PAGDATING sa bar ay nagpaiwan na si Macy sa counter. "Dito na lang ako. I want to relax." Agad na sabi ni Macy. Naalangan man ay pumayag na rin si Dax. Naisip niyang baka maboring lang si Macy sa office dahil may pag uusapan sila doon ng business partner niya. Hindi naman rin siya magtatagal kaya pumayag na siya. "Please assist her!" Sabi ni Dax sa bartender na nasa counter. Inalalayan siya ni Dax na umupo saka nito tinungo na ang office. "Piña Colada, please!" Sabi niya sa bartender na naghihintay na ng order niya. Naalala niyang may alak sa event kanina pero hindi siya nakainom dahil busy siya sa palakad lakad nang ipakilala siya ng Mom ni Red sa mga bisita. Naisip niyang mabuti na rin at tinakas siya ni Dax. May point rin naman ito sa sinasabi niyang kalokohan na ipakilala siyang f

