawalang hiyang ginawa nila kay Candee.
“Sabi ko na nga ba’t may kalukuhan kayong ginawa.” Biglang sumbat niya sa dalawa.
Nakita niya ang pagkataranta sa mga mukha nito.
“A-anong ginagawa mo dito? Bawal kang pumasok dit ah!” Matapang na sabi sa kanya ni Damian.
“Kung bawal ako dito, ano namang ginagawa ng isang iyon dito? Batid niyong bawal ang ginagawa niyo lalo na sa oras ng trabaho. Kinuha ko lang sana yung ballpen kung naiwan pagpunta ko rito kanina ngunit sadyang may plano ang itaas! Upang mabunyag ang kalukuhang pinagagawa ninyong dalawa.” Matapang niyang sabi.
“Pag-usapan natin ito ng maayos Nurse Abby.” Natarantang sabi ni Damian sa kanya at tumango naman si Nurse Leona.
Agad niyang hinawakan sa kamay si Nurse Leona at hinila ito palayo doon.
“S-saan kayo pupunta?” tarantang tanong sa kanya ni Damian.
“Subukan mo kaming sundan at iwan ang trabaho mo upang wala ka na talagang babalikan pa.” Banta niya rito. Hindi ito maglakas loob na sundan sila lalo na at wala itong kasamang nagbabatan roon.
Walang nagawa ang dalawa kundi ang hayaan siyang hilahin si Nurse Leona.
Agad niyang dinadala sa room kung saan naroon si Jessica.
Pagdating niya doon ay nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng mga naroon.
Hindi nito inaasahang naroon siya.
Naratnan niya sina Jessica at ang yaya nito.
Nababakas ang labis na pagkagulat ng makita siya.
Hindi siguro inaasahan ng mga itong buhay pa siya at sa ganitong pagkakataon uli sila magkikita.
Nataranta din ang mga ito ng makita ang kasama niya.
Siguro ay kahit papano ay natatakot ang mga itong mabunyag ang mga kalukuhan nito.
“Ano bang ginagawa natin dito Nurse Abby? Nakakahiya kay Miss Jessica at baka masisanti tayo dahil inistorbo natin ang pamamahinga niya.” Takot na takot at halos nagmamakaawang sabi sa kanya ng kasmahan, ngunit hindi siya nagpatinag.
“Ang lakas naman ng loob mong sumugod dito? Hindi ka ba natatakot at baka masisanti ka sa ginawa mong ito?” Dagdag pa nito.
Agad na sininyasan ni Jessica ang yaya na palabasin si Nurse Leona at naiwan silang dalawa sa loob ng kwarto.
Puno man ng pagtataka ang kasamahan niya sa naging reaksiyon ni Miss Jessica pagkakita sa kanya ay walang lakas loob na magtanong pa.
Umayos ng pagkakaupo ang dalaga at sininyasan siyang paupoin sa pakanting upuang kaharap nito.
Agad naman niyang ginawa ang sinabi nito.
“How are you? Hindi ko akalaing sa ganitong pagkakataon magkikita tayong muli?” May pag-alala sa sinabi nito.
“Bakit di mo sinabing dito ka na pala nagtatrabaho? Matagal kana ba dito? Bakit hindi mo sinabi sa akin na dito ka na pala nagtatrabaho!” Dagdag pa nito.
“Huwag mo na akong dramahan pa, kilala na kita. Hindi mo na ako maluluko pa. Huwag ka ng aastang may concern kapa sa akin kasi batid nating dalawang wala kang ganyan!” Walang gatol niyang sabi.
Doon din ay dahan-dahang nawala ang pag-alala sa mukha ng kaharap at napalitan ito ng pangungutya.
“At mukhang matapang kana pala ngayon ah! Akalain mong lalaki ng ganoon ang sungay mo” Tumawa pa ito ng nakakaluko.
“Hindi ko hahayaang gagawin mo uli ang ginawa mo sa akin.” May sakit na nararamdaman ng maisip niya iyon.
“Hindi ako papayag na may inosenting tao na naman ang sisirain mo ang buhay dahil sa ayaw mo sa kanya.” Dagdag pa niya.
“At sino ka naman para bantaan mo ako? Wala ka nga sa kalingkingan ko? Hindi na natin kailangan magkunwari pa. Kung ako saiyo ay tumahimik ka lang kung ayaw mong madamay ka pa.” Puno ng pagbabantag sabi pa nito.
“Sadyang kilala mo na talaga ako. Pero ano pang magagawa mo sa akin? Hindi mo nga kayang hawakan ni isa mang hibla ng buhok ko magpapakahero ka pa ba?” Buong pagmamalaking dagdag pa nito.
Bigla siyang napatahimik. Batid niyang wala siyang kalaban-laban kay Jessica.
Ngunit kailangan niyang mag-isip kung paano ito mapapasuko.
“Bakit mo ba ito ginawa kay nurse Candee? Ni hindi ka niya kilala at ngayon lang kayo nagkikita?” Naguguluhang tanong niya, lihim na umaasang makahanap ng kasagutan.
Bigla itong napatawa ng malakas.
“Ano nga bang ginawa niya sa akin? Siguro ay nasa kanya na lahat at di na niya kailangang mag-effort pa upang makuha ang mga bagay na gusto niya? O kayay hindi ko lang siya talaga gusto?” Nagmaang-maangang sabi nito.
“Talaga ba?”
“Talaga…”
“O sadyang insecure ka sa kanya dahil kay Alex…..” Wala sa loob na sabi niya.
Nakita niyang na-off guard ang kaharap at agad napatayo.
“Bakit naman ako mainsecure sa kanya? Ano bang alam mo? Sino ka ba sa akala mo?” Naiinis na sumbat nito.
Nganon ay nabatid na niya kung ano ang dahilan.
“Binabalaan kita. Tigilan mo si nurse Candee. Wala siyang alam tungkol sa inyo ni Alex at lalong wala siyang masamang ginagawa saiyo para iframe-up mo siya ng ganito.May hawak akong ebidensiyang nagpapatunay na walang kasalanan si Nurse Candee? Kapag hindi mo siya ibinalik sa trabaho niya ay malalaman ng lahat ang totoo mong kulay.” Seryoso niyang sabi.
Mataman siya nitong tinitigan na para bang sinusuri kung gaano siya ka seryoso sa sinabi nito.
“At ano namang ebidensiya iyan? Sa tingin mo ba ay ang sinasabi lang ng mga walang kwentang mga iyon ay paniniwalaan ni Chairman? Mag-isip ka nga! Hindi ka na bata at alam mong kahit ano pa yang ebidensiya mo ay tiyak kaya kong baliin upang mas lalo kang katawa-tawa at mapapahiya. Alam mo namang lahat ng sasabihin ko ay paniniwalaan ni Lolo.” Mayabang nitong sabi.
May katutuhanan ang mga sinabi sa kanya ni Jessica at tiyak na mas lalo lang siyang mapapasama nito.
“Kaya kung ako saiyo ay manahimik ka lang at huwag na huwag mo na uling banggain ako kung nais mong manatili pa dito, losserr..” Dagdag pa nito.
Nanahimik na lamang siya dahil batid niyang hindi pa ganoon katibay ang ebidensiya niya.
“Hindi ako nagbibiro saiyo, Jessica at hindi ako natatakot saiyo. Kahit kampi mo pa ang chairman tiyak na mapapabagsak ko rin kayo.” Hindi na niya napigilan ang sarili sa labis na inis sa kaharap.
Isang malutong at nakakalukong tawa ang pinakawalan nito. Puno ng pang-iinsulto.
Pinilit niyang magpakahinahon sapagkat hindi pa ganoon katibay ang nakuha niyang ebidensiya upang patunayan ang kawalang kasalanan ni Nurse Candee.
Pinili niyang umalis ng tahimik kahit patuloy niyang naririnig pa ang mapangutyang mga titig at halakhak ni Jessica.
Ngayon ay wala na siyang ibang choice upang putulin ang malaking sungay nito.
Kailangan niya ng kakampi at dapat gawin na niya ang matagal na sanang dapat niyang gawin.
Hindi na siya magpapasindak pa sa mga taong nang-api sa kanya. Hinding-hindi na siya papayag na may isa na namang buhay ang masira dahil sa kawalang-hiya ni Jessica.